Chapter 19
Isang araw pa lang mula nang makauwi kami galing Batangas ay napagdesisyunan ko nang magtrabaho agad. Kahit na sinabi ni Adam na pwedeng sa isang araw pa kami bumalik ay kailangan ko na talagang pumasok para hindi ako mag-isip ng kung anu-ano. Mas lalo kasi akong nag-ooverthink kapag wala akong ginagawa. Isang parte ko kasi ang nag-iisip tungkol sa mga sinabi ni Thomas at isang parte naman ang tungkol sa mga ginawa ni Elizabeth. Nakakabingi. Nakakasira ng ulo.
"Then why would my love be insecure kung kaibigan lang ang turing nilang dalawa sayo? Matagal ko nang nararamdaman na may gusto sila parehas sayo pero iniisip ko na lang na tinatrato ka nila na parang batang kapatid pero hindi ehh. Hindi talaga."
"Did you see Hawker's look when he saw you come back? For fuck's sake, his eyes are full of love. Hindi mo man nakita pero hindi mo alam kung gaano ka-pre-occupied si Knight kanina. Parang hindi siya 'yun and we all know how composed he is all the time. Galit na galit siya na parang papatay na. He was never been that mad, alam mo 'yun."
No! If they really love me in a different way, siguro naman sasabihin nila sa akin, diba? At siguro naman mararamdaman ko 'yun sa loob ng lagpas isang dekada naming magkakaibigan. So yada yada yada! 'Yung kay Elizabeth naman... never mind! Mas kailangan ko na talaga lalong magtrabaho bago ko pa maisip ulit kung paano halikan ni Elizabeth ang leeg ni Adam. The nerve of that ate girl!
Alpha Mission 323 to Aqua
(Emilia Clarke and Jason Momoa)
Emilia Clarke studies on the same university Adam, Nicholas, and I graduated from while Jason Momoa studies on our alma mater's rival university. Their parents want them to fall in love with one another because of power. Pero siyempre, imbes na magmukhang arranged marriage ay dapat daw magmukhang coincidence lang ang pagkakagusto nila sa isa't isa kaya doon kami papasok.
Pag uwi lang namin sa Manila ay tsaka ko nalaman na nakiusap si Krypton kay Adam para tulungan ko siya ulit for the second time. Hindi man lang ako ang una niyang sinabihan, grabe. Pero mabuti na lang kasama ko si Krypton sa mission kung hindi ay baka paghiwalayin ko ang targets namin imbes na magkagusto sila sa isa't isa. Oo, bitter na kung bitter. Habang nakatingin ako sa laptop ko ay may kumatok sa pinto pero hindi ko tinignan kung sino ang pumasok dahil tinatamad akong lumingon.
"Latte?" Alok niya bago ibaba ang isang cup ng kape sa lamesa ko.
"Thank you," maikling sagot ko nang hindi pa rin siya tinitignan. Hayy, ano ba ang gagawin ko? Saan ba ako mag-uumpisa? Jessica, pwede bang tumigil ka na sa kakaisip ng kung anu-ano para maging productive ka or... maging productive ka para wala kang maisip na kung anu-ano.
"Wow, sungit ah. Is it the time of the month? Oh wait, hindi ka pala nagkakaroon every month," pang-aasar niya bago tumawa nang malakas. Napatingin naman ako agad sa kanya bago ko siya tignan nang masama.
"Bastos! Kalalaking tao monthly period ko ang pinapakialaman mo, Nicholas," hiyaw ko nang parang isang batang babae. Kahit na nakatingin na ako sa kanya nang masama ay hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa. Walangya talaga siya minsan.
"Ooh, Nicholas," gaya nito sa akin. Ugh! Masasapak ko na talaga siya eh.
"Do you know Oscar the Grouch from Sesame Street?" Pagpapatuloy ni Nick na ngayon ay pinipigilan ang pagtawa niya. Baliw na talaga. Siguro hinawaan siya nina Emma at Lancelot bago kami umuwi. Binigyan ko naman siya ng what-the-fuck-are-you-talking-about look dahil wala na namang sense ang mga pinagsasabi niya.
"You look like Oscar when you're looking at me like that," seryosong sagot niya bago ituro ang noo ko habang nakatakip ang kamay sa bibig niya na halatang nagpipigil na naman ng tawa. Hindi niya iyon napigilan dahil tawa lang ata niya ang maririnig sa buong floor ng building.
Dahil sa inis ko, hinabol ko siya ng flip flops na kinuha ko mula sa ilalim ng table ko. Tumakbo siya paikot ikot sa may lounge habang iiling iling na tumatawa. Baliw! Baka nga nahawaan talaga ito nung magjowa. Though, it's refreshing to see na siya ang nasa monthly period niya ngayon. Himalang hindi siya nagsusungit eh. He's... cute. Binato ko siya ng tsinelas na iaambang ibabato niya pabalik sa akin pero imbes na 'yun ang hawakan niya ay unan ang hinagis niya na sumakto mismo sa mukha ko.
"Waaaaaaaah! Ang sakit tumama sa ilong ko," sigaw ko habang nagtatakip ng mukha. Napaupo ako kunyari sa sahig dahil sa sakit. Hahahahaha, pero joke lang na masakit noh.
"Shit! Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Nick. Umupo na siya sa harapan ko kaya bigla ko siyang hinampas ng unan sa mukha habang tumatawa ako.
Tinignan ko ang itsura niya at napansing kung kanina masaya siya, ngayon ay balik sa pagiging yelo na naman si kuya. Uh-oh, nasobrahan ata ako. Nag-peace sign ako sa kanya pero ganun pa rin ang itsura niya at seryosong nakatingin lang siya sa mukha ko. The length of his stare is enough to make me look at the color of his eyes. Hinawakan niya ang mukha ko at saka binrush ang thumb niya sa ilong ko. U-uhm. Hindi ko mapigilang tumingin din sa mata niyang parang hinihigop ang kaluluwa ko. Shit, ano ito?
"Aqua, ito na 'yung—kyaaaah! Sorry sa istorbo," tili ng isang babae. Napalingon kami ni Nick parehas sa nakabukas na pinto at nakitang nandun si Hale na namumula ang pisngi na kasama ang clients kong nakangiti rin nang malapad samin ni Nick. Uhm.
WAAAAAAAAAAAAAH! Gusto ko nang magpanic. Gusto ko nang kainin ng lupa. Nakakahiya! Alam kong wala kaming ginagawang masama pero mukha kaming nagmomoment ni Nick. Waaaaaaah! Inalalayan lang ako tumayo ni Nick at saka niya pinagpagan ang damit niya. Dumire-diretso lang siya palabas ng office ko leaving me speechless and wanting to kill myself at this very moment.
"Hija, sorry to ruin your moment," nahihiyang sinabi ni Mrs. Clarke sa akin.
"Oo nga, hija. That guy is just so cute. Naaalala ko tuloy ang kabataan ko," kilig na bulong ni Mrs. Momoa.
"Sorry to interrupt you and your boyfriend, Miss." Pati ba naman si Mr. Momoa? At boyfriend?
"Uhm, hindi po—" Magpapaliwanag pa sana ako na hindi ko boyfriend si Nick pero pinutol ni Mr. Clarke ang sasabihin ko.
"It's okay, miss. Love is not something you could explain," ani Mr. Clarke habang yakap yakap ang misis niya. Hayy, I accept my defeat.
"Hihi! Ikaw Aqua ahh," siniko siko pa ako ni Hale habang bumubulong. Pati ba naman itong sekretarya ni Adam? Utang na loob.
"Hale—"
"Okay lang, Aqua. Hihihihi. Ito na 'yung ibang documents ng mission mo. Bye! Hihihi," kinikilig niyang sagot bago tumalon talong siyang umalis sa harap ng office ko. Oh great!
"Okay, ladies and gentlemen. Please join me inside," direkta ko habang iginaya ko sila papunta sa lounge at saka pumindot ng 1-3-5-7 sa touchpad ko. Code kasi 'yun para malaman nila na may VIP clients kami sa opisina at para magdala sila ng pagkain at inumin para sa mga bisita namin. Parang hotel service in some sense.
"Hija, my son is really a smart guy. Baka ma-figure out niya agad na sinesetup natin sila," alalang sabi ni Mrs. Momoa.
"We already have a plan, ma'am. If you really want this to work out, you have roles for us to push through the plans," seryosong batid ko.
"We're in," sagot naman nila sa akin. Agad agad ko namang sinabi sa kanila ang gagawin nila pero hindi ko sinabi ang buong plano para hindi magmukhang scripted ang lahat. Kumbaga, I told them about the crust but not the filling. Ooh, nagutom tuloy ako bigla.
After ng pag-uusap namin ng VIP clients, I decided to go outside to buy my food. Meron naman ako sa fridge ko sa office pero ayoko lang ng processed goods ngayon. Hmm, saan ba ako nagki-crave? Nang makalabas ako ng office ko ay narinig kong nagchichismisan sa gilid ang mga mission officers sa cubicles nila pero nakatalikod sila sa dadaanan ko kaya hindi nila ako napansin.
"Oo, girl. Confirmed na si Aqua na at si Frost! Kyaaaaaah."
"Bagay na bagay! Parehas silang water benders! Hahahaha."
"Wow, ang cute kaya nila. I always knew na makakatuluyan ni Aqua si Frost o si Ace. Alin lang sa dalawang 'yan."
"Sabi nga, nakitang nakahawak daw sa mukha ni Aqua si Frost tapos magkatitigan daw sila. Mukha na nga daw maghahalikan kung hindi lang sila dumating eh!"
"Aww, ang pangarap kong si Aqua. Nakuha na ng isang lalaking ang layo ng lamang sa 'kin."
"Hindi ko na siya maliligawan. Kainis naman si Frost oh. Mas gwapo naman ako sa kanya ah!"
"Waaah, okay lang na maging taken na si Papa Frost kung si Aqua naman ang makakatuluyan niya."
"Oo nga, though mas bet ko sila ni Papa Ace!"
Walangya talaga. Sobrang daldal mo, Hale. Isip isip, ano ba ang gagawin ko? Inilabas ko ang phone ko at saka tinawagan ang number ni Emma sa States. Sinimulan ko namang maglakad pero tumigil ako sandali sa may gilid nila bago makipag-usap nang medyo malakas para mapansin nila ako. Lalaruin ko nga ang mga utak nila.
"Yes, dear. I'll be meeting you there," malandi kong sabi bago tumawa. Hmp!
"Hahahaha. Ano na namang ginagawa mong kalokohan? Nasa States ako, bakla," natatawang sagot ni Emma sa kabilang linya.
"Yes, I love you," malambing kong sagot dito. Sa totoo lang, natatawa ako sa reaksyon ng mga mission officers pero kailangan kong maging strong!
"Bakla, user ka talaga! Hahahahaha. Are there guys na nangungulit sayo kaya kunyari bf mo ako? Kilala na kita!"
"Nope, I love you more," matamis kong sagot sa kanya kahit tawang tawa na talaga ako sa isipan ko.
"Hahahaha. Call Ace or Nick to save you na. Hindi 'yung para akong tanga dito kasi hindi mo sinasagot nang maayos ang sinasabi ko."
"Sorry, love. Babawi ako next time," seryosong sagot ko sa kanya habang nakangiti. Ayan ahh, para na talaga sa kanya 'yan.
"Or a better idea would be... get a real boyfriend! Hahahaha, tell me what happened later ahh. I love you, bakla!"
"I love you too," bulong ko bago ibaba ang tawag. Tinignan ko ang mga mission officers at nginitian sila. Mukhang gulat pero kinikilig ang mga reaksyon nila. Iniisip siguro nilang si Nick ang kausap ko. Tse! Bahala sila diyan mag-isip ng kung anu-ano.
Pumunta na ako sa Subway at saka umorder ng Subway melt. Wow, ang cute naman nung guy na nagseserve. Mukha siyang korean, waaaah. Nainggit ang kutis ko sa kanya pero, siyempre, malayong malayo siya kay Adam. Bumuntong hininga na lang ako. Pabalik na ako sa building namin nang nakita kong nasa Starbucks sina Nick at Adam. Hindi man lang nag-iinvite! Pumasok ako sa loob ng Starbucks at naalala kong kakainom ko lang ng latte kanina. Pero meh, I love coffee! Umorder ako ng Java Chip frappe and told my name was Jess. Gusto ko sanang isampal sa kanila 'yung frappe ko nung makita kong "Diyes" ang name ko. Dumiretso naman ako sa kinauupuan nina Nicholas bago ngumuso. Mga traydor!
"Hindi niyo ko ininvite. Huhuhuhu," kunyaring naiiyak kong sinabi sa kanila. Nagkatinginan naman silang dalawa bago tumawa nang malakas.
"We're talking about..." Pag-eexplain ni Adam.
"Boy stuff," pagpapatuloy naman ni Nicholas.
"Bakit, balak niyo ba magpatuli?"
"Kadiri ka!" Nakasimangot na batid ni Nick. Si Adam naman ay tinakpan ng isang kamay ang mukha niya habang nagpipigil ng tawa.
"Look who's talking! Kanina nga sinasabi mong may monthly—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tinakpan ni Nicholas ang bibig ko dahil mukhang napalakas ang boses ko.
"Hehe! Sorry!" Awkward kong pagpapasensya sa mga tumingin sa pwesto namin.
"Tomboy talaga," ani Adam habang umiiling iling pa. Tinignan ko siya nang masama nang marinig kong tumatawa rin si Nick.
"Kapag ako naging babae, who you kayo sa 'kin! Hmp," bulong ko bago ngumuso lalo.
"Oh! Never pala tayong ma-who-who you, Knight," pabirong sagot ni Nick habang tumatango tango pa.
"Kung tomboy ako, edi bakla ka kasi nalilink ka sa 'kin," sabi ko sa kanya at saka ko siya inirapan.
"Oops. Adam, wag kang magselos. Iyong iyo pa rin si Nick," pang-aasar ko ulit at ako naman ngayon ang tawa nang tawa.
"Sira ulo!"