Going out tonight~~~~
changes into something red~~~
Her mother doesn't like that kind of dress~~~~
Reminds her of the missing piece of innocence she lost~~~
We're only get---
" Ma'am Gayle andito na po tayo"
Pinatay ko yung music ko sa cellphone ko nang marinig ko si kuya Albert, tumingin ako sa labas ng bintana at nakita ko ang isang malaking building. Sa pinaka entrance may malaking tarpaulin na may nakalagay na....
"WELCOME TO MALACHITE UNIVERSITY"
" kuya albert dito nalang ako bababa" sabi ko kay kuya albert habang nag hahanap ng parking lot.
" Pero ma'am sabi ni ser sa loob daw po tayo mag- park, para daw po makita ko kayo pag pasok." Sabi ni kuya albert na nag kakamot pa ng ulo, and as usual si papa na naman ang nag sabi. Ginagawa niya nanaman akong baby, ok lang naman sa akin yun dati pero ngayon. Ayoko na kasi. Hello 1st year college na ko.
" Kuya kaya ko na, kaya ko na sarili ko" sabi ko kay kuya albert na nagpapa awa with a beaming smile. Syempre kailangan umarte ako na makaka asa siya sa akin na kaya ko na sarili ko.
" ma'am sure po ba kayo??" tanong ni kuya habang nakatingin sa akin na parang na ninigurado. And of course kailangan ko na naman ngumiti nang bonggang bonggang para mapaniwala ko siya.
" Oo naman kuya! Di na ko bata no. Tsaka gusto ko maging independent na kuya, kaya mamaya pwede ba wag mo na din ako sunduin??" pagpapa cute ko kay kuya albert, Ayoko kaya na para akong bata hatid sundo... it's freaking ewwww.
"O sige na, sige na. ako na bahala sa..." di na natapos ni kuya albert ang sasabihin niya dahil bumaba na ako ng kotse.
* inhale* exhale*
Singhot ko sa simoy ng hangin, this is it girl.... The first day of school. Nag lakad na ako papasok sa entrance. Andaming tao ah... di ko alam na ganito pala kalaki tong university na to. Habang nag lalakad ako nililibot ko din ang aking mga mata upang damhin ang 1st year college life. Grabe akalain mo yun nakapag 1st year college ako sa school, buong buhay ko kasi homeschool ako kaya LET'S ENJOY OUR LIFE TO THE FULLEST!!.
Kinuha ko yung cellphone ko para tignan kung saan ang una kong class
First class : history 1B
Room 342 building C
Habang tinitignan ko yung sched ko di ko namalayang nabangga na pala ako sa pader. Grabe may pader sa gitna ng daan??Shit naman ang sakit sa ulo nung pagkaka untog ko, what if nag karoon ako nang conclusion sa brain tapos nabobo ako. Luh! Pag nabobo ako di ako makakapasa,masasayang lang yung oras ginugol ko sa pagiging homeschooled. At ang pinaka malala di ko na maaabot yung goals ko! Di ko manla---
"Hoy!!! Tumitingin ka ba sa di na daanan mo!"
O__O
Wait n-nag sa-salita yung pader?? Shit! Hindi pader to.... I looked up, there I saw a m-man with his raging piercing eyes...
" ANO DI KA SASAGOT!!!" He roared like a lion, yung mukha niya akala mo kakainin ka ng buhay.
Sa totoo lang nanginginig na ako, Ikaw man yun sinong di matatakot na sa first day of school mo makakakita ka ng gantong lalaki na hindi mo naman kilala kung san galing. Mukha pa naman tong gangster na ex convict, pano kung siya na pala papatay sa akin?! That would be impossible beacause this is a school at maraming makakakita besides may malapit na police station dito kaya di siya makakatakas.
" HOY KUNG TATANGA TANGA KA DIYAN WAG KANG HAHARANG SA DADAANAN KO!" sigaw niya na akala mo naman na baril mo siya o nasira mo yung kotse nya. Sino ba siya para tawagin niya ako ng tanga?? Wala pa kasi nagsasabi sa akin nun pwera nalang sa kaibigan ko. Kaya kahit na nanginginig ako at natatakot, I gather all of my courage to....
" I'm sorry na nabanga kita di kasi kita napansin eh" Oo nagsorry nalang ako, ano akala niyo sisigwan ko siya? Hindi noh ayoko kaya baka masira reputation ko as 1st year college, Kasi alam niyo na madaming chismosa. Ayoko sa bihin nila kay bago-bago ko dito ang lakas na ng loob ko, Tsaka alam kong monitored ni papa mga galaw ko.
Di niya ako pinansin nang papaalis na siya sinadya niya akong bungguin, kaya eto ngayon ako sa lupa nagliligpit ng mga gamit ko. Ang mas malala pa nalaglag yung salamin ko, NICE di ko masyado makita yung mga gamit ko kasi wala yung salamin ko. Kinakapa ko sa lapag kung nasan yung salamin ko. Para na akong katawa tawa dito kasi feeling ng lahat ng tao naka tingin sa akin, wala ba silang balak tumulong o sadyang manonood lang sila?! Kapa parin ako ng kapa ng may nakapa akong......Sapatos?
" Miss are you ok??"
Dahan-dahan akong tumingala upang makita kung sino yung nagsalita, pero sadyang malabo talaga ang aking paningin. Umupo siya sa tabi ko base sa malabo kong paningin, humarap siya sa akin at isunuot niya sa akin ang aking salamin. Matapos niyang isuot sa akin ang aking salamin, bumalik sa normal ang aking paningin. Tumingin ako sa kanya at Nakita ko ang isang maputi at matangkad na lalaki, siguro ka edad ko lang to. Tinulungan niya ako na ayusin ang mga gamit ko.
Nang matapos na niya ako tulungan tumayo siya at Inilahad niya ang kamay niya sa akin upang tulungan akong tumayo. Kinuha ko ang kanyang pagkalambot- lambot niyang kamay, shemay guys! Parang may bumabang anghel ngayon sa harapan ko
" Hey miss are you ok? May masakit ba?" tanong ni kuyang anghel. Hahahaha landi lang!
" Wala naman, thank you" sabi ko with a smile. Syempre pasimple lang tayo,ayokong matawag na flirt. Paalis na sana ako nang bigla siyang nagsalita.
" If you don't mind pwede ko bang malaman kung saan class mo MISS" sabi ni.... Wait sino nga ba siya??? Tatanong ko nalang kung ano pangalan niya. Tinignan ko ulit yung cellphone ko for confirmation. Kasi baka mamaya sa ibang class ako mapunta.
" history 1B room 342 building C" malumanay na sabi ko sa kanya. Thankfull ako kasi kung di niya ako tinulungan naka upo parin ako sa lapag nag aayos parin ng gamit. Yung mga tao kasi dito napaka matulungin, yung tipong tutulungan ka nila tignan.
"Hatid na kita baka mamaya mabunggo ka na naman nun" sabi niya with matching beautiful smile. Shit pwede na ako mamatay! Ngiti palang pamatay na. pano pa kaya kung..... I shake away that thought in my head, what was I thinking.
" Hey are you really ok. Kanina ka pa natutulala dyan" that snap's me back to reality. Was I really tulala?
"O-oo ok lang ako, may iniisip lang" sabi ko with a smile... A dry smile
" Ano nga pala yung sinasabi mo kanina??"
" Sabi ko hatid na kita sa class mo"
" No wag na, baka nakaka abala na ako masyado sayo. Tinulungan mo na nga ako kanina eh, ok na yun" sabi ko while shaking my hand as a sign na wag na .
" Actually I was also going to the same direction. total bago ka palang dito hatid na kita, baka mawala ka pa" sabi niya na akala mo matagal na kaming mag kakilala. Di ko alam but I feel somehow comfortable with him even in just few minutes we met.
" Sige"
Ilang minuto ang lumipas nakarating narin ako or should I say kami sa tapat ng room ko. Praise G dahil nag padala ka ng isa sa mga angel mo para tulungan ako. Humarap ako kay.... Di ko pa rin alam pangalan niya -__-.
Ilang minuto na rin kami mag kasama pero di ko pa rin alam pangalan niya. Ok fine tatanungin ko na nga kesa naman manghuhula ako ng pangalan.
"uhm I didn't get your name....." di ko na alam sasabihin ko, di naman kasi ako magaling sa pakikipag usap sa stranger noh. Di daw eh kanina kulang na ngalang malaman mo siya pala yung childhood bestfriend mo, ang comportable mo nga sa kanya eh.
Oo ako na yung baliw, baliw na baliw sayo HAHAHA jokies
" it's Aiden" sabi niya with those killer smile na naman shit!
" So I guess I'll see you around" sabi ko sa kanya with ofcourse a smile.
Papasok na san ako nang makita ko siya na sumunod sa akin.... I looked at him with a confuse look. Why is he sunod sunod at me?
" where are you going?" I asked
" We belong in the same class"
WHAT?!
Please Vote and share!!!
Labyu all!♡