Chereads / Loving Gabriel / Chapter 2 - Hiking

Chapter 2 - Hiking

KINABUKASAN ay maaga akong gumising. Mabilis akong nagsaing at inihanda ang mga gamut ni Nanay ngayong araw. Nagpaalam na ako sa kanya kagabi habang naghahapunan kami na pupunta ako ng mansiyon, ayaw ko mang iwanan siya pero kailangan kong pumunta dahil iyon lang ang trabaho ko sa ngayon. Kahit gustuhin ko pang magsingit ng ibang trabaho para mas may kita ako ay hindi na pwede dahil baka hindi sasakto sa schedule ko para sa pag-aalaga kay Nanay.

"Nay, aalis na po ako. Huwag kalimutang inumin ang gamut niyo po, ha? Marami na po akong sinaing at mga ulam kung sakaling hindi po ako makakauwi ng maaga." Mahabang saad ko sa kanya.

Kaagad niyang ibinababa ang kanyang binabasang bibliya at nginitian ako.

"Huwag kang mag-aalala, nak. Gagawin ko ang bilin mo."

Guminhawa ang pakiramdam ko sa sinabi niya. Natutuwa rin ako sa tuwing nakikita siyang nagbabasa ng bibliya dahil kahit papaano ay may makukuha siyang pag-asa at mga magagandang banal na kaunawaan doon. Kaya kahit kapos ako sa pera ay nagpatayo ako ng hindi kalakihang altar sa labas ng bahay namin, nang sa ganon ay mas maingganyo ko pa siya ng tuluyan, sa pag-asang kailangan niyang mabuhay para sa akin.

Maaliwalas na ang panahon kaya siguro bukas ay hindi na maputik ang daan. Pero ngayon kailangan ko pa ring magsuot niyon. Mabilis akong nakababa sa paanan at hinugasan ulit ang bota ko sa maliit na sapa doon. Nang matingnang maayos na ay kaagad akong nagpara ng sasakyan. Kung tutuusin ay pwede namang lakarin ang patungong sentro pero dahil sa mansiyon ang destino ko ay kailangang kong sumakay dahil malayo pa iyon sa sentro.

"Ito po ang bayad, manong." Nakangiti kong saad sa driver at mabilis na inabot ang bayad.

Hindi man lang ako tiningnan nito bagkos ay mabilis niyang ibinigay sa akin ang sukli ko. May nahulog na ilang barya pero hindi man lang siya humingi ng paumanhin at kaagad na akong iniwan doon.

Napabuntong hininga ako at tinanaw ang umaalis na tricycle. Mabuti na lang talaga at pinasakay niya ako kahit alam kong labag sa loob niya. Sanay na ako na ganoon ang turing sa akin ng ilang tao dito sa Santa Monica. Ang nakaraan ng ina ko ay mistulang alamat sa buong komunidad na ito na kahit sa paglipas ng ilang taon ay namumutawi pa rin sa bawat bibig ng bawat taong nakakaalam ng masaklap na nakaraan ng aking ina.

I was not born yet in that past. Kaya kahit ako ay hindi ko kayang panindigan at kontrolin ang mga paratang sa kanya kahit masakit sa aking bilang anak niya. But I have to be strong for us. Hindi dapat magpaapekto dahil mas lalong lalala ang kalagayan ni Nanay.

I bite my lips. Mabilis akong pumunta patungo sa malaking gate ng mga Zegarra.

"Magandang umaga po, Mang Guryo." Bati ko sa guard na nagbabantay doon.

Kaagad siyang ngumiti sa akin. "Oy, Tamina. Kumusta ka na, hija? Matagal ka yatang hindi nakapunta dito, hinahanap ka na nang Don at Donya." Magiliw niyang saad sa akin.

Ngumiti din ako, kahit hindi pa rin ako nahihimasmasan sa nangyari kanina.

"Iyon nga po ang pinunta ko dito. Pinapatawag daw po ako."

Agad niyang binuksan ang magarang gate at pinapasok ako.

"Oo. Nandoon na sila at nag-aagahan pa. Nandiyan kasi ang panganay na anak nila at mga apo. Binibisita ang Don at Donya." Saad niya.

Tumango ako kahit alam ko na ang bagay na iyon.

"Kung ganoon ay mamaya nalang po ako papasok kapag tapos na sila." Saad ko sa kanya.

Hindi pa man ako nakaupo sa plastic na upuan malapit sa guard house ay may narinig na akong tumawag sa akin.

"Tamina!" Tawag ni Nanay Breding sa akin.

Kaagad akong tumayo at lumapit sa kaniya.

"Bakit hindi ka pa pumasok? Kanina ka pa hinihintay ng Donya Consuelto."

Namilog ang mata ko. "P-po?"

Mabilis niya akong hinatak at kahit hindi ko gusto ay nagpatianod ako. Walang magawa dahil malakas ang naging hila niya sa akin. Kaagad na sumalubong sa amin ang magarang living room ng mansiyon ng makapasok kami sa bukana.

"Tamina, hija…" Ang Donya ng makita ako.

Marami sila sa hapagkainan at kahit gusto kong yumuko sa kahihiyan dahil sa kabang nararamdaman ko ay hindi ko halos magawa dahil sa mga matang nakatutok sa akin.

"Come, hija." Ang mabait na Donya ay mabilis na tumayo at niyakap ako na para bang kay tagal akong nawala.

Well, it's been a week already. Hindi kasi ako nakapunta dito noong nakaraan dahil inatake si Nanay kaya dinala ko kaagad siya sa doktor.

"Magandang umaga po." Bati ko habang yakap niya ako. Nang binitawan ay mabilis niya akong hinila patungo sa bakanteng upuan katabi niya.

Nahihiya pa rin ako lalo na at napapansin kong hindi kami nag-iisa.

"Kumusta ka na, Tam?" Ang Don habang nasa gitnang bahagi ng malaking mesa.

"Maayos po, Don Martino." Kahit may katandaan na sila ay hindi pa rin maipagkakailang may mga magandang itsura ang dalawa at pawang mababait pa.

"Breding.." Tawag ni Donya Consuelto dito. "Pakidala pa ng karagdagang plato dito."

Kaagad akong umiling. "Tapos na po akong kumain sa amin." Magalang kong saad.

Mabilis na bumaling sa akin ang Donya. Tumango ito at ngumiti sa akin.

"Muntik ko nang makalimutan, hija. Ang anak ko palang si Martin at ang asawa niyang si Lucia." Kaagad niyang pakilala sa akin sa mga taong nasa harap namin.

Yumuko ako sa kanila at ngumiti bilang pagbati.

Naumid ang dila ko. Kahit may mga ngiti sa labi ng babaeng katabi ng may katandaan lalaki ay hindi iyon mapapalitan ng kabang nararamdaman ko habang nakatitig sa seryosong mukha ng anak ng Donya.

"Ang mga apo ko…Si Ramises at Gabriel." Patuloy nito.

I immediately landed my stares at Ramises.

"Hi, Tam!" Bati niya sa akin habang nakangiti.

"Magkakilala kayo?" Gulat na saad ng Mama niya. Maganda rin at hindi mababanaag na may anak siya dahil parang mga kapatid lang ang mga anak niya.

"Nakilala ko siya kahapon, Mom. We've met while we have a jog yesterday."

Ngumiti ang ina niya sa akin. "Saan ka pala nakatira, hija?"

"S-sa Sitio Cantu po ako nakatira, Ma'am." Hindi ko mapigilang hindi kabahan.

"Saan iyon banda, hija?" Tanong niya kaagad.

"Sa hindi po kataasang parte ng bundok sa may labasan dito sa sentro." Mabilis kong saad.

Kanina ko pa napapansin ang titig sa akin ni Gabriel. Maanghang at alam kong naiirita na naman siya sa presensiya ko. Naramdaman kong tumayo siya dahil tumunog ang silyang kinalalagyan niya. Nasira ko ba ang umaga at agahan niya?

"Where are you going, hijo?" It was his father authorative voice. Kahit ako ay napapakislot dahil doon.

"I'm finished already, Papa. I'll just ready my things. Kuya and I will go hiking today." Malamig din nitong saad pabalik sa ama.

Ramises groaned like he doesn't like the idea of going.

"I've already told you, Gab. I can't go today." Saad nito.

Natawa ang ina niya sa kanila kahit ang Donya. I tilted my head as if trying how to find the funny thing in there. Nang mapansin kong nakatingin sa akin si Gabriel ay bigla kong ibinaling ang mata ko sa ibang bagay. I'm really nervous when he's here. Mabuti pa siguro ang Kuya niya dahil hindi masungit at napakagentleman pa. Pero siya, palagi kong nararamdaman na hindi ako welcome. Kungsabagay, hindi naman ako katulad nila.

Gabriel then turned his head on his brother. "And I told you too that I can go without you."

"Ouch!" Ramises acted like his hurt.

Agad itong naglambing sa ina na katabi lang nito. Natawa ako ng bahagya sa kanila. Ramises must be Mama's boy while Gabriel is obviously a Papa's boy, pareho ang kibot ng mga ugali. Tahimik at hindi palasalita. I just wondered because the Don was not like that.

"Ma, inaaway ako ni Gabriel. Kahapon pa ito, masiyadong mainitin ang ulo."

Her mother tapped his head. "Awww, my poor baby." Malambing na saad nito sa anak.

Agad na nag-angat ng mukha si Ramises. "Mom.." Namula ang pisngi nito. I really find it cute. Napatawa ako ng tuluyan. Lumingon silang lahat sa akin kaya natigil ako sa tawa ko.

Am I too loud?

"Do you find my son handsome, Tam?" Tanong ng magandang ginang sa akin. Halos masamid ako sa sariling laway.

Wala ako sa sariling tumango. Nakatayo pa rin si Gabriel sa likod nila at mataman ding nakatitig sa akin.

Mas lalong namula ang pisngi ni Ramises at umiling iling.

"Such a pussy.." Mariing bulong ni Gabriel na ikinagulat ko.

Kahit ang Mama niya ay napasinghap. His father chuckled like he likes what his younger son said. Kaagad na umalis si Gabriel at iniwan kaming nagugulat pa rin sa sinabi niya.

Tumayo din si Ramises at hinabol ang kapatid. "That brute. I'm gonna really kick his ass."

"Martin!" Gulat na saad nito sa asawa. Maganda si Ma'am Lucia at kahit saang anggulo ay hindi mo mababanaag ang katandaan niyang edad kung ibabagay sa mukha niya.

"What is it, honey?" Malamig pero malambing na tanong nito sa asawa. Hindi ko alam kong bakit kinilig ako.

"Saan natutunan ng batang iyong ang mga salita niya?"

His father only shrugged.

Hanggang sa matapos kami ay ganoon lang ang usapan nila. Kung hindi lang ako hinigit ng Donya ay baka buong maghapon na kami doon. Nakakatawa ngang isipin kong bakit ganoon ang naging takbo ng agahan. Dahil kapag kasi kami lang tatlo ang kumakain doon ay masiyadong tahimik lalo na kapag hindi kami nag-uusap ng Donya.

"Maayos na ba ang lagay ng ina mo, hija?" Tanong niya sa akin.

Magalang akong tumango. "Nalunasan po kaagad ang paninikip ng hininga niya. Maraming salamat po sa tulong ninyo, Donya Consuelto."

Kung hindi dahil sa kanila ay baka hindi ko na napagamot ang Nanay.

"Wala iyon, hija. Alam mo namang naging malapit kayo ng ina mo sa akin dahil kung hindi dahil sa inyo ay baka patay na rin ako ngayon. Kahit ilang ulit ko mang isipin, hinding hindi ako makakaligtas sa kapahamakang dulot ng paparating na sasakyagn iyon kung hindi ako madaling hinigit ng ina mo." Banayad niyang saad.

I still remember that though. Akala ko nang mga panahong iyon ay walang maaawa sa amin. I'm maybe five years old at that time but I still remember every detail of our past. Pinalayas kami noon sa tinitirhan naming bahay sa Bulacan, walang magawa ang ina ko noon kung hindi ang bumalik dito sa lupang sinilangan niya at ng Tatay. Mabuti nalang talaga at may naiwang lupa si Tatay dito kaya kahit masakit sa amin ang mag-umpisa ulit ay unti unti kaming nagpatayo ng bahay.

Totoo nga ang sinabi ng Donya. Namimili kasi kami ng mga gamit ng panahong iyon. Sakto namang may nakita si Nanay na matandang ginang na malapit nang masagip ng nasiraang prenong sasakyan ay kaagad niya ito hinigit ng walang pag-aalinlangan.

"Matagal na pong nangyari iyon.."

Umiling ito. "Pero hindi matutumbasan ng kahit ano ang pagligtas ng ina mo sa akin, Tamina."

Kaagad siyang may hinugot na malaking brown envelope sa kanyang tabi habang nakaupo kami sa malaking sofa sa gazebo nila.

"Tanggapin mo, hija." Sabi niya sabay lahad nito sa akin.

"Ano po ito?" Tanong ko sa kanya.

"Open it."

Kaagad ko itong binuksan. Nagulat ako ng makitang titulo ito ng isang lupa at may cheke pang kasama.

"P-para saan po ito?"

Bumuntong hininga siya at uminom sa kanyang tsaa.

"Alam mo, hija. Tumatanda na kami ng asawa ko. Mahigit sampung taon mula ngayon ay siguro wala na kami." Tumingin siya sa akin. "Gusto ko sa pagkawala ko ay may maiihabilin ako sa iyo." Ngumiti siya sa akin pagkatapos.

Mabilis ko itong ibinalik sa envelope na kinalalagyan at isinauli sa tabi niya.

"Hindi ko po iyan matatanggap. Sapat na po ang lahat ng naitulong niyo sa amin ng Nanay." I hold her hand. "Sana po ay respetuhin niyo ang desisiyon ko."

Masaya niyang hinaplos ang aking mukha.

"Katulad ka nga talaga ng iyong ama." Makahulugan niyang sabi habang nakatitig sa akin.

"Kilala niyo po si Tatay?"

Mabilis siyang tumango. "Kilalang kilala, hija."

"P-papaano?"

Bakit hindi ko alam ang bagay na ito?

Alam ko naman maraming kakilala si Tatay dito dahil dito nga siya lumaki pero hindi ko naman din alam na kilala siya ng mga nakakatandang Zegarra.

"In time, you'll know. Sa ngayon ay hahayaan mo na kita sa desisiyon mo, Tam. Basta ito ang tatandaan mo, huwag kang mahihiyang humingi ng tulong sa amin, hija?"

Bakit parang hindi ko maintindihan? Kahit mabait ang Donya ay bakit parang hindi ko talaga maintindihan lahat ng kabutihan niya?

Tumango ako kahit marami pang katanungan sa isip ko.

"By the way, I want you to guide my grandson, hija."

Para akong nabingi sa sinabi niya.

"P-po?"

She sighed.

"Kung hindi mo alam, hija. Gabriel is a sporty man. Kahit anong activities about sport ay sinasalihan niyan. Ngayon ay gustong maghiking, hindi pa naman alam ang pasikot sikot ng bundok na pinagplaplanuhan niyang akyatin. Ikaw lang ang tanging nasa isip ko na makakatulong sa kanya dahil alam kong halos nalibot muna ang bundok dito sa atin."

Naiwan akong nakatanga at hindi alam ang gagawin. Hanggang sa hinigit na naman ako ng Donya palabas ng mansiyon.

"Gabriel!" Tawag nito sa apo na ngayon ay nag-aayos na nang mga kagamitan, gagamitin niya siguro sa hiking na pinaplano.

Seriously, does he have to use all of that?

Kasi ako kung aakyat ako ng bundok at manghuhuli ng mga ligaw na baboy ramo ay hindi naman ganyan karami ang binibitbit ko. Mas lalo lang akong mahihirapan. At kahit man minsan doon lang ako sa gubat natutulog ay marami naman paraan kong alam mo lang ang dapat mong gawin.

He lazily lifted up his body and turned his head on us. Halos mapaso na naman ako sa mga paraan ng pagkakatitig niya. His eyes will always turned cold and hot whenever he stared at me. Or is it impossible to combine all of that? Pero sa kanya ay hindi. Parang parating niyang pinapanindigan na ganito siya,dati pa.

"What is it, Lola?" His firmed voice was really a goosebump.

His biceps are showing. And if I am a saint, I've been already sent out in my own sanctuary because of too much infatuation I have for him right now.

"Hindi ka ba magdadala ng tour guide mo?" Tanong ni Donya Consuelto.

"No, Lola. What's the use anyway." Hindi natitinag nitong saad.

Okay, I surrender. He's really a brute. A damn conceited brute!

Umingos ako at nakita niya iyon. He gave me a deadly stares. Napayuko ako sa kahihiyan. Hindi ko naman kasi sinasadya yon eh! Sadyang ang pangit lang talaga ng ugali niya.

"Masiyadong malayo ang bundok ng Kampo Langit, hijo. Kung wala kang guide ay madali kang mawawala dahil balita ko ay masiyadong dilikado ang mga daan at rota patungo doon. Plus, you've got a lot of loads to bring." Nababahalang saad ng Donya sa matigas na ulo ng apo.

Tahimik lang akong nakikinig at paminsan minsan ay sumusulyap sa kanya. Ayaw kong magpahayag ng opinion at sabihing tama ang Donya dahil baka mapalayas ako ng apo niyang masungit dito ng wala sa oras.

"I can take care of myself, Lola. I've done this many times before and I've been there too since I was just a child. So, you don't have to worry about it anymore."

Sa huli ay walang nagawa ang ginang. Lumapit si Gabriel sa amin at tinungo ang Lola niya at hinalikan sa noo at pisngi.

"Tell Mama and Papa that I'll get going now. I will be here before the party." Saad nito.

Akala ko ay aalis na ito pero bigla itong tumambad sa harap ko. Napaatras ako ng kaunti sa paghakbang niya.

"Will you wish me a goodluck?" Malamig niyang tanong sa akin.

My heart stopped for a moment. Bakit ko naman gagawin iyon? I stared at his dark green eyes. He's really gorgeous. Kaya pala lahat ng mga kababaehang anak ng ilan sa mayayamang pamilya doon sa sentro ay nahuhumaling talaga sa kanya dahil sa gandang lalaki niya. Iyon ang balita ko kay Terry kagabi ng magtawagan kami.

Napatango ako sa kanya.

"Godbless po, sir Gabriel." Tanging saad ko nalang.

Tumaas ang isang sulok ng labi niya sa sinabi ko.

"Sir, huh?" Matalas na balik niya sa akin na para bang mali ang ginawang tawag ko sa kanya. Tama naman ah!

"Come on, Gabriel. Si Tamina na naman ang nakita mo." Natatawang saad ng Donya sa apo.

He eyed me again sharply before withdrawing his stares on me.

"Okay, I gotta go now."

He immediately went in in his monster car. I heard the engine roared around us. Nang umusad na ito ay sa wakas ay nakahinga din ako ng maluwag.

"Pasensiya ka na sa apo ko, hija."

Ngumiti ako kahit pilit. "Okay lang po iyon."

"By the way, you can go home now. Hindi mo pa naman duty ngayong araw. Pero aasahan kong dadalo ka ngayong Biyernes para sa party na gaganapin dito, okay?"

Mabilis akong tumango ulit. Hindi ko naman kasi gusto pero dahil mismo na ang Donya ang nag-imbita sa akin ay siguro papaunlakan ko nalang.

Nang makapagpaalam ng pormal ulit ay umuwi na ako sa bahay. Nang makarating doon ay agad kong nakita ang monster truck na ginamit ni Gabriel. Magugulat sana ako pero naisip ko na dito rin pala dapat siya dadaan. Dito kasi ang rota at unang sakahan sa lahat ng bundok. Konektado lang naman lahat pero ang bundok ng Kampo Langit ay malayo pa talaga. Aabutin ka ng isang araw upang maabot mo ang tuktok nito.

Pero lahat naman ng pagod mo ay mawawala kapag narating mo na ang tuktok dahil napakaganda ng tanawin na parang nasa langit ka na dahil sa naglalakihang ulap na madali mong maabot kapag nandoon ka na.

Ilang minuto pa ang nilakad ko ulit bago nakarating sa bahay. I was about to pull out my boats from my feet when I saw a familiar built from a far. Hindi pa ako nakuntento ay kaagad akong lumapit ng mapagtanto kong sino ang taong nakaupo sa kahoy na upuan namin sa labas.

"Nak, nandito ka na pala." Masayang saad sa akin ni Mama ng makita ako.

Nilingon ako ni Gabriel at nakitaan ko ang pagkamangha sa mata niya at gulat.

"Bakit po, Nay?" Tanong ko, naguguluhan.

"Kilala mo na si Sir Gabriel, iyong apo ni Donya Consuelto?" Panimula niya sa akin.

"Opo." Saad ko at sumulyap ulit kay Gabriel na ngayon ay nakahalukipkip ng nakatingin sa akin.

"Nangangailangan kasi siya ng tour guide, nak. Sakto naman na alam mo ang rota patungong Kampo Langit, diba?" Si Nanay.

Halos matawa ako ng sabihin iyon ni Nanay pero pinipigilan ko lang. Gusto kong mapatampal sa aking noo at sabihing 'Hayy naku!'.

I heard him muttered something. I know it's curses.

Akala ko ba, hindi na ngangailangan ng tour guide? Ano ito ngayon, huh?

Tumango ako.

"Magandang umaga po, Sir." I greeted him, hindi na maitago pa ang ngiti ko.

Now, I know his attitude.