Chereads / The Diary Of A Blacksheep / Chapter 13 - Kabanata 4

Chapter 13 - Kabanata 4

Dear Diary,

Hoy! Nakakainis ang nangyare kanina, excited pa naman akong pumasok sa high school kasi maganda raw yung school na papasukan ko. Di nga ako nakatulog non, gising pa ako hanggang 3am. Nagalit si mama kasi imbes daw matulog ako eh gising na gising ako tas hintay ng hintay mag-umaga.

Eh anong magagawa ko? Kahit naman nakakatakot umalis sa elementary ay nakaka-excite pa rin maging high school ano. Pero nakakainis kasi napahiya ako sa first day!

Biruin mo pumasok ako sa maling classroom, puro sila second year doon tas ako lang ang first year. Nakakahiya diba? Akala ko walang mangyayareng masama eh, mali pala ako ng hula. Bakit kasi mali-mali ang direksyong binigay sakin nung teacher? Hindi naman siya mukhang bago sa school tas mali pa yung direksyon na binigay niya sakin.

Babye na diary, tinatamad na ako magsulat. Wala naman interesting na nangyare bukod sa andaming gwapo sa classroom pero tinatamad akong magka-crush sa kanila.