Chereads / the day he will hate rain / Chapter 11 - Chapter 10: Gossips

Chapter 11 - Chapter 10: Gossips

Gayle's POV

Nagising ako sa ingay ng aking cellphone, kinuha ko ito at tsaka binasa ang mga naka-notif dito.tuwing gabi kasi ay kiniclear ko ang mga notification ko sa cellphone kasi nakakairita kapag nakikita mo iba't ibang number sa taas ng mga social media apps.

Ang pinagtaka ko lang eh yung napakaraming notif sa FB ko, alam kong kinlear ko yung notif ko dito. Bimuksan ko ito at nagulat sa aking nakita. Grabe naman porket ba magka kasama kami nila aiden at Andrew malandi na ako agad?

Di ba pwedeng magka-kaibigan lang talaga kami kaya kami magkakasama? Yung pic. Na nakaupload sa Malachite teen group eh yung nasa parking kami nila aiden at Andrew habang ako naman ay nasa pagitan nila at hawak hawak ni aiden yung kamay ko.

Eto siguro yung time na nag away sila aiden kung kanino ako sasabay kahapon. Habang tinitignan ko yung post bigla naming may lumabas na 1 new comment sa ibaba ng post. Tinignan ko yung mga comments at......

"Grabe ang lande naman ni ate!

" Two timer ka girl?"

"Akala mo naman kung sinong maganda, mukha namang mahirap"

"CALLIOPE BLAISE GAYLE DELA SIERRA ganda ka teh! Kagigil ka akala ko mabait may tinatago din palang landi sa katawan"

"Hindi na nahiya at parehas pang heir yung nilandi..."

Hindi ko na tinapos ang pagbabasa ng mga comment kasi alam ko naming puro hate lang ang mga nakalagay dun, tumayo ako at pumasok sa banyo.

Hinubad ko isa isa ang damit ko at tumapat sa shower, habang hinahayaan kong dumaloy sa katawanko ang malamig na tubig napapaisip ako kung bakit naman nilang nasabing malandi na ako saiisang picture na yun.

Pwede naman dibang sabihin na magkakaibigan lang naman kami. Nang matapos na ako maligo, pumunta ako sa harap ng salamin sa banyo at kinausap ang sarili ko

"Gayle makikitid lang ang utak nila kaya nila nasasabi sayo yun. Mga chismosa lang sila kaya you don't need to worry pretty girl hehehe"

pag katops kong sabihin yun sa sarili ko lumabas ako ng canteen ng nakatapis. Kinuha ko sa uniform cabinet yung uniform ko kung saan napaka igsi ng palda. Kaya ako nag hihigh socks kasi I don't want to expose my legs, mas lalo tuloy akong nagmukhang nerd.

Kinuha ko yung bag ko pagkatapos kong magbihis tsaka bumababa sa sala, nakita ko sila mommy na nag bre-breakfast kaya sumabay nalang din ako sa kanila. Ilang minute lang ang lumipas nag paalam na ako sa kanila para pumasok.

Nang makarating ako sa gate kitang kita mo ang mga matatalim na tingin ng mga estudyante sa akin, akala mo naman nakapatay ako ng tao. Hindi ko iyon pinansin at tsaka pumasok sa loob. Papunta na ako sa locker ko ng may tumawag sa akin.

"Blaise!!" humatap naman ako sa kanilang tatlo at tsaka ngumiti ngunit agad ko din naman inalis ang tingin ko ng magtagpo ang mata namin ni ethan.

"Sige una na ako" sabi ko sa kanila tsaka kumaway.

Hindi naman siguro nila alam yung tungkol sa post kasi kung alam nila yun iba na ang tingin nila sa akin, pero parang normal lang naman yung tingin nila sa akin eh.

Pwera na nga lang kay ethan kasi kapag tumitingin siya sa akin eh parang papatayin na ako. Dumiretso na ako sa class ko at as usual pinagtitinginan na naman nila ako, para na nila akong papatayin sa mga tingin nila. Umupo ako sa upuan ko sa likod kung saan wala masyadong makakakita sa akin.

Kinuha ko yung notebook ko sa bag at tsaka nagsulat dun, kinuha ko din ang earphone ko kasi kahit andito na ako sa likod naririnig ko pa rin ang usap- usapan sa akin. Pumili ako ng kanta sa music ko. Sakto naming tugma sa nararamdaman ko yung kanta.

Ilang Segundo ang limupas at dumating na sa chorus ang kanta, at dahil na rin sa nararamdaman ko na kanta ko ito habang naka pikit.

Isn't it lovely, all alone

Heart made of glass, my mind of stone

Tear me to pieces, skin and bone

Hello, welcome ho--

Ilang minuto lang ang lumipas ng simulant ko ang pagsusulat may tumabi sa akin. Tumingin naman ako sa kanya at tsaka ngumiti. Yes si Andrew yung katabi ko habang yung dalawa naman ay nasa kanan niya naka upo.

Tumigilna din ako sa pagkanta kasi alam kong iinisin niya ako kasi panget boses ko. Hindi ko naman tinago ang notebook ko kasi meron akong sinusulat na kanta.

Yes song writer ako pero di naman ako katulad ng ibang writer talaga na sobrang galling. Kinakausap naman ako ni Andrew kaya di naman ako gano na bored. Hindi ko tinago ang notebook ko kahit na dumating na si ma'am, pumunta naman siya sa desk niya at nag-discuss.

Pero ako tuloy pa rin ako sa pagsusulat ng kanta, ilang minuto din ang lumipas simula ng mag discuss siya inilabas niya ang mga index namin na alam kong mag rerecitation kami.

At di naman ako nag kamali dahil tumawag na siya ng pangalan. Nakasagot naman na ang lahat habang ako analang ang natitira kaya lumapit siya sa akin at...…

"Dela sierra stand the fuck up"

Rude, ganyan ba dapat ang mga teacher minumura mga estudyante. Akala ko ba private school to pero ang mga ugali naman ng teacher pang public. I thought this is the best school, pero it turned up na parang normalna private school lang to.

Ang malachite kasi ay isa sa mga exclusive na school dito sa amin, kaya puro mayayaman din ang mga nag aaral dito. Haysss sana lang talaga sa susunod pang mga linggo maging maayos dito pagii-stay ko dito. Tumayo naman ako tsaka tumingin kay ma'am na nabobored na.

magalang naman talaga ako sa mga nakakatanda sa akin pero hindi sa kanya. Kung hindi niya ako nirerespeto bilang estudyante then she dosen't deserve my respect..

"When was the Korean war ended?"

"Well as you can see ma'am hindi pa tapos cause north and south korea is still technically in war kaya nga mag kahiwalay pa rin ang bansa nila diba. It's too obvious na you want me to fall for that stupid question. So my answer ma'am is it didn't end and we don't exactly know when will it end"

Sabi ko kay ma'am bumalik naman siya sa desk niya at inayos ang mga gamit niya. sakto naming tumunog ang bell kaya nag si tayuan na din ang mga kaklase ko habang ako naman ay nag aayos pa ng gamit. Patapos na akong mag ayos ng may tumawag sa akin, siya ay si Andrew.

"Blaise sabay ka na samin?" tanong niya sa akin tumingin muna ako pasimple sa likod niya tsaka ko naalala na kapag sumama ako makakasabya kong kumain si ethan. Alam ko naming galit pa rin siya sa kasalanan na hindi ko naman ginawa.

"Oh sorry I can't kasabay ko kasi sila kierra eh" I lied , actually di ko naman talaga makakasabay sila kierra kasi iba schedule nila sa schedule ko kaya hindi ko sila makakasama madalas.

Ngumiti naman ako para hindi niya mahalata ang pag sisinungaling ko.

"Ahh ganon sige sa susunod nalang" sabi niya sa akin habang nagkakamot ng ulo.

"Sige una na ako bye!" sabi ko sa kanila tsaka lumabas.

Pumunta naman agad ako locker para ilagay ang iba kong gamit dun. At syempre inaasahan ko din naman na may mga post it note dun na ang mga nakalagay eh….

"Landi mo teh!"

"Whore!"

Then kung ano ano pa ang nakalagay dun about me being a malandi. Hindi ko naman yun tinaggal kasi alam kong mag kakabit lang sila ng magkakabit kapag tinanggal ko pa yun. In the end hindi ko nalang pinansin yung mga taong nakatingin sa akin.inilagay ko lang dun lahat ng mga iiwan ko at tsaka na ako pumunta sa canteen.

Pumila ako sa canteen while hearing everyone's gossips about me. Nang dumating ako sa cashier ngumiti ako kay manang na nag susulat ng mga bibilhin namin. Ngumiti din naman siya sa akin kaya alam kong mabait si manang, naaalala ko tuloy sa kanya si lola.

"Ano maikukuha ko sayo hija?" tanong sa akin ni manang kaya naman sinabi ko sa kanya ang lahat ng bibilhin ko.

"Uhm isa pong black coffee tsaka po isang blueberry cheesecake" sabi ko kay manang na agad din naming kinuha.

Nang maibigay na niya sa akin ang tray ng pagkain ko, nag pasalamat ako kay manang tsaka tumungo papunta sa exit. Sa rooftop nalang ako kakain. Malapit na ako sa exit ng lumapat ang mukha ko sa sahig ng canteen, rinig ko na din ang tawanan ng mga estudyante sa akin.

Mayroon pa silang side comment na how malandi I was, well for they information I'am not like that! Habang inaayos ko ang gamit ko may humawak sa kamay ko at inalalayan akong tumayo…. Wait parang nangyari na to ah?

" Miss ok ka lang ba.... Calli?!"

Humarap ako kay... aiden na tinutulungan akong tumayo. Kung andito si aiden sa table ng pinagpatidan ko ibig sabihin nandito din si....

"Ethan" mahinang bulong ko. Siya lang naman ang pwedeng gumawa nito sa akin kasi alam ko naming galit siya sa akin sa hindi malamng dahilan.

tumingin ako kay ethan ng palihim at nakita ko ang mala kuryenteng dumadaloy sa pagitan ng tinginan nila ni aiden. Iniwas naman ni aiden ang tingin niya at tumingin sa akin.

"Ayos ka lang ba?" mahinang tanong niya sa akin habang pinapagpag ang damit ko.

Nang matapos niyang pag pagin ang damit ko di ko naman namalayan na nasa kabilang gilid ko na pala si Andrew.

"Blaise ok ka lang ba?"

Tumango naman ako at tsaka mabilis na lumabas ng canteen.Pumunta ako sa rooftop matapos ng nangyari kanina sa cafeteria, hindi ko alam kung ano peroblema ng lalaking yun at nakuha pa akong ipahiya sa lahat. Alam ko din kung ano yung sinasabi nila sa akin about being a slut.

Yun yung kumalat na picture namin na magkasama kami nila aiden sa paking lot yun yung kung saan nag aaway silakung sino ang mag sasabay sa akin. Umupo lang ako sa lapag ng rooftop tsaka nilabas ang isa kong gummy bear.

Actually mamaya ko pa to kakainin kapag nagtuturo si sir chua pero wala akong makakain ngayon dahil natapon ang pagkain na kakainin ko dapat ngayon. Kinabit ko ang earphone ko sa cellphone ko at nakinig sa music.

Flashlight  by Jessie j (chorus)

I got all I need when I got you and i

I look around me, and see a sweet life

I'm stuck in the dark but you're my flashlight

You're getting me, getting me through the night

Kick start my heart when shine it in my eyes

Can't lie, it's a sweet life

I'm stuck in the dark but you're my flashlight

You're getting me, getting me through the night

Cause you're my flashlight

You're my flashlight

You're my flashlight

Nagpayuloy lang ako sa pagkanta habang nakapikit ang mata para damhin ang bugso ng hangin dito sa taas ng may naramdaman akong kamay sa balikat ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at tsaka tumingin sa gilid ko.

Nakita ko ang isang lalaking nakangiti. Ngumiti naman ako sa kanya ng konti kasi naiinis pa rin ako dun sa ginawa ng kaibigan niya sa akin. Ilang minuto din ang lumipas nang nakatingin lang siya sa akin, sa totoo lang naiilang na ako kasi hindi naman siya nagsasalita all he wanted to do is to stare at me.

Inalis ko na din naman ang tingin ko sa kanya, shet na kakabingi na yung katahimikan namin kaya ako na ang unag bumasag dito.

"Bakit ka nandito? Hindi ka ba sasama kanila Andrew?" tanong ko kay aiden na kasalukuyang nakatingin sa malayo.

Mukhang malalim ang iniisip neto ah. Siguro alam na niya yung tungkol dun sa picture namin tatlo na kumalat. Sivuro ang tingin niya sa akin ay malandi gaya ng iniisip ng iba.

Well that was an misunderstanding pero wala eh I cannot change their mind by the fact that I am a slut.

" I don't believe on those gossips, cause we know what really happen there. Don't worry I will say the truth in the comment"

sabi niya with a big smile. I'm glad that I still have him by my side, ayoko naman sabihin it okay kiera kasi alam kong busy din sila sa pag-aaral. Kaya ko naman etong silusyonan ng walang tulong nila kasi baka maging pabigat pa ako. Tumingin naman ako sa kanya at siya naman ay nakatingin din sa akin.

"Thank you pero I don't want to drag you down on my problem" sabi ko sa kanya kasi baka masira ko pa yung reputation niya dito dahil sa akin.

Ayoko din naman sabihin na nag sumbong pa ako kay aiden, baka mas lalong lumaki yung issue sa akin. Mas ok na tong gossips lang at walang physical abuse.

"No WE drag you down to this situation kaya kami ang aayos nito ni Andrew, and besides mag kaibigan naman tayo. Kaya it's ok if my reputation goes down cause I know na they cannot say No to my handsome face HAHAHA"

Sabay naman kaming natawa kasi sa sinabi, may pagka-mahangin din pala si aiden pero yung sa kanya kasi eh totoo lahat ng pag mamayabang niya. Oo na nagwagwapuhan ako kay aiden pero hanggang dun lang yun.

"Thank you aiden"

"Walang anuman….. and also ang ganda ng boses mo ah, glasses?"

"Bolero pa nga. Sa totoo lang ikaw lang ang nakakapag sabi niyan sa akin"

"Why? Di ba alam ng dati mong kaklase na maganda boses mo?"

"Homeschooled ako aiden kaya walang nakakaalam, kahit na sila kierra. Ang alam lang nila eh mahilig ako sa music."

"Ahhh kaya ka pala matalino eh"

" Huh?"

"Sabi kasi nila once na homeschool ang issa mong kaklase asahan mong matalino yan"

"Hindi naman ako ganon katalino, bale sakto lang naman ako. Mabilis lang akong mag memorize"

Sabi ko sa kanya kasi hindi naman talaga ako matalino, siguro mahilig lang ako sa books tsaka sa pagmememorize ng bagay bagay kaya nila nasasabi na matalino ako. Normal na tao lang ako gaya ng iba kaya normal lang din ang takbo ng utak ko. Tumingin ako kay aiden na tumayo habang may tinitignan ang cellphone niya.

"Calli una na ako may practice pa nga pala kami" sabi niya tsaka kinuha nag bag niya sa lapag.

Tumango naman ako bilang tugon kaya naman ngumiti siya at tsaka naglakad papalayo.

Hinintay ko muna siya makaalis ng ilang minuto tsaka ko naisipan na tumayo na rin at bumababa. Baka mamaya kasi malate pa ako sa physics ko.

Papasok na sana ako ng harangan ng dalawang babae ang aking dadaanan. Tumingin naman ako sa kanilang dalawa. Aaminin ko magaganda sila, tsaka feeling ko siya ang tinuturing na campus belle dito dahil sa puti ng legs niya, sa wavy niyang buhok , sa taste of fashion niya at tsaka na din sa tangkad niya.

singkit ang mga mata niya at ang mga kilay niya ay on fleek hehehe. Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa tsaka siya nag salita.

"Tignan mo nga naman ang hipokritang babaeng to.  Akala mo kung sino para landiin ang dalawang prince charming ko"

"Oo nga naman stella akala mo naman kung sinong maganda eh mukha naming hamps lupa!" tinapunan niya pa ako ng tingin bago siya humarap sa nag nga ngalang stella.

Sumagot naman ako sa kanilang dalwa kasi gaya nga nang sabi ko dati, hindi ako nagpapaapi sa iba HAHAHAHA

"Ok first of all wala akong nilalandi, di katulad mong kulang nlang eh gawing panty yang skirt mo. Second kung sino man ang malandi sa ating dalawa eh ikaw yun. You just mention na Dalawa prince charming mo,  hindi ka ba nakuntento sa isa at dinalawa mo pa? tsaka wag mo akong pagsasabihan na hindi maganda sa pandinig ko kasi baka mailabas ko ang ang totoong ako."

Isang mataray na sagot ko sa kanya. Tinaasan ko din siya ng kilay tsaka ngumisi, nakita ko naman sa mukha niya ang pag kainis kaso hindi na siya nag salita. Tinamaan siguro siya sa mga sinabi ko sa kanya kaya natahimik. Tumingin naman sa akin yung alipores niya na kulang nalang eh patayin na ako sa mga tingin niya.

" How dare you say that to our campus belle!" aakma n asana siyang sampalin ako pero may pumigil dito. Tumingin ako sa lalaking siguro kasing edad na to ni daddy. Nakasalamin ito at may dala-dalang macbook at mga papers. Dun ko lang napagtanto kung sino siya.

"Sino may sabi sayo na pwede mong sampalin ang pamangkin ko?"

O___O

"Sir chua di ko naman po talaga siya sasampalin, may tatanggalin lang po taaga ako sa buhok niya" humarap sa akin yung alipores tsaka umalis na. habang ako eto nagulat pa in sa itinawag sa akin ni sir chua. Bakit niya akong tinawag na pamangkin? Kamag anak ba namin siya? Kapatid ba siya ni mommy? Ni daddy?

"Alam kong nagtataka ka sa sinabi ko pero sasusunod nalang natin pag-usapan ang tungkol dun lilo"

Lilo? Isa lang ang alam kong tumatawag sa akin nun….

"Tito Bernard?"

" Hi lilo nice to see you again"

---------------------------

A/N

Uhmm hinati ko po sa dalawa yung chapter 10 kasi masyadong mahaba na to kaya hinati ko and sorry kung hindi masyadong exciting itong chapter na to pero i promise i will keep up my works in here!!!

Thank you for reading this far

Enjoy reading

Please Vote, share and follow

Labyu all♡

-jai♡