Ikawalong kabanata
"Home is not where you are from, it is where you belong. Some of us travel the whole world to find it. Others, find it in a person." - Beau Taplin
"Sir, mabuti at naisipan po ninyong umuwi sa inyo?" Tanong ng Executive Assistant ni Alfred sa kanya matapos nitong banggitin dito ang mga kailangang matapos na trabaho dahil liliban din siya ng halos tatlong linggo para ipagdiwang ang kapaskuhan at bagong taon sa probinsya.
"Wala naman, na-miss ko na din kasi sa probinsya." Nakangiting tugon niya sa kausap.
"Mabuti pa nga po, Sir. You deserved it naman po. This will be your first time na mag-leave simula po nang magtrabaho kayo dito sa kumpanya. Kailangan po din ninyo ng break paminsan-minsan."
"Yeah. Kaya kailangan ko din sulitin. Matindi na ang tampo sa akin ng mga magulang at kapatid ko kasi never pa akong nakauwi simula nang lumuwas ako sa Maynila para magtrabaho. Puro calls and messages na lang. Mabuti na lang ngayon may video calls na, kundi baka wala na akong balikan sa amin." Biro nito. "Anyway, I need you to prepare all the documents needed for me to sign bago tayo pumunta sa site saka bago yung effective date ng leave ko, as well as yung mga schedule ko ng meetings and conference nang sa gayon ay wala akong ma-missed.
"Nakahanda na po, Sir."
"Pati lahat ng documents na kailangan ko pang aralin prior approval. Saka ibang proposal na may soft copies, paki-send na din sa akin sa email bago umalis para maaral ko na. Other than that, leave the matters remaining kay Clinton since siya ang tatayong OIC in my absence. In case na magkaproblema na kailangan ako mismo ang tutugon, tawagan mo si Ynah, sa kanya ka makipag-coordinate since isasama ko siya pauwi sa probinsya kasi dadaan pa kasi sa site bago ako mag-VL." Mahabang habilin nito sa Assistant.
"Noted, Sir."
***
"Sir, salamat at sinabay mo na din ako pauwi sa probinsya ha? Akala ko kasi either sa site, out of town, or out of the country na naman tayo this Christmas season nang dahil sa trabaho." Ani ng kanyang Sekretarya na si Ynah. Kababaryo niya lang kasi ang nasabing sekretarya kaya hindi na gaanong problema pa kung isasama niya ito pauwi sa probinsya. "Malaking tipid din po yung pamasahe back and forth." Dagdag pa nito.
"Wala yun, Christmas Gift ko na din sa iyo yan sa lahat ng hardwork mo sa trabaho." Tugon nito sa kausap habang inaaral ang hawak nitong dokumento.
"Eh Sir, may mga habilin po sa akin si Sir Andy regarding sa task ko habang naka-official travel tayo. Di parang hindi ka rin po pala totally na naka-vacation kasi may mga gagawin ka pa ring trabaho, habang ako po ay parang 24/7 na naka-abang sa emails at calls from Sir Andy and Clinton?" Tanong nito sa kanya.
"Yup, pero hindi din naman siguro tayo uulanin ng trabaho pagdating doon sa probinsya. Basta make sure to open your line kasi sinabi ko sa kanila na kapagka may concern sila related sa work na ako ang directly na kailangan, sabi ko na sa iyo makipag-coordinate."
"De parang hindi naman po pala tayo naka-bakasyon niyan?" Wika ng sekretarya na may bahid ng pagrereklamo. "Kasi, kahit na wala tayo sa opisina, magrereport pa rin po sila sa atin, tapos magrereply din po kayo sa kanila.
"Ganun na nga, pero hindi naman siguro aabot sa punto na buong araw kang may kausap sa fone at email, at hindi din naman siguro ako whole day na may ka-video call meeting."
"Ay naku, Sir! Hindi rin po pala tayo makakapagbakasyon nang bongga dito! May trabaho din pala tayong kasama." Reklamo pa nito sa kanya, na tinugon na lamang niya ng pagtawa habang umiiling.
***
Sa kabilang banda, abala naman ang magkaibigang Jonathan at Aia sa pagsasaayos ng mga bagay-bagay sa opisina.
"Bakla! Okay na ba yung annual report na ipinasa mo kay Sir Derek?" Tanong ni Jonathan sa kaibigan at kaopisina na si Aia.
"Oo be, tapos ko na kahapon pa. Minor revisions naman na lang daw, pero naipasa ko na din kanina before lunchbreak yung recommendations niya. Alam mo naman na uuwi tayo sa 29, kaya kailangan na matapos na natin lahat 'yan." Tugon naman niya sa kausap.
"Hay naku girl, mabuti ka pa! Ako ipapasa ko pa lang! Paano kapagka may revisions?"
"Ayos lang yan." Wika nito. "May ilang araw ka pa para magrevised ng report mo, unless gusto mong mag-uwi ng trabaho? Ano yun? New Year na New Year, nakaharap ka sa laptop at fone mo para sumagot ng queries at gumawa ng report?"
"Tse! That's a no-no! Alam mo naman ang golden rule natin girl, di'ba? No work kapagka New Year, Birthday at Chirstmas!" Nakakaloka! Hindi na nga tayo nakakauwi kapagka pasko! Kapag nagkataon, this will be my first time na magtratrabaho ng New Year! I hate it!" Reklamo pa ng isa. Kahit hindi kasi nakakauwi ang magkaibigan tuwing pasko sa kani-kanilang probinsya, sinisiguro naman ng mga ito na hindi sila nagtratrabaho sa mga nasabing okasyon. May birthday leave din kasi na ipinatutupad sa kanilang opisina, maliban na lang kung may mahalaga o biglaan silang kailangang gawin sa opisina tulad ng pagdalo sa scheduled meeting or conference.
"Oo, lalayasan ka naming kasi maliligo kami sa dagat, habang ikaw nandun sa bahay mag-isang nagtratrabaho kapagka hindi mo natapos yan!"
"Heh! Matatapos ko din 'to, makikita mo, bruha ka! Sisirain ko moment ninyo ng manliligaw mo!"
"Manliligaw ka diyan?! Kaibigan ko lang yung tao. Grabe ka girl!" Pabalik na wika ni Aia sa kausap.
Ang tinutukoy nito ay ang kabarangay nila na nali-link sa kanya na si Yue Justin Silva. Usap-usapan kasi noon sa lugar nila na may pagtingin sa kanya ang binata. Nung huling bakasyon nila ng kaibigan niya sa kanila, madalas ito kung dumalaw at dinadalhan pa siya ng prutas at iba't-ibang pastries bilang pasalubong. Nagtratrabaho din kasi ang nasabing binata sa Maynila, pero sa Taguig ito nagtratrabaho at taunan ito kung umuwi din sa nasabing probinsya, subalit hindi naman nagsasabi sa kanya ang binata kung nanliligaw man ito. Lingid sa kaalaman ng kaibigan, nagtapat na sa kanya ang binata at nagsabi na ng hangarin nito sa kanya na manligaw, subalit tinanggihan niya ang hangarin nito sapagkat sa paniniwala niya, hindi dapat pinaaasa ang tao kapagka hindi ka naman sigurado sa nararamdaman mo, o kapagka wala kang nararamdaman na ni katiting na pagtingin para dito. For Aia, it's all or nothing when it comes to love and relationship. Hindi dapat sinasayang ng isang tao ang oras at panahon sa isang bagay kung hindi ka naman pala sigurado sa gusto at nararamdaman mo. Kaya nung una pa lamang, tinanggihan na niya ang lalaki subalit sinabi nito sa kanya na hayaan lang siyang ipakita na malinis ang hangarin niya dito, nang walang hinihintay na kapalit. Ayon dito, kapagka nakahanap naman ito ng bagong mapupusuan, titigil na rin ito sa pagbibigay sa kanya ng pasalubong. Nilinaw na din ng dalaga na hanggang pagkakaibigan lamang ang kaya niyang ibigay sa binata kasi para sa kanya, bagay na sinang-ayunan naman nito. Mas napabilib pa daw ang binata sa kanya, dahil hindi daw siya nito pinaasa. Magmula noon, dumadalaw pa rin ang binata sa kanila, nagbibigay pa rin ng pasalubong at prutas subalit hindi na gaya ng dati na may kasama pang bouquet ng bulaklak at stuff toy, bagay na hindi din niya sinabi sa kaibigan. Magaan naman ang loob nila sa isa't-isa pagkatapos nun.
"Eh kasi naman bakla, tuwing uuwi sa probinsya para magbakasyon, may pasalubong, pa-prutas at pakain pa si kuya sa inyo?!" Tugon nito. "May friends ba na ganun?" Dagdag na tanong pa nito.
"Meron bakla, siya."
"Sabagay. Laki rin kasi ng sweldo ni papa Yue, ikaw ba naman magtrabaho bilang Head Architect sa isa sa mga kilala at tanyag na firm sa buong bansa, ewan ko lang kung maghirap ka sa pamimigay ng simpleng pasalubong lang."
"I actually admired him nga eh. Ang linaw ng life goals niya. He has plans ahead. Kapagka may hindi naayon sa goal niya, binabago niya yung strategies niya, not the goal itself. Nakakatuwa." Nakangiting pagkukuwento nito sa kaibigan.
"Oo nga, girl. Mapalad yung babaeng mapapangasawa nun. Alam na alam ang priorities sa buhay. Magaling din sa time management. Sana lahat ng lalaki magaling mag-manage ng time, at malinaw yung priorities at goals sa buhay. Hindi yung sasabihin lang na "mahal kita, o isa ka sa priorities ko, pero his actions say otherwise. May iba naman na sa simula lang magaling, pero kapagka sinubok na ng tadhana, sumusuko na. Nakalimutan na yung mga pangakong binitiwan nila sa mga kasintahan nila. O di naman kaya, yung iba, katagalan nagsasawa na kasi daw kesyo walang bago, o may nakita na "better" daw than sa current partner nila. Taragis na paniniwala yan! Ano? Itsura lang ang basehan para mahalin din yung tao? Mga paasang nilalang!" Wika ni Jonathan na may himig ng pagdaramdam.
"Yeah. Napakasuwerte nga ng magiging kasintahan nun. Malinaw ang lugar niya sa puso at buhay ni Yue 'pag nagkataon."
"Sana all talaga girl ano? Sana dumami ang lahi ni papa Yue. Kaso, nag-iisa lang siya. Walang kapatid na lalaki. Kainis!" Pagmamaktol pa ng kaibigan sa kanya.
"Wala girl eh, rare type yun."
"Kaya sunggaban mo na friend!" Kantyaw pa nito sa kanya.
"Baliw. Friends nga lang kasi talaga kami."
***
"Welcome to us sa Batangas! After several months, nakapagbakasyon din!" Sigaw ng baliw niyang kaibigan pagbaba nila ng bus.
"Hoy bakla, nakakahiya ka kahit kailan! Maghunos-dili ka naman! Mamaya ka na sa bahay magladlad!" Saway nito sa kasama.
"Sis, na-miss ko ang less toxic environment. We need this. Who knows? Baka isa sa mga makakasalubong natin sa daan, or isa sa mga magsismba, or sa mga makikita natin sa pamilihan ang the one ko?"
"Nagpunta tayo dito friend para magbakasyon, hindi lumandi."
"Ganun din yun bakla!"
"Tse. Tara na nga! Hinihintay na tayo nila Mama sa bahay!" Aya nito sa kaibigan.
******
"Dia! Mabuti naman at nakarating kayo nang ligtas." Bungad ng kanyang ina sa kanila pagdating sa bahay.
"Mabuti na nga lang po Nay, nakarating kami dito nang maayos."
"Halina't kumain na muna kayo. Mabuti na lamang pala't maaga akong nakapagluto ng pagkain."
"Sige po. Tara na bakla, kakain na daw." Aya nito sa kasama.
*******
"Best! Saan ang itinerary natin? Kailangan masulit natin ang isang linggong bakasyon natin" Bungad sa kanya ng kaibigan pagkapasok na pagkapasok nila sa silid na kanilang tutuluyan.
"Gusto mong gumala sa isla? Mamundok? Or sa plaza muna tayo?" Alok nito sa kaibigan.
"Of course besh, sa isla tayo! Nandun ang angkan ko, bibisitahin ko. Charot!" Biro nito sa kanya.
"Tara na nga!"
*******
"Sister! Iba pa rin talaga kapag nakipag-meet ka kay mother nature, nakaka-refresh!" Sigaw ng kasama habang nagtatampisaw sa tubig. Kasalukuyan silang nasa isang isla ngayon upang magswimming at magsnorkling.
"Ano? Sabik ka na bang makita ulit yung mga kamag-anak mong isda, shokoy at dugong sa ilalim ng karagatan?" Pang-aalaska nito sa kasama.
"Gaga! Syempre naman! Charot lang!" Eme ka bruha ka! Di porket sexy ang aura natin ngayon dahil sa two-piece suit natin, aawrahan mo na ako ng ganyan!" pang-ookray pa nito.
"Balik muna ako sa pampang best, nauuhaw na ako eh. What do you want pala, salad or buko juice?"
"Buko juice be. Salamat!"
"Ano palang gusto mong hapunan? Oorder na rin ako."
"Kahit ano na lang. Hindi mapili ang mga sirena na gaya ko."
"Shokoy ka be, shokoy."
"Tse! Layas na bruha! Shoo!"
"I hate you na!"
"Mahal mo naman ako, so okay lang."
Natatawa na lamang si Aia sa tinuran ng kaibigan.
*******
Habang naglalakad pabalik sa pampang si Aia upang kumuha ng maiinom nilang magkaibigan, iniisip na niya kung papaano pagkakasyahin ang limang araw nilang bakasyon ng kaibigan. Nais nitong maipasyal ang kasama sa mga magagandang lugar sa kanila, kahit ba ilang beses na nilang napuntahan iyon… nang maunsyami ang kanyang pag-iisip nang dahil sa isang tinig na nagmula sa isang taong matagal nang panahon niyang hindi nakikita.
"It's been a while, Dia. How are you?" Nahihiya ngunit nag-aalangan na tanong nito sa kanya."
What the? Anong ginagawa niya dito? Ba't ngayon ko pa nakita 'to?" Ani nito sa sarili.
Author's Random Thoughts:
Unexpected people comes at unexpected place and time.