Chereads / The Diary Of A Blacksheep / Chapter 6 - Kabanata 1.2

Chapter 6 - Kabanata 1.2

Dear Diary,

Kanina tinawanan ako ng mga kaklase ko kasi ang lakas kong mag-burp. Pinipigilan ko 'yon kanina eh pero di ko nagawa. Nalaman din ni Troy na crush ko siya kasi ang ingay nung dalawang kaharap ko. Napahiya rin ako kasi walanglaman yung bag ko, naiwan ko 'yong mga papel ko.

Nalaman yon ni teacher, akala ko pagagalitan na naman ako pero sinabihan niya kaklase ko na pahiramin daw ako ng papel niya. Pero di naman niya ginawa kasi ansama ng tingin sa akin, ayaw ata akong pahiramin. Edi wag! Ang damot-damot niya. Isampal ko 'yon sa kanya eh.

Pero alam mo diary may hindi ako nakukwento sayo, kasi may isang araw non na umiyak ulit ako kasi wala na naman si mama. Sobrang nagalit 'yong matanda kong teacher sakin, kinurot niya kasi ako tas pinagalitan kaya ang sama tuloy ng tingin ko sa kanya. Mas nagalit ata siya dahil don sa mga titig ko.

Gusto ko na rin kasing kurutin pabalik si teacher, lagi kasi akong kinukurot kapag umiiyak ako eh tas lagi pang nasigaw. Pero minsan naman mabait siya sakin kapag tahimik ako.

Kanina tinanong ako ni teacher kung ilang edad ko na raw. Sabi ko, "Four". Tas sabi niya, "Po. Lagi mong lagyan ng po kapag matanda ang kausap mo". Natahimik na lang ako pero sabi niya sakin kanina na uulit daw akong kinder kasi four years old pa lang ako.

Di ko nga maintindihan eh kasi mga kapatid ko nag-graduate na sa kinder pero hindi naman umulit tapos ako uulit? Bakit ganon? Bakit ko kailangan bumalik? Ang gulo-gulo naman masyado!

Pero alam mo diary? May isang maputing lalake na pumapasok dito sa school, kaya lang umalis eh. Tinanong ko si teacher kanina kung bakit, ang sabi niya lang ay malayo daw 'yong bahay non kaya lumipat sa ibang school. Di ko na matandaan mukha non pero parang gwapo. Nakakainis ngasi Troy eh, nalaman kong may crush na iba. Sinabi ko 'yon kay mama pero sinita niya lang ako.

Ano ba kasi ang masama sa pagkakaroon ng crush? Hindi naman ako tumigil sa pag-aaral nong maging crush ko si Troy pero pinipilit ni mama na hiwalayan ko si Troy, eh crush ko nga siya. Pero nakakainis si Troy, may crush na iba. Sundin ko na nga lang si mama, tinatamad na akong magkacrush sa kanya eh.

Babye diary, matutulog na kami.