Chereads / Major Concequence! The Limited Hero / Chapter 3 - 1 Pakikibagay sa Lamig: Binatang Bayani

Chapter 3 - 1 Pakikibagay sa Lamig: Binatang Bayani

Dung! Dung! Dung—ang tunog ng pagdagundong na nagmumula sa labas ng kuweba, sa ibabaw ng kuweba, pero naririnig pa rin ang mga tunog hanggang sa loob ng kuweba.

Pinanatili ni Aleph (A-lef) na nakalutang ang matipuno na katawan niya sa nagyeyelong tubig dagat, ang sumasayaw na malamig tubig ay humahapyaw sa kanyang bahagyang bilungan na panga, at ang nakakalat na mga maninipis na yelo nama'y malumanay na sumasagi sa kanyang habilog na mga pisngi.

Dung!

Ang pulbos ng kisame ay bumabagsak sa makisig na mukha niya, ang mga piraso ng mga dingding ay tumatalsik sa kanyang magkabilang balikat at braso, at ang panginginig ng nakapirmi na sahig ay nararamdaman niya mula sa kanyang matibay na likod.

"Malapit mo na matapos ang training mo ito!"

Ang temperatura ng katawan ni Aleph ay tuluyan nang bumaba, mas mabilis ang pagbaba ng limampung beses kaysa sa hatid ng malamig na hangin noong mga panahon na kasalukuyan siyang nagsasanay sa ibaba ng Mount Everest at labin-limang beses kaysa sa mas matindi at nakakakapos ng hininga na hatid ng manipis na hangin noong siya nama'y nagsasanay sa tuktok ng Mount Everest.

"Tatagan mo pa ang loob mo! Kaya mo ito!"

Ang ginintuang mga mata niya ay naglaho na, nababalutan na ng niyebe ang kanyang pilik mata at mga kilay, at ang kayumangging balat niya ay naging maputla na mala-bughaw na. Nagyeyelo na ang buhok niya, nananatiling nakatikom ang mga kamao niya dahil hindi niya magawang mabuksan, at nakadiretso ang mga paa niya na parang siya'y isang malamig na bangkay na.

"Masakit!"

Nararamdaman ni Aleph sa katawan niya ang hapdi at kirot na dulot ng lamig na parang tinutusok ng isang libong mga kutsilyo ang laman niya, pinapatid isang daang mga gunting ang mga ugat niya at pinuputol ng isang lagari ang mga buto niya. Naapektuhan na rin maging ang internal organs niya—paiba-iba ang naging function ng mga neurons sa brain niya, pahinto-hinto ang pulsation ng mga vessels sa kanyang heart, at pasara-sara ang reception ng mga tubes ng kanyang mga baga.

DUNG!

Mas lumakas na ang tunog na nagmumula sa labas at mas lumala na ang pagyanig ng buong kuweba. Nagsimulang umulan ng mga tipak ng bato ng kisame ng kuweba, lumuwang ang mga espasyo ng mga dingding at umangat ang mga tagaytay ng sahig ng kuweb.

Splash! Woosh! Splash!

Tumampisaw ang mga tipak ng bato ng kisame sa malamig na tubig, pumasok ang malamig na tubig sa mga malalaking espasyo ng mga dingding at umangat ang mga tagaytay ng sahig sa ibabaw ng malamig na tubig.

Crack!

Bumukas ang isang awang sa kisame, lumitaw ang katiting na liwanag na nagmumula sa labas ng kuweba. Sapilitan na umirap si Aleph sa liwanag na nasa awang ng kisame, labin-limang metro ang layo mula sa kanya, at dito na niya ibinuhos ang pinakahuling enerhiya ng mata ng kanyang isipan—inilarawan niya ang liwanag bilang tambak ng mga panggatong na may lumalagablab na apoy na nagpapainit sa kanyang palad at nagpapakalma ng kanyang kalamnan.

Sumibol ang pinakahuling binhi ng pagnanais ni Aleph na tapusin ang layunin niya, itinuloy niya ang pagtuon ng kanyang buong pansin sa kaisa-isang layunin na mayroon siya sa ngayon—ito ay ang napagtagumpayan niya ang pinakahuling sandali ng kanyang pagsasanay sa malamig na lugar!

Pinilit niya ang ang ngumiti, pinilit niya na ibuka pa ng mas malaki ang bibig niya, at naisip niya, "Wala ito kumpara sa mga nauna ko nang mga pagsasanay!"

Pero ang naisip niya na mga salitang ito ay ang pinakamalaking kasinungalingan niya sa sarili niya sa lahat ng naging mga pagsisinungaling niya. Ang katotohanan, ito talaga ang pinakamatindi, pinakamapaminsala at pinakanakakamamatay sa lahat ng mga naging pagsasanay niya — mas malala pa ang hirap na dinaranas niya ngayon kaysa sa isang taon niya na pagsasanay at pamamalagi sa mabangis na kabundukan at sa dalawang taon niya sa hindi inaasahan na isla. Mas malala pa kasya sa tatlong taon niya sa walang katapusan na karagatan at sa apat na taon niya sa mala-impiyerno na disyerto.

Ngayon, si Aleph ay kasalukuyang nagsasanay sa nakamamatay na lupain ng yelo at niyebe.

Sa tuwing nakakaramdam si Aleph na susuko na ang katawan niya sa isang pagsasanay, iniisip niya palagi ang magsinungaling sa para tumatag ang pisi ng pagtitiis niya, at para hindi niya magawa ang sumuko. Naging kasanayan na niya ito na sa tuwing may pagsasanay siya, ito ang huling alas na maidadagdag niya sa kanyang sarili para muling magkaroon ng katatagan at lakas ng loob. Pero siyempre pa, hinding-hindi niya hahayaan na panghinaan siya ng loob kahit ano pa ang mangyari. Lalo na ngayon, kaunting tiis na lang at magiging matatag na ang kanyang isip at katawan sa epekto ng ginaw at lamig.

Kaya nga lang, ang problema, mayroong padating na isang nilalang para gambalain siya sa pagsasanay niya, at ang nilalang na ito ay ang responsable sa ingay na nagmumula sa labas.

BOOM!

Biglang bumukas ang buong kisame ng pagkaluwang-luwang, dumagan kay Aleph ang malalaking tipak ng mga bato at sa pagitan ng mga tipak ng bato ay umapaw ang malamig na tubig. Bumigay ang bawat dingding, umangat ang buong sahig, at pumasok ng buong-buo ang liwanag ng araw.

Iwinagwag si Aleph ng malamig na tubig ng pakaliwa at pakanan, inihampas pa siya nito sa mga gilid-gilid at inilubog paibaba, at bilang panghuli, itinulak siya ng tubig pataas, papunta sa ibabaw ng malalaking tipak ng mga bato.

Nagtagumpay ang isang nilalang na sirain ang buong kisame, ang kisame na may kapal na tatlumpung metro. Iniharang ng nilalang na ito ang napakalaking silwet ng ulo nito sa maluwang na butas sa kisame, idinilat nito ang nagliliwanag na mga mata nito at sumilip sa loob ng kuweba—nagpapahiwatig ang nilalang na ito na taglay nito ang katangian ng pagiging isang dominante.

"Timīlā'ī bhēṭē!" angil ng creature sa isang wika na hindi pamilyar si Aleph, nangangahulugan ito na 'nakita na rin kita'.

Kusang loob na tinanggap ni Aleph ang hindi inaasahan na pagdating ng nilalang na ito at ang hatid nito na mensahe para sa kanya—ang mensahe na siraan ang konsentrasiyon niya at para itaboy siya sa kanyang minimithi na layunin.

Pero kahit matupad man ng nilalang na ito ang nais nito na panggugulo kay Aleph, tiyak naman na mayroong pangbawi si Aleph bilang kapalit sa panggugulo ng nilalang na ito sa kanya.

Umalis ang dambuhalang nilalang sa pagkakaharang nito sa butas ng kisame at sa liwanag ng araw, at ibinaling nito ang katawan nito pakanan. Ipinasok nito ang mabalahibong braso nito sa butas ng kisame, binuksan nito ang palad nito at idiniretso sa puwesto ni Aleph para damputin siya.

Dinakot si Aleph ng dambuhalang nilalang, sumama pa maging ang mga malalaking tipak ng mga bato na hinihigaan niya at nakapalitbot sa kanya, at maging ang malamig na tubig dagat. Pinipiga si Aleph ng nilalang na ito na parang dakot lang siya ng bungkos ng malalatang mga gulay at ibinalibag siya nito sa loob ng kuweba na parang pinagsama-samang patapong mga basahan.

"Sasquatch. Chuchuna. Almastis. Marami na ako nakaharap na mga kamag-anak ng nilalang na ito. Pero mayroon akong ideya na ang pangalan ng isang ito ay nahahawig sa mga pangalan na iyon!"

Ang nilalang na kaharap ni Aleph ay isang Mythical Creature, isang nilalang na kabilang sa mga Behemoth-Class, at ang nilalang na ito ay ang Himalaya Yeti. Tatlong-daan at dalawampu't walong talampakan ang taas nito, nangunguna sa pinakamalalaki at pinakamalalapad na mga Yeti sa buong kasaysayan.

Hinugot ng dambuhalang Yeti ang braso nito mula sa maluwang na butas ng kisame habang pinapanatili nito ang pagkakasara ng kamao nito upang pisatin pa ng mabuti si Aleph, at inihampas nito ang palm-side ng kamao nito sa may gilid ng bangin kasabay ng pagtukod nito ng siko nito dito. Sa lakas ng paghampas, naitulak palabas si Aleph mula sa thenar webspace ng kamao ng dambuhalang Yeti, lumabas ang ulo niya at kasunod ang kanyang pang-itaas na katawan.

Ang palaboy na dambuhalang Yeti ay buong kapurihan na ipinakita ang pisikal na anyo nito kay Aleph—ang nilalang na ito ay may mukha na hugis tryanggulo, ang ilong nito ay tulad ng sa mga primado, at ang pang-itaas na labi ay manipis. Mapupula ang mga pisngi nito, nakalabas ang pangil nito sa ibaba na tumutulak naman sa pang-ibaba na labi nito, at nasasakupan ng balahibo ang malapad na noo nito paikot hanggang sa magkabilang panga at nagtatabos sa ilalim ng kapos na baba. Nakasabit pa sa leeg nito ang isang kwintas, halos sakupin na ang dibdib nito dahil sa sobrang laki at gawa ito sa iba't ibang mga bungo ng tao, at ang haba na aabot hanggang sa pundya nito. Dikit-dikit rin ang mga hibla ng balahibo nito, may mantsa ng dumi at dugo, at ang bawat isa ay may haba na labin-limang metro o katumbas ng isang bus.

"Tapā'īṁ ēka sṭanṭa ra puny hunuhuncha!" ang atungal ng dambuhalang Yeti kay Aleph sa wikang Nepali na nangangahulugan na "ikaw ay bansot at mahina". Ang tinig pa lang nito ay sadyang nakamamatay na na, ingay na nakakatapyas ng balat at puwersa na nakakadurog ng mga buto. Mas matindi epekto ng pinsala lalo sa malapitan na distansya at bumababa naman habang lumalayo.

Nalunod si Aleph sa mabahong bugso ng hangin mula sa hininga ng dambuhalang Yeti, mas lalong tumigas ang kanyang mukha at mas lalong nagyelo ang kanyang buhok.

"Parkhanuhōs, Rātō Anuhāra!" isang boses pa ang dumating na nangangahulugan naman na "sandali lang, red face", at umalingawngaw ang boses na ito mula sa ilalim at paakyat ng bangin.

Lumitaw ang isang Yeti mula sa likuran ng kanang balikat ng dambuhalang Yeti, mas maliit ang sukat ng Yeti na ito ng pitompung bases, at mas kakaunti at magkakahiwalay ang mga hibla ng balahibo. Ang kulay ng balat ng Yeti na ito ay mala-bughaw na abo, katamtaman ang pangangatawan nito, at nakapusod ang naghahabaan na bigote at balbas nito. Mahahaba ang mga braso nito at malalaking mga kamay, at maiiksi ang mga binti nito at malalapad ang mga paa—isang kutong-lupang Yeti.

"Pōnīṭēla Dāhrī! " bati ng dambulang Yeti sa kutong-lupang Yeti na nangangahulugan na "ponytail beard".

Gumapang ang kutong-lupang Yeti patungo sa kabilang balikat ng dambuhalang Yeti, nilambitinan nito ang nakalaylay na mga hibla ng balahibo sa braso ng dambuhala, at sumampa ito sa bisig ng dambuhala. Binagalan nito ang pagkilos nito ng narating nito ang pulso ng dambuhala, tinungtungan nito ang kamao ng dambuhala, at sa puwesto na ito napagdesisyonan ng kutong-lupang Yeti na magtigil.

"Ito nga siya, Red-faced! Siya 'tong tukmol na bayani na bagong dating!" sabi ng kutong-lupang Yeti habang sinisilip si Aleph na nakaipit pa rin sa pagitan ng mga daliri ng dambuhalang Yeti.

"Walang sinumang pangahas ang maaaring tumuntong dito sa aming teritoryo!" sabi ng dambuhalang Yeti habang inilalapit nito ang mukha nito kay Aleph.

"Kaya lang, sa itsura pa lang ng isang ito ay mukhang hindi na ito magtatagal pa. Mukhang hindi tayo masisiyahan sa isang ito." sabi ng kutong-lupang Yeti sa dambuhalang Yeti, punong-puno ito ng kompiyansa sa sarili na mas mataas ang taglay nito na kapangyarihan at lakas kumpara kay Aleph. Sinundot nito ng paulit-ulit ang katawan at ulo ni Aleph, at ipinapakita nito kay Aleph na isa lang siyang mahinang tao at ordinaryong bayani.

"M-Mythical... C-Creature... W-Wag... n-ninyo... a-akong... i-istorbohin...!" sabi ni Aleph.

"A-Ano... i-iyon...?! N-Nauutal... k-ka... n-na... s-sa... s-sobrang... t-takot...?!" sabi ng kutong-lupang Yeti kay Aleph, pero sa pagkakataon na ito ay sa wikang Filipino na. Bumukas ng pagkalaki-laki ang bunganga nito, lumantad ang bagang nito at gilagid, at nagpakawala ng isang malakas at nakakairitang tawa.

KIRIKIYAHA-HA-HA-HA-HA!!!!!

Maging ang dambuhalang Yeti ay nakitawa na rin, napanginig pa nito ang bangin dahil sa pagkakatukod ng siko nito dito, nagbagsakan ang ilan sa mga pulbos ng niyebe at alikabok ng konkreto ng bangin, at humigpit pa lalo ang pagkakapiga ng kamao nito kay Aleph.

PURAHA-HA-HA-HA-HA!!!!!

"Mga bayaning Pinoy talaga." sabi ng kutong-lupang Yeti habang tinatapos nito ang pang-aasar nito kay Aleph at pinupunasan nito ang luha sa mga mata nito.

Bumalik ang kutong-lupang Yeti sa balikat ng dambuhalang Yeti, sinabunutan nito at kinapitan nito ang mga balahibo ng dambuhalang Yeti, at nagsimulang bumaba pababa sa katawan ng dambuhalang Yeti.

Narating ng kutong-lupang Yeti ang ibaba ng bangin, tumingala ito sa dambuhalang Yeti at sinabi, "Durugin mo siya pero hinay-hinay lang! Kunin mo ang Essence niya pero dahan-dahan lang!"

"Katapusan mo na!" sabi ng dambuhalang Yeti, inihagis nito pataas si Aleph. Itinikom nito ang isang kamao nito, ipinadala nito ang isang mabigat ng suntok at ipinatama ng direkta kay Aleph. Bumaon ang mga buko ng kamao nito sa gilid ng bangin, bumaon pa ito ng husto at tuluyang lumusot.

Lumabas si Aleph sa kabilang bahagi ng bangin, tumalsik siya at sumalpok sa unang bundok at lumusot sa kabilang bahagi. Sumalpok muli siya sa pangalawang bundok, tumagos siya sa kabilang bahagi at tumalsik.

Napadpad siya sa pang-limang bundok, bumaon siya hanggang sa may kalagitnaan na parte nito at dito lang siya tuluyang napahinto.

"Ayos! Tama na siguro iyon! " sabi ng kutong-lupang Yeti sa dambuhalang Yeti at nagmadali itong bumalik sa balikat ng dambuhalang Yeti.

Wala naman nang iba pang utos ang kutong-lupang Yeti sa dambuhalang Yeti, pero ang dambuhalang Yeti ay masyadong nadala ng pagsabik—ang sabik nito sa pakikipaglaban dahil sa ilang linggo na rin itong wala nahahanap na mapagkakalibangan na mga tao, at hindi ito nakuntento sa isang suntok lang dahil nais nito na mambugbog pa.

Naghanda ang dambuhalang Yeti at bumuo ng isang athletic na posisyon—iniusod nito ang puwitan nito sa likod, ibinaluktok nito ang mga tuhod nito at iniusod pasulong ang dibdib—isang paraan ng paglundag.

"Ano'ng ginagawa — " Hindi na itinuloy pa ng kutong-lupang Yeti ang gusto nitong sabihin dahil napagtanto na nito na may gagawin ang dambuhalang Yeti na isang hakbang na hindi naman talaga kailangan pa. "Heto na naman tayo... Nadala na naman siya sa bugso ng damdamin niya..."

Lumundag ang dambuhalang Yeti, nilanghap nito ang manipis na hangin habang nasa himpapawid, tinignan nito ang lugar na pagbabagsakan nito at itinapat nito ang mga talampakan nito sa lugar na iyon. Ibinagsak nito ang kabuuang bigat nito sa rurok ng mataas na bundok, sa lakas ng pagbagsak ay nakupi ang bundok at naging talampas, nabuwal maging ang magkabilang gilid ng bundok na naging sanhi para magkaroon ng isang pagguho ng yelo.

Lumantad si Aleph na nakabaon pa rin sa gitna ng bundok, nakita siya ng dambuhalang Yeti, nilapitan siya nito at sinimulan siyang dagukan nito at tapakan. Hindi siya tinantanan ng nilalang na ito hangga't hindi siya nadudurog at hangga't hindi nabubura ang isang buong bundok.

Nang makuntento ang dambuhalang Yeti sa pambubugbog kay Aleph at nang napansin na nito na naglaho ang buong bundok, ibinuka na nito ang bunganga nito at naghanda na ito para pakawalan nito ang isang atake na buburahin at wawakasan ang buhay ni Aleph.

"Yeti Attack! Blizzard Beam!" sigaw ng dambuhalang Yeti, lumabas mula sa lalamunan nito ang nagliliwanag at nagsisiksikan na bagyo ng yelo at niyebe.

Fum. Fum. Fum. Fiiiiiwooossh!!

Tumama ang Blizzard Beam kay Aleph, kinaladkad siya ng Blizzard Beam sa makapal na niyebe dulot ng pagguho ng yelo at sa ibaba ng nagyeyelong kabundukan. Nagkaroon ng mga hoarfrost, nagkaroon ng isang mahabang daan ng nagtataasang mga pako ng yelo at mga piramide ng niyebe.

"Nagiging marahas ka na naman, Red Face." sabi ng kutong-lupang Yeti habang nakasalong-baba ito at ang malalamlam na mga mata ay nakatingin sa malayo.

Naubos ang Blizzard Beam, isinara na ng dambuhalang Yeti ang bunganga nito, at ibinalik nito ang mahinahon na tindig ng katawan nito saka bumuntong-hininga.

"Magaling, Red-faced! Hindi lang katawan niya ang nadurog mo, pati na rin ang Essence niya!" sabi ng kutong-lupang Yeti, face palming.

Nagsimulang bumaba ang kutong-lupang Yeti mula sa balikat ng dambuhalang Yeti, kinapitan nito ang mga nakausling mga kalamnan at mga nakalaylay na mga balahibo, at nagtuloy-tuloy nito ang pagbaba hanggang sa marating nito ang ibaba.

Nakababa na ng tuluyan ang kutong-lupang Yeti, inilapag nito ang mga palad at paa nito sa niyebe, at nagsimulang lumapit sa kinaroroonan ni Aleph para kolektahin nito ng Essence niya...

Ang pagpisat pa lang ng dambuhalang Yeti kay Aleph ay nakakapinsala para kay Aleph. Ang nakakalunod na mabahong hininga ng atungal nito, ang walang katapusan na mga pagdagok at pagtapak nito, at ang pinakahuli ay pinakawalan nito ng hindi maaaring mailagan na Blizzard Beam ay lubhang nakakapinsala para kay Aleph. Sapagkat ang bawat isang atake na natanggap ni Aleph mula dambuhalang Yeti ay may kalakip na epekto ng lamig, ang lamig na hindi pa napaghandaan ni Aleph ng mabuti, at ang lamig na masyado napakalakas para tanggapin niya ng buong-buo.

Umahon si Aleph mula sa mga pako ng yelo at mga piramide ng niyebe, at hinatak niya ang sarili niya mula sa gabundok ng mga hoarfrosts. Umaagos sa kanyang mukha at dibdib. Ang katawan niya ay tuluyan nang bumigay, narating na ang limitasyon, isang libong beses kaysa sa cold water na pinanggalingan niya kanina at isang daang beses kaysa cold air noong una.

Ngayon, umaapaw na ang dugo sa utak ni Aleph, sa puso niya at kanyang baga. Pinuputol na ng libo-libong swords ang ugat niya, tinutuhog na ng daan-daang spears ang kanyang laman, at dinudurog ng sampu-sampung hammers ang mga buto.

Ngunit, sa kabila nang pinsala sa katawan ni Aleph ay nananatiling buo ang Essence niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito humihiwalay sa kanya!

Pero papaano ito naging imposible?

"A-Ang ayoko sa lahat ay iyong may nang-iistorbo sa akin..." sabi ni Aleph, tanging siya lang ang nakakarinig ng mga sinasabi niya.

"Buhay pa rin siya?!" sabi ng kutong-lupang Yeti, matinis ang pinakawalan nito na boses at napatunganga.

"A-Ayoko sa lahat ay iyong iniistorbo ako sa mga pagsasanay ko..." sabi ni Aleph. Inilagay niya ang nanginginig niya na kamay sa likod ng batok niya, bahagya niya iniyuko ang kanyang pumipirmi na katawan at ibinaluktok niya ang kanyang matitigas na mga tuhod.

Nabuhayan ng loob ang dambuhalang Yeti, tumawa ito ng marahan, inilagay nito ang isang braso nito sa likuran at inabante ang kaliwang paa. "Siya ay hindi lang isang pangkaraniwang bayani." sabi nito at napangisi.

"N-Noon pa man ay nagsasanay na ako... N-Noon pa man ay pinilit ko nang lagpasan ang mga mahihirap na pagsasanay at pagsubok..." Lumitaw ang mga piraso ng mahika mula sa likuran ni Aleph, unti-unti ay umaakyat ito mula sa binti niya patungo sa kanyang likod niya. Nabubuo ang hugis at hubog ng isang uri ng sandata, mahaba ito at matalim.

Nabulgar sa kutong-lupang Yeti ang buong tindig ng dambuhalang Yeti—sadyang nakahanda na ang dambuhalang Yeti para sa kung ano pa ang maaaring ipakitang kakayahan ni Aleph at siyempre, para sa isang totoong sagupaan.

Kumunot ang noo ng kutong-lupang Yeti, lubos ang naging pagtataka nito sa katauhan na mayroon si Aleph, at naisp nito, "Imposibleng malagpasan ng bayaning ito ang isa sa pinakamalakas na atake ni Red Face. Hindi pangkaraniwan ang isang ito. Kailangan namin mag-ingat."

"Legendary Hero! Sumugod ka!" sabi ng dambuhalang Yeti kay Aleph, inaasar nito at hinahamon nito si Aleph.

"Tapusin mo na siya!" sigaw ng kutong-lupang Yeti sa dambuhalang Yeti.

"K-Kaya naman ngayon, hindi ako puwedeng magpatalo..." sabi ni Aleph, ang huling mga salita na lalabas mula sa labi niya, at nabuo ang isang malaking espada sa kanyang likod.

FWOOSH! CUT!

Sa isang iglap, naputol ang malaking na binti ng dambuhalang Yeti, napilitan tuloy ito na suportahan ang kabuuang bigat nito sa pamamagitan ng paglapag ng nakabukas na palad nito sa makapal na niyebe, at lumuhod sa isa nitong tuhod.

Sino ang may gawa nito?

"Shit! " mura ng kutong-lupang Yeti. Nakasaboy sa pagmumukha nito ang dugo na nanggaling sa naputol na binti ng dambuhalang Yeti, sinabunutan nito ang magkabilang patilya nito at binatak nito ang sariling mga pisngi.

"Ano ito?" pabulong na angil ng dambuhalang Yeti habang nakaluhod sa isa nitong tuhod. Ipinunas nito ang dalawang daliri nito sa dugo na nasa niyebe para kumuha ng ilang patak ng dugo, pinagmasdan nito ang dugo ng mabuti at napakunot ang noo. Malaking ang naging pagtataka nito sa sarili nitong dugo dahil kahit kailan ay hindi pa nito nasusubukan na makapagtamo ng malalim na sugat at kahit kailan ay hindi pa ito napuputulan ng anumang bahagi ng katawan.

"Lahat ng istorbo sa akin ay pinupuksa ko. Lahat ng istorbo sa akin ay kinukuhaan ko ng Essence. Lalo kung isa itong Mythical Creature." sabi ni Aleph, naglabas siya ng mababa at magaspang na tono. Ang boses niya ay dumating ng walang panginginig at walang pagkautal.

Sa wakas, naging normal na ang boses ni Aleph.

Ang namamayagpag, ang pinalayas na dambuhalang Yeti ay binalewala ang nakakaistorbo na putol na binti nito, idinapa nito ang katawan nito pasulong, ibinuka ng pagkalaki-laki ang bunganga nito at sinimulan nito na tipunin ang lahat ng enerhiya na taglay nito sa sentro ng katawan nito. Nagliliwanag ang loob ng lalamunan nito, tumutulo ang mga patak ng yelo at niyebe mula sa bibig nito, pumapatak ito sa konkreto at niyebe at nagiging mga hoarfrosts.

Ang pambihirang paglaki ng dambuhalang Yeti na ito, ang lakas at kapangyarihan na taglay nito ay hindi basta-basta dahil nakuha nito ang mga katangian na ito sa pamamagitan ng paglamon sa mga Essence ng libo-libong mga tao na naninirahan sa Himalaya Mountains, at ang mga Legendary Heroes na sumubok para talunin ito at hulihin ang Essence nito.

"Halos nakalimutan ko na ang araw na ito! Ang araw na pakakawalan ko ang tunay at pinakatatago ko na lakas! Ako si Red Face at ito ang aking kapangyarihan!"

"YETI ULTIMATE! EVEREST OF CHAOS!" Sa wakas, pinakawalan na ng dambuhalang Yeti ang panghuling alas nito.

Sssscccreeeeeeekkkk!

BOOOSH!

Sa pagtama ng Everest of Chaos, tumatalsik ang parang ng niyebe at natatapyas naman ang konkreto na kalatagan, at napapalitan ang mga ito ng mga yelo at niyebe na lupain.

Ngayon, inilagay ni Aleph ang kalmado niya na kamay sa likod ng batok niya, bahagya niyang iniyuko ang kanyang malabot na katawan, at ibinaluktot niya ang kanyang magaan na mga tuhod.

Bumuo siya ng isang tindig, naghanda siya para umatake, at sinabi niya, "Magiging sa akin lahat ng essence na mayro'n ka, Mythical Creature."

Mabilis na nagtungo ang kutong-lupang Yeti sa likuran ng isang bundok, bumaba ito dito at bahagyang pinalitaw ang kalahati ng katawan nito para makita ang sunod na mangyayari sa paglalaban ni Aleph at ng dambuhalang Yeti.

"Pure! Offensive Magical Damage — " Sumusugod ang boses ni Aleph at umaalingawngaw patawid sa paparating na panghuling atake ng dambuhalang Yeti. Lumitaw ang mga piraso ng mahika sa likod niya at nabuo muli bilang isang malaking espada—isang claymore.

Hinugot niya ang claymore mula sa scabbard nito, ibinaybay niya ito patawid sa kanyang balikat at ibinaba niya para ito ay gamitin. " — Skived Blaze!" sabi ni Aleph, iwinasiwas niya ang claymore sa colorless at odorless na hangin, at naglabas ito ng mga hiwa ng apoy na may kasamang usok.

Umatake ang mga hiwa ng apoy at naglalabas ng matitinis na tunog, sinasalpok nito ang Everest of Chaos, itinataboy nito ang hangin at usok na dala ng Everest of Chaos, binabangga pa nito ang mga yelo at niyebe na dala rin ng Everest of Chaos, at lumilikha ito ng isang daan sa gitna ng Everest of Chaos.

Nagsalpukan ang Skived Blaze ni Aleph, at ang Everest of Chaos ng dambuhalang Yeti, humalo ang apoy sa yelo, humalo ang usok ng apoy sa usok ng yelo, at nagkaroon ng isang matinding mahika at kumawala ang matinding pagbugso ng hangin at pagtulak ng puwersa sa pagitan ni Aleph at ng dambuhalang Yeti.

Tumama sa kapaligiran ang naging epekto matapos magsalpukan ang dalawang malalakas na kapangyarihan, naitaboy palayo ang parang ng niyebe at nahati sa gitna ang kalatagan na konkreto, at tumakip ang makapal ng ulap ng usok at alikabok sa buong lupain.

Tumalsik ang kutong-lupang Yeti, kumaskas ang likod nito sa ibabaw ng mga bundok, sumalpok ang tagiliran nito sa kanto ng mga bato at humampas ang mukha nito sa gilid ng mga bangin. Sa bawat paglagapak ng mga parte ng katawan nito, unti-unti nauubos ang umaapaw na pagtitiwala nito sa sarili na mas malakas ang taglay nito na kapangyarihan kaysa kay Aleph.

Tumigil ang pagbulusok ng matinding mahika sa buong kapaligiran at nagsimula kumalma ang lahat. Umambon ng mga snowflakes at mga butil ng bato, naglaho na rin unti-unti ang makapal na ulap ng usok at alikabok, at nagiging maaliwalas na ang buong palagid.

Nananatiling nakatayo si Aleph, pero patuloy pa rin ang pag-agos ng dugo niya habang yakap pa rin ng kanyang palad ang claymore. Pumapatak ang maapoy na likido mula sa matulis na dulo nito, lumalabas ang makinang na mga kislap sa magkabilang talim nito, at umaakyat ang usok patungo sa hawakan nito.

Ang mga mata ni Aleph ay nagliliyab, ang mga ugat sa gilid ng sentido niya ay kumikinang, at ang kanyang buhok ay umuusok at umaalon-alon.

Nagsimulang maglakad pasulong si Aleph, nilalagpasan niya ang mga lamat at ang malaking bitak sa daan, at nagpapatuloy siya sa maabo na parte ng lupain. Nilapitan niya ang katawan ng dambuhalang Yeti na nahati sa anim na piraso—ang ulo nito, ang kaliwa at kanan na braso nito, ang buong katawan nito, at ang magkabilang binti nito.

Ang laman at ang mga buto ng dambuhalang Yeti ay nagliliyab, ang mga naabo na mga laman at buto ay nagiging mga ulap, umiikot-ikot at lumilibot-libot na isang klase ng kumikinang na pinagmulan ng buhay—mas kilala sa tawag na Essence.

Dahil sa dami ng Essence na taglay ng napatay ni Aleph na dambuhalang Yeti, halos masakop na nito ang buong lupain, tinatakpan na nito ang kapatagan at gumagapang na ito paakyat ng mga bundok.

Tumigil sa paglalakad si Aleph, bumuntong-hininga siya ng malalim at lumabas mula sa kanyang bibig ang puff ng usok—pero hindi ito epekto ng lamig sa kanya kundi, bumabalik na ang dating temperatura ng kanyang katawan. Lumilitaw na ang ginintuang mga mata niya, nagbabago na ang kulay ng kanyang balat na dati ay mala-bughaw, at ang natural na kondisyon ng kanyang katawan ay nanunumbalik na rin. Naging mahinahon na ang paghinga niya, kumalma na ang pagtibok ng kanyang puso at sumigla ang takbo ng kanyang kaisipan. Humihinto na sa pagsirit ang dugo niya, at naghihilom na ang mga sugat na kanyang natamo.

Sa wakas, nalagpasan na ni Aleph ang pagsubok na hatid ng ginaw at lamig sa kanya nang hindi man natatapos ang limang taon niya na pamamalagi sa Himalaya Mountains.

Nagising ang kutong-lupang Yeti, ibinalik nito sa dati ang humiwalay na braso nito, inilapat nito at diniinan ang gasgas na nasa noo nito. Nakangiwi ang bibig nito dahil sa iniindang mga hiwa, sugat at pasa, at pinilit nito idinilat ang mga mata nito.

Mula sa napakalayong distansya, nakita ng kutong-lupang Yeti ang resulta ng naging sagupaan ng kaibigan niya na higanteng Yeti at ang tao na hindi nila kilala, si Aleph.

"Hindi ako makapaniwala..." sabi ng Midget Yeti, pinakawalan nito ang nakakabwisit na pagtawa, at pinipilit ang paniwalain ang sarili na buhay pa ang higanteng yeti.

Bumuntong hininga ang midget yeti, nilundag nito ang mataas na bangin, at nagpadausdos pababa.

"A-Aray. Aray. B-Bwisit talaga." bulong ng kutong-lupang Yeti matapos nito ilapag sa niyebe ang mga palad at mga paa nito na may mga sugat at pasa.

Sinimulan ng midget yeti ang paglapit sa natatanaw nito na lugar na walang niyebe at tanging lupa lang ang mayroon.

Sa paglapit pa ng midget yeti, bumungad kaagad sa paningin nito ang nagbabagsakan na mga snowflake at mga butil ng konkreto. Nang matanaw na nito ang pamilyar na itsura na katawan ng giant yeti ay inihinto na nito ang paglapit nito.

Nakita ng midget yeti ang hati-hati na piraso ng katawan ng higanteng yeti, nasusunog na ito ay nagiging abo, at nagiging Essence. Maging ang gabundok na balahibo ng higanteng nilalang at ang lawa rin ng dugo nito ay sumisingaw sa kalangitan at nagiging Essence.

Naglabas si Aleph ng isang buong-buo na globo na kristal—ang tinatawag na Open Orb. Itinapat niya ang Open Orb sa Essence, naghiwalay at bumuka na parang bibig ang mga fragments nito, at sinimulan ang paghigop sa Essence.

Naakit ng Open Orb ang lahat ng Essence na mayroon sa lugar, walang pinalampas at walang pinakawalan na kaliit-liit na piraso.

Nalingat ang Midget Yeti puwesto ni Aleph, nakita ng midget yeti ang ginagawa ni Aleph na pagkolekta ng mga Essence mula sa naglalaho na laman at dugo ng Giant Yeti. Ikinaskas nito ang mga daliri nito sa palad sa konkreto na kalatagan, inihampas pa nito ang ulo nito, at lumupasay.

"Imposibleng mangyari ito!" sabi ng midget yeti, bigla nito nakalimutan ang kumikirot na kasukasuan nito at humahapdi na balat dahil sa sobrang pagkadismaya.

Sumara na ang Open Orb, ibinulsa ito ni Aleph, hinawakan niya ito ng mabuti, at sinisigurado niya na hindi ito mawawala sa kanyang tabi.

"May nalalabi pa akong oras para tapusin pa ang aking training pero mukhang hindi na rin naman kailangan pa." sabi ni Aleph, at aksidenteng napatingin sa kinatatayuan ng midget yeti.

Nagkatagpo ang mga mata ng midget at ni Aleph, kinilabutan ang buong katawan ng midget yeti, bumulwak ang dugo mula sa bibig nito at nanlisik ang mga mata. Tinalikuran agad ng midget yeti si Aleph, kumaripas ng takbo, at umalis ng lugar para tumawag ng saklolo.

"Pagbabayaran mo ito, Hero!" sigaw ng midget yeti sa wikang Filipino habang tumatakbo, umaalingawngaw ang boses nito sa buong kabundukan.

Pinagmamasdan lang ni Aleph ang tumatakas na midget yeti at wala siyang pakialam sa pagtakas nito dahil nakatuon na ang pansin niya sa ibang bagay. "Hindi porket wala nang talab sa akin ginaw at lamig, hindi ibig sabihin nito na kailangan ko na itong palampasin. Kailangan ko pa itong palakasin at pagbutihin."

Isinuksok ni Aleph ang claymore sa scabbard, nagbalik ang mga ito bilang mga magic fragments at naglaho. Pumikit ang mga mata niya, kumislot ang kanyang katawan at nanghina ang mga tuhod. Walang pakundangan at basta na lang siyang bumagsak.

Inahon niya ang kanyang face mula sa pagkakasubsob, ibinaling niya ito at itinapat sa kaliwa. Biglang pumasok sa isipan niya ang midget yeti na tumatakas kanina.

"Mayroon pa akong natitirang panahon sa naitakda ko na limang taon na pagsasanay sa lugar na ito. Siguro gagamitin ko muna mga natitirang panahon na iyon para kumalap ng iba pang mga Essence ng mga Yeti."

Pero dinalaw si Aleph ng hindi inaasahang maluwag na pagbukas ng kanyang bibig at lumanghap ng malalim, at bumigat ang talukap ng mga mata niya at umabot sa punto na hindi na niya ito kayang pigilan pa.

Tuluyan nang nagtago ang malabong sinag ng araw sa likod ng mga bundok, humantong si Aleph sa isang mundo na maging siya ay walang kakayahan para pigilan ito—ang mundo ng pagtulog.

Wakas ng Kabanata 1

Mga Karakter sa Kabanata na Ito:

Aleph (debut)

Rātō Anuhāra, ang dambuhalang Yeti (debut & death)

Pōnīṭēla Dāhrī, ang kutong-lupang Yeti (debut)

Salamat po sa pagbabasa! Magkita tayo sa susunod na Kabanata!