Dear Diary,
Christmas party namin kanina, nakikipagusap ako dun sa babaeng nasa likod ko pero di ako pinapansin. Edi wag! Ang sungit-sungit niya tas ang taray-taray niya, eh mas maganda naman ako kaysa sa kanya eh.
Pero this summer, may sinalihan akong contest. Pompom girl ako! Magp-practice raw kami sa gym ng barangay namin sa darating na summer. Magdala raw kami ng dalawang panyo tas dapat naka-pe uniform kaming lahat.
Ang boring nga eh kasi akala ko makakasama ko pa si crush kaya lang napaaga pag-alis niya sa school. Ewan ko dun, atat siguro. Ganun kaya ang feeling kapag nag-grade 1 na? Mae-excite rin kaya ako?
Pero ang sarap ng pagkain kanina sa Christmas party namin! May spaghetti, juice, pansit, puto, ice cream, palabok, at marami pang iba. Nakalimutan ko na 'yong iba pero ito lang ang mga masasarap sa panlasa ko. Nabusog nga ako eh pero natae rin ako matapos.
Nakakahiya pa naman yun. Sayang nga kasi di na ako nakapagpaalam kay crush kahit na si Camille ang crush niya. Bakit kasi si Camille ang crush niya? Porke ba maputi siya at singkit? Matangkad tas may kurba na ang katawan? O dahil sa close si Camille kay teacher?
Triny ko naman magpaka-close kay teacher eh pero pinapagalitan ako kaya nga laging masama tingin ko sa kanya kasi may favoritism siya. Tanda-tanda niya tas paborito niya si Camille? May crush din ba siya dun?
Sus! Kahit brown ang kulay ko mas maganda pa rin ako dun noh!
Babye na diary, naiirita na ako kasi nagiging laman na ng pangalan ni Camille ang diary ko. Tingnan mo oh, andyan na naman yung pangalan ni Camille. Oh ayan pa! Nakakainis. Pati ba naman diary ko may crush sa kanya? Hmp!