Chereads / the day he will hate rain / Chapter 7 - Chapter 6: Acquainted in the night cafê

Chapter 7 - Chapter 6: Acquainted in the night cafê

Gayle's POV

"Bye bye, i-delete mo yung picture ko ha!" sabi ko kay aiden na nakasakay na kanyang Ferrari. Yaman Ferrari talaga eh ako nga wala, gusto ko ako bibili ng magiging kotse in the near future. Oo future wala naman kasi akong trabaho kasi college palang ako.

" Yes glasses!" sabi niya habang nakatingin sa bintana.

Sinamaan ko siya ng tingin kaya nangiti siya, di naman ganoon ka tinted yung kotse niya kaya kita ko pa rin yung killer smile niya. napangiti naman ako ng kindatan niya ako. Grabe unang day ang landi ko na HAHAHAHA.

*beep* *beep*

Busina niya at umalis na siya habang kami naman ay kaway lang ng kaway dito. Balik tayo sa iniisip ko kanina, yung tungkol sa mga trabaho. Parang gusto ko mav part-time sa isang café kung saan peaceful at tahimik. Café na maraming books, kung hindi niyo natatanong mahilig ako mag-basa

ng mga libro. Mahilig din ako gumawang iba't ibang flavor ng mga coffee, siguro natutunan ko ito sa lolo ko. Mahilig kasi yun sa mga kape eh, sa kanya ko din natutunan kung pano maghalo at mag-lagay ng art sa kape. Kaya siguro ako maarte hahaha.

" Hoy ano iniisip mo dyan?" tanong sa akin ni kierra, nan aka ngisi pa.

"Si zach?"

" Kinuha yung kotse niya.... ay by the way sabay ka nga pala sa amin sabi ng tito Ramon"

Bigla nawala ang ngiti ko sa aking labi by the mention of his name, di pa rin nawawala sa aking isip yung mga sinabi niya. parang may sirang plaka sa utak ko na nag papa ulit-ulit yung mga sinabi niya sa akin kanina. Naalala ko na naman yung oras na sinampal niya ako.

"Besty….. sabi nga pala ni tito ramon, sorry daw"

"Bakit  hindi siya nag-sabi niyan" sabi ko with matching irap, totoo naman diba. Bakit hindi siya yung nagsabi nun kasi siya naman yung may mali?, bakit si besty ba yung sumampal sa akin, siya ba yung nagsalita nang masasakit na salita sa akin?

"Gayle, di ko alam kung ano yung pinag-usapan niya pero alam kong galit ka sa tatay mo pero intindihin mo nalang siya. Para sa ikabubuti mo din naman iyon eh"

Lumaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Huh? Para sa ikabubuti ko. Ikakabuti ko ba yung pag sampal niya sa akin, siguro nga. Nung sinampal niya ako, naalog yung utak ko parang matauhan ako how useless i am. Umiling lang ako bilang tugon ko.

*beep* *beep*

Napalingon kami ni kierra sa Ford na kotse ni zach, buset ang lakas nung ilaw ah. Akala mo gabi na, buset na zach yan.

"Bwiset ang hinayupak yan" sabi ko half-close yung mata ko sa sinag ng ilaw ng kotse ni zach. Agad akong pumasok sa likod kasi alam kong sa unahan si kierra. Pagka-pasok na pagka-pasok ko sa likuran. Binatukan ko kaagad si zach

"Aray! Ano ba wala naman akong ginagawa sa ah" sabi niya habang hinihimas ang ulo niya, aba akala mo kay babaeng tao kung taasan ako ng kilay. Pero syempre di ako nag patalo mas tinaasan ko yung kilay ko

"Boi! Nakakahiya namanyung ilaw mo sa sobrang liwanag, sa sobrang liwanag dinaig pa yung sikat ng araw." Sabi ko in a sarcastic voice

"Hehehe sorry di ko napansin"sabi niya habang nagkakamot ng ulo

"best saan ka nga pala? Gusto mob a sa amin ka muna total dun di naman pupunta si zach eh." Tanong sa akin ni kierra, tinignan ko lang siya tapos tumango ako.

Ayoko muna makita si papa sa bahay, gabi na ako uuwi para nasa kwarto na sila ni mama. Habang bina bay-bay naming ang kahabaan ng kalsada, may pumukaw sa akin ng pansin kaya napasigaw ako.

"Stop zach."

"Why what's wrong gayle?" tanong sa akin ni zach na hininto din naman sa gilid ng daan

"Dito nalang ako bababa."

"Di ka na sasama sa amin?" tanong ni kierra

"Hindi na uuwi nalang ako mamaya sa amin"

"Sure ka... o sige tumawag ka nalang sa akin kung nakauwi ka na"

"Thanks!"

Sabi ko sa kanila then binuksan ko yung pinto at umalis, naglakad ako papunta sa place na yun. Ano yung palce na yun? Isa siyang café na sobrang ganda ng pagkaka construct at design. Nang nasa harap na ako nang shop binasa ko ang malaking pangalan nito sa harapan

"Acquainted with the night" basa ko sa pangalan ng coffee shop na ito, interesting name huh!

Pumasok ako sa loob ng café. Pagka-pasok na pag- kapasok ko dito, naamoy ko ang aroma ng mga kape dito. A peaceful place,perfect ito sa mga gusto mapag isa at sa mga mahihilig sa mga books. Pumunta ako sa counter para umorder. Tinignan ko yung menu nila. Dumako ako ang mata ko sa best seller nila which is.....

"A classic latte"

"1 classic latte"

Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko na umoorder din, Bakit ang dami naming anghel na bumababa sa lupa ngayong araw na to. Una si aiden tapos ngayon si kuyang umoorder, ayos lang naman yung katawan niya payat pero may muscles. Napapa-lunok nlang ako while checking him out.

"Ma'am here's your latte"

Naputol yung pagtingin ko sa lalaki ng magsalita si ate girl, humarap ako sa kanya at kinuha yung tray ko na may latte.

"Thank you"

Pagkasabi ko nun umalis na ako sa counter para mag hanap ng upuan, umakyat ako sa itaas ng café na ito dahil sa baba masyado ng madaming tao. Kaya sa taas nalang ako total wala naman masyadong tao dun kasi parang pang may business meeting ata dun. Tsaka tahimik dito kaya mas gusto ko dito. Pumwesto ako sa may balcony nitong café na ito kung saan tanaw mo yung mga sasakyan na dumadaan. I love this spot, gusto kapag nagkakape ako sa mataas na lugar kung saan makikita mo yung mga sasakyan na dumadaan or makikita mo yung nature.

Gusto ko din sa tahimik na pwesto. Pag nagka-kape lang pero pag clubbing heh! Kahit sobrang lakas ng music basta ma eenjoy ko sige lang as long as walang hahawak sa akin na hindi ko naman kilala. Funny nga eh nag clu-club ako pero ayaw mahawakan ng iba. Meron ba nun? Siguro yun yung mga umiinom lang dun. Yeah umiinom ako, natutunan ko yun kay kierra.

Di ko alam pero masarap mag inom kapag may problema ka. Hindi man tungkol sa lovelife yung mga problema ko pero..... ay basta masarap uminom.

I took a sip on my latte and gosh ang sarap. Tama lang yung mixture tsaka yung amount nung coffee kaya masarap. While I was enjoying my latte someone sit in front of me, tinignan ko kung sino siya pero nagulat ako kasi siyayung lalaki kanina na umoorder. He has the killer smile like aiden, I just smile back at him

"Do you mind if I take this seat?" tanong niya sa akin habang nakangiti pa rin

"You already taken that seat" sabi ko sa kanya with a small smile

"Yeah right, what's your name miss?"

Sasabihin ko ba? For god sake ngayon ko lang to nakita pero baka naman mapahiya siya kapag di ko sinabi. Sige na nga sasabihin ko na mukha naman siyang mabait eh. I do not trust easily pero parang mabait naman siya eh.

"Calliope blaise gayle dela sierra" sabi ko with a small smile

"Andrew parallejo" said with a smile

"Uhuh...." Sabi ko then tumahimik na ako. Di ko naman siya masyado kilala kaya di ko dapat siya masyado kausapin, baka sa likod ng maganda niyang mukha ay isang kidnapper ng mga babae. Kaya let's just stay quiet.

Pero mukha talaga siyang mabait eh

Iniharap ko yung upuan ko sa mga sasakyan na parang water falls na umaagos ng maayos, maayos kasi walang traffic. Ang smooth smooth ng galaw ng mga sasakyan. Habang nagmumuni-muni ako may narinig kong may nag salita sa aking gilid

"Ang unfair ng mundo no? yung tipong masaya ka na sa isang bagay na yun tapos kukunin pa sayo. Yung akala mo pang habang buhay na pero hindi pala. Ay wala nga pa lang habang buhay, panandalian nga lang pala lahat. I thought lahat meron ako pero hindi pala. Minsan naiisip ko bakit yung buhay ko napaka daming twist and turns, ano ba yung buhay ko roller coaster na kapag sumakay ka sasaya ka? Para sa akin hindi, ang mararamdaman mo takot. Takot na ma reject ulit, takot na maging disappointment ulit"

isang mahabang paliwanag ni Andrew? Oo Andrew ata pangalan niya. napatingin naman ako sa kanya at may nakita akong lungkot sa kanyang mga mata, feeling ko ganyan din yung mata ko kanina kaso yung aking mugto yung mata ko. Tinignan niya ako sa aking mga mata, I just give him a smile… a bright smile

"Sorry for being dramatic hehe"

"No it's ok….. I mean I feel the same on how you said the world is freaking unfair hahaha" I just laughed. Well tama naman yung sinabi ko. I just feel na the world is unfair

"I didn'tsaid the word freaking" then he laughed

I just smile at him.

Ilang oras din yung lumipas habang nag-uusap kami tungkol sa sarili namin, parang getting to know each other kumbaga. And once again magaan na naman yung pakiramdam ko sa isang to, although di ko parin siya kilala personal pero magaaan yung loob ko sa kanya. Una si aiden then ngayon si Andrew.

Di ko maintindihan pero yung feeling ko kanina na may pinagsamahan kami ni aiden dati. Nararamdaman ko din kay Andrew ngayon. I don't know what kind of feeling it is pero isa lang ang alam ko. Hindi ito love, well kung love nga ito siguro as a friend lang.

Tulad ng crush mo, mahal ka niya pero as a friend lang hahahaha. Di ko naman nilalahat hehehe

Habang nagkwekwentuhan kami biglang nag vibrate yung cellphone ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag, pag-kita ko si kierra

Incoming call

Besty kie!

"Hello?" sagot ko sa tawag niya

"Hoy bruha nasaan ka na?!" inilayo ko sa tenga ko yung cellphone kokasi ang sakit sa tenga nung boses ni kierra

"Wae?"

Anong wae, anong oras na oh pero sabi sa akin ni kuya albert wala ka pa rin sa inyo!?

Tinignan ko kung anong oras na sa relo and….. shit! It's already 10:00 pm. Grabe halos 7 hours na ako dito sa café, pero di ko namalayan yung oras.

"Uhmm andito ako sa binabaan kong café kanina"

"tanga ano yun ilang oras kang nandyan?"

"Yeah, hindi ko din namalayan yung oras eh hehehe"

"Umuwi ka na anong oras na. baka mapagalitan ka ni tita stella"

Oh, oo nga pala umuwi si mommy ngayon. I don't care naman kung umuwi siya o hindi eh, sanay naman na ako eh

"Sige na uuwi na ako, tawagan nalang kita pag nakauwi na ako"

*toot*toot*

Napabuntong hininga nalang ako kasi alam kong papagalitan ako ni mommy kasi gabi na ako umuwi, di na ako nasanay lahat naman ata ng ginagawa ko mali sa paningin nila. Pero ni rerespeto ko pa rin naman sila ni daddy pero kapag sumobra naman ata sila dun na nawawala respeto ko sa kanila. Inayos ko yung gamit ko para maka alis na dito.

Tumingin ako kay Andrew na kakatapos lang niya kainin yung cheesecake na inorder niya kani-kanina lang.

"Uhmm alis na ako, anong oras nab aka mapagalitan pa ako ng parents ko. By the way nice meeting you" sabi ko kay Andrew na anaktingin sa akin with his smile.

"Hatid na kita?" tanong niya sa akin

"No na mag cocommute nalang ako total malapit lang naman"

"Anong oras na oh, hindi maganda sa babaeng nagco-commute sa oras ng gabi na ito"

"excuse me?"

"Hatid na nga kita, dahil din naman sa akin kung bakit ka uuwi ng late eh tsaka di naman ako masamang tao tulad ng nasa isip mo"

"Uhmm may dadaanan pa kasi ako eh"

"Ok lang sabihin mo nalang sa akin kung saan yung dadaanan mo. Ano shall we leave"

Tanong niya sa akin with matching lahad pa ng kamay sa akin. Nakakahiya naman kung tatangi pa ako, baka sabihin maldita ako kaya in the end nagpahatid na din ako sa kanya. Nung nasa parking na kami, pinatunog niya yung kotse and what the heck. Sinong di mama mangha kung yung kotse niya ay isa lang naming ROLLS-ROYCE. Tarages una Ferrari tapos ngayon rolls-royce yung totoo nasa pinas pa ba ako?

"Are you done checking my baby?"

"Hehehe" yun lang nasagot ko

Pinagbuksan niya ako ng pinto then sumakay na ako sa front seat. Nang marating siya sa driver seat pinaandar niya ang mamahalin niyang kotse. Simula ng makaaalis kami sa café wala paring umiimik sa amin. Ngunit di din nag tagal binasag niya ang katahimikan

"Saan nga pala yung dadaanan mo?" tanong niya sa akin habang ang paningin niya ay nanatili sa daan

"Uhmm… dun stop mo dun" sabi ko na may kasama pang pagtuturo kung saan ako bababa

Inihinto niya ito sa harap ng Convinience Store

"Dito ka may dadaanan?" tanong sa akin ni Andrew

"Yeah dito nga. Gusto mo bang sumama?" tanong ko sa kanya, tumango siya bilang tugon sa akin. Binuksan ko yung pinto tsaka ako lumabas. Inintay ko muna siya bumababa bago ako pumasok sa loob. Pagkapasok naming sa loob pumunta agad ako sa section kung nasaan yung mga gummies. Yes mahilig ako sa iba't ibang gummies. Bumili ako ng tatlong pack ng gummy worms tsaka tatlong pack den ng gummy bears.

Pagkatapos kong kunin ang mga yun, pumunta naman ako sa drinks. Unang una kong kinuha sa ref. ay yung Milkis. Ito yung paborito kong inumin galling Korean pwera sa soju. Kumuha ako ng 4 na milkis

( no joke pero masarap talaga yun, kaya try niyo rin. Nag endorse pa nga hahaha)

Pagka-tapos kong kumuha nun napag desisyonan ko din na kumuha ng blueberry cheese cake dito. Tinignan ko si Andrew na nakatingin sa akin habang naka-ngiti, yung totoo hindi ba siya napapagod ngumiti?

"Wae?"

"Ang hilig mo pala sa sweets hahaha"

" uhmm yes. Ikaw ba, may bibilhin ka ba?"

"Oo eto oh"

Sabi niya tapos itinaas niya yung basket niya, grabe halos puno yun ah. Puro chips pa tsaka softdrinks. Kung ako puro sweets siya naman puro salty or savory pwera nalang sa softdrinks hehehe. tumango ako sa kanya, umuna ako sa counter at nagbayad, babayadan ko na din dapat yung sa kanya pero wag na daw kaya di na ako nag pilit.

Nang makalabas kami sa convenience store, pumasok na ulit kami sa sasakyan niya. hinatid niya ako sa subdivision namin. Nang nasa harap nakami ng bahay naming inalis ko na yung seatbelt ko para makababa na ngunit bago pa ako makababa nag salita siya.

"You're a heir"

"Excuse me?"

"You are the heir of the DS group"

"Uhmm hehehe"

"Don't worry di ko ipagsasabi. See you in the party"

"What party?"

" The grand ball?"

" don't tell me...." Sabi ko habang nanlalaki yung mga mata ko

"Yeah John Andrew parallejo. The RD's heir"

My jaw dropped on what he just said. I just keep staring at him looking dumbfounded. Nung mata uhan ako dali dali akong bumababa ng kotse niya.

" I-i guess I will see you around" sabi niya habang nakatingin sa akin

"Thank you byeee and nice to meet you again" sabi ko sa kanya.

"You're welcome and nice to meet you too blaise" sabi niya then pinaandar na niya yung kotse me. While I was left in front of our house waving nang hindi ko na siya matanaw, pumasok na ako sa gate namin. Pagka-pasok na pag ka-pasok ko narinig ko si mommy na may kausap. Nung makita niya ako lumapit siya sa akin.

"San ka galing?" tanong ni mom

"Nag-kape lang ako sa coffee shop malapit dito"

"Kung nag-kape ka bakit ngayon ka palang? tsaka sino yung naghatid sayo?

"Mom anong oras na ako naka uwi sa school then pag katapos ko sa café dumiretso ako sa convenience store then umuwi na ako" isang mahabang paliwanag ko kay mom. But she didn't buy it

"Qlam kong nagkasagutan kayo ng daddy mo, kaya wag mo na itago sa akin iyon"

"Ok pumunta ako sa café then nakita ko dun si parallejo yung heir ng RD kaya natagalan ako kasi nag kwentuhan pa kami then we go to the convinence store and we head home… ok na po?" pagsasabi ko nang totoo. Mas pinagkakatiwalaan ko naman si mama kaya ok lang kung sabihin ko sa kanya. She pulled me to her then she hug me.

"Sorry wala akong nagawa kanina, kung alam ko lang nang maaga kanina yung nangyari baka ako na sumampal sa daddy mo. Sorry ngayon lang ako nakadating. Hayaan mo kakausapin ko ang daddy mo"

Humiwalay ako sa pagyayakapan namin at tumingin ako sa mata niya.

"Ma ok na, nag sorry naman na si papa eh. Kalimutan nalang natin yung nangyari" kahit wala sa loob ko yung sinabi ko pilit konv ipinapakita kay mama na sinsero ako sa mga sinabi ko. Kahit kailan naman huli ka lagi dumating. Lagi mo nalang sinasabi yan kahit wala ka pang natutupad dyan ni isa. Gusto kong sabihin kay mama yan pero ayoko baka masaktan ko lang siya

"I know pero-----"

"Mom ok na, Akyat na po ako" sabi ko then iniwan ko na siya. Pag ka pasok ko sa kwarto ko, ibinaba ko yung bag ko tsaka yung pinamili ko sa kama. Kumuha muna akonang damit sa cabinet ko tapos dumiretso na ako sa bathroom. Hinubad ko yung damit ako at tumapat sa shower.

Hinayaan ko na umagos sa hubad kong katawan ang malamig na tubig. Ilang minuto lang yung lumipas. Nagbihis na ako at lumabas nang kwarto. Kinuha ko sa kama ko yung bag ko tapos inilagay koi yon sa upuan habang ang mga pianmili ko naman ay nasa tabi ng kama ko sa side table. Kumuha ako nang gummy bears tsaka isang milkis then humiga ako sa kama habang nanonood sa Netflix.

Di ko lubos isipin yung mga nangyari kanina, simula sa nabangga ko si Clifford hanggang sa pag-uusap naming ni mama kanina. Can you tell me, what's wrong with me? Bakit sobrang dami naming nangyari na hindi maganda. Partida unang araw ko palang to ng school year pero andami nang nangyari, paano pa kaya sa mga susunod?

Pagkatapos kong manood, pinatay ko na yung tv then nag toothbrush na ako and head to sleep. Alam kong madaming mangyayari bukas so I better prepare my self

*zzzzzzzzz*zzzzzzzzz*