PIGIL na pigil ko ang aking sarili na huminga. Pabilis na pabilis na rin ang tibok ng puso ko at kahit anong pilit kong tangkang pagtulak sa kanya ay hindi siya natitinag. Ilang humpas ng pagtibok ng puso ko ang pilit na kumakawala sa aking dibdib.
"No!" Iniwas ko ang aking mukha mula sa kanya. "Gabriel! No!" Hindi siya natinag bagkos ay pilit niyang hinahabol ang mukha ko at mabilis na hinaklit ang damit ko para mas mapalapit sa kanya. Sa paghaklit niyang iyon ay nasira ang aking pantaas.
He immediately kissed me savagely again without minding my tears.
Hawak niya ang aking beywang at ang kanyang kanang kamay naman ay hinila ang buhok ko upang mas lalo akong mapatingala sa kanya. Napasinghap ako dahil sa sakit. Mabilis niya akong napasunod at mas lalo niyang pinalaliman ang halik niya sa akin. I could even felt his tongue pushing me to open but when I didn't, he bites my lips.
"Ah!" I shouted because of the pain.
Umangat ang kamay ko para suntukin siya pero agad iyong nabitin sa ere nang mismong ang malaking kamay niya ay hinuli iyon at pabalya itong binitawan. My face crumpled in pain when I hit the edges.
Muli ay nilakumos niya ako ng halik habang ang kanyang mga kamay ay naglalandas sa aking tiyan pababa. Halos lunukin niya na ang aking labi dahil sa marahas na paraan ng paghalik niya. My lips feels so numb because of the brutal kisses he's giving to me. Bawat halik ay mapagparusa at madiin na madiin na nakalapat ang mga labi niya sa akin. Lumandas ang luha sa aking pisngi ng maramdaman kung walang ingat niya akong pinangko sa lamesang malapit lang sa amin na ikinaigik ko.
Takot na takot ako ngayon at nanginginig na rin ang buong katawan ko. Anong ginagawa ni Gabriel?
Napayuko ako ng wala sa oras ng marahas niyang hinila ang dalawang paa ko kaya halos manlamig ako ng muntik na akong mahulog. Pero mabilis niyang nahuli ang beywang ko at padabog na naman akong inilagay ulit sa ibabaw ng mesa.
I felt his heat insulating towards my body. Nang tiningnan ko siya, nakangisi ito habang may nakakakilabot na ngiti sa kanyang labi. He looks like he's not Gabriel anymore. He looks like a devil expelled from the heaven. My hands were even trembling in fear as I saw him in this state. Gabriel's dark eyes wondered over me and I can't help to felt so scared. Hindi na rin mapirmi ang kamay niya at pinanggigilan ang hita ko. Hindi ko na siya makontrol.
I can't take this anymore.
"Gabriel!!" I screamed to the top of my lungs and with all the strength that have left with me, I pushed him so hard.
Quickly, I felt like it caught him off guard. Ang madilim niyang mga mata ay agad nanlambot ng makita ang ayos ko. Inangat ko ang kamay ko at mabilis iyong itinabon sa aking mukha ng hindi ko na nakayanan. Nanginginig habang umiiyak.
"Putangina!" I heard him cursed after a minute.
Naramdaman kong kaagad siyang lumapit sa akin at hinapit ako sa isang mahigpit na yakap. Wala akong nagawa kundi ang umiyak. I was beyond petrified and scared. Never in my life I'd thought that he will do this to me.
"Hush, baby." He hushed me. "Fuck!" He muttered loudly again.
Umiyak lang ako. "I---I trusted you, Gabriel." Hinihingal kong sabi sa kanya.
My heart twisted in pain everytime I close my eyes and remember what he did to me. Para akong pinagbagsakan ng ilang patalim sa langit dahil sa ginawa niya.
Another tear rolled down my cheeks. "Y---you almost raped me." Hindi ko makapaniwalang saad sa kanya. "Ikaw ang kauna-unahang lalaking gumawa sa akin ng ganito."
Wealth.
Fame.
Power.
That's all Gabriel has in this world.
An unparalleled model of perfection…
He's a man with a pride that withstand like a storm. Quite the opposite, he is handling his madness with expertise. Kanina ay halos hindi ko siya nakilala. Though my hopes are high that he will stop, but not this time. Umiigting ang panga niya at nagbabaga ang mga tinging iginagawad sa akin. Bawat marahas na haplos niya sa akin ay nakakapanghina at nakakatakot.
Screaming will be my last resort to stop him because if I didn't try my luck earlier, something might happened. At sa pagkakataong iyon, baka ay bumigay ako kahit man nasasaktan.
Totoo nga ang sinabi ni Terry sa akin. Hindi mahirap mahalin si Gabriel dahil magigising ka na lang isang araw ay hinahanap mo na siya palagi sa tabi mo. At natatakot ang puso ko para doon. All 'what if's' are present on my mind. I can't take chances. I can't risk. Lalo na't ang mga tipong taong katulad ni Gabriel ang pilit na kinasusuklaman ko.
"Let go, Gabriel." Malamig kong saad sa kanya ng mapansing mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
Ang kanyang bango ay humahalo na sa aking balat at mas lalo akong nasasaktan para sa sarili. Pilit kong kinukubli lahat at ang mga ginagawa niya ay hindi nakakatulong para sa akin.
Umiling siya. His light kisses immediately spread to my hair.
Mapait akong ngumiti. "Please, Gabriel. Hindi ko kayang manatili dito. Uuwi pa tayo ng mansiyon." Mahinahon kong sabi sa kanya.
Bumuntong hininga siya at unti unti ay pinakawalan ako. Ang kanyang mga mata ay nakatuon lang sa akin. Impit akong napahiyaw ng tumulo na naman ang luha sa aking mga mata. Despite the pain I'm feeling, I take off the scarf that was wrapped on my waist. Nanginginig ang kamay na tinanggal ko iyon habang nararamdaman ko ang mainit niyang titig sa akin.
"Fuck!" Malutong na mura niya ulit. "Fuck! Fuck!"
Napahilamos siya sa kanyang mukha at mabagsik niya akong tinalikuran. Sinipa niya ang couch malapit sa kanya. Lumikha ito ng ingay kaya napatingin ako roon.
Mabilis kong ibanalot sa aking katawan ang scarf na dala ko. Mabuti na lang talaga at dinala ko ito ngayon.
Pabalik balik siyang naglakad sa harapan ko ilang segundo ang lumipas. Nang huminto siya ay mabilis akong nilapitan. Hinawakan niya ang aking mukha at inilapit niya ang kanya sa akin.
"I'm so sorry, baby. I'm sorry." He said and then held my hand and kissed it all over again while saying sorry to me a couple of times. "Damn! Hindi ko kayang patawarin ang sarili ko, Tamina."
Nagulat ako ng hindi siya huminto.
"G--gabriel…" Alanganin kong tawag sa kanya.
"This is fucking my fault, baby. I didn't really mean to hurt you."
Napikit ako ng wala sa oras. Huminga ng malalim at tinitigan siya ng walang pangamba.
"B-bakit ka ba kasi nagagalit?" Tumikhim ako. "G-ganito ka ba lage kapag nagagalit, Gabriel?"
Lumunok siya habang nakatitig sa akin. Namumungay ang mga mata at bakas ang pagsisi doon. His eyes look pained too, but why?
"Disorder." He coldly answered then withdrew his stares on me. Napayuko siya na tila nahihiya sa sinabi. Mas lalong kumuyom ang mga kamao niya nang mapadako ang tingin ko doon na para bang nagpipigil na naman ng galit.
Natahimik ako sa sagot niya. How could he have such disorder?
He sighed. "It's a disorder that I had since I was just a child. I don't know when it bloody start but every time I was triggered, I go berserk and cause havoc to those who's around me."
Nakuha niya ang atensiyon ko. Hindi ako nakapagsalita.
"What you just saw, my Tamina…is the monster I've been hiding all my life." Napapalatak siya pagkatapos. "Ginawa ko lahat. I've been with many experts therapist my whole life. Habang tumatagal, mas lalong lumalala."
"G-gabriel…."
Umiling siya. "Don't pity me, babe. Because that's the last thing I want from you."
"Hindi kita kinakaawaan, Gabriel." Napatigil siya sa sinabi ko. "What you did to me was really scary. Aaminin ko ang bagay na iyon at dapat mong tanggapin na kasalanan mo iyon. But your life will never stop there. So stop blaming yourself before I blame myself for judging you."
"Baby, it's not easy. You see, I almost---Fuck!" Hindi niya matapos ang sinabi at hinampas ang lamesang kinauupuan ko. "Psycho only did those kinds of things."
Hinuli ko ang mukha niya at pilit na pinapantay sa akin. Agad ay bumaliktad ang pananaw ko sa kanya dahil sa nalaman.
"Why can't you see the whole picture, Gabriel? Stop blaming yourself! Alam mo ba kung anong kulang sa iyo?"
Hindi siya sumagot sa akin. "Iyon ay ang tanggapin ang parting iyon ng pagkatao mo. Why don't you try to accept that side of yours, Gabriel?" Malumanay kong sabi sa kanya. "It's part of being who you are."
"You mean being violent?" He asked.
I almost rolled my eyes at him. "Lahat tayo ay nagagalit kapag mayroong maghahamon sa atin. Maybe for you, it all added up once you were triggered. Nakasanayan mo na siguro kaya kapag nagagalit ka ay palaging biyolente ang labas."
"Aren't you mad at me?"
I smiled at him. "Iba ang nagagalit sa nagtatampo, Gabriel."
Ngumiti siya sa akin. My heart then beat faster again. Paano ba iyan, kahit anong tampo o galit ko sa kanya ay nawawala lang na parang bola.
He then snuggled on me closely until our nose collides and our forehead touch. That was a sweet gesture.
"What would I do without you in my life now, babe?" Gabriel seriously said. "Saan na ako pupulutin ngayon kapag hindi mo ako sinagot nito?" He added.
The whole house was immediately filled out of my laughter after he said that. Gabriel will never be him if he will not say such naughty things in a day. Well, good for him. At least, he forgot what happened a while ago.
Ilang oras din pala ang tinagal namin sa bahay ng tumila na rin sa wakas ang ulan. Gabi na rin ng makaabot kami sa mansiyon. Nang makarating ay ang parehong nag-aalalang Don at Donya ang sumablubong sa amin sa bukana.
"Diyos ko! We almost called the police to file a search and rescue for the both of you, hijo. Bakit man lang kasi hindi kayo tumawag kahit ang isa man lang sa inyong dalawa?" Nag-aalalang saad ng Donya ng makitang para kaming mga basang sisiw. Palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa.
Honestly, it never came into my mind to call for a help. Siguro noong una ay oo pero nang magkausap kami ni Gabriel at nalaman ang tungkol sa nakaraan niya ay nagbago ang tingin ko sa kanya. Unti unti ay parang nakikita ko na kung ano at sino ang totoong siya.
I heard Gabriel groaned. "That was a little bit exaggerated, Lola. Hindi kami sa bangin o sa dagat nawala. Sumilong lang kami doon sa bahay na bago kong bili at hinintay ang pagtila ng ulan."
"Kung ganoon pala ay bakit umuwi pa kayo, hijo? Masiyadong lubakin ang daan at maputik ngayon lalo na at maulan. Sana ay doon na lang kayo nagpalipas ng gabi." Saad ni Don Martino sa apo.
Kumuha si Gabriel ng malinis na towel mula kay Nanay Breding na ipinahanda ng Donya Consuelto kanina para sa aming dalawa. When he was about to put the towel on my head, I immediately just get it to him. Baka mahalata kami ng Don at Donya. Wala pa namang pakialam ang isang ito. It's not that I'm afraid. Nahihiya akong pinagsisilbihan ng apo nila sa mismong harap nila.
Agad namang nag-abot sa akin si Nanay Breding ng isang na tsokolate na inumin na umuusok pa dahil sa init nito.
"Parang kasalanan ko ang nangyari sa iyo, Tam. Kung hindi sana kita pinapunta ng palengke.." Nanay trailed off guiltily.
Umiling ako habang pinapakiramdaman ang init mula sa tasa.
"Nay, wala pong may kasalanan. Ligtas naman po kaming nakauwi at iyon ang mahalaga." Hinagod ko pa ang kanyang likod.
Ngumiti siya sa akin at tumango bago pinuntahan si Gabriel.
"Nah, I don't want that, Nanay. I need something strong." Bumaling siya sa kanyang Lolo. "Do you have rum in your cellar, Lolo?" Tanong niya at mabruskong nagpunas ng kanyang ulo.
"I actually have that. Halika at sasamahan kita."
Nilingon ako ni Gabriel.
"Why don't you stay here for tonight?"
Agad akong umiling. "Walang kasama ang Nanay sa bahay, Gabriel."
"Uh, hija.." Alanganing tawag sa akin ng Donya Consuelto. "Pinapapunta ko kasi si Merlita sa inyo at pinabantayan ang Nanay mo. Bukas na din siya uuwi dahil alam kong mahirap din ang daanan ninyo ngayon patungo sa inyo."
Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Akmang kukunin ko ang aking cellphone para tawagan si Nanay pero pinigilan niya naman ako ulit.
"Tumawag si Merlita kanina lang at sinabing tulog na ang iyong ina." She then smiled at me. "Huwag kang mag-alala, Tam. Your mother will be in a good hands and I made sure to that. We also made an alibi so that your mother will not worry about you anymore."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.
"Maraming salamat po." Nakangiti kong saad.
"Sige na at pumanhik ka na sa guest room." Bumaling siya kay Nanay Breding. "Naihanda na ba ang kwartong iyon, Breding?"
Tumango si Nanay sa kanya.
"Halika ka na, hija. Hindi ka pwedeng lamigin dahil kung hindi ay magkakasakit ka."
Lumapit si Gabriel sa akin. "I'll pay you a visit later."
Tumango lang ako sa kanya at nagpadala na sa higit ni Nanay Breding.
Hinatiran lang ako ng pagkain ni Nanay sa kwarto nang matapos akong makapagbihis ng isang komportableng damit. Hindi ko alam kung kanino ito dahil nang inamoy ko ito kanina ay parang bago. I choose the sweater and a soft silky pajama that hugged my waist. Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko.
Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kawalan ng maalala ang nangyari kanina. Tuyo na ang buhok ko at nakahiga na ako sa kama habang nagmumuni muni muna.
Until now, I can't still believe that Matteo would say such that kind of thing to Gabriel. Hindi sa kadahilanang gusto ko si Gabriel kaya ko siya kinakampihan pero sa kadahilanang maaring masaktan niya ang damdamin nito dahil sa mga pinagsasabi niya. Oo nga at totoo ang lahat: ang pagiging babaero ni Gabriel na halos ata lahat ng chismosa sa Sta. Ana ay alam iyon. Kaya nga kahit ngayon ay nagdududa pa rin ako sa nararamdaman ko para sa kanya.
O ako ba dapat ang mangamba para sa sarili ko? If I stay, I'll surely fall for Gabriel. Dahil alam ko sa sarili ko na kahit man hindi umabot sa puntong iyon ay paniguradong malapit na ako.
Napakurap ako ng ilang beses ng tumunog ang cellphone ko. Someone might had texted me.
Nang kinuha ko ito ay nakitang si Terry iyon. Nakangiti koi tong binuksan pero natigilan lamang ng makita ang laman ng mensahe niya.
Terry: 'Let's have a talk, Tam. Uuwi ako next week diyan sa probinsiya. Wait me up. Pupuntahan kita sa bahay ninyo.'
Unintentionally, I immediately type a reply.
Ako: 'May problema ba, Teryang?'
Madali siyang nakapag-reply kaya kinakabahan ko iyong tiningnan.
Terry: 'Basta. Let's talk once I get home!'
Feeling ko ay naririnig ko ang galit niyang boses sa bawat reply na ibinibigay niya sa akin. But why would she be angry with me?
I sighed.
Shit! Maybe, because of Gabriel!
Napapalatak ako ng wala sa oras. Bakit ko ba hindi naisip iyon? Terry likes---No! Terry loves Gabriel. Alam ko iyon dahil saksi ako sa walang wakas niyang pag-ibig para dito.
What the hell?
Groaning and sighing, that was my state when the door suddenly opens revealing the dark face of Gabriel. He was leaning through the wall while his hands were on his pockets. He was still on his maong pants but with a different sweet shirt.
"G---gabriel." Tawag ko sa kanya ng magulat ako ng makita siya.
He smirked. "I told you that I will pay you a visit, right?"
Kaagad ay dahan dahan siyang lumapit sa akin. Bawat hakbang niya ay nanunuyo ang aking lalamunan. He looks like a mad warrior claiming each stride for a sinful battle. He looks like my own version of Thorin except, of course, that he is not a dwarf.
"N-nakalimutan ko."
I felt him seat beside me. "Lasing ka?"
Nilingon niya ako. His bloodshot eyes immediately meet mine.
"I just drink two glasses of rum."
Tumango ako ng walang masabi. "Why? Hindi mo ba gusto na nag-iinom ako?" Malambing niyang tanong sa akin.
"Hindi ako magdesisiyon niyan para sa iyo, Gabriel." Mataman kong sabi at pinagtuunan na lamang ng pansin ang aking damit.
I heard him sigh. "Then I will give you that right."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Stop giving me that kind of privileges, Gabriel." Pinapahirapan mo lang ako, eh!
Nakatitig siya sa akin at ramdam na ramdam ko ang init ng pagkakatitig niyang iyon. Na para bang kahit simpleng galaw ko lang ay ultimo sinusunod pa niya.
"Is there something wrong, babe?" Akmang hahawakan niya ako pero agad akong tumayo. Sumunod ang tingin niya sa akin.
"Stop calling me 'babe', Gabriel."
Gabriel groaned. "What is this? Why are you suddenly mad at me? Tungkol ba ito sa nangyari kanina?"
Damn! "Hindi ito tungkol sa nangyari kanina."
"Then what is it?" Tumayo na din siya at lumapit sa akin.
I felt the lump on my throat. "Tungkol ito sa pangliligaw mo sa akin." I sighed. "Itigil muna."
Kita ko ang pagdilim ng ekspresiyon niya sa sandaling lingunin ko siya.
"Why?" He dangerously asked.
Napapikit ako ng wala sa oras. "Gusto ko lang na tumigil ka."
"Such a lame excuse, babe." Umiling siya at parang natauhan. "My answer is a fucking no." Matigas niyang sabi sa akin habang hindi nakikinig.
"Why do you kept pursuing me anyway? Marami namang babae diyan, Gabriel. Hindi lang ako ang maganda. Hindi lang ako ang se--."
His chuckled stopped me. "Can't you see yourself in the mirror, babe? You are the woman that I would die for. Ano bang klaseng panliligaw ang ginagawa ng mga manliligaw mo at kahit iyon ay hindi pa nila magawa ng tama para sa iyo?" He seriously stated. "I would climb a damn cliff for you."
Napalunok ako ng laway. "N--nalilihis ka na sa usapan natin."
"Babe" Gabriel called me. "Sa ating dalawa ikaw lang ang parating nalilihis ang damit." He then smirked and eyed me down there.
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Gabriel!" Hindi ko makapaniwalang tawag sa kanya.