"Quality means doing it right when no one is looking." – Henry Ford
"Are there no problems with the drainage system, the alarms and the light in the building?" Says Director Uy. Currently, he is the Operations and Maintenance Department Director in our company.
"With regards to the drainage and lightning system in the building, the team had undergone maintenance check-up last month to ensure the functionality of the bulding and its safety, Sir. When it comes to the alarms, most of them are functioning well except the fire alarm on the 3rd floor."
"Good. Have the Maintenance Team assigned to that floor fixed it?"
"Not yet, but they sent the status report yesterday. Mr Saavedra said that he already settled the matter. They'll do the repair on Wednesday."
"How about the establishment itself? Have the Utility Team ensures each floor during opening and beyond working hours?"
"Yes, Sir. I am asking them to send a daily and weekly report of the status of this establishment. Based on the reports last week, it went well."
"Good. I'll Inform Mr. Dy on this matter."
"Thank you, Director."
---
"Al, tara kain muna tayo! Puro trabaho na lang ang inaatupag mo eh! Kain kain din kapagka may time." Paghihimutok ni Yna, ang aking Executive Secretary slash partner-in-crime at self-proclaim na bunso kong kapatid. Katatapos lang namin na tignan ang kalagayan ng Mall dito sa Divisoria. Currently, I'm working as Senior Engineer sa isang Engineering Firm, and the owner of this Mall is one of our clients. Medyo nagsisisi ako na hi-nired ko 'to as Executive Secretary dahil mahilig magpalibre, gaya niya… Kaso may taglay na angking talino at galing sa pagtratrabaho kaya tinanggap ko na din siya. Isa pa, hindi kami nagkakalayo ng pinanggalingang probinsya, lalo na't sa iisang barangay lang din kami nakatira.
"Nah, marami pang trabaho ang kailangan nating tapusin, babalik tayo sa opisina as soon as we finished this. Marami tayong deadlines this week plus we must address issues na related sa mga clients natin. Magagalit si boss nito"
"Eh lagpas lunchtime na, hindi pa tayo kumakain! Mahirap magtrabaho nang gutom! Nasa mall na din tayo, might as well na kumain na din tayo. Heto namang si Sir, ang killjoy!"
"Oo nga, Sir! Kain muna tayo bago umalis!" Sulsol ng katrabaho kong si Jared.
"Isa ka pa! O siya, dahil natapos na natin ang inspection ngayon dito, kumain na muna tayo!"
"Yey!"
---
"Sir, salamat sa libre ha? Kahit sa fastfood mo lang kami dinala! Wika ng isa sa mga kasama ko sa team."
"Demanding ka pa ha? Hindi bale, huli na 'yan!" Angil ko. Kahit kailan talaga, ang Team ko, mahilig sa libre. Kapagka hindi ako nanlibre, kuripot ako. Kapag nanlibre naman ako, hindi nakukuntento, gusto sa mahal. Buti na lang sanay na ako sa mga 'to. Bukod sa hilig nila sa pagkain at libre, wala naman akong reklamo sa team ko. They are efficient when it comes to work. They are all professional kahit na ganito sila kung umasta. They are like my second family to me.
"Ang laki-laki kaya ng sahod mo, Sir! Wala pa sa one-day salary mo 'to eh!" Isa pa 'tong si Jesse, isa siya sa mga staff ko. Pasalamat talaga 'tong mga to at mabait ako! Naku.
"Hayaan mo na sila, Sir. Alam mo naman na miyembro ng Team Lamon iyang dalawa na iyan eh, kaya pagpasensyahan mo na. Libre mo na lang kami ng Black Tea mamayang short break." Okay na sana itong si Say, akala ko nakakaintindi na. Hay. Wala na yata akong matinong katrabaho, mahilig sa libre!
"May Lipton Green Tea sa pantry, magtimpla ka na lang mamaya."
"Sir naman eh!"
Bilisan na nga ninyo diyan, nang makaalis na tayo."
"Yes, Sir!" Tugon nilang lahat.
---
"Sir Al, may napapansin ako sa iyo eh. Kanina ka pa palinga-linga diyan gayong tapos na nating libutin ang kabuuan ng building. Nag-iba din yung aura mo. Naging medyo gloomy. May problema ka ba?" Tanong ng makulit kong sekretarya.
"Wala Yna, parang may nakita lang ako na kakilala."
"Babae ba iyan, kuya? Maganda? Ipakilala mo ako ha?!"
"Tss... maganda ka diyan? Hindi pa nga ako sigurado kung kakilala ko nga ba ang nakita ko eh."
"Ayy, sayang! Akala ko naman may nakita kang chicks eh! Pag may nagustuhan ka, ipakilala mo sa akin ha? Ako ang mangingilatis, mamaya itsura, katawan at pera mo lang ang habol niyan, kawawa ka! Kay???"
"Pera? Itsura? Tch. Asa ka pang bata ka, ikaw talaga! Wala sa isipan ko yan sa ngayon, pero sige, ipapakilala ko sa inyo, kung meron nang manahimik ka na. Ang kaso, wala. So ayun."
"Sayang naman! Akala ko, meron na eh! Kung di ko lang po talaga alam na lalaki ka, iisipin ko na bakla ka eh! Isusumbong ko sana kay tita na may bakla silang anak, hahaha!"
"Tss. Manahimik ka na lang diyan, mamaya may makarinig eh! Bakla ka diyan? Saka maniniwala ba sila nanay sa iyo? Nakakain ka naman na ah? Parang maluwag pa rin ang turnilyo mo?"
"Uso na kaya ang mga baklang macho ngayon, Sir. Yung akala mo pong macho, gwapo, makinis, at namumutok pa ang muscles at umbok sa katawan, tapos malalaman mo ka-uri pala namin at heart! Saka sabagay po, lalaking-lalaki ka nga po pala, Sir. Sa sobrang pride mo nga po, ikaw ang nagpapaiyak ng babae. Basta! Ipapakilala mo sa akin iyon ha?! Okay ba? Ha? Ha???"
"Oo na! Kulit! Bumitaw ka na, ang bigat ng kamay mo eh!" Angil ko sa kanya. Ang likot talaga nito, kahit kailan! Hindi mo aakalain na 20 anyos na ito kung kumilos. Kaya siguro magpahanggang sa kasalukuyan walang nanliligaw dito eh.
"Hmp. Dun na nga muna ako kina Jared. Magpapalibre ako ng Shake, Sir!" Mamaya libre mo kami ng meryenda ha?!"
"Tch. Mukha ka talagang libre!"
Siguro nga, hindi siya iyon. Maaaring namalik-mata lamang ako. Kung siya man iyon, sana mapatawad pa niya ako...
Author's Random Thoughts:
Seeking for forgiveness and acceptance without doing anything to deserve it is futile and foolish.