Chereads / Mission: Playing with Fate / Chapter 3 - 3: Nostalgia

Chapter 3 - 3: Nostalgia

Chapter 3

Habang tumutunog ang phone ko, inaalala ko kung ano nga ba talaga ang napaginipan ko. Is it about me driving in full speed? Is there a giant monster that wants to kill me? Is it about Adam and I? Is it about my fun adventures with Nicholas? Pinilit ko pa ulit bumalik sa pagtulog para sana matuloy ang panaginip ko pero walang nangyari. Hmp, hindi ko na tuloy maalala ang panaginip ko. Sino ba ang istorbong 'to?

Tinignan ko ang phone ko nang nakabusangot. For Pete's sake! It's 7:10 on a Sunday morning. Sino bang matinong tao ang tatawag nang ganitong oras? Sinagot ko naman ang tawag agad kahit medyo naiinis ako. Inisip ko kasi na baka kliyente pala ang tumatawag kaya nakakahiya naman kung hindi ko sasagutin.

[Unknown calling...]

And baby even on the worst nights, I'm into you.

Let them wonder how we got this far 'cause I don't even need to wonder at all.

'Cause after all this time, I'm still into you.

Jessica: Hel-

???: Hoy Jessica Strauss! Bakit ngayon mo lang sinagot?

Jessica: Uhh. Kakagising ko lang. Sino 'to?

???: Ang tagal tagal na nating magkaibigan hindi mo pa rin sine-save number ko? Hayy nako! Si Adam 'to!

Jessica: Wag ka ngang sumigaw! Akala ko ba nagparenew ka ng plan a week ago?

Adam: Ay, oo nga pala! Nakalimutan ko. Hahahahahaha.

Jessica: Walangya, sa 'kin ka pa nagalit.

Adam: Wow, sungit namaaaaan.

Jessica: Nagsalita ang hindi...

Adam: Anong sabi mo?!

Jessica: Wala po, boss. Ano bang kailangan mo? Ang aga-aga nambubulabog ka.

Adam: Wala lang, hahahahahahahahaha.

Jessica: Hala, parang ano ka talaga minsan.

Adam: Parang ano? Tss.

Jessica: Baliw ka na talaga, noh? Ano ba kasing sasabihin mo?

Adam: Psh, wala bahala ka diyan. Bye.

Anong problema nun? Bahala nga siya. Kapag tinawagan ko naman, baka magfeeling pa 'yun. Well, may karapatan naman talaga siyang magfeeling kasi gusto ko naman talag-huhuhuhu wait. Gusto ko naman talaga siya. Sobra. Simula high school pa lang kami, ganito na ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi na nawala 'yun at hindi na rin ako nagkacrush ng iba pa bukod sa mga artista.

Alam niyo ba 'yung feeling na unang beses niyo pa lang siyang nakikita pero nag-slow motion na ang paligid niyo? Akala ko sa mga palabas lang nangyayari 'yun pero mali pala ako. Akala ko nga nung una, simpleng crush lang 'yun kasi sobrang gwapo niya eh.

{Flashback}

Lumipat ako ng school ngayong second year high school na ako. Sabi kasi nina Mommy, mas maganda ang quality ng pag-aaral sa science high school na ito kesa sa school ko simula nung bata ako. Wala na tuloy akong loyalty award. First day. Wala akong idea kung magkakaroon ako ng bagong kaibigan kasi hindi naman ako friendly. Iniisip ko kasing mas gusto kong konti lang ang kaibigan ko pero alam kong totoo talaga sila kesa sa sobrang daming kaibigan na walang kasiguraduhan.

May nakita akong schoolmate at ka-service ko nung elementary pagpasok ko pa lang ng classroom. Siyempre, sobrang saya ko nun kasi may kakilala na ako kahit isa. Inayos naman ng assistant teacher daw ang seats namin pero parang hindi naman alphabetical order kasi nasa harap 'yung kakilala ko eh Perez ang apilido nun at nasa likod naman ako. Wala naman ako sa mood tignan ang paligid ko kaya natulog na lang ako habang wala pa 'yung next teacher. Habang natutulog ako ay may kumakalabit sa braso ko. Nung umpisa, hindi ko siya pinapansin pero nainis na ako kasi paulit ulit lang siya eh kita namang natutulog ako.

"Ano bang prob-" Napatingin sa akin ang ibang kaklase ko. Tinignan ko nang masama ang katabi ko kasi iniisip kong baka siya ang nangungulit sa 'kin pero, siyempre, assumption lang 'yun.

"Psh! Not me," masungit na sagot ng lalaking katabi ko bago ako irapan.

Nag-sorry naman ako sa kanya at saka ako natulog ulit pero may kumalabit na naman sa akin. Inhale. Exhale. Inangat ko ang ulo ko at nakitang nakatingin sa akin ang lalaking nakaupo sa harapan ko. Nakangiti lang siya nang malapad na parang wala siyang problema sa buhay.

"Hi! Ako nga pala si Adam Knight. You can call me Ace. Nakikipag-kaibigan ako sa mga tingin kong makakasundo ko," bati niya sa akin bago ngumiti ulit.

Shocks, nagdodoki-doki ata ang puso ko. Ang gwapo ng ngiti niya! Magkakasundo raw kami? Bakit, fortune teller ba siya?

"Huy, tulala ka diyan. Anong pangalan mo?" Ngumiti ulit siya pagkatapos niyang magtanong. Waaaaah! Crush ko na siya agad. Ang cute cute niya! Ang sarap niyang idagdag sa collection ko ng stuffed toys.

"A-Ako nga pala si Jessica. Bakit pala sa tingin mo magkakasundo tayo?" Nahihiyang tanong ko habang pinipilit itago ang kilig ko.

"Mukha ka kasing tomboy eh," natatawang sagot niya kaya napanguso ako bigla.

Mag-re-react na sana ako kaso dumating na ang susunod naming teacher. Tumatawa tawa naman ang katabi ko kaya tinignan ko na lang siya nang masama. Pagkatapos ng klase namin, binato ko ng pambura 'yung nasa harapan ko. Crush ko pa naman siya pero ang sama ng ugali niya. Hindi na kami bati!

"Aww, ano bang problema mo? Akala ko pa naman makakasundo kita," aniya bago ngumuso. Kahit anong gawin niya, sobrang cute talaga niya. Sige na nga, crush ko pa rin siya kahit inasar niya ako.

Yumuko na lang ako kasi naiiyak na ako sa inis. Ayoko kasing nilalait ako. Hindi naman kasi tayo perpekto kaya wala tayong karapatang laitin ang ibang gawa ng Diyos. Nilalait na ako simula elementary pero hindi pa rin ako nasasanay. Naaalala ko nga noon, sinabi ng teacher ko na maputi lang daw ako at hindi maganda. Siguro isa rin 'yun sa mga dahilan kung bakit hindi ako close sa mga babae. Sila kasi mismo ang lumalait sa akin behind my back at hindi ko rin sigurado kung pinaplastik nila ako o hindi. Babae ako pero hindi ko maintindihan ang mga kapwa kong babae.

"Hala! Lagot ka, Ace! Umiiyak si Jessica," asar ng ibang kaklase ko. Sumigaw naman 'yung katabi kong lalaki na tinatawanan ako kanina.

"Knight, you idiot! Say sorry to her," saway ng seatmate ko. Tinignan ko siya sandali kasi pinagtanggol niya ako kahit tinatawanan niya ako kanina.

"Stop crying, papangit ka niyan eh. Hahahahaha, I'm kidding," sabi niya habang ginugulo ang buhok ko.

Nang makalapit si Adam sa amin, agad siyang kinutongan ni seatmate bago bumulong ng "You shouldn't make anyone cry, you stupid ass."

Humarap sa akin si Adam na agad namang nagsorry sa akin. Sabi niya, niloloko niya lang daw ako. Kaya daw tingin niya magkakasundo kami kasi nafifeel niya lang daw. Ganito pa ang pagkakasabi niya, "Kung bakit tayo magkakasundo? Alam mo kasi may theory ako. We live in this planet-"

"Dami pang satsat," komento ni seatmate bago siya umirap. Ang sungit pala talaga niya, noh? Pero pakiramdam kong mabait siya kahit ganun.

"Chill lang kasi, Hawker. As I was saying, kahit nakatira tayo sa isang planeta, obviously, diversified pa rin tayo. Sa tingin ko kasi magkasama sa isang 'Inner Earth' ang mga taong magkakaparehas ng aura tapos siyempre sa kabila naman ang mga sobrang layo ng aura sa atin. Those who are living in the same inner circle or bubble may merge but those who aren't will never be. We're in the same bubble that's why we're going to be comfortable with one another. Unang tingin ko pa lang sayo, I know we're gonna be good friends."

Natahimik naman ako kasi second year high school pa lang kami pero sobrang random at lalim ng mga iniisip niya. Humanga ako lalo sa kanya dahil dun. Matalino, minsan seryoso, madalas makulit, talented, at mabait siya kapag hindi kami nagbabangayan. Additional na lang ang pagiging cute niya dati na naging gwapo na lalo ngayon.

Doon ko rin nakilala si Nicholas kasi siya si seatmate na masungit. Oh scratch that, sobrang sungit. Mas matanda siya sa amin ni Adam nang ilang buwan kaya reasonable naman ang kilos niyang ganyan... minsan. Pero thankful ako kasi kahit ganyan sina Adam at Nicholas, mababait ang mga 'yan.

Naging close kami ni Nick kasi nga seatmates kami. His ballpen kept falling on the floor. Hindi ba siya marunong humawak ng ballpen nang maayos? Iyon ang laging nasa isip ko nung mga panahong 'yun pero ako naman itong mabait na seatmate na pulot nang pulot. Nung college na kami tsaka ko lang nalaman na pinagtitripan lang pala niya ako nun. Walangyang 'yun. Pinalagpas ko na lang ang pangti-trip niya sa 'kin dahil 'yun ang naging rason kung bakit kami nag-umpisang magbangayan at maging totoong magkaibigan.

Lahat ng mga magulang naming tatlo nina Adam at Nicholas ay nag-migrate sa ibang bansa. Siyempre, nasa ibang bansa kasi ang sentro ng businesses na inaalagaan ng mga magulang namin. At kahit may kapatid silang dalawa na nasa Pilipinas minsan, hindi naman nila halos nakakasama. Ang kuya kasi ni Adam, pinag-mamanage ng businesses nila around the globe. Ang baby sister naman ni Nick, busy sa mga concerts ng banda nila kaya minsan lang makabisita sa mansyon ng kuya niya. Kaya rin siguro mas naging close kaming tatlo kasi sa isa't isa namin nahahanap ang pagmamahal at pag-aaruga na hinahanap namin mula sa pamilya namin.

Kahit nag-aaway, nag-aasaran, at nagbabangayan kaming tatlo, marami rin namang mga bagay na pare-parehas naming gusto. Mahilig kaming manood ng basketball at football. Mahilig kami maglaro ng DOTA. Mahilig kaming magpustahan! Nung college nga kahit hindi kami from the same program (sila oo, ako lang naiiba), nahilig kami mag-bar pero, siyempre, bodyguard ko silang dalawa kaya walang nagtatangkang mangbastos sa 'kin. Mahilig din kami sa music. Tumutugtog kaming tatlo ng instruments. I play bass and piano. Sina Adam at Nicholas naman sobrang daming alam tugtugin gaya ng bass, lead guitar, drums, at piano. Marunong din palang kumanta si Adam. Lastly, we all have an obsession with cars and racing. I repeat, it's an obsession.

Kapag nagbabangayan at nagbabarahan kaming tatlo, iniisip ko kung totoo ba ang sinabi ni Adam noon. Pero may isang tanong na palaging nagpapaalala sa akin na nasa iisang inner circle nga kami: bakit kahit mag-away kami, why do we still keep coming back to each other?

[Unknown calling...]

'Cause after all this time, I'm still into you.

I should be over all the butterflies but I'm into you (I'm into you).

Jessica: Hello. Sino 'to?

Adam: Hindi mo pa rin sine-save? Hayy.

Jessica: Oh, bakit?

Adam: Sorry.

Jessica: Hayy nako, Ace.

Adam: Jess, wala tayo sa office. Call me by my name. I like it when... Ugh, never mind.

Jessica: Tinotopak ka na naman, Adam. Hahahaha. Okay lang 'yun kasi sanay na ako sa kabaliwan niyo ni Nicholas.

Adam: I know, iyakin at pikon ka kasi kaya dapat nagsosorry agad noh. Hahahaha. Baka bugbugin pa ako ni Nick eh. Sasabihin na naman nun "*imitating Nick's voice* Hoy Knight! May limit dapat ang pang-aasar sa tomboy na 'yun."

Jessica: Hahahahaha. Susumbong kita kay Nick kasi ginagaya mo siya! Patay kang bata ka. Wow ha, forever niyo na talaga akong aasaring tomboy? FYI, ang ganda ko kaya! Sabi kaya ni Hale, ang daming may crush sa 'kin.

Jessica: Hoy Adam! Sumagot ka naman.

Jessica: Haluuuuu.

Adam: Hahahahaha. Mukha kang tanga, sure ako dun.

Jessica: Nagsalita!

Adam: Joke lang, babaeng pikon. Ayun! Naalala ko na kung anong sasabihin ko kaya ako tumawag.

Jessica: Bakit, may emergency ba? May mission ba? Tanggal na ba ako sa trabaho? Oh my! Kayo na ba ni Nicholas? Matagal na akong nakakakita ng signs na girls kayo kaya okay lang, mga teh! Hahahahahaha.

Adam: Girls ka diyan! Ang daming iiyak kapag naging babae ako noh.

Jessica: Bakit feeling ko naka-pout ka? Oh wait, palagi naman. Hahahaha. Sinong iiyak? Mga langgam niyo sa bahay?

Adam: Tss, sasabihin ko na nga. Masyado ka naman kasi mag-assume eh.

Jessica: Aray ahh! Oh, ano na?

Adam: Kasi, uhm, wag kang magagalit ha. Wag kang lalayo sa 'kin kapag sinabi ko na sayo. Matagal ko nang gustong sabihin sayong...

Jessica: Ano? My gosh. Pa-suspense pa, koya.

Adam: ANG GWAPO KO KBYE!

Anak ng tokwa! Ang haba ng usapan namin tapos 'yun lang pala ang sasabihin ng lalaking 'yun. Jusko, Adam Knight, maloloka ako sayo.

Mali pala, matagal na akong naloka sayo.