Chereads / Mission: Playing with Fate / Chapter 20 - 20: What Fate Did

Chapter 20 - 20: What Fate Did

Chapter 20

"You're so beautiful in that red dress. I'm Max, by the way," sabi ng isang lalaking sa tingin ko ay nasa late 30s na niya at kahit hindi ganun kaganda ang itsura niya ay sigurado akong mayaman siya dahil sa original Rolex na suot niya at sa susi ng Bentley na binaba niya sa table. Psh, show off! Mas maganda ang mga sasakyan ko diyan, noh!

Tumingin na lang ako sa paligid dahil unti-unting nauubos ang pasensya ko. This black-and-brown themed restaurant is filled with lots of tables with a digit in-between to let guys know where they'll be sitting next. Nasaan ako? Nasa loob ako ng isang restaurant kung saan ginaganap ang speed dating events pero hindi ako nandito para mahanap ang mapapangasawa ko. Nandito ako dahil...

"Miss?"

"I'm sorry, I was looking for my friend because I'm really nervous when it comes to talking to other people," sabi ko kay Mr. Show Off.

"It's okay. I'm also—" Sasabihin niya sana pero tumunog na ang buzzer. Sign kasi 'yun na kailangan nang lumipat ng mga lalaki sa susunod na lamesa. So long! I hope I'll never see you again. I scanned the place once more to look for my target. He's exactly six tables away from me. I really need more patience. Really, more patience.

"Yo! My name is Ton and you can call me gwapo," masaya niyang bati sa akin. Ibang klase talaga ang hangin na dumaan.

"Krypton, ang kapal," asar ko dito bago ako tumawa nang malakas.

"Hahahahaha. Relax, first time mo bang mag-speed dating?" Tanong niya sa akin na prenteng nakaupo lang sa upuan niya.

"Duh. Siguro palagi kang nandito noh," sarkastikong pang-aasar ko.

"Isang beses pa lang ako nag-speed dating bukod ngayon and it was because of a dare. Gago kasi sina Adam nung college eh. I'm scarred for life," aniya bago lumiit ang mata niya na parang iniisip ang isang masamang alaala.

"Okay lang 'yan. Nakakita ka naman ba ng type mo ngayon?" Natatawang tanong ko sa kanya pero ang totoo ay alam ko na agad ang isasagot niya dito.

"Hindi nga eh, ang layo nila sa babaeng type ko. Kung hindi sobrang tanda, sobrang bata naman. Kung hindi sobrang talino to the point na wala na akong maintindihan sa sinasabi niya, sobrang ano naman. Basta you can't have it all. Ikaw kasi ehh," nakanguso pero natatawa niyang sagot. Natawa rin ako dahil ako mismo ang nagpatanggal sa organizers ng mga babaeng feeling kong matitipuhan ng target namin.

"Kailangan kasi, Ton. Sorry," mahinahong tugon ko bago siya bigyan ng tipid na ngiti.

Tumunog naman ulit ang buzzer para ipaalala sa mga lalaki na kailangan na ulit nilang lumipat ng pwesto. Bago umalis si Krypton sa harapan ko ay kinindatan niya ako at ginood luck. Sunod sunod nang dumaan ang mga lalaki sa harapan ko pero hindi ako naging interesado ni isa sa kanila. Wala pa ring makukumpara sa mga nakakasama kong gwapo palagi. Sikreto naman akong napangiti dahil sa naisip kong iyon. Susunod na pala ang target namin kaya nag-ayos ako nang konti. Naka-shirt lang sa ilalim ng coat niya at halatang halata na hindi siya nandito para magpa-impress sa mga babae. Try to act natural, Aqua. Kaya mo 'yan.

"Hi. I'm Jason Momoa," bati niya bago iabot ang kamay niya.

"You look like you're forced to go here," diretsong puna ko sa kanya. Sa totoo lang, ako na rin mismo ang sumira ng plano namin ng mga magulang niya. Ang sabi kasi nila, sa parehas na event namin pagmeet-in ang mga anak nila at kailangang tanggalin ang mga posibleng matitipuhan nila. Tinanggal naman namin 'yun at parehas rin ng event pero magkaiba lang ng oras.

"Huh? How did you know that?" Naguguluhan pero manghang mungkahi niya.

"Lahat ng lalaking dumaan sa harap ko, it's either nagko-compliment or nagso-show off agad," natatawang kwento ko bago siya bigyan ng isang matamis na ngiti.

"Wow, you're smart. Ganun ka rin ba?" Nakangiting tanong niya. Kung kanina wala siyang interes, ngayon ay kabaliktaran na ang nakikita ko sa mga mata niya.

"No, I was doing this because of a dare," sagot ko habang nagpipigil ng tawa dahil ginamit ko ang mga salitang sinabi ni Krypton kanina lang.

"Oh, pwede ba kitang ipakilala sa parents ko as a girlfriend? Tapos sasabihin ko na lang nakipag-break ka sa 'kin. Baka kasi i-arranged marriage nila ako kapag wala akong napakilalang girlfriend after this eh. Please?"

"Arranged marriage in the 21st century?" Tanong ko na kunyari ay nagulat pa ako sa sinabi niya. Minsan talaga iniisip ko kung kapani-paniwala ba ang acting skills ko. Sana naman oo.

"That's what I told them but they said I need it for wider business connections lalo na kapag wala pa akong ipinakilalang girlfriend sa kanila," halos bulong niya. Don't worry loverboy, you'll have a girlfriend soon enough.

"I'm sorry, baka magalit ang boyfriend ko eh. He's there nga oh, binabantayan ako," sagot ko bago ituro si Flame na halatang iritang irita habang nilalandi siya ng babaeng kaharap niya. Tumingin naman siya sa direksyon namin kaya nag-lighten up bigla ang mood niya. He mouthed "I love you" to me pero siyempre acting lang 'yun. Kayo naman!

"See? Malay mo, mahanap mo dito 'yung the one mo," kalmadong payo ko habang nakangiti sa kanya.

"I hope so. I really hope so," malungkot na bulong niya. Tumunog na ulit ang buzzer pero bago pa man siya makaalis ay hinawakan ko ang braso niya.

"You'll find her," sabi ko sa kanya habang tinitignan ang mga mata niya. Nginitian naman niya ako bago lumipat sa kabilang table.

Nakilala ko na lahat ng lalaking nasa lineup kaya ibig sabihin nito ay tapos na ang speed dating. Finally! Nakita ko namang papalapit sa akin si Jason kaya lumapit na rin ako sa kanya. "Are you sure you can't help me?" Halos nagmamakaawang tanong niya. Naramdaman ko namang may pumulupot na braso sa balikat ko at hinalikan ang buhok ko.

"Sino siya, baby?" Malambing na usisa ni Krypton na halatang gumagaling na lalo sa pag-arte. Ang problema nga lang, naging uneasy ang pakiramdam ko dahil sa pag-arte namin kasi feeling ko nagtataksil ako kay Adam at, unexpectedly, pati kay Nicholas. Ugh, sasabunutan ko na ang sarili ko eh! Ano ba itong iniisip ko?

"H-ha? Oh, new friend lang, baby. Meet Jason," sagot ko sa kanya bago ko hinawakan ang isang kamay niyang nakayakap sa akin. Nakipag-kamay naman si Krypton sa kanya.

"Sige, Jason. Una na kami ahh. Bye!"

"Ton, 2 minutes before dumating ang sasakyan ni Emilia," tawag ko habang naglalakad kami papuntang parking lot.

"Estimated 1 minute and 30 seconds before he finished that drink. Sure na magmimeet sila sa parking lot. Don't worry," sagot niya bago ako bigyan ng malapad na ngiti. Naglakad na kami ni Krypton papunta sa sasakyan niya. One, two, three, four. May nakita kaming babaeng naka-baby blue na dress at blonde ang buhok na parehong pareho sa mga magulang niya na lumabas sa isang black na sasakyan.

"Wow, she's gorgeous," komento ni Krypton na nakasandal sa sasakyan niya habang nasa harapan ko.

"Get a grip, anak 'yan ng client natin," natatawa kong sagot sa kanya bago kurutin ang braso niya.

"Aray! Okay lang magandahan, wag lang hawakan. It's called window shopping. Tsk," iiling iling niyang paliwanag.

Hinayaan ko na lang siya sa mga pinagsasabi niya at hinawakan ko ang dibdib niya habang nakahawak siya sa bewang ko para magmukhang naglalandian kami. Ang next event ay magsisimula isang oras mula ngayon at bukod sa organizers at targets, kami na lang ni Krypton ang nandito. Nakita ko sa gilid ng mata kong tumingin sa amin si Emilia at napaismid na lang ito. Kung saan ako nakaharap, nandun si Jason na biglang sumaya ang itsura nang makita niya si Emilia. Sino ba naman ang hindi sasaya? Napakaganda kaya niya.

Clearly, alam ng mga magulang nila na type nila ang isa't isa. Mahilig si Jason sa blondes na bihirang makita sa Pilipinas at mahilig naman si Emilia sa buff guys dahil, para sa kanya, mahirap hanapan ng babagayan ang pagkakaroon ng ganung katawan. Inisip namin ni Krypton na kung nagkasama sila sa parehas na oras ng speed dating, they would think that this love was forced by their parents so we did our best to make them feel that it's fate who's playing them.

"H-hi!" Bati ni Jason na halatang ninenerbyos. Uhm, did I say na nilagyan namin siya ng bug? Like twice? Nung hinawakan ko ang braso niya at nung nakipag-handshake siya kay Krypton.

"Hello to you too, sir!" Hindi ko nakikita ang itsura ni Emilia dahil nakatalikod siya sa pwesto ko pero flirty ang pagkakasabi niya nun.

"I'm Jason Momoa," pagpapakilala niya sabay hinalikan ang kamay ni Emilia.

"Wow, the famous Jason Momoa of Drogo group of companies. I'm Emilia Clarke."

"H-how did you know me? Is it because of a bad reason, honey?" Tanong ni Jason. "Wow, honey agad," natatawang komento ni Krypton.

"I'll tell you if you want to grab lunch with me," aya ni Emilia habang nakahawak sa biceps ni Jason. Aba aba!

"Aren't you going inside, honey?" Mungkahi ni Jason habang nakangiti nang malapad.

"No, I wouldn't let my parents ruin something beautiful that fate did," seryoso ngunit malambing na sagot ni Emilia kay Jason.

"What did it do?" Nagtatakang usisa niya kay Emilia.

"Because of fate, I met you."

Dahil merong 65% chance na magkatuluyan sina Emilia at Jason kahit hindi namin paglaruan ang tadhana nila ay naging effective pa rin ang plano naming pagmukhaing hindi sinasadya ang pagkakakilala nila. Krypton and I were listening to their whole conversation nung naglunch sila at ang cool dahil miski ugali nila ay bagay na bagay talaga.

"Yes ma'am. Ask him how it went and you'll be surprise what happened. I assure you that," masiglang sagot ko sa kliyente namin.

"Thank you. Please let me know if we can do anything else for you. Bye, madamme," pagpapatuloy ko bago ko ibaba ang tawag. Nakita ko namang tinanggal ni Krypton ang earbud niya bago magsalita.

"They're on it. I can hear them kissing. Hahahaha. Sobrang swerte kaya ng lalaking 'yun kasi sobrang ganda ni Emilia," nakangiti niyang sabi na parang inaalala ang mukha ng target namin. Well, totoo naman 'yun dahil miski ako na may mataas na standards sa magagandang babae ay nagagandahan din sa kanya. Paano pa kaya ang babaerong si Krypton, diba?

"It's good that they end up according to our plan," sagot ko bago ngumiti.

"I know, thank you pala ulit sa pagtulong mo sa 'kin. Once again, you save my ass. Kailangan ko lang talaga ng tulong ngayon from a girl," nahihiyang pasasalamat niya sa akin. Trust me! The words Krypton and hiya don't belong in a sentence.

"Can you please tell that to Nick and Adam?" Iiling iling kong batid habang nakapamewang.

"Tell them what?" Naguguluhang usisa niya.

"Please tell them na babae ako. They always say na tomboy ako," kunyaring nalulungkot kong sagot.

"Pfft—"

"Yeah, laugh all you want," sabi ko tsaka inilabas niya ang kanina niya pang pinipigilang tawa.

"S-sorry. Hahahaha. Nakakatawa kasi ngayon ko lang napansin," paliwanag niya kaya tinitigan ko lang siya nang masama the whole ride home.

"Sorry na, hindi naman 'yung pagiging tomboy ang napansin ko. Ibang bagay," bulong niya bago ako binigyan ng isang nakakalokong ngiti.

"Believe it or not, hindi talaga doon 'yun. We're here," pagpapatuloy niya before going out of his car to open my door.

Gentleman din kasi ang peg nitong si Krypton. Baka sanay na sanay na siya dahil sa mga chicks niya. Well, mabait naman kasi talaga siya pero gago lang talaga. Naging close na rin kaming dalawa dahil sa mga kalokohan niya at gaya ng targets namin ay nagmamatch ang ugali naming dalawa. Hindi nga lang siya gaanong nagkekwento tungkol sa buhay niya pero kahit ganun ay naiintindihan ko naman dahil ganun din ako. Para kasi sa akin, hindi dapat open book ang buhay ng isang tao.

"Thank you ulit. Good night," sabi niya sabay dire-diretsong pumasok sa sasakyan niya. Hindi pa nga ako nakakapag-babye, umalis agad siya. Minsan talaga bastos ang mga kaibigan ko eh. Kainis. Hahahahahaha. Pumasok na rin ako ng bahay at sinalubong naman ako ng favorite creature ko sa buong mundo.

"Hmm. I missed you, baby! Let's go inside," aya ko sa aso kong si Ban. Without hesitation, sumunod naman sa akin ang mabait kong baby.