Keirra's POV
"Besty nasaan ka na ba?" tanong ko sa sarili ko kasi hanggang ngayon di pa rin namin siya nakikita. Nung lumabas si gayle kanina sa infirmary tinawag ako ni tito sa loob at sinabing...
FLASHBACK
Pagka-pasok ko sa loob ng infirmary nakita ko si tito ramon na naka-upo sa bed ni gayle kanina habang nakasalikop ang mga kamay nito. Nang makalapit ako kay tito,humarap siya sa akin at nagsalita.
"Kierra hanapin mo si gayle baka may mangyari sa kanya, tsaka sabihin mo na hindi ko sinasadya yung nagawa ko sa kanya.sabihin mo humihingi ako ng patawad. Isabay mo na rin siya pauwi kasi alam kong hindi siya magpa-pasundo mamaya kay albert. Alam kong makikinig siya sayo kaya alagaan mo siya ngayon"
Sabi ni tito ramon, mahihimigan mo dito na may konting lungkot sa kanyang boses.
Tumayo si tito ramon at tinapik ako sa balikat sign na aalis na siya. Lumabas ako sa clinic at nakita kong wala na si aiden sa tabi ni zach, nakita naman ata ni zach na hinahanap ko si aiden kaya sabi niya umalis na daw para hanapin si gayle.
"Zach pumunta ka sa building A tignan mo kung nandoon siya, ako naman sa building B&C." sabi ko kay zach na tumango naman ito bilang tugon. Then we parted ways.
" TEXT MO NALANG AKO KAPAG NAHANAP MO NA SI GAYLE!" sigaw ko kay zach.
"Sige babe!"
END OF FLASHBACK
So ayun na nga hanggang ngayon wala pang nagtetext sa akin kung nahanap na daw nila si gayle. By the way pinaghanap ko din si aiden sa building D&E. Siguro tinatanong niyo kung pano ko nakuha cell. Number ni aiden, well hiningi ko talaga sa kanya habang iniintay naming magising si gayle kanina. Kasi naman sinong di gugustuhing kunin ang number ng parang isang anghel na bumaba sa lupa! HAHAHAHA landi ko talaga.
Balik tayo kay gayle, kanina pa ako paiikot ikot dito sa building B pero di ko pa rin siya nakikita. Sumasakit na yung paa ko kaka ikot dito pero walang sign ni gayle. Umupo muna ako sa isang bench sa garden ng building B kasi pagod na pagod na ako, sino ba naman ang hindi mapapagod kung yung building eh kasing laki ng pinag samang building A&E na malalaki den. Yun nga umupo na ako habang nag pupunas ng pawis. Tinignan ko yung phone ko kung may nag-text na sa kanila pero WALA. Taragis saan ba nagsusot yung babae na yun.
Nagpahinga ako ng ilang minuto doon at saka ako tumayo, kailangan ko mahanap si gayle bago maghapon, sayang classes niya sa hapon kung di siya papasok. Papa-alis n asana ako sa garden ng mag vibrate ang cellphone ko.
1 new message
Aiden
"Kierra kasama ko na ngayon si gayle. Kita-kita nalang tayo sa rooftop ng buil.E"
Hay, salamat at nakita na si gayle! Tinext ko si zach para sabihin na nakita na si gayle at kung saan kami magkikita-kita. pagkatapos kong isend yung text, Tumakbo na ako papunta sa rooftop ng buil. E.
Aiden's POV
Hindi ko na hinintay si kierra makalabas sa clinic para hanapin si gayle. Nauna na ako sa kanila mag hanap, kaya eto ako ngayon nasa buil. D kung saan ako in-assign ni kierra para hanapin si Calli. Total kabisado ko na lahat ng building dito di ako nahirapan na maghanap.
Ilang minuto lang ang lumipas dumako na ako papuntang buil. E., habang bina-baybay ko ang kahabaan ng hallway. Nakita ko si Ethan naglalakad na parang kakagaling lang sa likod ng building E. di niya ako pinansin kaya sinandya kong bungguin siya.
" ANO BA!?" sigaw ni Ethan
Kitang-kita mo sa mata niya na nagagalit siya. Nang makita niya ako biglang nawala ang galit sa mata niya.
"Suit nakita mo ba si Calli?" kalmadong tanong ko sa kanya, bigla na naman na lumitaw sa mata niya ang galit. Feeling ko alam niya kung nasaan ito. Bigla nalang siyang nag smirk na nakakaloko, sabi na eh!
"Ano ginawa mo sa kanya??" tanong ko, mahihimigan niyo sa boses ko ang pag-kainis. Well what could I ask for sa isang lalaking katulad niya. Ne hindi ngayan kumakausap ng babae eh. Palibhasa hindi pa nahahanap ang hinahanap niya. sabi ko sa isip ko while shaking my head.
"Kung hinahanap niyo siya nandun siya sa court" sabi niya then umalis na siya.
"Salamat pare" sabi ko sa kanya. May nakain ba ito at parang bumait naman ata, kasi hindi yan tutulong sayo sa paghahanap o kung may gagawin ka except nalang kung importante. Papalakad na sana ako ng magsalita siya ulit
"Pero sa susunod na makita ko yan,di ko alam ang magagawa ko sa kanya." humarap naman ako sa kanya habang siya ay na nanatiling nakatalikod, ilang minute din siya naka-tayo lang dun at umalis na. Weird?? Kala ko panaman naging mabait na ang loko.
Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad palayo.... Wait bakit may dugo yung ulo niya? lalapitan ko na dapat siya ng may marinig akong umiiyak sa likuran ko. Pag harap ko nakita kosi calli na namumugto ang mata, grabe ilang oras lang siya nawala namugto na agad yung mata niya.
Ganoon ba siya ka fragile? Lumapit ako sa kanya habang siya naman ay nakayuko habang umiiyak. Nang nasa harap kona siya unti-unti niyang itinaas ang kanyang ulo. Mugtong- mugto ang kan kanyang mga mata.
"Aiden...." Naiusal niya habang humihikbi. Lumapit sa akin at niyakap ako, niyakap ko din siya kasi I know she want's comfort. Umiyak lang siya ng umiyak habang naka yakap sa akin. Hindi ko alam kung ano to pero parang nararamdaman ko din yung sakit na dinadala niya. I can feel her pain and sadness, niyakap ko siya ng mahigpit ng marinig kong umimpit siya sa sakit. Hiniwalay ko ang sarili ko sa kanya at tinignan siya sa mata
" Bakit may masakit ba?" tanong ko sa kanya.
" Wa- *hik* wala na-*hik* naman" sabi niya pero alam ko na may masakit sa kanya, I can see it in her eyes. Umiling nalang ako.
"Alam kong meron kaya sabihin mo na sa akin" sabi ko sa malumanay na tono. There is something about me na ayaw ko siyang umiiyak. Iyak pa rin siya ng iyak, di ata nauubusan ng luha si calli eh. Inakbayan ko nalang siya kasi parang wala siyang plano mag salita.
" Aiden...*hik* gusto ko sa rooftop. i need some freash air" sabi niya sa mahina na boses, mapupungay na din ang kanyang mga mata.
Maglalakad na sana siya papunta sa rooftop ng buil. E ng buhatin ko siya ng pang kasal. Nagulat siya ginawa ko, tumingin siya sa akin with a shock looked
" Aiden kaya ko naman maglakad" sabi niya habang nakatingin sa kamay niya.
I can see that her face is blushing, I like it!. Ang cute niya pag nagblu-blush siya, did I just said cute? Kakaiba ka ngang babae ka.ngumiti ako sa kanya at sinabihan siya na iharap sa akin ang mukha niya
"Wala naman akong sinabi kong hindi mo kaya, gusto lang kitang buhatin yun lang" I said it with a smile. Di ko din alam kung bakit ko siya binuhat? I think something is pushing me to do this. Lintek na something yan ano ba yun!
Nung hindi na siya sumagot nagpasya ako na pumunta na kami sa rooftop, habang umaakyat ako sa hagdan napansin kong hindi siya umiimik, kaya tinignan ko siya. Nakita ko siya na half-closed na yung mata niya. napagod siguro kakaiyak. I know na ngayon ko palang siya na kilala pero meron sa sarili ko na parang kakilala ko na siya dati pa. na parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya, na parang may pinagsamahan kami dati. Di ko namalayan na nandito na pala kami sa rooftop. Iniupo ko siya sa lapag ng maingat.
"Thank you"
"You're welcome Glasses"
"Oy anong glasses ha!"
I laughed, bumalik na siya sa dati niya. tinignan niya lang ako ng masama. Umupo ako sa tabi niya at pinisil yung pisngi niya.
"Ouch mashaket" sabi niya habang pinapalo yung kamay ko. Tinanggal ko naman ito at nakita ko ang pamumuladito dahil sa pagpisil ko. Tinitigan ko lang siya, sa totoo lang maganda naman talaga siya kahit may salamin. Bumagay pa nga sa kanya yung salamin eh, makinis ang balat niya, mala porselana. Di ko napansin na napapangiti na pala ako
"Hoy ano ngini-ngiti mo dyan ha!" sabay batok sa akin, etong babaeng to ang hilig mang batok. Ngumiti lang ako sa kanya. Inulo ko yung buhok niya.
"Ano ba kanina ka pa ah!" sabi niya at ginulo din ang buhok ko. Ay may nakalimutan ako, nakalimutan kong I text si kierra. Inilabas ko ang cellphone at hinanap ang pangalan ni kierra, tinext ko siya
Compose message
To:kierra
"Kierra kasama ko na ngayon si gayle. Kita-kita nalang tayo sa rooftop ng buil.E"
Sent
Pagka-sent na pagka-sent tinapik ko si calli then pinicturan ko siya.
" HOY VILLAFUERTE SUMOSOBRA KA NA! sigaw ni calli habang inaagaw yung cellphone ko. Binigay ko naman sa kanya yung phone ko pero bago ko binigay yun pinatay ko muna ito.
"Ano pass.?!"
"Ewan"
"Anong ewan ha!" then kiniliti niya ako sa tagiliran. Shet!
"Hahahaha hahahaha tama na!"
Pero siyempre ginantihan ko din siya mg kiliti
"Hahahahah hahaha"
"Ehem ehem"
Napatingin kami sa pumasok at nakita naming sila Zach at kierra, tumigil naman kami sa ginagawa naming at umupo ng maayos. Kinuha ko yung phone ko kay calli.
"Hoy ,I-delete mo yun!"
Nginitian ko nalang siya.
"Besty!!" sigaw ni kierra at niyakap si calli. Nakita ko na naman sa mukha niya ang sakit kaso bigla niya pinalitan iyon ng isang ngiti.
"Grabe di naman ako nawala ng isang linggo ah hahaha" sabi ni calli kay kierra na kumalas sa yakapan nila
"Gaga alam mo bang nagkanda ikot-ikot na ako sa buil.B&C para lang mahanap ka tapos pag tatawanan mo lang ako!"
"Sorry na"
Lumapit naman sa akin si zach at tsaka umupo sa tabi ko.
"San mo nakita si gayle?" tanong niya habang nakatingin sa malayo.
"Sa buil. E kakalabas lang niya sa court na yun"
"Salamat at nakita mo siya...... pwede ba akong humingi ng favor?"
"Ano naman yun?" tanong ko habang nakatingin din sa malayo
"Paki alagaan si gayle kasi ibang course ang kinuha namin ni kierra kaya di ko siya mababantayan." Sabi niya habang nakatingin sa akin.
"Alam mo naman yung nakaraan niya di ba?"
"Oo at ako na ang bahala kay calli. You can trust me"sabi ko in a serious way, kahit hindi naman niya sabihin aalagaan ko si calli.
" Calli talaga ah, buti pinayagan kang tawagin siya niyan?"
"Bakit bawal ba?"
" Hindi naman sa bawal, ayaw lang niya na tinatawag siya sa first at second name niya :)"
"Why?"
"Ewan ko dyan sa abno na yan!" sabi ni zach habang tumatawa.
"Hoy ZACHARY BERNARDO sinong abno ha!" sabi ni calli
" Ikaw po calliope!"
" Hoy BADONG tumigil ka nga dyan!" sabay tawa ni calli habang nakahawak sa tyan. Si kierra? Ayun tumatawa din, mag bestfriend nga sila.
"Wow maka-tawa si DAMULAG akala mo wala ng bukas" bigla naman tumigil sa pagtawa si kierra at tumingin ng masama kay zach. Si calli naman ayun tawa pa rin ng tawa
"BADONG"
"DAMULAG'
"BADONG"
"DAMULAG"
Kinulbit ako ni calli habang may ngiti sa kanyang labi, nginitian ko din naman siya habang pinagmamasdan sila zach at kierra na nag aasaran.
"Ganyan yang dalawa na yan akala mo nag-aaway pero yan talaa yung way nila ng lambingan, ang swerte ko sa kanila kasi hindi naging iba yung tingin nila sa akin kahit na sinabi ko sa kanila na ako yung heir. Sa totoo lang parang naging kapatid ko na nga sila eh, well ako din naman yung naging tulay para maging sila. Naalala ko pa noon na yung tawagan nila "cheesecake" hahahaha corny amp"
Sabi ni gayle habang naka- tingin sa love birds hahahaha pati ako nagagaya na si gayle sa pagka baliw.
"Hoy LUPI ano sinasabi mo dyan ha!" sabi ni zach kay calli na ikinatuwa aman nito
"Atleast ako hindi BADONG!"
" HAHAHA LUPI!" sabi naman ni kierra.
At ayun na nga nag asaran na sila na parang sila lang yung nandito. Sila kaya kalian kaya sila babalik dito sa pinas? Ayoko ko man aminin pero na mi-miss ko na din yung mga ugok na yun! Sana dumating sila ngayong year.
---------------
A/N
So ayun nga alam kong masyado mabababaw yung kahulugan nung title pero sana maintindihan niyo
Sa susunod na chapter puro pov lang ni calli nandun kaya bye bye muna kayo kay aiden!hahahhaha
Enjoy reading!
Labyu all♡
-jai♡