"When we rest, our energy is restored." – Lailah Gifty Akita
"Nakakapagod talaga, beh!" Ani ni Jonathan. Kagagaling lamang nila sa pamimili ng mga kakailanganin sa pagsasaayos para sa gaganaping Christmas Party sa kanilang opisina. Halos gabihin na din sila sa daan dahil sa rami ng mga taong namimili, idagdag pa ang mabagal na daloy ng trapiko sa kalsada.
"Oo nga eh, buti na lang din at nabili natin lahat ng kailangan nating bilhin, iyon nga lang ang hirap mamili kapagka ganitong magpapasko!" Halos mabali na kasi ang mga balikat nila sa dami ng kanilang pinamili. Isinabay na kasi nila sa pamimili ang mga regalong ipamimigay nila sa kani-kanilang pamilya at kamag-anak, pati ang mga pansarili nilang kagamitan gaya ng damit, bags, sapatos at iba pa.
"Pero beh, ang daming mura! Nakakaloka, halos maubos ang sinahod ko ngayong cut-off sa pamimili! Wala na akong panggastos bukas!"
"Hayaan mo na, at least nakamura tayo, kaysa sa Mall pa tayo mamili, iyong 1K mo, kulang pa sa 3 na stuff toys na nakuha mo sa DV, kung pagbabatayan ang laki. Saka maraming bargain na laruan. Di'ba, marami kang pamangkin at batang pinsan? Tama lang iyan. Idaan mo na lang sa packaging. Isa pa, it's the thought that counts, di'ba?"
"Sabagay, beh. Mas malaki yata ang nagastos ko para sa mga damit ko eh. Ang gaganda naman kasi ng kalidad at tela dun sa Pre-Christmas Sale! Baka kung alam ko nga lang din ang size ng katawan ni Sir Dylan, baka doon na din ako bumili ng ipanreregalo sa kanya!" Tila nangangarap na wika ng kanyang kaibigan.
"Gaga ka! Talagang reregaluhan mo si Sir ha? Sipsip ka talaga, kahit kailan! Saka as if naman kailangan pa niya ng regalo mo, eh may pera yun pambili ng mga mamahaling damit." Pang-aalaska naman ni Andrea sa kaibigan. Bukod sa magkasama sila sa opisina, sa iisang boarding house lang din sila nanunuluyan, at ito ang kasama niya sa isang silid. Tutol man noong una ang may-ari ng panuluyan, nang nakita naman nito na walang kakaiba sa kanilang magkaibigan, at parehas sila na lalaki ang gusto, ay pumayag na din ito na magsama sila sa iisang silid.
'Grabe ka, beh! Give love on Christmas Day nga daw, di'ba? So, ito ang paraan ko ng pagbibigay ng pagmamahal kay Sir Dylan ngayong pasko - ang bigyan siya ng regalo! Inggit ka lang sa akin eh, kasi ako confident! Ikaw takot sumugal!"
"Tss. FYI beh, di ko bet si Sir. Sa iyo na lang! Kayo na lang ni Ma'am Cecil ang mag-agawan sa kanya! Nakakaloka ka! Tumataas nga ang balahibo ko sa kanya eh! Saka sinong takot sumugal? Ako ba? Ako pa ba?" Pagbibiro na may himig ng drama nito sa kaibigan.
"Chill lang besh, heto naman. Joke lang yung sa sugal na part. Malay mo naman di'ba? Madaan ko sa pagbibigay ng regalo, maging mabait sa akin. Tapos maging civil na siya sa akin. Next magiging friends na kami. Then magiging confidante na niya ako kapagka binasted siya ni Ma'am Cecil kasi parang ang seryoso nila nitong mga nakaraan, di sila happy kapagka magkasama. Then finally, kapagka nakita niya lahat ng mga bagay na ginawa ko para sa kanya, kauusapin niya ako, magpapasalamat siya, at aamin na siya ng feelings niya sa akin. Then finally, maging kami na din. Ayyyyy!!!!" Tili ng malandi niyang kaibigan.
"Ang lawak din ng imahinasyon mo be, ano? Kamo, baka si Sir na ang kilabutan sa iyo kapagka nalaman niya iyang mga pinagsasabi mo, tapos pag-initan ka niya sa opisina. Then ibibigay niya iyong mga mahihirap na deliverables at tight deadlines sa iyo. Finally, kapagka hindi mo na kinaya ang pressure, aalis ka na sa company. Happy na siya kasi wala nang kurimaw na manggugulo sa kanya. Ganun ang mangyayari sa iyo friend!"
"Uyy Friend, bawiin mo nga iyan! Grabe ka ha? OA mo mag-isip, masyadong advanced, nakakatakot na!"
"Mana lang ako sa iyo, malamang ikaw ang nakakasama ko eh!"
"Gaga ka! Planning ang ginagawa ko bakla! Planning! Mas maganda kapag may procedures na tayo kung paano natin makakamit ang dreams natin. Ang killjoy mo talaga!"
"Ikaw na ang nagsabi ng dream, bakla. Dream. Nananaginip ka lang nang gising!"
"Hmp. Diyan ka na nga! Panira ka ng pangarap bakla! Support! Hala, ikaw na ang mag-ayos ng mga gamit natin diyan, magluluto na ako dito! Nakakaloka, wala pa pala akong naihandang maisusuot bukas sa lakad natin!" Sabay layas ng kanyang kaibigan para maghanda na ng kanilang hapunan.
"Wala? Anong tawag mo sa mga damit sa cabinet mo, plus hetong mga pinamili natin? Display?!" Untag niya sa kaibigan.
"Tse!"
---
Nakatunghay si Aia sa bintana. Tinitignan niya ang mga sasakyan at tao na nagdadaan sa kalsada, pati ang mga ilaw na may iba't-ibang kulay sa bahay ng ilan.
"Iba na talaga ang panahon ngayon. Mas makulay ang bawat tahanan noon. Mas masaya at kuntento ang mga tao noon sa probinsya kumpara sa ngayon. Ang layo ng buhay sa probinsiya kumpara dito sa Maynila. Napakalayo ng agwat. Kamusta na kaya sila mama ngayon? Kamusta na kaya siya ngayon?" Nang naisipan ni Aia na tawagan ang kanyang mga magulang sa probinsya.
"O anak, napatawag ka? Gabi na ah?" Wika ng kanyang ina. Tubo siyang Batangas. Doon na siya nagkamuwang at lumaki, kasama ng kanyang mga magulang at kapatid. Subalit kinailangan niyang lumuwas sa Maynila para makapag-aral ng kolehiyo. Simula noon, dito na sa Maynila siya namalagi.
"Wala naman ma, nangungumusta lang. Naabala ba kita, Ma?" Tanong niya. "Oo nga pala, gabi na. Bakit ba naisipan kong tumawag nang dis-oras nang gabi?" Alanganin na din kasi siya tumawag.
"Hindi naman anak, katatawag mo lang kaninang umaga eh. May problema ka ba? Parang balisa ka eh. Hindi ka naman tumatawag nang alanganing oras dahil maaga ka ding nagpapahinga. Nag-OT ka na naman ba, anak? Baka napapabayaan mo na ang sarili mo ha?" Tanong ng kanyang ina, mahahalata sa tinig nito ang pag-aalala sa anak.
"Wala naman, Ma. Namiss ko lang diyan sa probinsya. Hindi gaanong stress diyan eh. Susubukan ko pong makauwi diyan bago magpasko, kaso hindi rin po sigurado yun. Saka OT nga po ako. Sana po, payagan ako na mag-leave. Marami po kasi kaming ginagawa sa opisina eh."
"Naku anak, sabi ko namam sa iyo, huwag mo na kaming masyadong isipin dito. Baka naman sobrang subsob ka sa trabaho, napapabayaan mo na ang sarili mo."
"Hindi po, Ma. Okay lang po ako. O siya po, nanggulo lang ako. Tulog na kayo. Tawag ako bukas, okay? Good night ma! Tulog ka na, madadagdagan na naman ang wrinkles at puting buhok mo! Labyu!" Sabay baba ng phone.
"Pakiramdam ko talaga, siya iyon eh. Ang kaso, malabo iyon. Matagal na siyang nasa ibang bansa eh. Iniwan na nga niya ako, di'ba? Kaya malabo iyon." Pagkakalma ni Aia sa sarili.
"Tama Aia, Malabo iyon. Hindi siya iyon." Pangungumbinsi pa niya sa kanyang sarili.
---
Kinabukasan, matapos ang kanilang trabaho, nagtungo sa isang bar sa may Tomas Morato sina Aia, Nathan, at ang iba pa nilang mga kaopisina.
"Grabe naman beh! Ang ingay at usok dito!" Paghihimutok niya sa mga kasamahan. "Dapat talaga ay hindi na ako sumama eh! Basag ang eardrum ko dito, sasakit pa ang mata ko sa mga ilaw dito!"
"Duh?! Bar 'to, beh! Ano pang aasahan mo?! Saka mas disente 'to compared sa ibang bar diyan." Pang-ookray sa kanya ng kaibigan.
"Oo nga naman, Aia! Besides, we need to unwind. First time mo bang makapunta dito sa bar? Come on girl, loosen up! Let's parteeeey!!!" Sigaw ng isa sa mga kasamahan niya sa opisina.
"Saka as if naman girl, ibababa mo kaagad yung panty mo dito. Syempre yung pants mo muna, joke!" Segunda pa ng isa nilang kasama.
"Du'n tayo sa harap, mga girls! Maraming papables dun, sure ako! Baka nandun na ang the one ko!" Aya ni Nathan sa kanila.
"Sige Nathan! Bet ko yan! Tara mga girls!!! Tayo nang humayo at magparamiiiii!"
"No, girls. It's magpadilig muna! Not once, not twice, but thrice! Ano ba? Precaution girls, precaution."
"Hindi ka pwedeng malasing, Aya. Kailangang gising ka hanggang mamaya para ikaw ang magdala sa mga kasama mo, at heto na, lumalabas na po ang malanding kaluluwa sa katauhan nila." Wika ni Aya sa sarili.
---
"Beh, anong lipstick ba ang gamit mo? Bet ko 'yan, bibili ako." Ang gagang si Jonathan, lasing na. Hays, ako na naman ang mahihirapan nito.
"Bakla, EB lang 'to. Iyong ginagamit ko sa opisina everyday. Tch. Lasing ka na!"
"Iba talaga ang maganda, kahit walang ayos, o normal na make-up lang ang gamitin, pak na pak pa rin!"
"Jonathan, tama na nga yan. Kung ano-ano nang sinasabi mo diyan eh! Wag kang iiyak ha?"
"Hindi pa ako lashing, beh. Malinaw pa ang utak at paningin ko! At hindi ako iiyak! Baka ikaw? Kasi ako sanay na akong iwanan! Ikaw, iniwan ka ng nag-iisang lalaking akala mo ay panghabambuhay na! Saka sissy, malinaw pa ang utak at mata ko! Don't me! Ayun nga oh? May papable sa likod mo. Dali, lingon ka! Yummy! Serious type at hindi man kaguwapuhan pero pwede na! Baka siya na ang sagot sa dasal mo!" Mahabang litanya nito sa kanya.
"Yan! Yan ang hindi lasing ha? Tss... hindi ako naniniwala sa iyo bakla ka! Clouded na ang utak at mata mo! Itikom mo na nga lang yan!"
"Hindi nga ako nagbibiro! Girls, tignan ninyo, di'ba may papable na yummy ang body sa may counter?"
"Ayy oo beh, pwedeng-pwede na yan for warm-up tonight!" Gatol ng isa niyang kasamahan sa trabaho.
"Pwede na mga bakla, nakakagutom ang katawan. Shet mga girls, nakakawet ang katawan at bulto niya!"
"Uyy mga bruha kayo! Baka marinig tayo niyan?! Maghunos-dili nga kayo diyan!" Halos hindi na niya magawa pang lingunin ang lalaki na tinutukoy ng kanyang mga kasamahan nang dahil sa hiya. Malapit lang ang kanilang pwesto sa counter kaya batid niya na naririnig na sila ng lalaking tinutukoy ng kanyang mga kasama.
"Ayy naku Aia girl, kaya nga tayo nandito eh, to have some fun. Come on! Loosen up, girl!"
"Ano girls? Lapitan na ba natin?" Wika ng isa sa kanyang mga kasama.
"Push!"
Akmang tatayo na ang mga ito nang pigilan ni Aia na tumayo at lapitan ang pakay nito.
"Huy tama na nga yan! Ano ba kayo! Pumunta tayo dito para uminom! Kaloka kayo! Wag ninyong lapitan yan! Di naman ninyo kilala yan eh!"
"Aia girl, mas OK nga iyon eh, malay mo, interesado din siya sa atin, tapos lalapit siya 'pag nakuha natin yung pansin niya. Or kapag kami ang limapit, mapapunta natin siya sa table natin. Aba, I'm more than willing to offer my body tonight. Wala na akong sex life simula nang naghiwalay kami ng ex ko. Sayang ang chance!" Segunda ng isa pa niyang katrabaho.
"Girls, I think there's no need for you to go there. Look oh? he's looking on our side. Sure ako." Wika ni Adela, isa sa mga katrabaho niya. Mabuti pa ito, may kontrol sa bibig at pag-inom ng alak.
"Ayy oo nga! Look, beh! Tumayo si papa! Ay shet, mukhang lalapit dito!" Tili ng binabae niyang kaibigan na si Jonathan.
"Mind if I join you girls tonight?" Wika ng estrangherong dumalo sa kanilang mesa.
"Sure, papa! Ay Este, Mister! Come, come!"
Bakas ang gulat sa mukha ni Aia nang mapagsino ang estrabngherong makikisalo sa kanilang magkakatrabaho.
"Kamusta ka na, Dia? It's been a while." Wika nito habang nakangiti sa kanya.
Patay.
Author's Random Thoughts:
Whether we like it or not, some people are meant to come back to our lives, either to give us a lesson we didn't learned the last time we encountered them, or to give us a chance to fix things and start anew.