Dear Diary,
Tagal na kitang di nakita diary! Malapit na kasi ikaw maubos eh kaya tumigil na ako. Grade 4 na ako! Ngayon ko lang ulit naisipan magsulat kasi may nag-bully sa akin tas lalake pa naman yon.
Sinuntok niya ako sa braso nung hindi ko nagustuhan yung ginawa niya sakin. Inagaw kasi niya ballpen ko pati papel sabi ko wag niya gagawin yun pero kinuha pa rin niya, nung binabawi ko sinuntok niya ako. Gumanti ako ng suntok pero sinuntok niya ulit ako sa braso.
Andun teacher namin nung umiyak ako. Buti nga pinagalitan siya tas sinabihang bakla kasi nangaaway ng babae, edi inasar tuloy siya ng mga kaklase namin. Buti nga sa kanya, bakla siya!
Pero naiinis din ako sa teacher ko kasi ngayon niya lang ako pinansin kahit na ilang beses na akong nasuntok ng lalakeng yon. Nakakairita siya, sana sinuntok ko na lang din yung matabang teacher na yon. Mukha kasing wala siyang pake eh. Nakakairita siya, hmp!
Pero sinumbong ko naman kay mama yung lalake kahapon kaya nga ngayon napahiya siya nung napagalitan siya ni mama kanina sa school. Kaya lang ang sama ng tingin niya sa akin. Feeling ko tuloy gaganti siya sakin. Feeling ko susuntukin na naman niya ako.
Kaya diary, kailangan kong magdasal para malakas ako. Babye na, matutulog na ako hehe.