Chereads / Mission: Playing with Fate / Chapter 11 - 11: Breathless

Chapter 11 - 11: Breathless

Chapter 11

After a long drive, nakarating na rin kami sa Batangas. Although a few blocks away from the beach pa ang rest house na pagsistay-an ng barkada namin. Kahit magkakaiba ang programs namin nung college, hindi naging hadlang 'yun sa pagkakaibigan naming lahat dahil sinisiguro naming binibigyan namin ng oras ang isa't isa. Sinalubong naman agad kami ng butlers at maids sa labas ng main entrance kahit kakapasok pa lang ng sasakyan sa gate ng rest house. Nauna na akong lumabas ng sasakyan dahil tulog pa ang dalawa kong kasama.

Hmp, kaya naman pala nila ako pinatulog kaninang madaling araw para ako magmamaneho ngayon.

"Hi, I'm Jessica Strauss. Saan ko po pwedeng iparada ang sasakyan?" Tanong ko sa isa sa mga butler. Nilibot ko rin ang tingin ko sa lugar at may nakita akong mga sasakyang nakaparada na malapit sa garden.

"Uhm. Madamme, kami na ho magpaparada ng sasakyan niyo pero ibababa ho muna namin ang mga bagahe niyo," sabi niya sabay senyas sa iba pa niyang kasama.

Isa-isa naman nilang kinuha ang mga gamit namin mula sa trunk ng sasakyan. Konti lang naman ang mga dala namin kaya sandali lang nilang natapos gawin iyon. Binuksan ko ang pinto ng driver's seat para silipin 'yung dalawa pero natutulog pa rin sila hanggang ngayon.

"Pwede na ho ba, ma'am?" Tanong ni kuya.

"Wait lang po," maikling sagot ko bago sumakay ulit sa sasakyan at isarado ang pinto nito.

Nakakahiya naman kasi kung maririnig ng mga maids at butlers ang panggigising ko sa dalawang ito noh. Sobrang dark ang tint ng sasakyan kaya okay lang na ngayon ko gawin ito. Hindi ko nga lang alam kung mahihiya ako sa ingay ko o sa reaksyon ng dalawang ito.

"Gising na," malambing kong tawag habang unti unting inaalog si Nicholas pero patuloy pa rin siyang natutulog.

Si Adam naman ang sinunod ko pero walang nangyari. Nilakasan ko ang volume ng music pero wala rin. Sigaw na ako nang sigaw, wala pa rin. Nagtalukbong lang ng unan si Adam tapos si Nick naman parang walang naririnig. Dahil medyo naiinis na ako, sinigaw ko ang isang bagay na siguradong makakapagpagising sa kanilang dalawa.

"Kapag hindi kayo gumising, ibig sabihin maganda talaga ako at bakla ang isa sa inyong dalawa!" Without hesitation, nagtanggal ng seatbelt si Nicholas na nasa tabi ko at bumangon si Adam mula sa pagkakahiga niya sa backseat at sabay silang lumabas ng sasakyan.

Sabi na 'yun lang ang katapat ng mga bwisit na 'yan eh. Bumaba na rin ako ng sasakyan at sinabi sa kuya na pwede nang iparada. Nginitian ko na lang 'yung dalawang antok na antok pa rin na masama ang tingin sa 'kin ngayon. Tumawa ako nang malakas kaya mas lalong kumunot ang noo nilang dalawa.

"What? Mga bugnutin," sabi ko bago tumawa nang malakas. Nang makapasok kami ng bahay ay nakita agad namin si Lance na may dalang mga bagahe. Tumakbo ako papalapit sa kanya bago ko siya i-bro hug.

"Lancelot! I missed you!"

"Tama nga si Emma, babae ka na nga ngayon. Naka-dress ka pa ohh," pang-aasar ni Lance kaya naningkit ang mata ko. Isa rin kasi ang lalaking ito sa nang-aasar sa 'kin na tomboy raw ako.

"Joke lang," dugtong niya habang natatawa.

Lumapit naman sa amin ang dalawang bugnuting kong kasama. Napansin kong seryoso lang ang tingin nila sa isa't isa. Hala, nag-away ba sila? Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita habang nagtititigan lang silang tatlo. Pinagpapawisan na tuloy ang kili-kili ko dahil sa tensyon.

"Uhm—"

"Pre! Waaaaah, I miss you," sigaw ni Lance sabay nagyakapan silang tatlo na para silang mga mag-aamiga na ngayon lang nagkita. Emma, 'yung fiancé mo nanglalalaki oh!

"Sira ulo, kakakita lang natin sa golf last week," natatawang sagot ni Adam bago ngumiti nang malapad.

"Don't mind him, hindi natin bati 'yan. Miss you too, pre," sabi ni Nicholas.

Monthly period niya ba ngayon? Thank heavens sa pagiging mabait niya pero 'yung pagiging super duper kulit hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat 'yun. Hahahaha. Narinig naman ng iba naming friends ang ingay namin kaya lumapit din sila sa amin. Nakakapit sa braso ko si Emma habang nakikipagbatian kami sa kanila.

"Hawker, kamusta na kapatid mo? Pwede na ba namin ligawan ni Spade?" Pang-aasar ni Ezekiel kay Nicholas kaya lumipad agad ang isang middle finger sa ere. Natawa naman kaming lahat dahil dun. Kung sa 'kin nga sobrang protective na si Nick, paano pa kaya sa kapatid niya diba?

"Damn, ang ganda mo lalo ahh," pangbobola ni Spade bago ako kindatan. Si Spade ay isang casanova pero exemption ako sa mga pwede niyang landiin dahil bantay sarado ako nina Adam at Nicholas.

"Lalaki pa rin 'yan, pre," komento ni Nick kaya tumawa ang barkada namim.

"Wow ha," kunyaring pagtataray ko sa kanila.

Binilang ko naman sandali kung ilan kami dito. Emma and Lance, check! Elizabeth and Hera, check! Adam, Jess, and Nicholas, check! (duh), Spade, Kiel and... oh, wala pa si Thomas. Sayang naman, hindi kumpleto ang barkada.

"Sissy! Are you looking for Thomas? Nako, sabi na you'll eventually fall for him eh," batid ni Elizabeth na wala pa ring kupas ang ganda hanggang ngayon. Mukha pa rin siyang supermodel kahit kailan. Ako 'yung tipo ng tao na sobrang taas ng standards sa babae kaya kapag sinabihan kong maganda ang isang tao ay maganda talaga siya.

"Oo nga, sissy! Waaah, nakakakilig naman," dugtong naman ng bestfriend niyang si Hera. Oo, diversified pa rin ang barkada namin kahit papaano dahil hindi rin naman namin kayang i-close nang sobra ang bawat isa.

"Baliw, hindi noh," maikling sagot ko.

"Loka loka talaga kayo. Alam niyo namang may one and only na 'yan eh," pang-aasar ni Emma bago siya humagikhik. Tinignan ko naman sandali ang mga lalaki dahil baka narinig nila ang sinabi ng baliw kong best friend. Mukhang hindi naman kaya nakahinga ako nang malalim.

"Anyway, ang ganda pala ng rest house ahh. Sino nakahanap nito?" Namamanghang tanong ko habang tumitingin ako sa paligid at halos mapapikit naman ako dahil sobrang fresh ng hangin.

"Ako," sagot ng isang lalaki na pababa ng hagdan. Si Thomas! In fairness, ang gwapo niya just like last time I saw him minus the beard. Wee, kumpleto kami!

"I've been looking for beach houses kung saan ako pwede mag-relax a year ago. I fell in love with the ambiance and exquisiteness of the place that's why I made it my own paradise," pagpapaliwanag ni Thomas bago kami ngitian nang matamis.

"Pre, nahahawa ka na kay Hawker sa pag-i-English ahh," puna ni Kiel kaya tumawa kaming lahat. Lumapit naman sa amin si Tom at isa isa kaming binati.

"Nice to see you again," bati ni Tom bago ako yakapin. Huling beses ko siyang nakita nung gabing binastos ako ng kalaban namin sa racing. Erase erase! No sad thoughts for now.

"Pre, lalaki pa rin daw si Jessica hanggang ngayon. Sorry, wala ka pa ring pag-asa," biro ni Spade bago tumawa nang malakas.

"Alam ko."

Pagkatapos naming kumain at magkwentuhan ay napagdesisyunan naming mag-beach na kaya nag-kanya kanya na kaming akyatan sa kwartong naka-assign sa amin. Sa totoo lang, hindi ako makapili ng isusuot ko kaya nakalatag sa kama ang two piece, dress, t-shirt, sando, at shorts na pagpipilian ko. Narinig kong may kumatok sa kwarto ko kaya sumigaw ako para malaman nitong nagbibihis ako.

"I'm not yet done changing!" Inexpect kong sasagot ng "okay" ang kumakatok pero mali pala ako dahil bara-bara niyang binuksan ang pinto ng kwarto ko.

"Utot mo, Strauss. We've been friends for a long time kaya hindi mo ako maloloko. Mabilis ka kaya magbihis. What's wrong?" Tanong ng bastos kong best friend na nakasuot ng dress at shorts habang kitang kita ang strap ng bikini niya. Nice, gagayahin ko na lang si bakla!

"Soon-to-be Mrs. Ramos ka na pero wala ka pa ring manners. Sinasabing nagbibihis pero pumasok ka pa rin, Ems?" Biro ko kaya tumawa kaming dalawa.

"Jusko naman, babae naman ako to begin with. Wala rin akong interes sa payatot mong katawan noh," pang-aasar ni Emma sa 'kin. Gosh, namiss ko talaga ang babaeng 'to kahit palagi niya akong inaasar.

"Wow, eh mas payat ka kaya sa 'kin," natatawang sagot ko bago siya batuhin ng unan.

"Nako, bahala ka nga. Mauuna na kami sa beach ahh. Just follow the signs kapag pupunta ka na dun. See ya!"

Nagbihis naman ako at naglagay na rin ng sunblock. Lumabas ako after 15 mins para if ever na sobrang maaraw sa labas ay hindi ako sunog na sunog. May nakita akong lalaking nakasandal sa pader habang nakapamulsa paglabas ko sa gate ng mansyon. Nakasuot siya ng black sando at Maui board shorts. Naka-aviators din siya gaya ko kaya hindi ko alam kung saan siya eksaktong nakatingin.

"You're late. Kanina pa kita hinihintay oh." His voice sounded the sweetest even before he pouted. Super cutie!

"Hindi ko naman sinabing hintayin mo ako ahh," mataray kunyaring sagot ko habang nakapamewang sa harapan niya pero sa totoo lang kinikilig talaga ako.

"Well, I never liked the idea of other guys going near you," seryosong bulong niya bago kami mag-umpisang maglakad papunta sa beach.

Maraming tanong ang pumasok sa isip ko dahil sa sinabi niya. Bakit? Gusto mo na ba ako kaya ayaw mo akong makitang may kasamang iba? Hindi na ba ito one-sided love? May pag-asa na bang maging tayo? Pero hindi ehh, imposible. I know I'm only like a little sister to him and he's just being a gentleman to me. I sighed and sighed to release my frustration.

Nainlove agad ako sa dagat sa unang segundo ko pa lang itong nakita. Nakakatuwa rin kasi sobrang presko ng hangin. Kapag tumingin ka nga sa paligid, may mga nagbebenta ng souvenirs, may bundok sa right side ng beach, may mga bangkang nasa beach lang mismo at meron din namang nakalayag. Hindi ko alam kung mas umaapaw ba ang tunog ng alon, lakas ng hangin, o ang mga tawa ng batang swimming lang nang swimming kahit sobrang maaraw pa.

"Breathtaking," puri ni Adam nang buong puso habang patuloy kaming naglalakad sa buhanginan.

"Oo nga eh, sobrang ganda ng scenery at nakakarelax pa ang tunog ng alon," dagdag ko bago lumanghap sa napakapreskong hangin na parang iyon na ang magiging huling hininga ko.

"No, I was talking about you," malambing na sagot niya sa 'kin. Naka-aviators siya pero pakiramdam kong tunaw na tunaw na ako dahil sa pagtitig niya. Wag! Magiging assumera of the year na naman ako niyan eh.

"Sira!" Nakangusong sabi ko bago hampasin ang braso niya nang mahina.

Pagkarating namin sa spot kung saan sila naglatag ng mats at tents ay umupo agad ako dahil sa sobrang pagod sa paglalakad. Hinila nina Elizabeth at Hera si Adam nang pumunta siya malapit sa kanila kahit kukuha lang talaga siya dapat ng inumin.

Obvious na obvious namang gusto pa rin ni Eli si Adam. Sabi niya dati, na-love at first sight siya kay Adam pero nung malaman niyang noon pa lang gusto ko na ang gwapong 'yun ay nagpaubaya na siya. Sabi niya pa noon, "Sisters don't fight over boys. Nauna ka sa kanya so you already marked your territory."

Although, alam naman ng lahat miski ni Adam na gusto siya ni Elizabeth. Magaling makiramdam ang mga kabarkada ko kahit hindi ka pa man nagsasalita. Na-confirm naman namin 'yun nang nalasing sina Elizabeth at Hera nung nag-bar kami at umamin silang gusto nila ang mag-best friend sa harap mismo ng barkada. Gusto ni Elizabeth si Adam at gusto naman ni Hera si Nicholas. Kinabukasan, tinanong nila kung anong nangyari pero wala ni isa ang nagsabi ng totoo para na rin sa pagkakaibigan ng barkada.

Pero ayun, si Adam ang tipo ng taong walang pakialam kung may feelings ba ang isang tao sa kanya. Mabuti pa rin ang trato niya sa taong 'yun dahil ganun siya kabait. Napatingin tuloy ako sa kanilang dalawa na halatang masaya sa isa't isa. Bagay na bagay pa sila kasi mukha silang supermodel parehas. Siguro magiging sobrang ganda o sobrang gwapo ng anak nila. Stop! Mawawalan ka lalo ng confidence niyan ehh.

"Kanina ka pa nagbubuntong hininga ahh," puna ng lalaking kakaupo lang sa tabi ko.

"Out of breath, I guess," sagot ko kaya kumunot ang noo niya habang nakanguso.

"Huh? Are you sick? Do you want me to take you back to the villa?" Nag-aalalang tanong niya bago hipuin ang noo ko para tignan kung may sakit ako.

"Nakaka-breathless kasi ang dagat eh," pagdadahilan ko na lang. Hindi ko rin alam kung dahil lang ba nakikita kong masaya si Adam sa piling ng iba kaya ako ganito o ano.

"It's possible but not a believable reason, Jess," natatawang sagot niya bago ngumiti na parang isang Greek god.

Sandaling tumigil ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan kaya tumingin na lang ako sa paligid. Sina Adam at Elizabeth, nagtatawanan pa rin hanggang ngayon. Tss, ipasok ko na kaya sila sa mental? Sina Emma at Lancelot naman busy sa paglalandian pero pagbibigyan ko na kasi ikakasal na naman sila. Yung iba naman naming kaibigan busy sa paglalaro ng beach volleyball kahit apat lang sila.

Binalik ko ang tingin ko sa lalaking katabi ko nang kumalma na ang puso ko.

"I know, akala ko lang makakalusot."

"Would you like to play, stroll, or swim? Your choice, milady," aya nya bago ako ngitian nang sobrang tamis.

"Weeming pow," sagot ko na parang baby kaya tumawa siya nang tumawa.