Chereads / Mission: Playing with Fate / Chapter 14 - 14: Revelation

Chapter 14 - 14: Revelation

Chapter 14

Kitang kita na ang ganda ng buwan habang naglalakad ako pabalik sa mansyon. Ihahatid pa nga sana ako nina Race pero hindi na ako pumayag dahil marami na silang nagawa para sa 'kin. Nakalimutan ko kasi ang galit na nararamdaman ko dahil sa kanila at saka masyadong malayo ang lalakarin nila pabalik kaya tumanggi na talaga ako.

Habang naglalakad ako sa tabing dagat ay tanging tunog lang ng alon ang naririnig ko. Halos mapapikit nga ako habang naglalakad dahil sa sobrang presko ng hangin nang biglang may humatak sa kamay ko. Masakit. Mali pala, sobrang sakit ng hawak niya sa akin at galit na galit ang itsura niya habang nakatingin sa mga mata ko. Mukha siyang nag-alala pero mas nangibabaw ang galit sa katawan niya.

"Saan ka galing? Alam mo bang ilang oras ka na namin hinahanap?" Galit na tanong niya bago mag-igting ng panga. Sa lagpas isang dekada ko siyang kilala, mabibilang ko lang sa daliri kung ilang beses siyang nagalit.

Bumuntong hininga naman siya nang paulit ulit na para bang nakalimutan niyang huminga nang ilang oras. Naramdaman kong unti-unti siyang huminahon kahit nakakunot pa rin ang noo niya.

"Doon sa kabilang dulo," malumanay na sagot ko habang tinuturo ang lugar kung saan ako galing. Tinignan ko naman ang mga mata niya at napansin ko ang patuloy na pagkalma nito.

"Shit!" Sigaw niya bago ako yakapin nang sobrang higpit. Gumanti ako sa yakap niya dahil ramdam kong nag-alala siya sa akin nang sobra.

"Okay lang ako, Adam. Kita mo nga, buhay na buhay pa ako ohh," bulong ko habang tinatapik ang likod niya para pakalmahin siya lalo.

Humiwalay siya sa pagkakayakap niya sa akin bago punasan ang luha niya. Huh, tama ba ang nakita ko? Umiyak ba siya para sa 'kin? Nananaginip lang ba ako? Guni-guni ko lang ba 'yun?

"Hoy babae, para kang baliw diyan," tawag ni Adam bago ngumuso. Aaaaaand, he's back to normal! Mabuti nga 'yun kasi nakakatakot siya magalit. Ang sakit nga ng kamay ko dahil sa pagkakahawak niya sa 'kin kanina eh.

"Huh?" Naguguluhang tanong ko bago kumurap nang mabilis.

"You're clearly thinking about crazy things again," natatawa niyang komento bago ilagay sa likod ng tenga ko ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko.

"Huh? Hindi naman ahh," palusot ko bago ngumuso.

Minasahe ko ang kamay kong masakit dahil sa diin ng pagkakahawak niya kanina. Napatingin naman siya sa kamay ko bago dahan dahang kinuha 'yun habang nakasimangot. Total opposite ito ng pagkakahawak niya sa akin kanina dahil hinahawakan niya ako ngayon na parang isang bagay na madaling mabasag.

"I'm really sorry about your hand, Jess. Sobrang nag-alala lang talaga ako kaya siguro ganun ako kanina," pagpapasensya niya bago halikan isa isa ang mga parte ng kamay kong namumula.

"U-uhm, okay lang 'yun," kinakabahang sagot ko na halos maubusan ako ng hininga. Inhale, exhale. Galitin ko kaya siya para palaging may ganito? Hehehehe.

"Anyway, we should probably go back," aya niya habang nakangiti na parang natagpuan niya ang kayamanan sa islang ito.

Inakbayan muna niya ako bago kami maglakad pabalik sa villa. Waaah, ang gwapo niya talaga! Kahit kaninang galit siya, sobrang gwapo pa rin niya. Bakit kaya ganun, noh?

"Sorry pala kung umalis ako kanina. Sorry din for making you worry," nahihiyang sabi ko habang tinitignan ang paa kong tumatapak sa buhangin.

"It's okay, wala ka namang kasalanan eh. Emma told us what happened. If I were in your place, I would also be mad as hell," batid niya bago mag-igting ng panga.

"But still, I'm really sorry for making you worry and for making you hella mad," sagot ko habang nakatingin sa mga mata niya. Ngumiti siya sa 'kin kaya mas lalong umangat ang kagwapuhan niya na nasisinagan ng ilaw mula sa buwan.

Boyfriend? Check! Hahahahaha. Hanggang ngayon ba naman iniisip ko pa rin ang music video ko kahapon? Get over it, Jess!

Habang naglalakad kami, tinawagan ni Adam ang barkada para sabihing nahanap na niya ako. Mas naguilty tuloy ako dahil habang nagsasaya ako ay nag-aalala sila sa akin. I really feel bad for making them worry.

Nang natatanaw na namin ang mansyon ay nagmadaling sinalubong kami ni Nicholas na agad akong niyakap nang mahigpit.

"Please, Jess, never do that again. Please please please. Parang awa mo na," pagmamakaawa ni Nick bago hawakan ang mukha ko at saka hinalikan ang noo ko. Kasunod namang lumapit si Emma na yumakap din agad sa 'kin.

"My gosh, bakla! Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap," nag-aalalang batid ni Emma bago ngumuso.

"I'm sorry, dun ako galing sa may rock formation," malumanay pero malungkot na pagpapaliwanag ko sa kanila.

"I'm sorry, I should have known that. Sabi ko kasi sa kanila, lower probability na dun ka sa kabila mahahanap," paliwanag ni Thomas bago huminga nang malalim.

"Guys, walang may kasalanan. Magpasalamat na lang tayong safe ang babaeng 'to. Group hug!" Sigaw ni Ezekiel bago namin yakapin ang isa't isa.

"Sorry for making you worry, guys. I'm sorry talaga."

"Naiintindihan ka namin noh. Alam namin kapag napupuno ka na talaga at sobrang imposible nun mangyari," sagot ni Lance gamit ang seryoso pero mahinahon niyang tono.

"Wait, kasama ka ba sa mga lalaking nagjejet ski kanina? Kaparehas mo ng suot 'yung... shit! Akala ko hindi ikaw 'yun kaya hindi kita tinawag," ani Spade bago magkamot ng ulo.

Tinignan ko ang mukha ni Adam na naka-poker face lang at ang mukha ni Nicholas na nakakunot ang noo as usual. Nag-peace sign ako habang nakangiti nang malapad para wag nila akong pagalitan. Sana...

"Gaga ka talaga! Bakit ka sumasama sa mga hindi mo kilala? Don't talk to strangers nga, diba? Paano kung may nangyaring masama sayo?" Sermon ni Emma bago kurutin ang braso ko nang maraming beses.

"A-aray, masakit 'yun ah! Huhuhuhu. Nakilala ko 'yung isa sa kanila kagabi nung iniwan niyo akong lahat kasi gutom na gutom na kayo. Mabait naman silang lahat sa 'kin at saka mabuti ngang nakalimutan ko 'yung galit ko habang nagje-jet ski eh," sumamo ko sa kanila.

"Lusot ka ngayon," bulong ni Nicholas na naging rason kung bakit tumaas lahat ng balahibo ko.

"Hayaan mo siya, alam mo namang sobrang nag-alala sayo si Nick eh," natatawang sagot ni Adam.

Pumasok na kaming lahat sa loob ng mansyon at sa kanya kanya naming kwarto. Lahat kami halatang pagod na pagod ang itsura kaya siguro gusto na rin naming magpahinga. Sabi nila, ipapadala na lang daw sa kwarto ko 'yung dinner ko kasi nakakain na rin sila habang naghihintay.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, may narinig akong kumatok sa pinto kaya pinapasok ko agad dahil alam kong pagkain na 'yun. Imbes na maid o butler ang pumasok, si Thomas ang may dala dala ng pagkain ko. Nilapag naman niya 'yun sa kama ko at saka umupo na rin sa tabi nun.

"Hala, bakit ikaw nagdala ng pagkain? Dapat ako na lang pinababa mo. Sorry naabala pa kita," nahihiya kong sinabi sa kanya. Hello, siya ang may-ari ng rest house pero pinagsisilbihan niya ako.

"To ask for an apology kasi hindi ko man lang naisip na nasa kabilang side ka lang pala. Masyado kasing malayo 'yun mula dito at ang naisip ko doon ka unang pupunta sa—"

"Thomas, ako nga ang dapat magsorry ehh. Grabe, I know it was a wrong move pero siguro nagalit lang talaga ako nang sobra," malungkot na bulong ko dahil mas lalo akong nagiguilty sa ginawa ko.

"You must really love them, don't you?" Mungkahi ni Tom habang tinitignan ang tray na may lamang pagkain ko. Nag-alala rin ba siya nang sobra kaya ganyan ang reaksyon niya? I'm sorry, Thomas.

"Huh?"

"Hawker and Knight. Sinabi kasi sa amin ni Emma kung ano 'yung pinag-usapan niyo ni Eli kaya ka nagalit," dugtong niya bago tignan ang mga mata ko.

Hindi naman ako kinabahan sa sinabi niya dahil alam kong lahat ikekwento ni Emma lahat bukod sa nararamdaman ko para kay Adam. Pero malay ba natin kung nararamdaman na pala nila, diba?

"Oo naman. Kahit dati pa, hindi ko hahayaang mahiwalay sa kanilang dalawa kasi mahal ko sila. We understand each other in everything and we love each others' perfection and imperfection. We protect one another although mas ako 'yung pinoprotektahan nila kahit tomboy raw ako," natatawa kong kwento bago kami tumawa.

"Sobrang swerte nila sayo, Jess. Kung ako ba naman ang mamahalin mo nang ganyan, ako na siguro ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo pero alam mo at alam ko na higit pa dun ang gusto ko," walang alinlangan niyang sinabi habang tinitignan ako nang diretso.

Halos hindi naman ako makasagot dahil isa si Thomas sa mga malalapit kong kaibigan kaya hindi ko alam ang gagawin ko para hindi masaktan ang damdamin niya.

"Thomas..."

"Alam ko, Jess. Mabuti tayong magkaibigan pero hindi ko mapigilang mag-isip ng what ifs natin. Gustong gusto kita at ayoko pang sumuko hangga't alam kong hindi ka pa masaya. Kaso alam mo ba, for the first time ever, pakiramdam ko kulang na kulang pa pala ang pagmamahal ko sayo lalo na nung nakita ko ang urgency nina Ace at Nick na hanapin ka. Galit na galit sila kay Elizabeth pero hindi na lang siguro pinatulan kasi babae," paliwanag niya bago magbuntong hininga nang sobrang lalim.

"Tom, hinanap nila ako kasi kaibigan nila ako—best friend," tipid kong sagot na may diin sa mga salitang best friend at miski ako ay nasaktan dahil sa sinabi ko.

"Then why would my love be insecure kung kaibigan lang ang turing nilang dalawa sayo? Matagal ko nang nararamdaman na may gusto sila parehas sayo pero iniisip ko na lang na tinatrato ka nila na parang batang kapatid pero hindi ehh. Hindi talaga," ani Thomas na nakakunot ang noo at parang hinahabol ang hininga niya.

"Tom, it's really like that," pagpupumilit ko bago yumuko sa harapan niya. Paano kung totoo pala ang sinasabi ni Thomas? Umiling iling na lang ako para mabura 'yun sa isip ko dahil alam kong imposible mangyari 'yun.

"Did you see Hawker's look when he saw you come back? For fuck's sake, his eyes are full of love. Hindi mo man nakita pero hindi mo alam kung gaano ka-pre-occupied si Knight kanina. Parang hindi siya 'yun and we all know how composed he is all the time. Galit na galit siya na parang papatay na. He was never been that mad, alam mo 'yun," sagot niya bago tumawa nang mapait.

"Thomas, kaibigan lang talaga ang turing nila sa akin. I'm sorry kung ganun ang nararamdaman mo," sumamo ko sa kanya bago huminga nang malalim.

Pakiramdam ko kasi unti unti na akong nababaliw dahil sa dami ng iniisip ko. Naramdaman ko naman ang malumanay na paghawak ni Thomas sa kamay kong nakapatong sa hita ko.

"Hindi mo ba nakita kung gaano sila kagalit nung may nangbastos sayo after racing? Malayo ako nun pero kitang kita ko kung paano nagdilim ang paningin nilang dalawa. Sinamahan ko pa nga si Nick pagkaalis niyo ni Ace para dalhin sa presinto ang gagong 'yun pero ayaw tanggapin nang walang sapat na ebidensya. Alam mo ba kung anong ginawa nila? Ginamit lang naman nila ang apilido nila para makakuha agad ng pruweba at maluklok agad ang gagong 'yun. Jessica, maniwala ka sa 'kin. Kung hindi ka nila gusto, hindi ganun kalala ang bloodlust nila para lang protektahan ka," dagdag niya habang hinahaplos ang kamay ko gamit ang daliri niya. Hindi ako makahinga. Hindi rin ako makapagsalita dahil sa mga sinabi niyang ayaw pumasok sa utak ko.

"Jessica, I'm telling you this because I want you to be happy. Hindi man sa akin pero I want you to know that you got yourself the best set of people who truly loves you. Mahal kita, Jess. Mahal ka namin. Hindi ako susuko agad kahit alam kong sobrang liit ng chance ko sayo. Gagawin ko lang 'yun kapag nakita na kitang masaya sa piling ng iba," malungkot na bulong niya at mas lalong nadurog ang puso ko nang marinig ko ang pagpiyok ng boses niya.

Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong humikbi nang yumakap ako sa kanya.

Mas naguluhan ang isip ko ngayong gabi dahil sa mga sinabi ni Thomas sa 'kin. May parte sa akin na gustong maniwala sa sinabi niya pero mas malaki ang parteng ayaw maniwala.

Alam kong gusto ako ni Thomas pero nina Adam at Nick? Imposible. Oo, overprotective sila sa akin na para akong bagay na madaling mabasag pero bilang kaibigan lang naman 'yun, diba?

Ayokong mag-assume. Ayoko talaga.