Chereads / Aia's Story / Chapter 4 - Ikalawang Kabanata

Chapter 4 - Ikalawang Kabanata

"Don't be afraid to give your best to what seemingly are small jobs. Every time you conquer one, it makes you that much stronger. If you do the little jobs well, the big ones will tend to take care of themselves."

- William Patten

"Mali! Mali itong panimula ko! Hay naman, ang hirap maghanap ng reliable na information tungkol sa pinagmulan ng Operating Room Tables at Chairs ha? Bakit kasi kasama pa ito sa presentation, eh ang kailangan lang naman nila ay yung product descriptions and specifications naming?! Hindi bale sana kung kasaysayan ni Haring Herodotus at Nero 'to. O di kaya ay Kasaysayan ng Goguryeo, tch! Or kahit yung Octalogy na lang ng Harry Potter!" Pagrereklamo ni Aia habang nakaharap sa computer nito. Pilit niyang isinisingit sa kanyang trabaho ang paggawa ng Powerpoint Presentation habang ginagawa ang mga trabahong nakaatang sa kanya. Hangga't kaya niyang maisingit ang mga ad-hoc tasks na ibinibigay sa kanya ay pinipilit niya itong tapusin sa opisina. Hangga't maaari kasi'y ayaw niyang may trabahong nakabinbin, lalo na ang mag-uwi ng trabaho sa kaniyang tinutuluyan. Kahit ayaw man niya ng multi-tasking, wala naman siyang magawa maliban sa gawin ang lahat nang sabay-sabay, nang hindi nagkakaproblema.

"Beh, labas tayo. Saglit lang. Bili tayong coffee. Inaantok na ako, tapos ikaw naman nagsasalita na nang mag-isa, mahirap iyan. Mental Hospital ang kinababagsakan ng mga ganyan. Sige ka, ikaw din." Lapit sa kanya ng kaibigan na si Jonathan. Palibhasa'y end of year na, halos lahat sila sa opisina ay hindi magkandamayaw sa pagtapos ng mga kanya-kanyang tasks.

"Kasi naman beh, ang hirap ng pinahahanap sa akin! Hindi bale sana kung si hubby Hyung Sik or papa Cholo ang pinahahanap sa akin! Sasakalin ko na talaga iyong si Jared eh!" Ang tinutukoy ni Aia ay ang isa sa mga katrabaho niya na gagawa sana ng documentation nila Jonathan subalit lumiban ito nang isang linggo nang hindi man lang tinapos ang dapat sana'y trabaho nito.

"Shet ako nga, puro papeles ang kaharap ko! Sa sobrang dami, hindi ko na matanaw ang pagpasok ni Sir Derek! Ang alam ko, hindi ko trabaho yung sa Budget eh! Bakit sa akin pinagawa?! Kapagka nasira ang ganda ko, hindi na ako makakahanap ng Mr. Right nito, malamig na naman ang pasko ko! Pang-semana santa na naman ang peg ko!" Paghihimutok pa nito.

"Beh, 28 taon nang malamig ang pasko mo, hindi ka pa nasanay!" Pang-aalaska ni Aia sa kanyang kaibigan.

"Iyon nga ang masakit eh, malapit na akong mawala sa Kalendaryo ng Pebrero, alone pa rin ako! Never been kissed, never been touched. Hay, lumabas na tayo dito, at nang makabili na tayo ng maiinom! Baka nasa labas lang din ang Mr. Right ko."

"Sino dun? Yung pulubi ba sa gilid ng 7/11?" Pang-aalaska ni Aia sa kaibigan.

"Sira! Hindi siyempre. May asawa na yun. Di mo ba nakita?"

"Nakikita, syempre."

"Buti pa siya ano? Nakakadilig. Tayo hindi nadidiligan."

"Ayan ka na naman bakla ka! Filter dito sa opisina ha?"

"Ikaw kasi besh, tagal mo eh! Tara na kasi! Nahihilo na ako!" Pang-aapura nito sa kanya.

"Mabuti pa nga, at nahihilo na din ako sa dami ng trabaho!"

---

"Beh, at 3 o'clock, may papable. Iyong nakasuot ng Puting Polo." Sabi ng kaibigan sabay nguso.

"Bakla, kape ang ipinunta natin dito sa convenience store, hindi lalake. Wala ako sa mood. Zero percent ang radar ko ngayon, na-drain na nang dahil sa trabaho," Tugon ni Aia sabay kuha ng coffee sa refrigerator.

"Ano ka ba beh? Form of relaxation ko ang paghahanap ng lalaki. Ikaw naman, parang hindi ginawa ang mag-sight seeing ng papa nung high school at kolehiyo? Saka need mo ng battery, di'ba? Malay mo mga papables na ang sagot diyan sa pananamlay mo? Sa pagiging tigang ng puso mo, at sa pagiging tuyo ng katawan mo?"

"beh, wala ako sa mood maghanap ngayon, baka next week meron na... o di kaya kapagka natapos ko na iyong Powerpoint na pinagagawa sa akin. Saka hindi ako tigang ang puso ko, May Severus Snape ako at Harry Potter. Marami din akong asawa at kasintahan." Tugon ng dalaga nang hindi nililingon ang kaibigan, ni ang lalaki na itinuro nito sa kanya.

"Besh, ayan ka na naman sa imaginary husbands and boyfriends mo. Ayan ang napapala mo kababasa ng novel books at kapapanuod ng k-drama, anime at movies. Maghanap ka na lang kasi ng totoong lalaki, at nang may iba ka naming mapaglaanan ng oras mo maliban sa laptop at books mo kapagka day off natin." Untag pa ng kaibigan.

"Bakla, ang pagmamahal, hindi hinahanap yan. Kusang dumarating yan. Kung para sa iyo, para sa iyo. Kung hindi, kahit anong laban mo pa, walang mangyayari. Kahit gaano mo pa kamahal at kabusilak ang hangarin mo sa kanya at sa inyo, kung hindi naman siya tutugon, walang mangyayari. Nada. The end." Mahaba-habang litanya ni Aia sa kaibigan.

"Ay bakla! ilang sentence lang ang sinabi ko, binalikan mo ako ng halos isang paragraph!"

"Stress ako bakla, hahaha. Gusto ko ngang manakal eh O di kaya sabihin kay Jared na Avada Kedavra!" Biglang biro nito sa kasama.

"Ano ka, si Voldemort?! Witch ka, te?" Nakangiwing turan ng kasama. "Kidding aside, nakakainis naman kasi si Jared eh! Trabaho niya iyon tapos ipapasa sa iyo! Palibhasa kasi apo ni Madam Sy kaya nagawa ang gusto! Buti pa si Sir Derek, dedicated na boss, kahit kadugo ni Madam Sy, masipag, matalino, moreno, makisig, guwapo, at-

"At ubod ng strikto at sungit!" Akala mo'y wala na tayong ginawang tama, lalo na ako! Pakiramdam ko lahat ng ginagawa ko, pagdating sa kanya ay mali! Talo niya pa si Madam Sy!" Paghihimutok ni Aia habang kumukuha ng chocolates.

"Oo nga beh, grabe ang init ng dugo sa iyo nun! Kung anong bait ni madam, siyang sungit naman ni Sir Derek. Minsan nga naiisip ko na baka insekyurado sa iyo yun, kasi close ka kay Ma'am Cecil. Eh balita ko ay may pagtangi iyon dun eh. Palagi kaya silang sabay kumain nun, gayong magkaiba naman sila ng department. Saka sabay din silang umuuwi kapagka hindi dala ni Sir Derek ang kotse niya. Pansinin mo, sa tuwing mag-aaya noon si Sir sa kanya, nagkakataon na kasama ka ni Ma'am Cess sa pag-aaral ng presentation na gagawin ninyo? Or di kaya aayain kang bumili sa convenience store? Minsan nga naiisip ko na ginagawa ka nang scapegoat ni Madam kapagka ayaw niyang kausapin si Sir eh. Pero girl, datil ang yun ha? Tingin ko lang naman dati, hahaha."

"bahala siya! Basta magtratrabaho ako nang matino, tapos! Hindi ako pwedeng ma-stress nang sobra ngayon, baka makaapekto sa magiging demonstration ko sa Lunes! Saka isa pa, kung tama man yang hinala mo, wala na dapat siyang ikainis sa akin! Close na sila ngayon girl ano? Saka di ako pwedeng ma-destruct girl, one of the biggest client pa naman natin sa Makati iyong ospital na pupuntahan namin, nakakaloka!"

Patungo na sa counter ang magkaibigan nang may makita ang dalawa na pumukaw ng kanilang atensyon. Ang kanilang Head na si Dr. Derek Sy, kasama ang Sales Officer na si Cecil Salvador na naglalakad patungo sa fruits section ng convenience store.

"Beh! Sundan natin sina Madam, dali!" Wika ng kaibigan habang pinipigilan na tumili.

"Hindi, pipila na tayo! Walangya ka, may mga naiwan pa tayong gawain sa opisina! Kapagka tayo nakita niyan, masasabon na naman tayo, wala pang lunchbreak nasa labas na tayo!"

"KJ naman friend. Chance na eh. Dapat kapagka may opportunity na, sunggab na agad! Kaya ka loveless eh. Pero may point ka naman, kaya ikaw na lang ang pumila dito, susundan ko sina Sir Derek at Ma'am Cess para makasagap ako ng juicy info! Heto ang pera at bibilhin ko, pakidala na lang sa table ko beh ha? Share ko sa iyo mamaya yung chika ko! Bye-bye, beh!" At nilisan na siya ng kaibigan para sundan ang dalawa nilang katrabho na magkasama.

"Gaga kang bakla ka! Ipagpalit daw ba ako sa lalaki? Bumalik ka dito, hoy!" Pahabol niyang turan.

---

"Oh, anong napala mo sa pagmamanman mo kina Sir?" Pambungad na tanong ni Aia sa kadarating lamang na si Nathan. Mukha itong nalugi sa itsura pa lang ng mukha.

"Beh, wala eh. Chikahan lang sila. Hindi naman ako makalapit kasi wala akong mapagtataguan. Mamaya makita pa nila ako, masermunan pa ako. Sabihin ni Sir Derek wala akong ginagawa."

"Wala naman talaga beh eh."

"Meron, ang mahalin at paglingkuran siya nang palihim."

"Kilabutan ka ngang bakla ka! Mamaya marinig ka nun, bugahan na naman tayo ng apoy dito sa cube!"

"At least beh, kumilikos ako. Sumusugal. Walang what if's pagdating sa huli."

"Di ikaw na ang risk-taker be!" Angil nito sa kaibigan.

"Pero beh, may nasense ako kina Sir Derek at Ma'am Cess. Parang may something. Mukhang malungkot si Ma'am Cess habang nagkukuwento kay Sir Derek. parang may problema si Madam. Sad eh. Si Sir din medyo malungkot ang peyslalu. Akalain mo na bukod sa matigas na aura ni Sir, marunong din palang magpakita ng emosyon iyon?"

"Yeah, at mukhang exclusive lang iyon kay Ma'am Cess."

"Sinabi mo pa beh!"

"Sana tayo din, may exclusivity between kay Sir Derek."

"Gaga! Exclusivity nga eh. Exclusive. Meaning, dalawa lang kayo. Akala ko ba, you hate sharing?"

"Beh, pwede naman na exclusive ang body ni Sir sa akin, tapos kay Ma'am Cess naman yung heart. Sabi nga nila, sharing is caring."

"Gaga! Hindi yan exclusivity! Ano? Fuck Buddy kayo? Saka as if naman papatulan ka nun. Eh parang hindi din makabasag-pinggan si Sir. Saka isa pa nga, umayos ka ngang bakla ka! Sagwa ng ganun uy! Maghanap ka, yung seryoso. Saka yung ikaw lang. Hayaan mong ikaw ang hanapin o mahanap. Pusong babae ka, di'ba? Live with it."

"Joke nga lang kasi girl! Joke! Ikaw naman, napakaseryoso. Kaya wala pa rin talagang lovelife eh."

"Tse!"

---

Kasalukuyan na namimili sina Aia at Nathan sa DV ng mga kakailanganin para sa pagsasaayos ng Christmas Party nang madaanan nila ang katatayo lamang doon na mall.

Ang DV ay isa sa kilalang lugar sa kalakhang Maynila na kung saan ay makakabili ka ng mga mura ngunit maayos na damit at iba pang kagamitan.

"Tara beh, pasok tayo diyan! Baka may mga murang damit!"

"Tara!"

---

"Beh, anong bagay sa akin dito? Etong Charcoal Gray or Emerald Green na Tux?" Tanong ng kaibigan niyang si Nathan. Pagkatapos nilang mamili ng mga kakailanganin para sa mga gagamiting palamuti sa Christmas Party, napagpasyahan ng dalawa na mamili na din ng mga damit dito sa isang mall sa Divisoria. Gaya nga ng sinabi ng kaibigan, kailangan din nilang mamili ng mga "office attire" nang sa gayon ay kapagka makikiharap sila sa mga malalaking kliyente nila ay presentable silang haharap sa mga ito.

"Beh parehas bagay kasi maputi ka, kaso mas bet ko etong Green, kasi mas matino kang tignan."

"Gaga! Sige, iyong Green na lang ang kukunin ko. May tiwala naman ako sa taste mo kahit medyo prim ka. Di na keri ng budget ko ang dalawang mamahaling tux."

---

Matapos mamili ng magkaibigan ay napagpasyahan muna nilang kumain sa isang Fast Food Chain malapit sa sakayan ng mga dyip.

"Friend, wala halos akong makita na papable, mukhang hopeless na tayo ngayon!" Maktol ng kaibigan na si Nathan habang kumakain ng burger. "Mabuti pa ang manok, delicious! Samantalang ang mga lalaki dito sa mall, hideous!"

"Grabe beh ha? Makapanlait wagas! Saka hindi lalaki ang ipinunta natin dito sa Mall! Bawasan ang pang-ookray! Ganda ka, te?!"

"Eh kasi naman girl, sabi nila, try and try until you succeed. Ayan tinatry ko na lahat ng ways to find my the one. Malay mo naman nandito pala sa mall yung future husband ko? Sayang naman kung mapapalampas ko yun! Kaso nganga! Zero!" naghuhuramentadong tugon ng kanyang kaibigan.

"Hoy maghunos-dili ka nga siyan! Sabay kurot sa tagiliran ng kasama. "Mamaya may makarinig sa atin dito, tambangan tayo paglabas dito! Saka ka na mang-okray ng panget na papa beh." Wika naman ni Aia habang nilalaro ang Fries sa Cream ng Float.

"Sabagay. Saan ka nga ba makakakita ng decent man sa ganitong lugar?" untag ng kaibigan.

"Huy bakla, huwag ka nga. Minsan nga, makikita mo pa yung the one mo sa mga unexpected place. Saka grabe ka, minsan yung mga simpleng tao pa nga, sila yung wagas magmahal unlike yung may mga narating na. They're after their dreams, fame and fortune. Yung love, waste of time lang yan sa iba. Kaya nga uso sa iba especially sa rich people yung arranged wedding eh. Unlike kapagka simpleng tao, although may pangarap naman sila sa buhay, pero yung iba marunong magbalanse ng sa tingin nila ay mahalaga, at yung mga dapat ingatan at alagaan. Saka sa kanila, lalo na sa mga lalaki, kapagka marami kang pera, mas marami kang pambabae. With class pa ang makukuha nila kasi may pera silang panapal sa mga ito. Hindi ko man nilalahat, pero karamihan ganyan." Paglilitanya nito sa kasama.

"Hay naku friend, ayan ka na naman sa words of wisdom mo na medyo over kung minsan. Medyo bitter tayo. Pero friend kanina, may na-sight ako dito sa mall, wafu kaso may nakalingkis na girl kaya hindi ko na chinika sa iyo. Grupo yata sila eh. Mukhang Engineer si Fafa eh, nakasuot ng Construction Hat. Pero karamihan sa mga kasama niya ay so-so lang. Tama lang kumbaga."

"Kapagka may suot na construction hat, Engineer na kaagad? Hindi ba pwedeng Construction Worker muna beh?" Pang-ookray naman ni Aia sa kaibigan.

"Hindi beh, makinis at maputi eh. Halatang hindi bilad sa araw si Fafa. Kabog pa nga ako sa kinis ng face eh, saka nakadamit na pang-opisina beh. May construction worker ba na naka-business attire? Saka mukhang matalino." Depensa naman ng kanyang kaibigan.

"Baka naman bakla din na kagaya mo, beh? Saka kalian pa nakikita ang katalinuhan sa katawan?"

"Hindi beh, masasagap ng gay radar ko na bakla ang isang fafa sa unang titig ko pa lang. Hindi siya ka-federasyon, fafable siya. Yummy pa! Saka iba ang aura. Basta yun ang na-sense ko! Echosera ka na naman!"

"Ang kaso beh, may kasama kamo, di'ba? So wala na, hopia ka na!"

"Beh, ang asawa nga naagaw pa, jowa pa kaya?!"

"Paano mo naman nasabi na hindi pa niya asawa 'yung kasama niya? Saka ang panget mo mag-isip! Kaya ang daming nagiging kabit eh. Ganyan din yata sila mag-isip kagaya mo!"

"Bruha, joke yun! Saka wala akong nakitang wedding or engagement ring kay girlash. Ni couple ring nga, wala silang suot eh!"

"Ayan tayo eh, ang talas ng mga mata natin sa ganyan. Pero malay mo friend, tinanggal lang niya yung ring niya kasi ayaw niyang ipagsigawan na kasal na siya? May mga ganung lalaki, di'ba? Para makapangaliwa, magpapanggap na binata o wala pang pananagutan? Sabi mo, gwapo pa. Naku, ingat ka bakla."

"Naman! Ang dalagang kagaya ko ay nararapat lamang sa isang binata na wala pang pananagutan. Ayokong magkaproblema. dalagang Pilipina 'to, beh! At isa pa girl, lumalabas na naman ang iba mong katauhan… Aya the mapakla ka talaga ngayon?!"

"Nahiya ako sa pagiging dalagang Pilipina mo ha?! Makahanap ng papa wagas! Wag ako friend! Saka di ako bitter friend, realistic lang ako ngayon hahaha. Gaya nga ng sinabi ko, naka-off ang radar ko ngayon sa paghahanap ng papa. Kapagka tapos na siguro yung mga trabahong kailangan kong tapusin baka sakaling i-on ko na yun."

"At kailan pa kaya matatapos ang trabaho at stress sa opisina, aber??? Basta Friend, baka siya na ang hinahanap kong The One" Tugon nito na waring nangangarap nang gising ang kanyang kaibigan.

"Tch. gutom lang iyan! Hala, kumain ka na!" Sabay sungalngal ng fries sa kaibigan."

"Grawbwe Fwend-

"Hala, kain na! nang makauwi na tayo!"

---

Matapos kumain ng magkaibigan ay napagpasyahan na nilang umuwi sa kanilang tinutuluyan. Papalabas na sila ng mall nang may mahagip ng kanyang paningin si Aia.

Shit. No, it can't be. It can't be him.

Author's Random Thoughts:

There's no such thing as "coincidence" in this world. Whether it is by fate, choice or chance, it remains unknown, until the reason will revealed itself.