Chereads / Mission: Playing with Fate / Chapter 4 - 4: Best Couple

Chapter 4 - 4: Best Couple

Chapter 4

Halos isang linggo ko nang minamanmanan ang targets namin pero hindi pa rin ako nakakaisip kung ano mismo ang gagawin ko para paghiwalayin sila. Gaya nga ng sabi ko noon, meron kaming missions na hindi lang isa o dalawang araw ang inaabot para matapos 'yun at isa ito doon. At dahil hindi madali ang mission ngayon, kailangan ko ng tulong ng isa pang agent na walang iba kung hindi ang napakasungit na si Nicholas Hawker.

"Aqua, are you even listening?" Naiinis na tanong ni Nicholas na nakatingin na pala sa akin. Natauhan naman ako kaya agad kong binigay ang buong atensyon ko sa kanya.

"I'm sorry. Please continue," kalmadong sagot ko bago huminga nang malalim.

"Tss," buga niya ng hangin bago ako pagtaasan ng kilay.

Ayan na naman ang lalaking 'yan. Parang last time nawala na ang kasungitan niya tapos ngayong may trabaho na ulit kami ganyan na naman siya. Dapat tanggalin na ito ni Ace ehh... pero siyempre joke lang 'yun. Love ko kaya si Nicholas kahit sobrang sungit niya.

"As I was saying, ngayon na lang ulit tayo nakakuha ng difficult case," pagpapatuloy niya habang tinitignan ang mission documents na hawak niya. Pinatong ko naman ang braso ko sa lamesa at saka ako nangalumbaba. Marami ata akong nakain kanina kaya medyo inaantok ako ngayon.

"Siguro masyado nang desperate ang client," komento ko bago humikab. Mmm, pwede bang magsiesta muna?

"Maybe," tipid niyang sagot habang ginugulo ang buhok ko at saka niya inayos ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko.

Napangiti naman ako kasi ang weird talaga niya minsan. Manggugulo ng buhok tapos aayusin pagkatapos?

"Like what we've planned, I've been following Jin Cross. I also looked him up on social media and he's famous so it's easy to get information about him. He's good at playing musical instruments and sports such as basketball and volleyball. He's with his girlfriend every Tuesday and Friday, with his band every Thursday, and with his varsity teammates the rest of the days," pagpapatuloy niya habang tinitignan ang inaantok kong mga mata.

"Jella Samson. She's good looking. Actually, bagay talaga sila ni Jin Cross. Tinatawag sila sa school nila na best couple ever. Same as Jin, magaling din siya sa music and sports. Maybe that's the reason why they have chemistry," pagpapaliwanag ko habang tinitignan ang mga litrato nila. Yumuko ako sandali para maghikab dahil inaantok na talaga ako.

"Siyempre nakahanap din ako ng differences nila at pwedeng pagmulan ng away. Naglagay ako ng bug sa comfort room where all secrets are revealed," pagpapatuloy ko bago may i-play na recording sa laptop ko.

Girl 1: Sis! Kaloka. Sobrang sweet talaga nina Jella at Jin noh. Sana makahanap din ako ng love na kagaya ng kanila. Fan na fan talaga nila ako.

Girl 2: Oo nga. Ako rin, sis! Kahit maraming nagkakagusto sa kanila, sa isa't isa pa rin sila nakatingin. Super sweet!

Girl 3: Ako! Crush ko si Papa Jin. Sino bang hindi magkakagusto dun eh ang gwapo kaya? Lahat na nasa kanya. Kaloka!

Girl 2: Lahat naman ata may gusto sa kanya pero nagpaparaya na lang kasi alam naman nating lahat na isa lang ang deserving para kay Papa Jin. Si Jella lang!

Girl 1: Ay girls, may nalaman kaya ako. Kilala niyo ba 'yung pinsan ni Jella?

Girl 3: Si Erin ba? Ang ganda rin nun ah. Medyo magkamukha nga sila ni Jella eh.

Girl 1: Oo! Pero alam niyo ba, diba walang nagtatangkang mang-agaw kay Papa Jin? Isa lang ang nagtangka!

Girl 2&3: Si Erin?!

Girl 2: Grabe naman 'yun. Pinsan pa naman siya tapos ganun.

Girl 1: Oo, ako nga ang ganda ganda ko pero hindi ko ginagawa 'yun eh. Nako! Hindi niya mapaghihiwalay sina Jella noh! Kasalan na ang susunod dun for sure.

Habang may kinukuha ako sa drawer ko, nakita kong nakatingin sa akin si Nicholas na nakataas lang ang isang kilay sa hindi ko malamang dahilan pero napalitan naman agad ng pagtataka ang ekspresyon ng mga mata niya. "Are you telling me that we're gonna use her cousin to break them apart?" Naguguluhan niyang tanong.

"You sound like you care about them. Hindi gaya ng iniisip mo noh," natatawa kong sagot sa kanya.

"Okay, tell me when and where. Let's finish this mission already."

Napadilat ako nang maramdaman ko ang pag-upo ni Nicholas mula sa pagkakahiga naming dalawa sa damuhan. Sumandal siya sa punong nasa likuran namin at saka ipinatong ang ulo ko sa hita niya bago pumikit ulit. Lumingon ako sa paligid at tinignan ang mga estudyanteng nagkekwentuhan dahil mukhang tapos na ang klase nila, ang mga magkasintahang naglalambingan habang tumatawa, at ang napakaraming babaeng nakatingin ngayon sa natutulog uling si Nicholas. Kahit hindi ako mapakali sa tingin ng mga estudyanteng ito sa amin ay hinayaan ko lang na ganun ang posisyon naming dalawa.

Habang tumatagal, parang hindi ko na rin mapigilang tumingin sa kanya. Kung iisipin mo kasi ay mas gwapo siya nang konti kung ikukumpara kay Adam pero sadyang sobrang sungit lang talaga niya. Tapos umangat pa lalo ang kagwapuhan niya dahil sa school uniform na kailangan niyang suotin ngayon.

"Sleep," bulong niya bago haplusin ang buhok ko.

Nakapikit pa rin siya pero mukhang napansin niya atang kanina ko pa siya tinitignan. Pumikit naman ako gaya ng utos niya at inisip na lang ang mission namin.

These past few days, mas lalong naging malalim ang pag-aaral namin about Jin and Jella's relationship—flaws, differences, petty fights, major fights, breakup before, everything. Nalaman kong first year college pa nang maging sila. They broke up for a while then naging sila ulit nung 2nd year na nagtuloy tuloy hanggang ngayon. Marami na silang challenges na napagdaanan yet they still stick with each other. Sana makahanap rin ako ng ganitong relasyon bago ko sirain.

"Love, mamayang gabi na kami aalis for Baguio ah." Napabangon ako mula sa pagkakahiga sa hita ni Nicholas dahil alam ko kung kaninong boses galing 'yun. Naging pamilyar na rin kasi ang boses nila sa amin dahil sa isang linggong pagsunod namin sa kanila.

"Ingat ka palagi ahh. Mamimiss kita, love. Kumain ka dun at magpakabait ka. Magpray ka lagi. I love you," pagpapaalam ni Jella sa boyfriend niya.

"I will, alis na kami. Ingat ka palagi, love. I love you too," malambing na sagot ni Jin bago halikan ang mga labi ni Jella. Yeah yeah, lubusin niyo na dahil baka 'yan na ang huling pagkakataon na masaya kayong dalawa. Naging cue ko naman para lapitan na ang target ko nang makaalis na ang boyfriend niya.

"Hi Jella!" Nahihiyang bati ko habang kumakaway sa kanya. Ngumiti naman siya nang matamis sa akin bago magsalita.

"Hi! What's your name?" Nakangiting tanong ni Jella. Wow, she looks a lot like Liza Soberano.

"I'm Maria. That's my boyfriend Jose right there," sagot ko bago ituro si Nicholas na nakasandal sa may puno na ngumiti nang matamis sa aming dalawa bago kumindat sa akin. Wait. Inhale, exhale.

"Grabe, fan niyo talaga ako ni Jin. Kahit na magkaiba tayo ng course, nakikita ko kayo palagi dito," masiglang pagpapatuloy ko habang hindi pinapahalatang nakalimutan kong huminga kani-kanina lang. Ano 'yun, Jess?

"Pangalan niyo pa lang meant to be na ahh. By the way, what can I do for you?" Tanong niya bago humagikhik na parang batang babae.

"Maghihingi sana ako ng advice. Nag-away kasi kami kahapon lang. Alam mo 'yun, hindi naman talaga ako selosa pero may nagsabi sa akin na jealousy is a way of showing that you truly love one person and you never want to lose them. One time, may lumapit sa aming babae na sabi sa kanya, 'baby, bakit hindi mo ako nirereplyan sa chat kagabi?' Siyempre, nainis ako kasi tinawag niyang baby ang boyfriend ko.

After that incident, sinabi sa akin ni Jose na marami raw nagchachat sa kanyang babae kaya nagselos ako. Nakakainis, akin lang ang boyfriend ko. Without thinking about the consequences, I opened his Facebook at nagbasa ako ng messages niya kaya nag-away kami. Anong magagawa ko? Nagseselos ako eh. Feel ko kasi hindi ako deserving para sa kanya," malungkot na paliwanag ko kaya tinapik tapik niya ang likod ko.

"I also feel that way. Masyado kasing too good to be true si Jin eh. Sobrang gwapo, sobrang bait. Lahat na. Tapos simpleng babae lang naman ako. Maybe loving him is enough. Kung mahal ka talaga niya, hindi ka niya iiwan para sa ibang babae."

"Maraming salamat, Jella. Ay! May appointment nga pala ako sa doctor ngayon. Alis na ako ah. Thank you ulit," bulong ko bago ko siya yakapin.

Nang makalayo na kami ay tumigil sandali si Nicholas sa harapan ko. Mukhang hindi siya masungit ngayon kaya hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o hindi.

"Did you put the bug?" Tanong ni Nicholas bago ipakita sa 'kin ang gwapo niyang ngiti.

"Hindi lang "yung bug ang nalagay ko sa kanya. Pati Spidercam XVS," sagot ko bago maglaro ang ngisi sa mga labi ko. Spidercam XVS is a device that will automatically to the job if it reached a certain coordinate.

"Very good ang girlfriend ko," puri niya na may halong pang-aasar habang ginugulo ang buhok ko.

Naalala ko tuloy ang pagkindat niya sa akin kanina kaya napailing ako para burahin 'yun sa isip ko. Come to think of it, Adam and Nicholas have the same features—sobrang gwapo, matalino, mabait, nakakatawa, makulit, at seryoso. Sadyang si Adam ay 80% of the time makulit at 20% naman ang seryoso. Samantalang si Nicholas naman ay sobrang dalang lang maging makulit pero kapag makulit siya ay parang gusto mo na lang iumpog ang ulo mo sa pader.

"Monthly period mo? Shit! Nicholas, tigil tigilan mo ko ahh," sabi ko habang tinititigan siya. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ako kinikilabutan dahil sa pang-aasar niya. Is this a good thing or a bad thing?

"Let's go, babe," aya niya habang nakangiti na abot hanggang langit. Tumawa pa siya bago ako akbayan papuntang carpark.

Nang masigurado naming nakauwi na si Jella sa bahay nila, dumiretso na kami ni Nicholas sa headquarters. Kanina pa talaga niya ako binibwisit. Sapakin ko na kaya 'to nang tumigil siya diyan. "Babe, don't look at me like that. Sige ka, baka mahalikan kita diyan," nakangising pang-aasar niya na may pakindat kindat pang nalalaman. Ugh! Isang sapak lang please?

"Ang kapal! Sa labas kaya ako nakatingin."

"Whatever you say, babe," biro ulit niya pero inirapan ko lang siya na ikinatawa niya nang malakas.

Halatang halata namang isa ito sa mga araw ng monthly period ni Nicholas. Kumbaga, imbis na sumusungit siya which is his usual self, kumukulit siya nang sobra. Para siyang nakakain ng maraming chocolate kaya siya naging hyper o kaya para siyang tumungga ng ilang galon ng gatorade.

Nakita ko agad ang pagblink ng reminder sa laptop ko dahil na-on na ang Spidercam XVS. Ibig sabihin nun, nasa study room na si Jella. Doon kasi nakalagay ang laptop na ginagamit niya at doon niya rin 'yun ginagamit. Halos mapamura ako nang pinapanood ko na ang livestream video na kuha ng Spidercam.

"Oh shit, papalya pa ata," nag-aalalang bulong ko habang nakatingin lang sa screen ng laptop ko.

"Why?" Lumapit naman sa 'kin si Nick habang pinanood ang ginagawa ko.

Dinala kasi ni Jella ang laptop sa kwarto niya eh pinrogram ko ang Spidercam na sa dalawang coordinates lang pwedeng gumana nang sobrang linaw—sa living room at study room dahil doon lang naman siya gumagamit ng laptop.

"Ugh! Isang Spidercam at bug lang nalagay ko sa kanya," sabi ko at saka ko hinilamos ang kamay ko sa mukha ko dahil sa sobrang inis.

Tinapik naman ni Nicholas ang balikat ko bago niya hinila ang swivel chair niya katabi ng akin at saka nilagay ang laptop niya sa harapan naming dalawa. Meron siyang tinype na codes doon bago lumabas sa screen ang maraming perspective ng livestream sa kwarto ni Jella.

"Waaah! Paano mo nagawa yun, Nick!" Tili ko dahil sobrang saya ko. Niyakap ko naman sandali si Nick bago halikan ang ulo niya.

"Plan B, I put microcams in her room after she left this morning. Microcams lang to make sure it isn't obvious. There, okay na babe ahh," malambing na sagot niya bago guluhin na naman ang buhok ko. Tumanggal na ako sa pagkakayakap bago namin panoorin ang video.

"Yan! Zoom in mo sa may screen ng laptop para makita natin kung nababasa na niya," utos ko gamit ang pinakamabait kong boses. Napangiti na lang ako nang makita kong binabasa ni Jella ang chat ni Jin at ng pinsan niyang si Erin.

Paano ko na-confirm na meron talagang something kina Jin at pinsan ni Jella? Siyempre, hinack ko ang account ni Jin kaya nabasa ko na naglandian sila kasabay ng pakikipagbalikan ni Jin kay Jella. Sino ba namang hindi magagalit dun diba? Sa isang view naman ng isa pang camera, makikitang tumutulo ang luha ng target namin habang kinukuha ang phone niya. Siyempre, 'yun ang use ng bug na nilagay ko sa kanya.

Jella: Ji-Jin...

Jin: Uy love, bakit ka umiiyak?

Jella: Pwede bang s-sagutin mo ang t-tanong ko?

Jin: What is it, love? Okay ka lang ba?

Jella: Nagkaroon b-ba kayo ng...

Jin: ng ano, love?

Jella: ng relasyon ng pinsan ko?

Jin: J-Jella, I'm sorry. Lalaki lang naman ako eh...

Jella: Ang sama mo, Jin! Ang sama niyo!

Jin: Ehh kasi dumating siya nung nagbreak tayo. Hindi ko naman s-sinasadyang magkaroon ng something sa aming dalawa. Hindi ko sinasadya 'yun, maniwala ka.

Jella: No, Jin. Kung mahal mo talaga ako, hindi mo ako p-pagpapalit nang ganun kabilis.

Jin: Jella please. Love... Mahal na mahal kita oh. Let's talk about this.

Jella: Sorry, Jin. I need space.

Jin: Love naman eh. Sorry na. Promise magpapakabait ako. Mahal na mahal kita.

Jella: Mahal na mahal din kita, Jin. Please, bigyan mo ako ng time to heal these wounds. Good bye Jin.

Jin: Jella wai—

"Mission accomplished!" Sigaw niya habang nakangiti nang matamis.

Hindi naman plano ng kliyente namin na paghiwalayin sila totally. Kahit cool off lang daw okay na. Tinetest lang daw ng mommy ni Jella ang relationship nila ni Jin dahil alam naman nating strikto ang mga magulang nito.

"Thank you! Ang galing mo," sabi ko bago siya yakapin sandali.

"Let's have a date, babe."