Chereads / Loving Gabriel / Chapter 3 - Tempted

Chapter 3 - Tempted

BUSANGOT ang mukha niya habang nakasunod sa akin. Habang ako ay tahimik lang na nagpuputol ng ilang malakas at mataas na talahib na madadaanan namin. Hindi sana ako papayag kanina pero dahil pinilit ako ni Nanay ay wala rin akong ginawa. Walang magbabantay sa kanya pero ng sinabi niyang kayang kaya niya dahil papapuntahin niya si Aling Mylene doon ay doon pa napanatag ang kalooban ko. Si Aling Mylene ay ang kaibigan niyang matalik dito sa Sitio at mas gumagaan ang loob ko kapag siya ang kasama ni Nanay.

"Aren't you gonna say something?" Tanong ni Gabriel sa akin sa ilang oras naming pananahimik. Napahinto ako at nilingon siya.

Wala ako sa sariling umiling. Wala namang dapat sabihin.

"Aren't you gonna mock me?" Tanong niya ulit.

Umiling ulit ako.

"Nasaan ang dila mo?" Maanghang niyang saad, mabigat na ang bawat buga ng hininga.

I arched my brows. Hindi na siya nilingon.

"Nasa bibig ko po, Sir." Mabilis kong sagot at mabilis na naglakad. Nakakapanghina ang bawat hakbang dahil pataas na ng pataas na ang bawat nilalakaran naming talampas. At kung mabagal kaming maglalakad ay hindi namin maabot ang bundok sa inaasahang oras at araw.

He muttered some curses again. Hindi ata matanggap na nahuli ko siya at sa nakakahiyang pagkakataon pa.

Men and their pride. Well, ang mga babae rin naman ay ganoon. Sadyang minalas lang siguro siya ngayon dahil nahuli ko nga siya.

"Huwag kayong mag-aalala, Sir. Hindi ko sasabihin sa kanila ang nangyayari ngayon." Seryoso kong saad sa kanya at mas nilakihan pa ang bawat angat ng paa ko dahil sa batong nakaambang sa harap namin.

He just ignored what I said.

"Damn! I can't believe this." He muttered again on his self.

Huminto ako nilingon siya ulit. Kunot ang noo at salubong ang mga kilay ng mag-angat siya ng tingin sa akin. His gorgeous face covered all the darkness he has for his self. His black cap was hooding his face which make him more handsome to my eyes. Hindi ako marupok, sadyang marunong din akong tumanaw ng magandang tanawin.

Marupok nga! Kastigo ng isip ko.

I mentally rolled my eyes at myself.

Inuuhaw na ako pero hindi pa pwedeng uminom dahil mas lalo lang akong mapapagod. Hindi pwede ngayon dahil baka maubos pa ang tubig na dala ko, wala pa naman akong nakikitang mapagkukunan ng tubig dito. Walang malinis na batis at walang punong maaring kunan ng tubig din.

"Why are you wearing like that?" Tanong niya sa akin habang pinapasadahan ako ng tingin.

Wala sa sarili akong tumingin sa suot ko. A hiking short and an army spaghetti strap top paired with my flat hiking boats. Nakapusod ang mataas kong buhok habang nakapurong sa aking ulo ang malaking panyo na dala ko. I don't used cap, mas lalo akong maiinitan at madaling uhawin. May dala din akong hindi kalakihang army bag para lagyan ng jumpsuit ko at iba pang kakailanganing kagamitan sa paglalakbay namin.

"A hiking attire?" Sagot ko ng patanong.

What's wrong with my attire?

May dala rin akong hindi kalakihang itak. My arrow and bow and my small aluminum water refiller.

"You aren't even covered?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit parang ang daldal niya ngayon? Hindi naman siya ganito kahapon at kanina.

"Aakyat po kasi tayo ng bundok. Mas mainam na ito dapat ang suot para hindi madaling pagpawisan at uhawin." Sabi ko sa kanya.

He rolled his eyes while adjusting his duffel bag at his back. May malaki ding rolyo ng lubid ang nakapulupot sa katawan niya at mas lalo siyang naging matikas tingnan dahil doon. Tinitigan ko siya, hindi naman siya naghihirap sa dinadala. Siguro nga ay palagi na niya itong ginagawa.

Ang suplado niya talaga.

Ang gwapong suplado niya, ang lakas ng trip niya ngayon.

"Don't move!" I shout at him immediately when I notice something on the branches of the trees near beside him.

Nagulat siya sigaw ko. Mabilis at hinay hinay kong kinuha ang arrow at bow sa likod ko. Without a second thought, I aimed the target's head and let go the arrow with a fast speed.

"W-what the f--?" Hindi niya natuloy ang sinabi niya dahil mabilis akong pumunta sa likod niya para siguraduhing natamaan ko ba.

"What the hell was that?! You almost killed me, woman!" He yelled at me.

Umiling ako at nakitang nangingisay pa ang ahas na natamaan ko. Agad ko siyang nilingon at pinakita sa kanya ang tinamaan ko.

Nanlaki ang mata niya sa nakita. I saw him stilled but later on, he found his calmness again.

"Fuck!" He cursed making me looked at him again.

I don't like him cursing but if it's the only way to take out his own frustration, I won't dare to stop him. He looks like a baby dragon when his mad. Hindi naman kasi siya nakakatakot kung magalit. Sometimes, I felt scared but I also find him cute. And I don't know why I'm saying this.

Now, I wonder what's going on in his mind. I saw him brought down his bag and get his own water. Without even thinking, he drinks without breaking his eye contact on me.

Ako na mismo ang nagbaba ng tingin ng hindi nakayanan ang titig niya na parang kakatayin ako. He's really pissed. But why? I just saved him!

"Here.." Abot niya sa akin ng isang restrainer. Umiling agad ako.

Akala ko galit siya.

"I have mine, Sir. Salamat na lang po." Magalang kong saad.

Wala siyang nagawa kundi ibalik iyon sa bag niya. Bumuga siya ulit ng hangin.

"How long are we gonna reach the mountain top?" Tanong niya habang papalapit na kinauupuan ko.

We decided to stop here for a moment. Matirik ang araw dahil pasado alas dose na. Magpapahinga muna kami ng ilang minuto bago maglalakad ulit.

"At this rate? We'll be there this night." Saad ko at pinaglalaruan ang dahon na nahablot ko.

Natahimik siya pagkatapos.

Nakakamangha kasing isipin dahil malakas din siyang maglakad. Walang reklamo at mabilis pa ang reflexes sa ibang bagay. Nang malapit ng mahulog nga ang bag niya sa bangin sa dinaanan namin kanina ay madali niya itong nakuha ng walang pag-alinlangan. He's really sporty. Wala na akong masasabi pa doon. Suplado lang talaga, kaya hindi ko masiyadong gusto ang ugali niya.

"For an educated woman, you are really different and I'm very tempted to know more about you." Seryoso niyang saad.

Natigil ako sa ginawa dahil sa sinabi niya.

"Hindi pa po ako nakapagtapos." I smiled after saying that.

Natigilan siya. "Why?"

"Tumigil ako sa pag-aaral dahil nagkasakit ang Nanay ko. Walang ibang mag-aalaga kaya wala akong ibang choice kahit pa kumuha ako ng trabaho habang nag-aaral. Gusto kong ako ang mag-alaga sa kanya, financial man o physical."

Tumango siya hindi na nagtanong pa. "So what's your course then before you stopped?"

"Architecture po."

Namangha siyang napatingin sa akin. "That's explained your beautiful modern house, huh?"

Tumango ako.

"Very talented and beautiful, so darn tempting." He murmured.

"Ano po iyon?" Tanong ko ng hindi ko marinig.

Umiling siya sa akin.

Lumipas ang ilang sandali ay nagdesisiyon kaming magpatuloy. Hindi na kami pa huminto at nagpahinga dahil hindi na naman siya nagrereklamo. Mahigpit na apat na oras din ang nilakad namin bago naabot ang tuktok ng bundok.

"It's really beautiful to be back here." Kaagad siyang nagsalita sa likod ko.

I sighed.

Agad kong kinuha ang tali sa buhok ko at hinayaang ang buhok kong sumasayaw sa bawat lipad ng hangin sa deriksiyon ko. Kanina pa ako pinagpapawisan at kailangan mahanginan ang buhok ko para hindi mangamoy ang ulo ko, mabuti na lang talaga at may sapa dito hindi kalayuan. Maliligo ako doon bukas ng umaga.

Nilingon ko siya at naabutang nakatitig din siya sa akin. My heart jumped when I stared back at him.

"Maiwan ko muna kayo dito, Sir." Paalam ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa akin. Malapit na ring maggabi at kung hindi ako magmamadali, wala kaming makakain ngayon.

"Where do you think you're going?" Malamig niyang tanong.

"I'll hunt as a wild chicken in here." Saad ko sa kanya.

Napalitan ang ekspresiyon niya ng hindi ko maipaliwanag na ekspresiyon din. His broad shoulders immediately spread like an eagle when he put his hand on his waist.

"You really never ceased to amaze me, huh?" Tanong niya sa akin.

Ano? Hindi ko nasundan ang sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan.

He chuckled. That's new!

"I brought foods here. Marami naman ito, hindi mo na kailangan pang umalis. It will be enough for us until tomorrow." Seryosong saad niya at nagsimula na niyang inayos ang tent.

Hindi ko na siya tinulungan pa dahil madali naman niyang naassemble ang kabuuan.

"So, I supposed we could enjoy this beautiful view tomorrow then." He concluded. Tumango ako. Hindi na nagsalita pa at hinayaang siya na lang. Ayaw kong maging kampante sa kanya hindi dahil sa lalaki siya dahil kaya ko namang pangalagaan ang sarili ko kung sakali man. Sadyang ayaw ko lang talaga dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kapag malapit siya.

My heart beats faster than its normal speed and I don't really like it. Natataranta ako.

"Kukuha nalang po ako ng ilang patay na kahoy." Sabi ko at hindi na hinintay ang sagot niya.

Mabilis akong nakahanap ng mga kahoy. Mabuti nalang talaga at tagtuyot ngayon, minsan lang kong umulan dahil baka wala kaming apoy na malilikha mamaya. Nang sa tingin ko ay tama na ang nakuha ko ay bumalik ako kaagad dahil dumidilim na rin ang paligid.

The light from the tent helps me come back to my track.

Pabagsak kong binitawan ang mga kahoy. Nilingon ako ni Gabriel.

"Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap." Agap niyang saad kaagad sa akin. Madilim ang mukha at parang galit.

"Nagpaalam po ako sa inyo kanina, Sir."

Umiling siya. "I didn't hear it. Next time, you must be sure that I heard everything you said, understand?"

I hate to be dominated but I've got no choice right now.

"Makakaasa po kayo, Sir."

He groaned. Did I do something wrong again?

"Quit calling me 'sir'. I hate it." Matalas niyang saad.

"Okay po."

"Cut the 'po' word. Matanda nga ako sa iyo pero hindi naman dapat ginagamitan ng ganyang salita. It makes me look old."

I lazily nodded. "Okay, Gabriel.."

I felt him stiffened.

"Yeah. That's better." He then exhaled sharply.

He then held my hand which caught me off guard. His hand was a bit rough but soft. Taliwalas sa akin na magaspang at siguro maraming kalyo dahil sa mga pinanggagawa at trabaho ko.

"T-teyka, Gabriel." Halos hindi ko mahabol ang hininga ko dahil sa kaba. Mahigpit ang hawak niya at nangangamba ako kung ano ang kaya niyang gawin.

"Relax, babe. We are just going to eat." Seryosong saad niya sa akin habang pinapaupo ako sa isang malaking kahoy.

B-babe? Halos masamid ako at abot abot sa tenga ang kaba ko sa tinawag niya sa akin. I knew his reputation when it comes to girls. Alam na alam ko dahil sa mga sinabi sa akin ni Teryang. He's known because he's not just handsome and rich but he's really good when it comes to romancing a girl leaving them broken and lost. Ayaw na ayaw ko sa ganyang mga lalaki. I don't need a man that will only hurt me.

I don't want to assume that he likes me just because he called me names like that. Babaero talaga ang lalaking ito at nasasanay na siguro sa ganitong mga galawan.

Wala akong imik. Nakakapanghinayang lang kasing isipin dahil kung liwanag ang pag-uusapan ay may dala naman pala siyang dalawang emergency light. Hindi naman masiyadong maginaw kaya hindi na kakailanganin ng karagdagang apoy. Mas maganda nga iyon para wala kaming atensiyong makukuha galing sa mga ligaw na hayop dito. Animals in this jungle were so savage. Kaunting karne lang ang nakikita ay sinusunggaban kaagad. Kaya kailangan naming maging maingat lalo na at may nakikita din akong mga ligaw na uso kanina.

Why do I felt like I am just a tour guide today? Kahit mang isipin na kanina, bago kami pumunta dito, ay napag-isipan ko na talaga ang dapat gawin. I will hunt and he will hike. Iwan ko ba, nasasanay na ako sa buhay bukid. Minsan nga ay sinusuway ako ni Nanay at ni Aling Mylene dahil kababae kong tao ay ganito ang mga ginagawa ko. They can't blame me I'm just twenty one years old. I love adventures. Hiking and hunting, I love all of them. Siguro dahil nasanay na ako simula ng dumating kami dito. Sumusunod kasi ako sa ibang turistang naghihiking noon at hanggang sa nakasanayan ko na ay may kumukuha na rin sa akin bilang tour guide kalaunan.

Inabot niya sa akin ang isang aluminum na lalagyan. Kinuha ko iyon ng walang pag-aalinlangan.

"Salamat." Sabi ko sa kanya.

Nang binuksan ay kaagad akong natakam sa laman. Hindi ko alam kong anong klase itong pagkain dahil pangmayaman.

I closed my eyes and state my prayer first. Nakasanayan ko na ito bago kumain.

When I opened my eyes, I saw him looking at me. Agad kong naramdaman ulit ang kaba sa aking dibdib.

"B-bakit?" I stuttered.

Umiling siya at parang hindi makapaniwalang bumalik ang tingin sa kanyang kinain.

Tumikhim ako bago sumandok.

"How long have you been doing this?" Tanong niya bigla sa akin.

Napatingin ako sa kanya.

His eyes are like hawk crawling to the deepest hollow of my being. Kahit sa ganitong anggulo ay napakaganda pa rin niyang tingnan, walang kapintasan.

I churned up the food on my mouth. I swallowed it first before answering him.

"I have been doing this since I was just ten years old. Kung tamang iisipin ay mahigit labing isang taon ko na itong ginagawa." I said honestly to him.

He smirked as if he finds everything amazing.

"Never have I met someone like you in my twenty seven years of existence." His baritone voice said.

Kumunot ang noo niya. "You are really different. It makes me wonder…"

Hindi ko alam kong masasaktan ako sa sinabi niya o sasaya. I felt offended by how he kind of differentiates me from the other girls he met before. I know I'm not that too high when it comes to my social stands, but hearing him makes me so lost and I wandered too, why.

Mabalis kong tinapos ang kinain ko habang siya ay nakamasid lang sa akin. Kung may mas papait pa sa lasa sa bawat subo ng kanin sa bibig ko ay mas mapait talaga ang nararamdaman ko. The bitterness is seeping throughout my sysem.

Sanay na ako sa mga taong nakikita ang pagkakaiba ko at nang Nanay ko. But hearing it from him makes everything on me lost.

"I'm not like you, Mr. Zegarra. Hindi ako nabuhay na galing sa marangyang buhay. But I can assure you, I am really perfectly different from your girls, women…" I paused. Nakita ko siyang bahagyang nagulat sa sinabi ko. I'm calmed but there is a rampage going on in my heart and my mind. "And I am proud to claim that I'm different from them."

Tinakpan ko ang baunan at mabilis kong inilahad sa kanya.

"Maraming salamat po."

Hindi niya alam kung ano ang gagawin. He looks shocked at what I said.

"T-that's not what I meant." He said trying to enlighten me.

Tumango na lang ako bilang pag-sangayon sa sinabi niya. Dahil sa ngayon kung papatulan ko siya ay baka hindi maganda ang balik ng salita ko sa kanya. I have no forges for myself for anybody else who wanted to hurt me. And what weapons they have for me, I know I'll overcome it. All the pain in the world will not help you find something that does not exist. That's what I've learned from everything.

"Matutulog na po ako." Magalang kong saad sa kanya.

Tumango siya. "You'll be on the left side." He sighed.

I arched my brows. "Left?"

Tiningnan niya ako. "Where else do you wanna sleep then?" Suplado niya namang tanong sa akin.

"Sa labas po?"

Mas lalong naniningkit ang mata niya. Tumayo siya at mabilis na nakalapit sa akin. His hooded eyes were directly staring at me. I felt his raging breath like a bullets targeting me.

"Why do you always answered me with another question, huh? You like mocking me, do you?" He said. Mas lalo pa niyang inalapit ang mukha sa akin kaya napaatras ako.

"H-hindi po."

I saw him stilled and his eyes were fixed on my lips directly. I bite my lips unconsciously.

He gulped.

His dumped hair swayed when the wind caressed his face. I almost gaped openly because of the sight.

"Damn it! Stop biting your lips!" Sigaw niya sa akin.

Namilog ang mata ko sa inasal niya.

Ang bipolar niya, sobra! Agad agad na lang nagagalit. Ano bang pakialam niya sa gagawin ko? It's my body! What is it have to do with him?

Hindi pa nag-iilang segundo ay marahas niya akong tinalikuran at wala akong nagawa ng tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Susundan ko sana siya pero kaagad ko siyang nakitang bumalik. Bawat hakbang niya ay galit nag alit.

He slightly glanced at me. He then turned his head on his bag and gets some things in there. Kinuha niya iyon at kaagad na naman akong tinalikuran.

"Saan ka pupunta, Gabriel? Delikado na kong aalis ka pa rito." Nag-aalala kong saad.

Alam kong marami siyang kaalam sa paghihiking pero hindi ko maiwasang mag-aalala para sa kanya.

"Shut up." Malamig niyang sabi sa akin.

I sighed. "Gabriel.." I called him in my calmest tone. And when I say calmest, I'm being mad, so mad.

"I just have to get away from here."

Naguguluhan akong tinitingnan siya. "H-ha?"

"Such a tempress. I'm so damn fucked up." I heard him murmured again but I didn't hear it.

Wala akong nagawa ng umalis nga siya ng tuluyan. Kahit ako ay naiinis na sa kanya.

I sighed, again.

Kapag ako nainis sa iyo, Gabriel! Makikita mo!