Chapter 2
Malapit nang mag-two o'clock nang makabalik ako sa headquarters at, siyempre, dumiretso ako agad sa opisina ko. Our boss, Ace, decided to make every agent's office as homely as possible so we can still relax when we're at work. Ayan tuloy, mas palagi akong nandito kesa sa bahay ko. Black and white ang motif na napili ng lalaking 'yun para sa akin. Ewan ko ba dun kung bakit siya ang pumili ng akin samantalang 'yung ibang agents naman ang pumili ng kanila. Mukhang modern house ang disenyo ng opisina ko pero mas mukha itong condo unit dahil hindi naman ito sobrang laki. Habang nagbibihis ako ay may kumatok sa pintuan ng opisina ko kaya mabilisan kong inayos ang damit ko bago pa man siya makapasok.
"Hoy Jessica Strauss! Kanina pa ako katok nang katok kaya pumasok na ako ah," sabi ni Nicholas habang dire-diretsong pumasok sa opisina ko.
"Ang bastos mo talaga, Hawker! You should call me by my code name! Kapag may nakarinig sayong clients, ibabalabag kita ha," nakangusong sagot ko habang tinitignan siya nang masama. Totoo naman eh! Para saan pa 'yun kung hindi naman namin gagamitin.
"Look who's talking eh you just called me by my surname. Tss," walang galang na sagot niya kaya mas siniringan ko siya lalo.
Napakasungit talaga! Pumunta naman siya sa may kusina at saka kumuha ng juice mula sa fridge ko. See that? Trigger ata talaga ng gutom at uhaw niya ang opisina ko eh.
"Office mo?" Mataray na tanong ko bago ko siya taasan ng kilay. Wala lang, gusto ko lang patulan ang kasungitan niya ngayon. Hahahahaha.
"Arte," irap niya. Ugh! Bagay na bagay talaga sa kanya ang code name niya. Sapakin ko na kaya ito? Baka sakaling bumait siya kahit konti.
"Oh, bakit ka ba nandito? Did you miss me? Hihihi, kilig ako!" Pang-aasar ko para bwisitin din siya.
"As if! Ace is trying to contact you but you're not answering your phone. Hindi ka rin daw niya ma-ring," aniya bago inumin ang pineapple juice na kinuha niya mula sa fridge ko. Waaah! Last na pineapple juice na 'yan, Nick naman eh!
"Sabihin mo sa kanya, documents lang ang kailangan ko sa mission ko. I can handle my missions alone," pagmamalaki ko na parang nagsasalita ako sa harap ng milyong Pilipino.
"Alam niya 'yun, tanga. Maybe there's something urgent he wants you to do," seryosong sagot niya habang naging seryoso bigla ang itsura niya.
"Maka-tanga naman," pagdadrama ko habang naglalakad papunta sa may pintuan habang nakanguso.
"Sige, taas na 'ko sa rooftop," pagpapatuloy ko habang nagtatampo pero siyempre joke lang 'yun.
"I'm sorry, Jess. I'll go ahead na rin," buong puso niyang pagpapasensya bago kumaway sa akin.
Pagkarating ko sa penthouse ng building ay nakita ko agad si Ace na may kausap na lalaki. Sobrang ganda ng disenyo ng opisina ng lalaking ito pero puro glass ang binders kaya makikita mo kung ano mang kababalaghan ang nangyayari sa loob. Maganda nga pero ayoko dito dahil walang privacy. Hayy, maraming makakakita agad sa kagwapuhan mo niyan eh.
"Nandito ka na pala," nakangiting sabi ng napakagwapong crush ko simula high school pa lang kami—si Adam "Ace" Knight.
"Malamang pinatawag mo ako dito. Gago ka talaga," natatawang bulong ko sa sarili ko. May pagka-eng-eng talaga ito minsan.
"Anong sabi mo?" Tanong niya bago ngumuso. Bwiset, ang cutie niya talaga! Stop, mas lalo akong naiinlove sayo niyan eh!
"Wala, bakit mo ba ako pinatawag? Dami mo pang arte eh," tanong ko habang nakangiti nang sobrang lapad dahil hindi ko mapigilan ang kilig ko.
Oo, boss namin si Ace pero ganito kami mag-usap. Simula high school pa lang kasi ay magkaibigan na kami. Sana nga magka-ibigan din pero asa naman ako. Huhuhuhu. Pati si Nicholas Hawker (Frost), kaibigan din namin simula high school. Base sa mood niya ngayon, mukhang wala namang problema sa Cryptic. Ano kayang importanteng ipapagawa niya sa 'kin?
"Psh, let's start. Kasi ano... nag-resign na si Midnight," paliwanag niya na ikinatigil ng mundo ko. Parang kapatid na rin kasi ang turing namin kay Midnight kaya nalungkot ako bigla.
"Ha, bakit? Edi wala nang head ang Alpha Mission," malungkot na tanong ko.
Sa totoo lang, wala akong maisip na dahilan kung bakit siya nag-resign dahil malusog naman siya, malaki ang sweldo, maraming benefits na binibigay ang Cryptic sa amin, mababait pa ang boss at mga agents. Hayy, bakit?
"Duh! Obvious ba?" Inirapan niya ako. Minsan may pagkabastos talaga siya gaya ng best friend niya eh. Nagtatanong kaya ako nang maayos. Pasalamat ka gusto kita ha!
"Yuck, hindi bagay! Tumigil ka nga sa kakaganyan mo," mataray kunyaring sagot ko kahit medyo natatawa na ako. Napanguso naman siya bago magbuntong hininga.
"Yung maayos na. This guy is our new Alpha Mission head. Dahil ikaw ang Beta Mission head at tinatamad akong magturo at alam mo naman kasi lahat 'yan, ikaw na ang magtour at magtour-o. Get it? Magtour-o." Tawa siya nang tawa sa sarili niyang joke pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Is that all? Akala ko pa naman urgent. Baba na ako ha," sabi ko habang naglalakad papunta sa elevator. Joke lang! Pigilan mo ako kasi gusto pa kitang makita nang mas matagal.
"Wait, Jess. Please let him stay in your office today. Pinapaayos ko pa kasi ang opisina niya eh," pakiusap niya gamit ang napakalambing niyang boses kaya parang mas naiinlove ako lalo sa kanya.
"Bakit hindi na lang siya dito magstay?" Seryosong tanong ko pero sa totoo lang kinikilig talaga ako sa mga nangyayari. Inirapan ko pa nga siya para lang matago lalo ang kilig ko eh.
"Sino bang boss sa 'tin?" Natatawang sagot niya bago ngumisi. Bakit ganun, sobrang gwapo ng tawa niya? Bakit may mga pinagpala talaga tapos merong mga gaya kong sobrang dugyot?
"May meeting kasi ako after this. Sige na, Jess. Please," pilit niya habang nagpapacute. Adam Knight used Puppy Eyes. It's very effective!
Tinignan ko naman ang lalaking makakasama ko ngayong araw. Maputi at matangkad siya pero mas maputi at matangkad si Adam sa kanya. Meron din siyang masculine facial and body features pero mas maganda ang itsura ng kay Nicholas kumpara dito. This is the reason why it's difficult to have handsome and physically fit best friends like Adam and Nicholas. Lahat ng lalaki kasi ay ikinukumpara ko sa kanilang dalawa. Although this guy looks really familiar. Saan ko nga ba siya nakita?
"Sunod ka na lang sa 'kin. What's your code name again?" Tanong ko habang naglalakad palabas ng office ni Ace. Bye pogi! Mamimiss kita agad!
"Flame. You can call me Flame."
Nandito kaming dalawa ngayon sa labas ng headquarters. Sa totoo lang, para akong walang kasama kasi sobrang tahimik niya. Marami ngang tumitingin sa kanya nung pababa kami ng building eh. Well, siguro kasi gwapo siya. Halos lahat ng nakakasalubong namin nginingitian niya pero hindi ko na lang 'yun pinansin.
"So, Flame, anong naisip mo at dito ka nagtrabaho?"
"College friend ko si Ace. Bros kami niyan kahit ganyan siya ka-abnormal. Hahahaha. Matagal ko na ring alam na may ganito silang business kaya minsan ako pa ang nagrerecommend sa mga kakilala ko. Sa ngayon, gusto ko lang muna magpahinga sa trabaho ko dahil nakakapagod din palang maging architect. Ikaw ba?" Tanong niya habang tinitignan ako nang diretso.
"Ahh, from the same university pala tayo eh. Friend ko si Adam since high school," maikling kwento ko.
Don't get me wrong. Hindi kasi ako nagsishare nang sobra sa strangers because their knowledge about me can simply ruin my life kaya there's a need to build a wall to protect me from them. Pero wala eh, nasira ni Adam at Nick ang wall na nagseseparate sa akin mula sa kanila.
"Kaya pala ganun mo na lang siya sagut-sagutin kanina eh," aniya bago tumawa nang malakas.
"Dahil ikaw ang una kong nakilala dito bukod kay Ace, pwede bang magpakilala gamit ang totoo kong pangalan? Medyo uneasy kasi sa pakiramdam eh," nahihiya niyang bulong bago ngumiti nang tipid. Oo, gwapo nga ang lalaking ito pero meron na akong Adam. Bakit ba kasi loyal ako sa kanya kahit alam ko namang walang pag-asang magkagusto siya sa 'kin?
"I'm Krypton Arrowsmith," pagpapakilala niya. Wait, is he the guy who performed with us during our foundation day in college?
"You seem a little familiar. I'm Jessica Strauss, nice to meet you," sagot ko bago makipagkamay sa kanya na hindi naman niya tinanggihan.
Nakakatawa, we really have a small world after all. Siya nga ang lalaking kasama namin magperform nung college kami. Sabi niya, naririnig daw niya ang pangalan ko mula kay Adam pero ayaw niyang sabihin kung anong sinasabi ng lalaking 'yun tungkol sa 'kin. Hmp! Nagkwentuhan pa kami nang konti tungkol sa alma mater namin pero naalala kong kailangan na pala naming mag-umpisa.
"Start na tayo. Kung may microchip nang naka-install sa ilalim ng sasakyan mo, pwede ka lang pumasok sa loob anytime kasi bubukas lang ang gate automatically," paliwanag ko habang paminsan minsan siyang tinitignan. Mukha namang nakikinig siya at naka-focus lang sa mga sinasabi ko.
"Kung wala pa, hassle kasi kailangan mo pang i-type ang agent code mo sa machine. Kaya hingin mo na agad kay Ace ahh," dagdag ko habang tinitignan ang documents na hawak ko.
"Okay," sagot niya bago ngumiti nang matamis habang naglalakad kami papunta sa lobby.
Hanggang dito ba naman, hindi siya mapigilang tignan ng mga nakakasalubong namin na sinusuklian niya ulit ng matamis na ngiti. Wait, ngayon ko lang napansin na babae lang ang nginingitian niya. Babaero ba ito o sadyang mabait lang?
"Para makapunta ka sa floors ng agents, hit this one lightly," sabi ko bago ituro ang lower right ng elevator gamit ang paa ko.
"Huh? Nasaan?" Nagtatakang tanong niya habang medyo nakakunot ang noo.
"Hindi ganun kadaling makita eh. Hit this exact spot 3 times. Pakinggan mo 'yung beat. Ganito dapat ha," paliwanag ko bago sipain 'yun gamit ang long-short-long tap.
"Bakit may beat pa?" Natatawang tanong ni Krypton habang nakangiti nang malapad.
"May sapi kasi si Ace nung pinaginawa niya 'to." Tumawa naman ako nang malakas habang iniimagine ang napakagwapong mukha ni Adam Knight.
"Kidding! Ang sabi niya, Morse code daw 'yun pero hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi kaya hinayaan ko na lang. Pinalagay niya 'yun kasi malaki ang possibility na matamaan accidentally ng ibang tao so, clearly, it's for our safety. Tip lang, hinaan mo 'yung pagsipa kasi baka ipatawag ka niya sa office niya. Ang dami pa namang arte sa buhay nun," pagpapatuloy ko bago tumawa.
Nang makaakyat kami sa floor ng agents, pinapasok ko siya sa loob ng opisina ko at pinaupo sa may lounge area habang kumukuha ako ng pwede niyang kainin at inumin. Kahit na ba estranghero pa rin siya sa 'kin, kailangan kong iparamdam sa kanya na welcome siya sa opisina ko. Siyempre, hindi naman akong pinalaking bastos ng magulang ko noh.
"Magiging ganito rin ba kaganda ang office ko?" Tanong niya habang nililibot ang tingin sa buong opisina ko.
"Depende kung anong napili mong motif pero lahat naman ng office dito unique at maganda. Hmm, nasaan nga pala ang documents na binigay sayo ni Ace? Babasahin ko lang saglit para maturo ko ang gagawin mo," sabi ko kaya inabot naman niya sa 'kin ang mga hinihingi ko.
*****************************
Cryptic Association
June 24, xx14
CONTRACT
Agent name: Krypton Arrowsmith
Agent code name: Flame
Agent code: 1KnAh3
Age: 25 years old
Birthplace: Marikina City, Philippines
Birthdate: February 11
Position: Alpha Mission head
I, Krypton Arrowsmith, promise to keep this agency and job position as a secret with my own life. I am responsible for anything happening in my personal life. I shall not be involved in any physical harassment on the client, target or any agent in the company unless it is a matter of life and death.
Signed
Note: Documents will be provided in every mission. Researching about the target is done by the assigned agent and the agent should be aware about everything they do in their mission for they bring the company's name everytime.
*****************************
"Alpha Mission head ka nga talaga. Akala ko nagjojoke lang si Ace ehh," seryosong sabi ko habang tinitignan ang kontrata niya. Napangiwi nga ako nang konti pagkatapos kong magbasa eh. Anong naisip niya at ginawa agad niyang mission head itong si Flame?
"Bakit naman?" Nagtatakang tanong niya.
"Eh kasi mahirap ang trabaho mo tapos bago ka pa lang," sagot ko habang patuloy na tinitignan ang mga dokumento niya.
I even saw Ace's infamous signature in almost all of the pages. Pati ba naman pirma niya maganda. Siguro nung nagsabog ng kagwapuhan, nasalo lahat ni Adam... at ni Nicholas (kasi gwapo rin ang lokong 'yun.)
"Ano bang gagawin ko?"
"Ganito kasi 'yan, there are two teams in our organization—Cryptic. Meron tayong Alpha Mission at Beta Mission. Alpha or A stands for attachment and Beta or B stands for breakup. Head ka ng Alpha Mission kaya mapupunta sayo 'yung clients na may gustong makatuluyan o magkatuluyan ang dalawang tao. Nasa Beta ako, so yeah, I like breaking them up naman."
"Ahh, depende ba sa plano ko kung paano magiging sila?" Tanong niya habang tumatango tango nang konti.
"Yup, you got it. Although may limits naman tayo. Tayo lang ang magpo-provoke sa kanila para mangyari ang goal natin for them. By the way, merong ibibigay na partner sayo. I think si Viper ata 'yun pero mas mataas ka pa rin kasi ikaw ang head," dagdag ko habang nilalaro ang ballpen ko. Uhm, ano pa bang kailangan kong sabihin?
"May mga client tayo na sila mismo ang pumupunta dito. Kapag hindi VIP ang client, mission officers ang kukuha ng information mula sa kanila. Kapag VIP naman, pwedeng tayo mismo ang kumausap o kaya naman si Ace. By the way, mission documents are named Alpha or Beta Mission to agent's code name tapos number ng kung pang-ilang mission mo na 'yun. Some missions take days kaya minsan kahit isa lang ang mission mo, it's counted as 10 or more," pagpapatuloy ko.
"Naisip ko lang, pwede ka bang magkaroon ng Alpha Mission?"
"Nagkaroon na ako ng konti pero expertise ko kasi ang Beta Mission kaya dun ako ginawang head. Pwede kita tulungan o samahan sa unang mission mo kung gusto mo," alok ko dahil alam kong mahirap ang trabaho niya. Bagong bago pa lang siya pero ginawa agad head. Ano bang iniisip mo, Adam Knight?
"Sige! Salamat ah," nakangiti niyang sagot bago ako yakapin. I was hesitant to hug him back because duh... stranger pa rin naman siya kahit papaano.
"Ehem," narinig kong sabi ng isang lalaki sa likuran namin at ehem pa lang niya ay alam ko na kung sino siya.