Ethan's POV
Simula ng mag umpisa ang Practice Match hindi pa ako pinagseset ng bola ni aiden, syepre siya ang setter siya ang mamimili kung sino ang mag iispike. Kaya eto ako ngayon 2 set na pero hindi pa rin na kakapag spike ng bola, ang nangyayri tuloy taga receive lang ako ng bola ng kalaban.
Napansin din naman yun ni coach kaya nagpa time out siya kanina pero hindi nama smuagot si aiden kung bakit di niya ako sinesetan. Nakita kong lumapit si Andrew kay aiden at tsaka may binulong, nakita ko naman na ngumisi si aiden kaya alam kong ok lang siya.
Tangina kanina pa ako nag iintay dito kaso wala eh walang set na napupunta sa akin.Ako ngayon ang magseserve kaya lahat ng frustration ko para dyan sa tanginang aiden na yan, inilabas ko ito sa lakas ng serve ko.
Malakas ang pagkakaimpact nito pero na receive ito ng kalaban, aaminin ko mas masaya maging kalaro tong volleyball team ng lapis azuli academy kasi mga sanay talaga sila di gaya ng iba namin nakakapractice match dati. Ng tinoss ng setter ang bola papunta sa center, agad naman akong pumwesto kung saan pwedeng mag spike ang spiker ng kabilang team.
Nung ini-spike na nung spiker ng bola na receive ko naman eto. Pinasa ko it okay aiden para ma set niya. at take note match point na nga pala kami, habang ang kalaban naman eh 20 pts.
"Ethan!" sigaw sa akin ni aiden matapos niyang i-toss ang bola, lama kong ako ang inuutusan niyang mag spike kaya pumwesto ako para makapag back attack. May mga block nang nakatalon at handing pigilan ako pero wala silang nagawa dahil sa lakas ng hampas ko sa bola.
Pritttttt*
In the end kami pa rin ang panalo, nag pasalamat naman ang mga kalaban namin at ganun din naman kami. Matapos nun bumalik na ako sa locker room para mag bihis kasi may meeting pa daw kami.
Nadatnan ko naman dun si aiden na hawak ang kanyang cellphone. Sumilip naman ako sa phone niya para makita kung ano ginagawa niya pero agad niya itong itinago.
"Uy dre ano yan ha!" sigaw sa kanya ni Andrew nakakapasok palang ng locker room. Pumunta naman na ako sa locker ko para kunin ang extra kong damit kasi pawis na pawis na ako.
"Wala si calli lang, tinatanong ko lang siya kung nasaan siya"
"Protective mo tol ha! Pano naman ako kay blaise poporma niyan?!"
"Tangna mo dude"
"Bakit ikaw lang ba may karapatan na pumorma sa kanya ha!?"
"Tanga di ko naman pinopormohan pero kung pagbibigyan ako ni calli. Sige sobrang ok lang naman nun sa akin"
" HAHAHA baka ako makalaban mo dre!"
Sumabat naman ako sa kanila kaya nagulat sila sa sinabi ko
"Ano babalik na naman ba akyo sa dati nyong pinagaawayan?"
Tanong ko sa kanila, hindi naman sila nakakibo. Hindi naman sa nakikialam ako sa pagkagusto nila kay four eyes pero ang inaalala ko lang eh baka totoong haliparot talaga yun at baka pagsabayin niya sila aiden at Andrew.
Hindi ko siya mapapatawad akapg niloko niya ang isa sa mga kaibigan ko. Against ako sa kanya para kay aiden or Andrew kaya kung pwede kong ibahin ang desisyon nilang ligawan si four eyes sisiguraduhin kong mangyayari yun.
Gayle's POV
A week later
Pumasok ako sa school ngayon at hindi pa rin nawawala ang mga matatalim na tingin ng tao sa akin. Hindi ko nalang ito pinapansin dahil kapag pinansin ko pa ito lalo lang nila akong aasarin.
May mga times nga na hindi basta basta gossips nalang ang naririnig ko kasi nung isang linggo may nag pakalat lang naman sa school na I was a having an affair on my uncle Bernard. It's crazy right thinking na may affair ako sa tito ko.
Siguro kaya nila nasasabi yun kasi madalas kaming magkasama ni tito Bernard, masisisi niyo ba ako kung namiss ko talaga anv pabortito kong tito. Si tito Bernard kasi ang takbuhan ko dati kapag papagalitan ako nila mommy.
Parang second father ko na din siya kaya magaan ang loob ko kasama pa dun pinsan kong si Brette. Isa siya sa close kong pinsan kaya naman naging close ko din si tito.
Di ko sinasabi kanila kierra ang nangyayari sa akin kasi nga baka maging pabigat pa ako. Pero eto ata yung araw na hindi ko na kaya kasi... ok lang naman sa akin kung gossipis lang pero hindi eh may sakitan ng nangyayari kaya hindi ko nalang eto pinapansin.
Di din to alam nila aiden kasi baka masama pa sila sa gulo. Katulad kahapon, sabunutan daw ba naman ako ng isang estudyanteng di ko naman kilala, at ang dahilan ay close ko daw sila aiden. Di naman ako nagpapaapekto kasi di naman talaga ako affected. Minsan nilalabanan ko sila pero kapag alam kong mas lalo lang gugulo ako na mismo ang umiiwas.
Papasok na ako sa room ko for history ng sampalin ako ng dalawang babae… sila stella na naman sasampalin na naman niya ako pero pinigilan ko siya. Sinampal ko siya ng malakas na halos tumumba na siya sa lakas. Umalalay naman sa kanya yung alpores niya. magsasalita na dapat ako ng may mag salita sa likod ko
" Gayle anong ginagawa mo yan ba nag natutunan mo dito?"
"Father?"
---------------------------
thank you guys for reading!
and guys if you have a wattpad account: :your_noctivagant" kindly follow me to see my other story!
labyu all!
-jai♡