Chereads / Aia's Story / Chapter 11 - Ikasiyam na Kabanata

Chapter 11 - Ikasiyam na Kabanata

Ikasiyam na Kabanata

"We travel not to escape life, but for life not to escape us." – Anonymous

"Sir! Himala po at wala akong natanggap na e-mails or calls today mula sa opisina! Wika ng kanyang Kalihim na si Yna.

"Mabuti naman. It means kaya pa nilang i-handle yung mga deliverables sa opisina. Okay din yun, nang mahasa naman sila. Who knows kung hanggang kalian na lang ako dun."

"Sir, may plano ka ba na magresign? Bakit naman po? Maganda naman ang position at sahod ninyo ah? Malabo naman sa pagputi ng uwak ang termination mo." Tanong nito sa kanya. Mahihimigan ang kalungkutan sa tinig nito.

"Hindi naman sa ganun, kaso wala din kasi akong plano na magtrabaho habambuhay. Alam mo naman na dito na ako nagsimulang magtrabaho. Sa loob ng halos siyam na taon, ibinuhos ko na lahat ng panahon at atensyon ko sa trabaho. Hindi ko na halos mabigyan ng oras yung pamilya ko, sa kagustuhan ko na mabigyan sila ng magandang buhay. Kaya nga ngayon na may pagkakataon para mabisita sila, sinunggaban ko na. Kahit na may kaugnayan pa rin sa trabaho ang pagpunta natin dito. Mahabang tugon nito sa kausap.

"Akala ko naman Sir, iiwan na ninyo ako kaagad eh. Wag ninyo kaming iiwan."

"Drama mo. Wala nama kasing permanente. Dati, iniisip ko na baka doon na ako magretire, kaso recently, napapaisip na ako. What if magtayo na lang ako ng sarili kong firm? Kaya ko naman na financially. I also have connections, but pakiramdam ko, hindi pa sapat yung meron ako to start my own company."

"Sir, kapagka aalis ka, isama mo ako ha? Ayokong maiwan sa kumpanya. Ang sungit ng next in rank eh!" Dagdad pa nito.

"Sira ka talaga! Hindi ka naman nag-apply doon para sa boss mo, o sa kung sinumang tao dun. Pumasok ka dun para sa sarili mo. Kaya hangga't maaari, wag na wag kanga aalis nang basta-basta dahil lang sa ibang tao." Tugon nito.

"Haynaku, Sir! Napaka naman po ninyo! Syempre, kayo ang best boss for me, kaya kung saan kayo, sasama ako!"

"Para ka talagang bata! Pasalamat ka, magaling ka sa trabaho. O sige, isasama kita, pero di pa naman sigurado yun. Isa pa lang yan sa mga naiisip kong gawin. Hindi ko rin alam kung anong gagawin, sa totoo lang. Gusto kong sumugal, kaso alam kong hindi pa ako handa sa lahat. Kailangan ko pa ng dagdag-kaalaman, conenctions, at financial security bago ko magawa yun. Gusto ko rin siguraduhin na hindi magagalaw yung mga bagay na ipinundar ko para sa sarili, pamilya ko, at magiging pamilya ko balang araw, kung ipagkakaloob man ng Maykapal."

"Ay ang taray po ninyo, Sir. Prepared na prepared po ha? Wala naman po kayong girlfriend eh. Ni nagugustuhan wala din po kayo. So bakit may paghahandang nagaganap for your future family?"

"Gusto ko lang. Who knows? Kaya nga sabi ko kung ipagkakaloob eh."

"Ganun po ba? Akala ko kasi, meron ka nang kasintahan. Hindi mo lang sinasabi kina Tita."

"Asa! Sila ang unang makakaalam kung sakali."

"Gusto mo hanapan kita? Uso na ngayon ang dating app. Saka marami naman akong kakilala na single and ready to mingle. Reto ko kayo."

"Naku, hindi ako mahilig sa ganyan. Malay ko ba kung sino pa yang mahanap mo sa dating sites nay an. At hindi pa ako interesado na magkapamilya. Pinaghandaan ko lang kung sakaling magkakaroon."

"Hmp! Hindi daw interesado, pero handa na? Wag ako, Sir! Basta kailangan alam ko rin pag may nagugustuhan ka na, o nililigawan na, para makilatis ko yan! Saka mangako ka, na isasama mo ako kapagka aalis ka na ha?" Pangungulit pa nito sa kanya.

"Oo na. Ayusin mo na lahat nang dapat ayusin kung gusto mong maggala sa mga susunod na araw." Paalala pa nito. "Kaya hindi ka nililigawan, para kang bata kung kumilos.

"Hmp! Ang sama mo, Sir." Kunwari'y nagtatampong ani nito.

"Kilos na, mamamasyal pa tayo mamaya."

"Aye-aye. Sir!"

*******

"Sir, alam na ba nila Tita na darating tayo?" Tanong ni Yna sa kanya.

"Hindi, I want it to be a surprise. Saka ilang beses ko nang sinasabi sa iyo na kapagka nasa labas tayo ng opisina, tawagin mo ako sa pangalan o palayaw ko. Hindi mo ako boss sa labas ng opisina."

"Fine, Al. Hays, napakasunget! Kaya wala pang girlfriend kasi ang strict!" Pagrereklamo pa nito.

"Tigilan mo ako diyan. Kung istrikto ako, baka hindi mo ako kaibigan sa labas ng opisina. Saka saan ka nakakita ng boss na hinahayaan siyang i-bully ng mismong sekretarya niya?"

"Oo na. Napaka talaga! Oh, paano pala ang gagawin natin? Didiretso na ba tayo sa inyo? O mamamasyal muna tayo?"

"Mamasyal muna tayo habang may pagkakataon pa. Hindi rin naman tayo makakapagliwaliw dahil trabaho din talaga ang pinunta natin dito. Kailangan nating daanan yung dalawang site, so nagpabook ako ng 2 room para sa atin sa isang resort. Huwag mo na lang sabihin kina nanay na nandito na tayo, at hindi rin naman tayo makakapagtagal pa sa bahay kung doon tayo tutuloy." Paliwanag nito.

"Libre mo ako ng pagkain ha?"

"Oo na. Sagot ko na nga lahat, di'ba?"

*******

"Al, hindi man 'to kagaya ng mga napuntahan nating lugar sa ibang lugar o bansa, sa di ko malamang dahilan, mas relax ako ngayon." Wika ni Yna, habang naglalakad silang dalawa sa dalampasigan.

"Siguro dahil hindi purely trabaho ang ipinunta natin dito?"

"Siguro nga. Kahit papaano kasi ngayon, may oras tayong gumala at magrelax. Hindi kagaya nung mga nakaraang taon, out of town or countries nga, di naman maenjoy kasi kahit nasa hotel na tayo at beyond working hours na, parehas naman tayong nakatutok sa laptop. May meeting pa! Pati ang hating-gabi at madaling-araw ay ginawa na nating working hours!"

"Kaya sulitin mo na ngayon. Hala, puntahan mo na yung room natin, at ayusin mo na yung mga gamit natin. Subukan kong bumili ng pwedeng mabili dito. Nasa sa iyo naman yung susi ng room ko. Ikaw nang bahala dun."

"Sama ako! Al, sama ako! Mamaya ka na mamili, sasama ako!" Pangungulit nito sa kanya.

"Hindi na, ayusin mo na lang yung mga gamit natin doon."

"Hindi mo na ako mahal." Pagdradrama nito.

"Hindi talaga kita mahal, Yna."

"Harsh. Ansama neto."

"Matagal na akong masama, Yna."

"Wala ka man lang filter, ni konsiderasyon sa maganda mong sekretarya at kaibigan."

"Hindi uso sa akin yun."

"Hindi ka rin marunong mambola."

"Tao ka, hindi bola. Unless gusto mong pinapaikot ka?"

"Hmp! Ewan ko sa iyo, Al! Kaya wala kang girlfriend eh! Isusumbong talaga kita kina tito at tita, makikita mo!"

"Sige na, ang dami mo pang sinasabi. Bibilhan na lang din kita ng pasalubong, bukod sa pagkain. Happy?"

"Hmp! Sige na nga! Basta sa susunod, kasama mo na akong mamimili ha?"

"Sige."

*******

Magda-dapit hapon na nang matapos sa pamimili si Alfred. Naisipan nito na maglakad-lakad muna sa dalampasigan bago bumalik sa hotel na kanilang tinutuluyan. Sa paglalakad, napadpad siya sa katabing-resort nito, na wari'y hinahatak siya ng kanyang mga paa na magpatuloy sa paglalakad.

"I hate you na!"

"Mahal mo naman ako, so okay lang."

"Mahal? So, may nagugustuhan na siya?" Matapos marinig ang mga naunang salita mula sa di kilalang tao, napahinto mula sa paglalakad ang binata. Halos mabato na siya mula sa kinatatayuan nang mapagsino ang nakita na pigura, lalo pa't narinig niya ang usapan ng mga ito. Hindi niya maiwasan na pagmasdan ang dalaga habang ang tinititiga'y nasa malalim na pag-iisip, sa puntong hindi na nito napapansin na may matang nakatitig sa kanya. Kinakabahan man, napagpasyahan nito na lapitan at kumustahin ang dalaga.

"It's been a while, Dia. How are you?" Nakangiting tanong nito sa dalaga, habang ikinukubli yung kirot na nararamdaman pagkarinig nito ng usapan ng iniwang kasama.

Author's Random Thoughts:

We meet people for a reason, but when we cross paths for several times, or after several years of separation, is it destiny? Or only a coincidence?