Chapter 8
It's been days since that happened in Adam's mansion. Pagkatapos ko siyang halikan sa pisngi ay namula siya sa harapan ko bago magmadaling tumalikod at saka tumakbo palabas ng guest room. That's it. No words. No questions asked. May parte sa 'king nag-iisip na nahihiya siya kasi baka kinikilig din siya gaya ko. Kabilang parte naman ang nag-iisip na baka nahihiya siya kasi hindi kami parehas ng nararamdaman para sa isa't isa.
Sino ba naman kasing babae ang hahalik sa pisngi ng lalaking hindi naman siya gusto, diba? Gaga ka talagang babae ka. Ang sarap mo talagang sapakin minsan ehh!
Anyway, kasama ko ngayon si Flame sa isang exclusive bar para sa pinakauna niyang mission. Hindi ko muna iisipin ang sarili kong issues sa buhay dahil kailangan kong tumulong sa kanya ngayon. Nung isang araw, naumpisahan na naming aralin at planuhin ang gagawin namin ngayong gabi—to observe our victims' actions.
Oh, scratch that. This is not a breakup plan to call them victims. They're just cupid's target and we wished for them to be together. Binasa ko na lang ulit ang profiles nila bago sila dumating sa bar na ito. Napansin kong nawala pala si Krypton sa tabi ko o baka kanina pa siya wala at ngayon ko lang talaga napansin. Babalik naman agad 'yun dito kaya pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko.
According to our client who talked to us personally, our targets' names are Nicole and Daniel. They've known each other since they were in high school at kabarkada nila ang client namin. Sabi pa niya, matagal na niyang nahahalatang may gusto ang dalawa sa isa't isa pero natotorpe si Daniel at nahihiya namang umamin si Nicole kasi daw babae siya at magmumukha siyang desperado kapag ginawa niya 'yun. Pumupunta ang barkada nila sa Nirvana Pub tuwing weekends at Saturday ngayon so here we are.
"Aqua," tawag ni Krypton na ngiting ngiti habang may dalang beer at cocktail sa table namin.
"First mission mo pa lang, umiinom ka na agad during a job?" Pang-aasar ko sa kanya bago tumawa nang malakas. Ininom ko naman agad ang inabot niya sa 'king cocktail na parang juice lang talaga at walang halong alak.
"Mataas naman tolerance ko sa alcohol so wala lang ito sa 'kin. Ikaw ba? Baka malasing ka agad ah!" Proud na proud pa nitong pagmamalaki sa akin bago ako asarin.
"Same lang tayo, sira," sagot ko sa kanya habang natatawa bago ko hampasin nang mahina ang braso niya.
Alam niyo bang na-discover kong sobrang ingay ni Krypton Arrowsmith kapag mas nakilala mo siya. Sa umpisa lang pala shy-type kuno ang loko pero sobrang daldal at mapang-asar talaga niya for real. At tama ang hula ko na babaero nga ang ungas na ito. Kaya naman pala nginitian niya lahat ng mga babaeng nakasalubong namin noon eh.
"Oo nga pala, nakita kong pumasok na kanina dito 'yung barkada ng client. 2 o'clock," nakangiting sabi niya at saka ko ito tinignan sandali. Target acquired! Tinapik tapik ko naman ang lamesa nang hindi ko namamalayan.
"Affirmative, observe them carefully. Oo nga pala, pwede tayong manghingi ng participation mula sa client para mapadali ang mission," pagpapaliwanag ko habang nag-iisip ng mga pwede naming gawing plano. Tss, ang bagal ko naman atang mag-isip ngayon.
Ilang oras na ang nakalipas pero ang tanging ginagawa lang ng barkada nila ay uminom, magbilliards, at sumayaw. Ang targets namin, minsan nagtatawanan at nagkakatinginan sila pero hanggang dun lang talaga. Merong mga lumapit na lalaki kanina kay Nicole pero hindi naman niya 'yun pinansin. Si Daniel naman walang ginawa kung hindi bigyan lang ng pamatay na tingin ang mga lalaking lumalapit sa gusto niya. Pagkatapos ng ilang oras na pag-iisip ay binulungan ko si Krypton sa pwede naming gawin ngayon.
"Kanina ko pa rin iniisip 'yan pero hindi ko kasi alam kung tama bang ngayon ko gagawin. Sige, wait lang," aniya habang nakangiti nang malapad at saka ako kinindatan kaya napailing na lang ako.
Krypton confidently went to our client and target's table with matching great smile and maximum sex appeal. Good thing, nag-mic at earbuds kaming dalawa kaya alam namin ang lahat ng nangyayari kung sakali mang malayo kami sa isa't isa. Siyempre, hindi iyon halata dahil ginawa naming magnet earrings. Pwede namang in-ear pero ayoko kasi ng pakiramdam nun sa tenga at ayaw din ni Krypton kaya ginaya niya ako sa magnet earrings.
"Hi there," bati ni Krypton sa kanila.
"Hi!" Malanding sigaw ng mga babae sa paligid. Humagikhik naman ako nang marinig kong bumati rin ang kliyente namin kay Krypton.
"I can't help but notice something beautiful that caught my eye," banat nito sa mga babaeng kausap niya na halata namang kinikilig ngayon.
Natawa ako nang malakas sa sinabi niya dahil hindi halata sa itsura niyang marunong siya sa mga ganitong bagay pero, gaya nga ng sabi ko noon, babaero ang ungas na 'yun kaya siguro sanay na rin siya. Narinig ko naman ang tili ng mga babae sa paligid niya na naging dahilan kung bakit ko sila tinignan. Kitang kita na miski si Daniel ay nakatitig ngayon kay Krypton. Lagot ka diyan!
"Miss," tawag ni Krypton habang nilalagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib niya at ang kaliwang kamay naman ay inilahad niya sa harapan ni Nicole.
"You're the one who caught my attention. Pwede ba kita uling makita?" Pakiusap niya habang tinitignan si Nicole na parang siya ang pinapangarap niyang babae. See that? See that?
"U-uhm."
"Girl, mag-yes ka na! Siya na ang pinakapoging lumapit sayo ever oh!" Kilig na kilig na sigaw ng kliyente namin.
Oh hell, I love how our client participates in this mission. Because of that, I'll tell Ace's secretary to give her a discount under my account.
"Kuya, akin ka na lang kapag humindi si Nicole. Hihihi," sabi ng isa pa nilang kaibigan na kinikilig din nang sobra.
"Oh! Nicole means victory of the people, right? Tama lang palang inexpect ko na kasing ganda mo ang pangalan mo," pangbobola ni Krypton.
Ewan ko kung bakit pero tawang tawa talaga ako. Parang hindi mo kasi talaga ieexpect 'yun sa itsura niya eh. Nagmadali naman akong tumingin sa ibang direksyon at nagkunyaring may kausap ako sa phone dahil baka pagkamalan nila akong baliw dito.
"A-ah. Sige," napilitang sagot ni Nicole.
"That would be great. See you around, miss Nicole," malambing na sabi niya bago halikan ang kamay ng babae. In my point of view, I can clearly see how Daniel is giving Flame a deadly stare.
Oo, attachment mission ito. Call us crazy but this is part of the plan to get them together. Ito ang naisip namin dahil matagal na silang pinaglalapit pero walang nangyari kaya kabaliktaran naman ang ginagawa namin ngayon. Reverse psychology kumbaga.
We're not really sure if this will work but it wouldn't hurt to try, right? Pabalik na sa may lamesa namin si Krypton nang makita kong papunta ng restroom si Nicole. Siyempre, kailangan ko siyang lagyan ng bug nang hindi niya nahahalata kaya binangga ko siya.
"Sorry, miss! I was in a hurry kasi," pagpapasensya ko habang umaarteng guilty ako sa nangyari.
"It's okay," tipid na sagot niya bago ako ngitian at saka umalis na rin ng restroom.
Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas na rin ako ng restroom at saka bumalik sa lamesa namin. Wala na naman dun si Krypton kaya tumingin ako sa paligid para hanapin siya. Kinakausap na naman niya ulit sina Nicole at ang mga kaibigan nito.
Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Daniel bago siya umalis sa kinauupuan niya. Tinignan ko kung saang direksyon siya pupunta at hindi na ako nagulat na palabas na siya ng bar. Tumayo na rin ako para sundan siya nang madaanan na niya ang mga bouncer. Maybe this will be my time to shine! Tumakbo na ako palabas at sinadya kong banggain siya nang onti.
Ang hilig kong mangbangga, noh? Sana mabangga rin ng mga labi ko ang mga labi ni Adam. Hahahahahahaha, asa pa ako.
"Sorry," hingi ko ng tawad dahil nabangga ko siya. I looked at his face for a while and I made sure he saw tears falling down from my eyes before running away again. Of course, dapat ready palagi ang luha!
"Miss! You dropped your coat," sabi ng lalaking pinagdadasal kong si Daniel. Lumingon ako at pakiramdam ko ay nag-celebrate ang lahat ng cells ko sa katawan. Somehow, my improvised plan worked.
"T-thank you," mahina kong sagot habang umiiyak at saka ako dahan dahang naglakad papunta sa sasakyan ko.
"Are you okay?" Taos puso niyang tanong kaya nilingon ko siya sandali bago umiyak nang umiyak.
Sumandal ako sa kotse ko habang nagkukunyaring pinagbagsakan ako ng langit hanggang sa unti unti akong napaupo sa kalsada. Kung nakikita ako ngayon nina Adam at Nicholas, siguradong aasarin ako ng dalawang 'yun habang tumatawa nang walang bukas dahil sa kabaliwan ko.
"I-I'm fine," sagot ko gamit ang pinakamalungkot na boses ko.
"Women say they're fine even when they're not," sagot ni Daniel habang tinatabihan akong umupo sa kalsada. Wow, our client's right this guy is really awesome because he's warm and caring. Heck, he even understands how women feel.
"Well, y-you're right..." Pinunasan ko ang mga luha ko bago umupo nang maayos.
"Would you mind telling me what happened?" Nag-aalalang tanong niya habang tinitignan ako nang diretso sa mata. I swear to God, I saw sincerity spelled out within him.
"U-uhm, kasi 'yung taong gusto ko kasi hindi ko man lang alam kung gusto ako. One day, he treats me as someone special. The next day, he treats me as a friend. Puro siya mixed signals. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar," malungkot na kwento ko. Even though na drama lang ito, the words I've spoken were true.
"Then why don't you ask him? Siguro gaya mo ganun din ang nararamdaman niya. Nalilito rin siya. Alam mo kasi kaming mga lalaki minsan we're so stupid talaga. Manhid kami masyado," payo ni Daniel habang natatawa lang sa tabi ko. Oh, alam naman pala niya ehh!
"Babae ako. Magmumukha akong desperada at saka maraming babae ang nagkakagusto sa kanya. Hindi ko nga alam kung worthy ba ako eh. Wala naman akong laban sa mga babaeng 'yun kasi sobrang ganda nila," sagot ko. I'm still letting out words from the deepest part of my heart.
"Maybe we look at sexy and hot girls at times but we look deeper if we really like and love a person. We use our eyes for infatuation or lust and we use our heart for love. Kaya kung mahal ka niya, kahit maraming sexy sa paligid niya ay ikaw pa rin ang pipiliin niya," kalmadong abiso niya habang tinatapik tapik ang likod ko.
"Siguro masaya ang lovelife mo noh? I envy you," halos bulong ko bago ako tumawa nang mapait habang nakatingin sa kanya.
"Hindi rin. Actually, nag-walkout nga ako kanina kasi some random guy is flirting with the woman I love," sagot niya na halata ang lungkot sa boses.
Hala! Lagot ka, Krypton! Alam kong naririnig niya ang usapan namin ni Daniel kaya baka natatawa na rin siya ngayon.
"Does she know you like her?" Matapat na tanong ko dahil gusto ko talagang sumaya ang lalaking ito dahil halatang halata ang kabutihan ng loob niya. He deserves it more than anyone else.
"No, I-I haven't told her."
"Sira ka! Parehas lang pala tayong sawi. Umamin na tayong dalawa. For sure, ayaw mo rin namang maagaw sayo ng random guy na 'yun ang babaeng gusto mo, diba?" Natatawang tanong ko bago ngumiti nang tipid.
"Siyempre naman, she's everything I want. Tama ka nga, I should tell her how I feel para sa huli, hindi ako magsisi na hindi ko man lang tinry na sabihin sa kanyang mahal ko siya," aniya habang punong puno ng pag-asa ang mga mata niya.
Go Daniel! I'm rooting for you. Pinatunog ko na ang sasakyan ko at binuksan ang pinto nito bago lingunin si Daniel habang nakangiti.
"Thank you for cheering me up. Let's get the person we love," masayang sigaw ko para sa 'ming dalawa kahit alam naman nating hinding hindi ko kayang umamin kay Adam. I hope I can but it won't happen.
"Thank you for making me understand things I should have known a long time ago. Good luck to us, miss."