Chereads / Mission: Playing with Fate / Chapter 21 - 21: Lose Me*

Chapter 21 - 21: Lose Me*

Chapter 21

Imbes na sabayan ako ni Ban, nagulat ako dahil dumiretso lang siya sa loob ng bahay nang hindi ako hinihintay. Medyo iba rin ang naramdaman ko nang makita kong nakapatay lahat ng ilaw sa loob. Hindi ba naalala ng maids iwan nang bukas ang ilaw? Iyon ang nasa isip ko habang hinahanap ko ang universal remote control sa drawer malapit sa pintuan. It's not there so I guess I have to turn it on manually. Kinapa ko sa bulsa ko ang phone ko para sana gamiting flashlight pero mukhang naiwan ko 'yun sa sasakyan. Gusto ko sanang balikan pero mas malapit na kasi ako sa switch ng ilaw kesa sa sasakyan ko kaya wag na. Para tuloy akong bulag na naghahanap sa dilim ngayon. Tsk, kapag minamalas ka nga naman.

"Ban! Help me please!" Sigaw ko pero wala akong ibang naririnig kung hindi paghinga ko. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan na ako dahil dun. Para bang may mangyayaring masama kahit naghahanap lang naman ako ng switch ng ilaw.

"Ban?" Ulit ko pero wala pa rin. Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang makarating na ako malapit sa switch. Bakit pakiramdam ko may nakatingin sa 'kin ngayon?

"Baby Ban, please. Mommy's getting afraid," sumamo ko bago huminga nang malalim. Alam kong ilang hakbang na lang ako mula sa light switch nang may humila sa akin. Halatang lalaki ito dahil normal na mas malaki ang pangangatawan niya kesa sa 'kin. Hindi rin masakit ang pagkakahawak niya kaya siguro hindi ako natataranta. Sino ba siya at bakit siya nasa bahay ko? Come on, Jess. You should be asking for help or at least use the self-defense you've learn!

"S-sino ka?" Kinakabahang tanong ko na halos hindi ako makahinga. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa isang mata ko habang nanginginig ang katawan ko.

"Shh," pagpapakalma sa 'kin ng lalaking nakayakap mula sa likod ko. Bakit ba hindi ako nagpapanic? Bakit hindi ako lumalaban sa kanya?

"Please don't hurt me and my dog. I beg you," pakiusap ko habang lumuluha.

"I won't." His voice is full of sincerity. Scratch that, it was full of emotions even I can't read. Kaya naman pala hindi man lang ako nagpanic dahil hindi stranger ang lalaking ito. Hinarap naman niya ako sa kanya bago yakapin nang mas mahigpit kesa kanina.

"Walangya ka. You scared me to death! Feeling ko sasabog na ang puso ko," sabi ko sa kanya habang hinahampas nang mahina ang dibdib niya. Tulo lang nang tulo ang mga luha ko at nagfifeeling fountain na ata ang mga mata ko. I swear, kukurutin ko talaga siya kapag mukhang kinagat ng ipis ang mata ko bukas.

"I'm sorry, Jess. I'm really sorry," aniya habang punong puno ng kalungkutan ang boses niya. Kung kanina ako ang pinapakalma niya, siya ang parang kailangan pakalmahin ngayon. Halatang halata sa boses niya na meron siyang problema. Gusto ko sanang hanapin ang emosyon sa mukha niya pero tanging anino lang niya ang kayang ibigay sa 'kin ng buwan.

"Bakit, anong nangyari? May problema ka ba? Adam, please sumagot ka naman oh," sumamo ko habang tinatapik ang likod niya.

"Adam naman eh! If you're going to—hmp!"

That's it. That's how I got my first kiss. That's how his soft lips landed on mine for the very first time. It was just a chaste kiss but it felt like my heart and soul was out of my body for seconds. I was like a dead person whose body is frozen the whole moment. Is this a dream? I asked myself. Maybe I'm in trance. I even tried to pinch myself using my free hand. This is real. This is all real.

Unlike the reaction I assumed I would get when I got my first kiss, this is far different. This is way too different from the kiss Princess Aurora got from Prince Phillip. This is different from the kisses I watched from several chick flicks. Yes, my heart is beating so fast, my cheeks heating up and my palms are sweating but it's definitely something else. He took something from me yet it felt completing. Heck, this is awesome. It was an unexplainable and indescribable feeling. Maybe the feeling is closer to something happening within the universe that we are not even aware of. It is stupendous and enchanting.

Adam moved away from the kiss after a few seconds. I could feel him gasping for air and that's the only time I felt the need for it. I could feel my cells moving within me in the fastest phase possible. Silence. There were no words coming from the both of us. I still have no idea how to react to this. Bakit niya ako hinalikan? Gusto niya na rin ba ako? Pinaglalaruan niya lang ba ako? Nababaliw na ba ako? Hell, is he...

"Are you drunk?" Nakakunot noong tanong ko gamit ang mas malakas kong boses.

Instead of answering right away, he held my face and said "No, I'm not" before conquering my lips again. This time, it was a different kiss because it was more passionate than the first one. I tried moving my lips the same way he did. I don't know why but I felt tears falling from his eyes. Hihiwalay na sana ako para tanungin siya kung ano ba talagang problema pero pero mas hinila niya ako papalapit sa kanya. Parang nawala ang pag-aalala ko dahil natabunan ito ng pagkalasing ko mula sa paghalik niya sa mga labi ko.

Sinag ng araw mula sa bintana ang naging dahilan kung bakit ako nagising. Mas mabigat ang katawan ko kesa sa normal pero wala akong pakialam dahil kailangan ko pang matulog ulit. Napadilat naman ako nang maramdaman kong may nakayakap sa akin. Nasisilaw ako pero kailangan kong tignan kung sino ba 'tong nasa kwarto ko. Kinusot ko muna ang mga mata ko bago ko tignan ang paligid. Really? Nakatulog ako sa couch? Paano?

Tinignan ko ang katabi kong nakayakap sa akin. Sobrang payapa ng pagtulog niya kaya ayoko siyang gisingin. Wala nang nangyaring iba kagabi bukod sa dalawang halik na binigay niya sa 'kin. Sobrang pagod at bigat ng pakiramdam namin kaya hindi na rin kami nakaakyat sa kwarto ko para matulog. Hindi niya rin gustong sabihin sa akin kung anong problema kaya hindi ko na siya kinulit. Napatingin naman ako sa mapupula niyang labi. Hmm, those are the only pair of lips that ever kissed me. Niyakap ko na lang siya nang mahigpit na naging dahilan kung bakit siya nagising.

"Mmm," ungol niya gamit ang parang namamaos niyang boses.

"Sorry," malambing na bulong ko bago isandal ang ulo ko sa dibdib niya.

"Mmm, it's okay," sagot niya bago halikan ang noo ko. Hindi ako makahinga dahil sa kilig. Ano bang namamagitan sa amin ngayon? Sagutin niyo ako kasi pakiramdam ko mababaliw na ako! Kailangan naming mag-usap tungkol dito pero mamaya na lang kapag parehas na kaming hindi inaantok.

Pinikit ko ulit ang mga mata ko para bumalik sana sa pagtulog. May naririnig akong humahagikhik mula sa garden. Siguradong nakita na kami ng mga kasambahay pero wala akong pakialam kung sabihin nila ito kina Mommy at Daddy dahil wala naman kaming ginawang masama. Tinanggal ni Adam ang pagkakayakap niya sa akin na naging dahilan ng pagkataranta ko. Really? Kung kailang hindi dapat magpanic at saka ka nagpapanic? Tumayo siya mula sa pagkakahiga kaya ako napasimangot.

"I'll bring you upstairs," malumanay na sinabi niya at saka ako binuhat pataas. Dahan dahan niya akong binaba sa kama ko bago halikan ang pisngi ko. Lumabas siya sa kwarto ko nang walang sinasabing kahit ano. Akala ko baka nauhaw lang siya o nagpahanda ng agahan pero mali pala ako.

I waited and waited but he did not come back.

Kahit late na ako ay pumasok pa rin ako sa headquarters para hanapin si Adam. Hinintay ko kasi siya nang ilang oras pero hindi naman siya dumating. Tinanong ko rin sina Hale, Krypton, at Nicholas kung alam ba nila kung nasaan si Adam pero wala ni isa sa kanila ang may alam. Saan ba siya nagpunta?

"Sorry, Aqua. Hindi ko alam eh pero kahapon he freed his schedule para sa buong linggo. Sabi niya ako na lang daw muna bahala sa VIP clients natin. Ewan ko ba dun kay Ace," sagot ni Hale nang nilapitan ko siya sa desk niya.

"Hmm, nasa mission ako the whole time. Maybe you should call him if you're worried," malumanay na sagot ni Krypton habang kumakain ng ramen sa opisina niya.

"I did, Ton, but he's not answering my calls," halos mabaliw ko nang sagot sa kanya. "Maybe he just doesn't want to be found."

"I don't know. Why? What the hell did he do?" Masungit na tanong ni Nicholas nang bulabugin ko ang opisina niya habang nagbabasa siya ng mission documents.

"He left after he k-kissed me," nahihiya kong sagot kay Nick pero alam ko sa kaibuturan ng puso ko na kailangan niyang malaman ang katotohanan.

"Fuck you, Adam! I'm going to kill you!" Nick's voice is enough to make me feel that he's deeply mad and hurt about what happened. Hindi ko lang alam kung pati sa 'kin galit siya kaya hindi na lang ako nagsalita. Halatang frustrated na siya dahil hindi siya sinasagot ng tinatawagan niyang numero.

"That asshole! He did not follow our deal! I'll fucking beat the shit out of him," galit na galit na sigaw niya pagkatapos ibato ang iPhone niya sa pader. Nakakatakot. I know I've seen him like this before but he is beyond mad right now. Sana pala hindi ko na lang sinabi kay Nicholas para hindi siya magalit kay Adam. Tumunog ang phone ko at sinagot ko naman 'yun nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. Tinignan naman ako ni Nick habang minamasahe ang nakakunot na noo niya.

"H-hello," kinakabahan kong bati.

"Oooh, there's my sissy!" Sagot ng babae sa kabilang linya.

"Anong kailangan mo, Elizabeth? Wala akong ganang makipag-away ngayon sayo," walang siglang sagot ko dito.

"So fiesty. Just so you know, I already got what I want," ani Elizabeth at halatang halata sa boses niyang nakainom siya. Malakas din ang tunog ng music at mga taong nagsisigawan sa background. Hindi naman nakakagulat 'yun dahil palagi naman siyang nasa club nung college pa lang kami.

"Huh? Don't play games with me, Elizabeth. May iba akong kailangang gawin," inis na sagot ko kaya halos ibaba ko na ang tawag dahil may mas importante pa akong kailangang gawin ngayon kesa makipag-away sa kanya.

"Ace is mine. Hihihi. Right baby?" Mungkahi niya sa kasama kaya halos hindi ako makahinga.

"K-kasama mo si Adam? Where the hell are you?" Pagalit kong tanong sa kanya pero ang totoo ay kinakabahan ako sa susunod na isasagot niya. Halos maubusan na ako ng hininga dahil sa tensyon na nararamdaman ko.

"Yeah, kanina pa kami magkasama dito. Aww, is the little bitch jealous?" Pang-aasar ni Elizabeth kaya nag-igting muna ako ng panga bago magsalita.

"Asan nga kayo?" Galit na galit na sigaw ko. That bitch! Gagawin ko lahat para lang mahanap sila ngayong gabi.

"Why would I answer that? For you to ruin the night? No, no. He's mine, bitch! Ciao."

Hinahanap ko siya buong araw tapos kasama niya lang pala si Elizabeth? What the fuck. Sinubukan ko ulit tawagan ang babaeng 'yun pero walang sumasagot. Tinignan ko naman si Nicholas na diretso lang ang tingin sa 'kin habang pinapakalma ang sarili niya. Alam niya kasing kailangang may isang kalmado sa aming dalawa ngayon at hindi ako 'yun. Shit, hindi talaga siya sumasagot. That bitch! Tinignan ko naman kung bukas ang GPS ng gagang 'yun and thank all dieties because it fucking is.

Agad akong lumabas ng opisina ni Nicholas kahit patuloy ang pagtulo ng luha ko at nagpapasalamat ako dahil sinundan niya ako hanggang parking lot. Alam niyang hindi ko kaya 'to mag-isa. Alam 'yun ni Nick. Sumakay siya agad sa driver's seat ng sasakyan ko bago punasan ang luha ko habang sini-sync ko sa sasakyan ko ang GPS ng gagang 'yun. Humanda siya. Humanda silang dalawa.

Sobrang haba ng pila sa labas ng club nang makarating kami dun. May theme nga rin ang party pero nagpapasalamat ako dahil pinapasok kami ni Nick kahit hindi kami naka-black and red. Ano kayang sinabi niya sa bouncer? Hmm, pero hindi 'yun ang dapat kong alalahanin ngayon. Pumasok kami ni Nicholas sa club na punong puno ng mga taong nagsasayawan, mga lasing, at mga nagpi-PDA. Sobrang lakas ng tugtog sa loob kaya halos hindi na kami magkarinigan.

"Ano, Nick?" Tanong ko. May sinasabi kasi siya sa 'kin pero hindi ko mabasa ang bibig niya. Hinila na lang niya ang kamay ko at umakbay sa balikat ko para protektahan ako sa mga lalaking tumitingin sa akin. Tinignan namin ang dance floor pero wala sila dun. Tumingin din kami sa tables pero wala rin.

***For better reading, play Run by Snow Patrol in Youtube link above***

Halos mawalan na ako ng pag-asa pero may nakita akong pamilyar na lalaki sa bar. May kasama siyang babae at naghahalikan sila nito. Kung saan saan gumagapang ang kamay ng babae at wala siyang pakialam dun... pero ako meron. Ramdam na ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko. Ramdam na ramdam ko kung paano nadurog ang puso ko nang ilang milyong beses. Kahit pigilan ko ay tumulo pa rin ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo. Naramdaman kong hinihila ako ni Nicholas papunta sa dalawang taong 'yun pero hindi ko alam kung paano kinakaya ng katawan ko dahil ubos na ubos na ang lakas ko.

Tears. There they go again.

Hindi pa ba ako sapat para sayo?

Ano bang meron siya na wala ako?

Hindi ba ako magaling humalik kaya naghanap ka pa ng ibang babae?

Pinagpractice-an mo lang ba ako kaya mo ako hinalikan?

Ganun ba talaga ako kahirap mahalin, Adam?

Binigay ko naman lahat ng pagmamahal ko sayo ahh, kulang na kulang pa ba 'yun?

Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin kahit konti lang?

Am I not really good enough for you?

Ha, Adam?

Binitawan ni Nicholas ang kamay ko nang isang metro na lang ang layo namin kina Adam at Elizabeth. He pulled Adam's collar and punched him again, and again, and again. Hindi ko mabasa ang bibig niya pero mukhang nagmumura si Nick at umiiyak lang ako habang pinipigilan ni Eli si Nick. Aambang susuntukin ulit ni Nick si Adam pero binitawan niya ito at lumapit na sa 'kin. There wasn't even a hint of surprise in his eyes when he saw me here. Para bang expected na talagang makikita niya ako dito.

Pero bakit?

Bakit mo ako hinalikan kung may magandang babae nang para sayo?

Bakit mo ako hinalikan kung sasaktan mo lang pala ako?

Bakit mo kinuha ang unang halik na dapat papasayahin ako habang buhay?

Bakit mo ako pinaasa kung wala ka naman palang nararamdaman talaga para sa akin?

Bakit mo ginawa sa 'kin 'to? Akala ko ba kaibigan mo ako?

Bakit, Adam?

Gusto kong ibato sa kanya lahat ng tanong sa isipan ko. Gusto kong sabunutan si Elizabeth ngayon na mismo. Gusto ko siyang sampalin pero tila naubos na lahat ng enerhiya ko sa katawan. Nanghihina na ang mga tuhod ko. Nanghihina na ang buong katawan ko. Hinawakan ni Nick ang kamay ko bago ako hilahin palabas pero tinignan ko ulit sila bago kami tuluyang makalabas doon. Tinutulungan ni Elizabeth si Adam na nakatitig lang sa 'kin ngayon. There was a pinch of guilt and pain in his eyes. Parang siya ang nasaktan sa lahat ng nangyari kahit siya naman talaga ang nanakit sa akin.

Yes, you should be guilty you hurt the one person who can love you more than anything else in this whole universe. You lost me, Adam. You lost me from now on.