Chereads / LANTIS (COMPLETE) / Chapter 6 - 4

Chapter 6 - 4

BANGUNGOT.

Isang napakasamang panaginip, kumbinsi ni Ember sa sarili nang imulat niya ang mga mata at matuklasang nag-iisa sa malaking kuwarto. Wala ang guwapong multo na binabawi ang jar umano nito. Jar ng ano? Noon niya naalala ang garapon ng eroplanong papel. Okay, paranoid lang siya at guilty. Guilty siya dahil nabasag niya ang garapon kahapon. Paranoid dahil sa nakaputing lalaki na nakita niya sa tabi ng crucifix.

Bumangon siya at ipinilig-pilig ang ulo. Nasa sahig siya. Malamang na nag-sleep walk na naman siya. Somnambulist si Ember. Sumusumpong lang iyon kapag sobra siyang napagod. Kumirot ang kanan niyang pisngi. Hahawakan niya sana iyon nang matigilan at makitaa kung ano ang nasa isang kamay niya—ang marble paperweight na hugis dolphin na laging nasa ibabaw ng desk niya.

"Bakit nandito 'to?" puzzled niyang tanong sa sarili.

"Because you're planning to use it as a weapon against me."

"Shit!" sigaw niya, nabitiwan ang paperweight. Pumihit siya paharap sa pinagmulan ng boses. There on the bed sat a man. It was him! It was Lantis' ghost!

"Oh no. Oh no, no, no!" Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Ember habang umaatras at tinatapik-tapik ang mga pisngi. Palakas nang palakas ang tapik niyang iyon hanggang sa makaramdam siya ng matinding sakit. Isang masamang senyales. Hindi siya dapat nakakaramdam ng anumang sakit dahil nananaginip lang siya. "Gising, December. Gumising ka. Gumising ka. Gising!"

"December," usal ng multo. Tumayo ito at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib. "Iyon ba ang pangalan mo?"

"Hindi! Hindi kita naririnig, hindi kita nakikita," usal niyang paroo't parito, nakalagay sa tapat ng mga tainga niya ang mga palad. Nang hindi makatiis ay lumabas siya ng kuwarto at patakbong tinungo ang kusina. Kape. Kailangan niya ng kape. Wala sa sarili na kumuha siya ng tasa at nagsimulang magtimpla ng matapang na kape. Labis ang panginginig ng mga kamay niya habang hawak ang tasa patungo sa bibig niya. Lumagok siya ng kape ngunit bago pa man malunok iyon, biglang nag-materialize sa harap niya si Lantis dahilan para maibuga niya sa harap nito ang laman ng bibig niya.

"Woah!" bulalas ni Lantis, napaatras at tila nandidiri na tiningnan ang katawan. Pero ni isang spot ng kape ay hindi namantsahan ang puting-puti nitong T-shirt. Ang dingding na nasa likod nito ang sumalo ng ibinuga niyang kape. Napangisi ang mumu. "Wow, that's awesome."

"Oh my God, mamamatay na yata ako." Nabitiwan niya ang tasa at akmang matutumba ulit nang patakbo siyang lapitan ni Lantis at hawakan sa likod. "Aah! Don't touch me! Lumayo ka sa akin! Layo! Go away! Shoo!" sigaw niya nang maramdaman ang lamig nito.

"Look, I'm just trying to help you, okay?"

"Hindi ko kailangan ng tulong mo, okay?" Lumayo siya nang ilang hakbang, yakap ang sarili. Nakita niya ang siyanse sa lababo na ginamit niyang pang-prito ng itlog kagabi. Kinuha niya iyon at iwinasiwas sa harap ni Lantis. "Please, leave me alone. Ibabalik ko ang garapon mo, layuan mo lang ako. Please, Lantis Arcanghel, please?" Mariin siyang nakapikit habang binibigkas ang huling pangungusap, na para bang isa iyong mahiwagang dasal na makakapagtaboy ng multo ni Lantis.

"So, you know my real name, huh?"

"Nabasa ko sa puntod mo."

"And you can see and hear me."

Heto na naman po kami. "Because I'm just dreaming."

Marahang tumawa si Lantis. "Look, December, this is real. Yeah, it seemed...preposterous but it's real. You have a special gift; you have a third eye or sixth sense or whatever."

Gift? Kung gano'n lahat ng gift, hindi na bale! Nagmulat siya at natagpuan si Lantis na mataman siyang pinagmamasdan. Nakaramdam siya ng pagka-ilang, ng pagrigodon ng puso na nararamdaman niya lang kapag nakikita niya ang crush niyang teacher sa DMAH o kapag naglalaro siya ng Bingo at marami na siyang puro. Paanong nagagawa ng multo na maapektuhan ang pintig ng puso niya dahil lang sa titig na iyon?

"W-Wala akong special powers."

"Then why can you see me?"

"Ewan ko!" sigaw niya, frustrated. Lumabas siya ng kusina, pumanhik sa kuwarto at ini-lock ang pinto. Inilapat niya ang isang tainga sa tapat ng pinto at pinakiramdaman ang paligid. Katahimikan ang nakuha niya. Sa palagay niya ay wala na ang multo ni Lantis, baka nag-evaporate na iyon o bumalik sa puntod nito. Maingat siyang umatras palayo sa pinto at pagkatapos ay itinulak ang narra-made na sofa para iharang doon.

"Peste, ang bigat naman nito," reklamo niya habang buong-puwersang itinutulak ang antique na upuan.

"'Need some help?"

"Ay tokneneng!" tili niya. Nakatayo sa likod niya ang multo, palipat-lipat ang tingin sa kaniya at sa sofa. "Nakikiusap ako, umalis ka na! Mamamatay ako nang wala sa oras dahil sa'yo, eh!" Hinablot niya ang tuwalya niya at pumasok ng banyo. Baka sakali kapag nakaligo siya at ma-preskohan ay magising na siya mula sa kalbaryong nararanasan niyang iyon. Nang hawiin niya ang shower curtain ay napasigaw ulit siya. Ang lecheng si Lantis, nauna pa sa kaniya sa ilalim ng shower! "I said go away and stop haunting me! 'Yan English na 'yan para maitindihan mo! If you want your jar back, fine! Ibabalik ko—"

"I need your help, December," mabilis nitong sabi. "Help me move on. I'm begging you."

Move on? "A-Ano?"

Bumuntong-hininga si Lantis, malamlam ang mga matang tumingin sa kaniya. Tila gusto nitong hawakan ang mga kamay niya. At kung nagpapaawa ito, effective iyon. Parang may kamay na humaplos sa puso niya habang nakatingin din dito. "Help me find the light. I don't want to be in this place anymore. I don't know why I'm still here. I want to rest, December."

Habang nagsasalita si Lantis, may kakaibang nangyari sa katawan—rather sa kaluluwa nito. Unti-unti itong naglalaho—magmula sa pang-ibabang bahagi ng katawan nito, tiyan, dibdib, mga braso and finally ay ang ulo nito. He was evaporating right before her eyes! Bago ito tuluyang nawala sa harap niya ay naKita niyang pumikit si Lantis.

Ilang minuto pang nakatayo lang doon si Ember at nakatanga sa spot kung saan naglaho ang kaluluwa ni Lantis.

"Wow," ang tanging nasabi niya. Hindi niya rin alam ang eksaktong mararamdaman. Matatakot? Mamamangha? O matutuwa sapagkat wala na sa landas niya ang guwapo't inggleserong multo?

O maaawa rito? Naalala niya ang mukha ni Lantis habang humihingi ito ng tulong sa kaniya. Tila napakalungkot nito.

Kasing lungkot ng puntod nito bago niya iyon linisin kahapon.