Chereads / The Diary Of A Blacksheep / Chapter 11 - Kabanata 2.1

Chapter 11 - Kabanata 2.1

Dear Diary,

July na ngayon tas ngayon lang din ako nakapagsulat pero may ikukwento ako sayo. Kasi kanina sa school pinalinis kami. Wala ng walis tingting kaya humingi na lang ako ng isang piraso tapos tinusok-tusok ko yung mga dahon na nahulog sa lupa, parang fishball ba, tas ayun ang saya!

Pero sabi ng teacher ko cutting classes daw kami kasi kanina, kami na lang ang naiwan sa labas. Nasa loob na lahat ng teachers ko tas ako gusto ko rin makisama sa mga kasama ko kaya lang di nila ako sinasabay sa usapan. Nakakainis diba?

Dapat di na lang ako nagpatagal dun tas iniwan ko na sila. Narealize ko lang kasi na bad pala 'yon sabi sakin ni mama. Dapat di ko raw 'yon ginawa, eh malay ko ba? Gusto ko lang naman makipagkaibigan kasi pakiramdam ko wala naman ako naging kaibigan nung kinder, grade 1, 2, 3, at ngayong grade 4 na ako.

Nakakausap ko sila pero iba pakikitungo nila sakin at hindi ko alam kung bakit. Hay. Ang hirap naman magkaroon ng kaibigan. Tas alam mo ba diary, pinalo ako ni papa nung sinundo kami sa school. Eh kasi nanood ako sa mga bastonera, gusto ko rin kasi kaya lang pansin kong magaganda lang pinipili nila tsaka mapuputi.

Eh color brown ako eh kaya nung sinabi ko yon sa matandang babaeng nagtuturo sa kanila, halata ko sa mukha niya na may something. Sinabi ko rin kay mama pero wala naman sinasabi nawalan tuloy ako ng gana sumali. Hanggang tingin na lang tuloy ako.

Nakakainis at nakakadiri nga kasi nagkacrush ako dun sa lalakeng binubugbog ako. Ew!

Babye na diary, kailangan ko ng matulog.