Chereads / Loving Gabriel / Chapter 10 - Almost

Chapter 10 - Almost

KINABUKASAN ay nagkaroon ng bisita si Gabriel. It was his cousin, Rusty. He has the same physique with Gabriel. Ang pinagkaiba nga lang nang dalawa ay mas tahimik si Rusty. Hindi palaimik at masiyadong seryoso kung titignan. Malaki din at batak na batak ang pangangatawan. Kung titingnan ng mabuti, siya ang klase nang taong hindi ka magkakamaling babanggain dahil sa nakakatakot niyang awra.

Kilala din siya sa buong lungsod. Hindi ko man siya kadalasang nakikita ay alam kong napakadelikado niyang tao. Some says, he can easily reject a girl in a snap. Malamig siyang makitungo sa ibang tao at walang nababalitaang may nobya ito. Rumors says that he might be gay. Pero sa nakikita ko ngayon ay hindi naman iyon totoo. Malayong malayo sa pinapaniwalaang chismis.

"Gabriel.." Tawag ko sa kanya na kaagad lumingon sa gawi ko.

Ngumiti siya ng matamis sa akin at itinaas ang kamay upang maabot ang beywang ko. Nasamid ako dahil sa ginawa niya at muntik ko nang mabitawan ang tray kong dala na hinanda ko para sa meryenda nilang dalawa.

"Easy, babe." He whispered at me.

Kinakabahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. My heart is beating stupidly again because of his touch on me.

Kung wala lang ang pinsan niya ay baka binatukan ko na ito.

"Huwag ka kasing nanghihigit. I almost jumped my butt out, you brute!" Mahinang giit ko sa kanya na ikinahalakhak niya sa huli.

He smirked. "Your butt is always safe with me, babe. Always." Malambing niyang saad sa akin.

Namula ako sa turan niya at nalimutan na talaga ang pakay ko. This man never really seized to make my heart jump in an instant.

"Who is she, cousin? You never told me you still carry on your games here." Kaagad akong natauhan ng marinig ang malamig at kumukulog na boses na iyon.

It's Rusty.

Muntik ko na siyang nakalimutan.

We are currently in the mansion's garden. Masiyado kasing mainit ang panahon kaya napagdesisiyunan ng dalawa na dito mag-usap.

I saw Gabriel's face darkened at what Rusty had said. Hindi ata nagustuhan ang sinabi ng pinsan niya na hindi ko naman nasundan dahil sa kabang nararamdaman.

"Be careful with your words, Rust. She is my woman." Seryosong saad niya. Napailing ako ng hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya.

Woman?

Who?

Mabilis kong inilagay ang tray sa malaking sementong round table doon. Walang ano ano't pa man ay binalikan ko si Gabriel na ngayon ay nagtataka sa asal ko. Bigla nalang kasing nag-iba ang pakiramdam ko at…. hindi ko alam kong bakit. Bagsak ang balikat kung tiningnan siya ulit.

"You had another woman?" Mahinahon kong tanong kay Gabriel.

Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko. "What the f—"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "No cursing, Gabriel. Namumuro ka na!"

Namutla siya sa sinabi ko at inabot ang kamay ko.

"B—baby, it's not what you think."

Nakakamatay na tingin ang binigay ko sa kanya. At mas lalong naging malikot ang mga mata niyang tumingin sa akin. Pinipigilan ko ang sariling matawa dahil sa itsura niya.

"I would never cheat on you, babe." Tinaas pa niya ang mga kamay niya na animo'y nangangako. "I deeply solemnly swear on Rusty's grave."

Malutong na mura ang narinig ko mula kay Rusty. "What the hell, Gabriel! Sinali mo pa ako sa kabaliwan mo. If Alejandro was crazy, you are more fucking worst."

Gabriel glared at him. "It's you who started it because you gave my Tamina the wrong impression of my own words, you thug!"

My Tamina..

Agad na lumambot ang puso ko sa narinig. Gabriel is really sweet and adorable.

Rusty rolled his eyes with a class. "I didn't know that you became utterly stupid when it comes to manipulating your own words now, Gabriel. Ikaw na ba ang susunod kay Alejandro kung ganoon? You two are fucking unbelievable. Mas lalo atang sumasakit ang ulo ko sa pagbisita dito sa iyo."

Who's Alejandro?

Gabriel chuckled. "So, he's married now?"

Tumaas ang kilay ng pinsan niya. "Hindi ka naimbitahan?"

Gabriel just shrugged his shoulder. "I choose to stay here." Tanging sagot niya.

Rusty then smirked and turned his head on my way.

"I can see the reason why." Agad akong nanliit sa titig niya. "Forgive me for being rude earlier. I'm Rusty, by the way." Pakilala niya sa akin, hindi man lang ngumingiti.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "I'm Tamina." Tanging sagot ko sa kanya.

Tumitig siya sa akin at ilang segundo ay tila natigilan siya. I then immediately felt a jump beat of my heart.

What the hell is that?

"You look familiar." Saad niya sa akin.

Gabriel then immediately embraced me on my waist possessively.

"Not my babe, Rusty. Not a chance."

Gulat akong napatingin kay Gabriel. It's not that I'm shocked because he's possessive- cause I knew that about him already, but I'm shocked because of how he said it to his cousin without even blinking.

Naiiling na inabot ni Rusty ang isang basong orange juice at ininum ito.

"You're getting rusty with your old lines, Gabriel. Before, it was all heavily researched but now, it's all…. "

I stopped him. "Pure."

Napatingin sa akin si Rusty. Tinaas niya ang kanyang baso at tumango sa akin.

"You got it right." He said then showed me a smile.

"Stop smiling at her, dickhead!" Gabriel interrupted.

Wala sa oras na pinalo ko siya sa kanyang hita.

"Ang bibig mo, Gabriel!" Hindi ko mapigilang sigawan siya.

He sighed and looked at me with his puppy eyes.

"It's okay, Tamina. Ganiyan na talaga kaming magbatiang magpinsan." Rusty chuckled. "I seldom smile to people. And this buffoon…" Tinuro niya si Gabriel "… might think that I'm into you."

Namilog ang mata ko. "Hindi naman iyon ang basehan."

Nagkibit nang balikat si Rusty. "Walang basehan sa taong seloso, Tamina." Makahulugan niyang sabi at ngumisi na naman ng nakakaloko.

Halos mapatampal ako sa sariling noo.

I rolled my eyes mentally. Boys…

Gabriel then smirked. Binigyan lamang siya ng nakakalokong ngiti ni Rusty at hinayaan ang pinsan sa kalokohan.

Siniko ko siya pero ngumuso lang siyang tumingin sa gawi ko.

"Babe, you're hurting me." Nagtatampo niyang sabi sa akin na ikinatawa ko.

I heard Rusty's clearing his throat.

"I'd better find grandma, I'll have stuff to give her too." Saad nito at tumayo na. "And before I forgot, I'd arranged a schedule for my hiking activities." Nilingon niya si Gabriel. "Gusto mong sumama?"

Gabriel turned his head on me. "What do you think, babe? Sama tayo?"

I arched my brows on him. "Ikaw lang. Dito lang ako."

He then smiled and faced his cousin again. "Dito lang din ako."

"You're getting boring, Gabriel." Rusty lazily said.

Napasinghap ako. "Fine! Sasama kami." My blood immediately boiled at what he said to Gabriel. Naiinis ako!

Napangisi siya sa sagot ko. "As expected from Gabriel's treasure."

Nang tingnan ko si Gabriel ay nakangiti lang itong nakatitig sa akin. He looks so proud and at the same time amused at my response to Rusty.

"It will be in Friday. Magkita nalang tayo sa bahay." Huling sabi nito at iniwan na kami.

Nang mapag-isa kami ay nilingon ko siya ulit. Namumungay na ang mata nitong nakatingin sa akin habang may matamis na ngiti. I can't help to feel the heat of my skin. Ang mga titig niyang mukhang inaangkin ako ay sapat nang eksplenasiyon sa nararamdaman ko ngayon.

I feel awkward all of a sudden. Tumikhim ako at nagkusang nagbaba ng tingin.

"M—meryenda mo." I stuttered. Shit!

In my peripheral vision, I saw him smiled again. Dahan dahan ay inabot niya ang kamay ko. Mabilis akong kinabahan at padaskol na binitawan siya.

Sa kabila ng aking kabang nararamdamam ay pinanliitan ko siya ng mata.

"Baka may makakita sa atin, Gabriel!" Mahina kong boses na sabi sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa akin. "So? I've already announced to the whole mansion last night that I'm courting you."

Namilog ang mata ko sa sinabi niya. "W---what did you say?"

"Lola and Lolo already knew about us."

Napatampal ako sa balikat niya. "B—bakit mo sinabi?!"

Natawa siya. "Bakit pa papatagalin, babe?" Tumaas ang kilay niya. "At mas mabuti din iyon ng sagayun ay matulungan nila akong bantayan ka." He hissed. "Marami pa naman akong kahati sa iyo. Mahirap na..." Pabulong niyang sabi na hindi ko narinig.

Hinilot ko ang sentido ko ng maalala ang tagpo namin ng Donya kaninang umaga. She was so radiant. Halos buong pag-uusap namin ay nakangiti lamang at hindi ko alam kong bakit. Ngayon ay mas lalo akong kinabahan sa pakikipagharap sa kanila ulit. Hindi kaya ay tuluyan silang magalit sa akin?

Sumapit ang hapon ay hindi ko na nakita pa man si Gabriel dahil may inaasikaso itong trabaho. Ang pinagawa niyang tree house malapit sa mansiyon ay malapit na ding matapos. Ngayon ko lang din nalaman na siya ang namamahala ng kompanya nila. Ramises has his own trading business. Kaya sa kanya napunta ang pamamahala ng orihinal na negosiyo ng pamilya. Right now, he���s currently busy answering some emails and doing some important calls in his office. Inilaan iyon ng Donya para sa apo habang nagbabakasiyon ito dito ngayon.

Ang saad niya ay pwede ko naman din siyang bisitahin doon pero nanatili akong nasa labas at nagbabasa nalang ng libro. Kung sakaling may ipapauutos si Nanay Breding sa akin ay magiging alerto ako. Wala naman kasi akong ibang ginagawa na at tapos ko ding nang nalinisan ang buong library kanina.

Pinilit niya pa nga akong sumama sa kanya pero ang sabi ko ay hahatiran ko nalang siya ng meryenda. Gabriel is a naughty man. Bigla bigla nalang nanghahalik. Buti na lang talaga at may malakas akong kontrol sa sarili dahil baka bumigay ako at hindi ko alam kong anong kahihinatnan non.

"Handa na ang meryenda ni Senorito Gabriel, Tam. Pakihatid nalang ito sa kasintahan mo." Nangingiting saad ni Nanay Breding.

Namulagat ako sa sinabi niya. "H-hindi ko pa po siya nobyo, Nanay. Kung iyan ang iniisip ninyo. Nangliligaw pa po iyon sa akin."

Lumapit siya sa sink at naghugas ng kamay. "Naku itong mga batang ito. Akala mo ay mga teenager pa." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Dapat nga ay may nobyo kana ngayon. Kung ako ang nasa edad mo at ganiyang ganda ang ipinama sa akin ng Nanay ko ay baka isang daan na ang naging nobyo ko. Diyos ko!" Natatawa niyang saad.

Natawa ako at namumulang kinuha ang tray sa marmol na kitchen counter.

"Kagabi ay talagang natuwa ako, hija. Hindi ko akalaing may lihim na pagtingin pala sa iyo si Senorito Gabriel. Aba! Wala sa hinuha ko na namumulang inamin niya sa harap naming lahat ang panliligaw niya sa iyo. Kahit ang mismong Don ay hindi makapaniwala at tinawanan ang apo." Kwento niya at sinabayan ako ng lakad patungo sa silid ng study room ni Gabriel.

Nakakahiya! Kaya pala ay may halong panunukso kung titingnan ako ng mga kasambahay dito sa mansiyon. Kagagawan ito ni Gabriel!

"Hala! Mukhang kamatis ka na, Tam!"

Natatawa ako ng sinundot niya pa ako sa tagiliran ko. "Nanay! Baka mahulog ko po ang tray!"

Humahalakhak lang siya sa akin. "Hala sige! Ihatid mo na iyan doon at baka hinihintay ka na. Maiiwan na kita dahil may gagawin pa ako sa kusina."

Tinalikuran niya na ako at napailing iling nalang ng marinig kung kumakanta siya.

I inhaled a deep breath when I finally reached the study room. May ngiting nakaplastar sa aking labi ng inayos ko ulit ang tray dahil muntik ng masagi ang juice doon. Akmang kakatok ako ng makitang nakaawang ang pinto ng silid.

"Aren't you a little too harsh at what are you doing to her, hijo? She doesn't deserve this. Hindi niya kasalanan kung anuman ang naging pagkakasala ng ina niya sa atin."

Natigilan ako ng marinig ang boses ng Donya.

"My mother almost died because of her, Lola. She deserves this and her daughter will be the perfect target for my plan." Si Gabriel iyon. Seryoso ang boses nito at tila parang galit.

Bakit ako kinakabahan?

Narinig ko ang Donya na napabuntong hininga.

"Let's forget about the past, shall we? Hindi niya kasalanan ang lahat, Gabriel. Maniwala ka sa akin dahil inalam ko ang lahat ng iyan." Muling sagot ng Donya sa apo.

Hindi ko na narinig pa ang sagot ni Gabriel. May pagtatalo bang naganap?

Sa halip na ituloy ang pagpasok ko ay napagdesisiyunan ko na lang na umalis. But the door opened revealing Donya Consuelto.

"Tam, hija!" Gulat niyang saad ng makita akong nasa bukana ng pinto. Hindi mapirmi ang kanyang mga matang nakatitig sa akin at mukhang kinakabahan.

Ngumiti siya sa akin. "Kanina ka pa ba dito?"

Umiling ako. "Ngayon lang po."

Nakita ko ang bahagyang pag-hinga niya ng matiwasay. She looks relief at something.

"Para kay Gabriel ba iyan?" Turo niya sa dala ko.

Tumango ako.

She motioned me to enter. "Sige na. Ihatid mo na iyan sa loob, hija."

"Sige po." Wala akong nagawa kundi sundin ang utos niya.

Unang kong napansin pagpasok sa silid na iyon ay ang nakahilarang book shelves sa buong silid. It was in a circular form. Napapagitnaan noon ang malaking couch na may kakaibang desinyo. It was not modern, it was more like ancient. Makalumang tela ang ginamit pero alam kong desinyo lang iyon upang mas mapahiwatig ang desinyong kinikilala. Hindi masiyadong masigla ang liwanag ng buong silid dahil tanging mga dim lights lang ang piniling ilagay doon. May mga nakasabit ding naglalakihang ulo ng mga hayop sa dingding ng bawat sulok ng silid. I don't know what's it called but I know it was carved in woods.

When I looked for Gabriel, I saw him standing right next to the glass window. May hawak itong inumin at masiyadong nakakunot ang noo. Hindi rin maipinta ang mukha. There must be something going on and I think it came out bad. Tungkol ba ito sa pagtatalo nila ng Donya kanina?

I saw his jaw clenched once more.

Hindi ata maganda ang mood niya ngayon.

"Gabriel…" Tawag pansin ko sa kanya.

Agad niya akong nilingon. From where he stand, I saw how his expression change. Naging malambot ang mukha niyang nakatitig sa akin.

"Babe…" He called me--- almost breathless and guilty. But why?

He sighed. Naglakad siya patungo sa working table niya at inilapag ang basong may alak pa doon. Iminuwestra niya ang kanyang kamay sa akin. He's asking for a hug.

Ngumiti ako sa kanya ng tipid at ibinababa ang tray sa malaking lamesang napapalibutan ng couch.

Lumapit ako sa kanya. Kaagad niyang inabot ang kamay ko at kinabig ako sa nakakapasong yakap. Naiilang ako sa pwesto namin. Siya ay nakasandig sa mesa niya habang ako ay pilit na pinapatatag ang mga hita dahil baka mabigatan siya sa akin.

I then hitched my breath when I felt him snuggled on my neck.

"Babe…" He called me again.

I sighed. Unti kong inaangat ang kamay ko at hinaplos ang buhok niya.

"M—may nangyari ba, Gabriel?"

He stilled. Mas lalo niya akong hinapit at wala akong nagawa kundi hayaan siya. I felt like he needed it now.

"Babe…" Tawag niya ulit sa akin. "Don't leave me."

I pursed my lips. "What do you mean by that?"

Umiling siya. Ang kanyang hininga ay kumikiliti sa aking leeg pero hindi iyon ang napagtuunan ko ng pansin.

"Will you promise me a thing, babe?" Seryoso niyang saad.

Umiling ako. I was about to push him but he didn't let me.

"What is this all about? Hindi kita maintindihan."

I felt him kissed me on my neck. "Gabriel!" Hindi ko mapigilang tawag sa kanya.

"Just promise me that even if I push you away, you won't leave me."

I arched my brows. "Alam mo bang imposible ang hinihingi mo? If you pushed me away, then I must go. Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa taong hindi naman ako gusto, alam mo ang bagay na iyan sa akin."

Natahimik siya sa sagot.

"You are starting to creep me out, Gabriel."

Umangat ang ulo niya at doon ay tinitigan niya ako muli. Sari't saring emosiyon ang nakikita ko sa kanyang mga mata at hindi ko mapigilang hindi mabahala. Why does he look bother and afraid?

"I'm almost there, babe." He sweetly said at me.

"W—what?" Hindi ko siya maintindihan.

Umangat ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ko. "I'm almost there, my Tamina. And it fucking hurts like hell." Huli niyang sabi at niyakap ako ulit.

He's tone was sad and solemn.

I don't understand!