Chereads / Major Concequence! The Limited Hero / Chapter 4 - 2 Hindi Matatag na Silungan

Chapter 4 - 2 Hindi Matatag na Silungan

Apat na araw na ang nakakalipas, nakamantsa pa rin ang dugo ni Aleph sa kanyang damit, nakasuksok pa rin ang kanang bisig niya sa bulsa ng pantalon, at patuloy pa rin ang pagsakop ng kanyang palad sa globong salamin matapos itong magkaroon ng mga lamat sa nakaraang tatlong araw, at ito'y tinatawag na Orb. Ang Orb ay libreng nakukuha ng lahat ng mga Legendary Hero, binabase ito ayon sa taglay na Core ng bawat Legendary Hero, at ito'y isang beses lang maaaring gamitin.

Ang Orb na pag-aari ni Aleph ay may Core-C, ito ay nakalaan lamang para sa mga Mythical Creatures na Monster-Class Third Evolution o Monster-Class 3E na may mga Core-C din, at ito'y iisang piraso na lang na mayroon siya. Ang Orb Core-C niya na ito ay naglalaman ng maningning na mga pulang ulap, ito ay nagwawala, at ito'y gusto nang kumawala dahilan para magkaroon ng lamat ang Orb, ito'y tinatawag na Essence. Ang Essence na ito ay nakuha niya mula sa napaslang niya na dambuhalang Yatī, ito ay may Class-C Mythic, at ito'y sadyang nakalaan lang para sa mga Orb Core-C Legend, ito ay napakalakas para kayanin ng isang Orb Core-C lang.

At ito ang pangunahing dahilan kung bakit hanggang sa mga sandaling ito ay hindi niya nagawang bitawan ang Orb Core-C, at patuloy niya hinaharang ang mga lamat na mayroon ito, anumang oras ay maaari itong pumutok, at anumang oras ay maaaring kumawala ang Essence na Class-C Mythic, maghahatid ito ng matinding pinsala hindi lang sa kanya kundi sa nasa kanyang paligid.

Narating ni Aleph ang isang malawak na parang na niyebe, kitang-kita niya ang itim na langit na sagana sa nagniningning na mga bituin, at ang sulyap ng naglalakabay na Aurora Borealis ng Hilagang Polo. Ito ay may sumasalubong na malumanay na malamig na simoy ng hangin, ito'y walang anumang bakas maski nakausling bato, tanging mala-bughaw na niyebe lang.

"Mukhang naliligaw na ako."

Sa sumunod na paghakbang niya ay may sumagi sa kanyang paa, naglaho ang kanyang balanse sa pang-ibabang katawan, at sumubsob ang kanyang ulo. Inalalayan niya ang kanyang sarili, itinukod niya ang kanyang siko sa kanyang tuhod, at isinabay ang kanyang katawan sa pagtayo.

Binalikan ni Aleph ang bahagi ng parang na niyebe na natalisod siya, nakita niya na wala ito pinagkaiba iba pang mga bahagi pero nang suriin niya pa ito nang mabuti ay napagtanto niya na mayroon ito tinataglay na kakaiba, at naisip niya, "Natural lang ba na walang mga nakatira sa lugar na ito o sadyang may mali?"

Lumuhod siya sa kanyang isang tuhod, idinampi niya ang kanyang kamay sa niyebe, at sinimulan niya na kutkutin ito.

Phhuuummmm.

Ang tunog ng pagsikdo na narinig ni Aleph, ito ay pinakinggan pa niya ng mabuti, at ito'y pinakiramdaman niya, bumabaybay ang tunog ng pagsikdo sa ilalim at ibabaw ng niyebe. Hinawi niya ang niyebe, ipinalitaw niya ang konkreto, at natagpuan niya ang mga guhit ng mahika nakamarka dito.

"Isa itong pintuan. Ito na ang hinahanap ko na pinaglulunggaan ng mga halimaw na iyon(Yatī)."

"Isang paraan lang para malaman." sabi niy, itinaas niya ang kanyang isang paa, at itinapak niya ito ng walang habas.

Sa unang pagdampi pa lang ng kanyang paa ay may nangyari na.

Shbosh—umusod na ang niyebe sa, nahawi ito ng pabilog, at tumalsik ito.

Khbrak—nayanig ang konkreto, nagkabitak ito, at bumuka ito.

Mhshak—nadamay ang isang salamin ng mahika na nasa ilalim ng niyebe at konkreto na sumusuporta sa mga ito, nagkalamat ito, at nahiwalay ito.

THBOOM!

Isang malakas na pagsabog ang naganap matapos ang sabay-sabay na pagkawasak ng niyebe, konkreto, at mahika, nabuwal ang buong sahig na kinatatayuan ni Aleph, ang niyebe, ang konkreto, at ang salamin ng mahika, bumukas ang malaking bunganga sa ilalim ng kanyang mga paa, at nilamon siya nito pababa.

Bumagsak siya ng pabaligtad, ang kanyang paa sa taas at ang kanyang ulo sa baba, nakapalibot sa kanya ang malalaking mga bato, ang mga piraso ng mahika, at ang mga patak ng niyebe, at sinigaw niya, "Oy! Mga Yatī! Ako iyong pumatay sa kasamahan ninyo!"

Sa naganap na malakas na pagsabog ay nayanig ang buong lugar sa ilalim ng lupa, lumabas ang mga kalalakihan, sila ay may iba't ibang disensyo ng mga baluti, at sila'y may bitbit na mga sibat at mga diyabelin.

Nakita ng isang lalaking may may bigoteng pusa si Aleph, humigpit ang paghawak nito sa sibat nito, sinundan nito ng tingin nito si Aleph, at sinigaw nito, "Maghanda kayong lahat!"

Itinaas ng lahat ng mga kalalakihan ang kanilang mga sibat at mga diyabelin, itinapat nila ang mga ito kay Aleph, at mahihintay sila ng kasunod na hudyat para atakihin siya.

Itiningala ni Aleph ang ulo niya, natanaw niya na ang nasa ilalim ng hukay, ito ay napakadilim, napakalawak, at walang kasiguruduhan ang nasa dulo nito.

Ibinaligtad ni Aleph ang sarili niya sa mid-air at inilagay niya ang kanyang ulo sa itaas ang paa sa ibaba, sinugod niya ang pinakamalapit na malaking bato, tinapakan niya ito, at lumundag pataas. Bumulusok ng paibaba ang natapakan niya na bato, mas nauna ito na lumapag sa ilalim kaysa sa iba pang mga kasama mga bato na bumabagsak.

Fwoosh!

Nagpalipat-lipat si Aleph ng puwesto, sa bawat malaking bato na tinutungtungan niya ay lumulundag siya sa salunggat na direksyon.

Fwoosh!

Kumapit si Aleph sa pinakahuling malaking bato, nanatili siya sa tuktok nito at naghintay siya na tuluyan munang sumayad ang pinakailalim nito sa pinakadulo ng hukay bago siya lumundag. Nang naramdaman niya na may sinayaran na ang malaking bato na tinutungtungan niya, lumundag na siya pataas, at hinintay na lang niya na bumagsak siya.

Lumapag si Aleph sa isang malapot, madulas na likidong materyal, may maanghang na amoy na lumalabas dito at nadungisan nito ang kanyang balat at damit, at bumaon ang halos kalahati ng kanyang katawan.

Mayroong malabong ilaw ang ibinibigay ng Sealed Orb na nasa bulsa niya, ginamit niya ang ilaw na ito bilang liwanag at sinimulan niya kapain at alamin ang nasa palibot niya.

Natagpuan ni Aleph na nakalubog siya isang langis, nakapalibot sa kanya ang tatlong konkretong mga poste, at naisip niya, "Ano ba'ng lugar na 'to?"

Ibinuka ni Aleph ang kaliwang kamay niya, lumabas ng mga piraso ng mahika sa kanyang palad at nabuo bilang isang kutsilyo. Itinapat niya sa ibaba ang dulo talim ng kutsilyo, ibinaon niya ito sa isa sa mga katabi niyang konretong poste, at sinimulan ang pag-akyat. Hinihila niya pataas ang buong katawan niya sa pamamagitan lang ng isa niyang braso, ibinabaon niya ang dulo ng kanyang mga paa sa ibabaw ng poste at itinutukod ang kanyang mga tuhod dito para alalayan ang kanyang bigat para hindi mahulog, at habang ginagawa niya ito'y napapanatili pa rin niya ang pagsakop ng kanang palad niya sa Sealed Orb.

Mula sa may itaas ng bangin, nilapitan ng isang lalaking may pilat ang lalaking may bigote, at sinabi nito, "Nakahanda na ang lahat. Hinihintay na lang nila ang iyong hudyat."

Hindi na tumugon pa ang lalaking may bigote.

Krwh...

Narinig ni Aleph ang isang tunog, pero binaliwala lang niya ito dahil sa pag-aakalang tunog lang ito na nililikha ng kutsilyo sa tuwing ibinabaon niya ito sa poste, ipinagpatuloy lang niya ang kanyang pag-akyat sa konkretong poste. Ang hindi niya alam, ang tunog pala na ito ang senyales na nagiging mas aktibo ang Sealed Orb. Naramdaman na lang niya ang mainit na lumalabas sa pagitan ng mga daliri niya, nag-umpisa ang isang kislap, at dumampi ito sa langis na nakapasok sa kanyang bulsa. Sa isang napakabilis na iglap, lumiyab ang buong katawan niya, umakyat ang apoy ng pataas at pababa sa kanyang buong katawan, at ginapang pa nito ang napakaliyab na langis pinagbabaunan ng mga konkretong poste.

Nahagip ng lalaking may bigote ang liwanag sa loob ng napakadilim na ilalim ng malalim na hukay, mabilis na pumasok ang impormasyon na ito sa kanyang isipan at napagtanto niya na isa itong panganib, at isinigaw niya, "Lumayo kayo sa gilid ng bangin!"

Lumundag paatras ang mga mandirigma, at biglang bumulusok ang nagngangalit na higanteng buga ng apoy paitaas kasama ng ilan sa mga nakakawalang Essence, at nayanig ang buong hukay at nagbitak ang gilid ng bangin.

Shak! Tshp! Shak!

Ang pabaon at pagbunot ni Aleph ng kutsilyo sa konkretong poste, ipinagpapatuloy niya ang kanyang pag-akyat habang nasa loob siya ng lumalagablab na apoy, at hindi niya iniinda ang init at pinsala na hatid nito sa kanya.

"Ayos lang ka lang?!" tanong ng lalaking may bigote sa isa sa mga mandirigma, inilalayo niya ang mandirigma mula sa apoy dahil masyadong mainit ang singaw na nagmumula dito.

Nang natapos ang pagbuslok paitaas at paglagablab ng apoy, narating ni Aleph ang tuktok ng mga poste, at hindi siya nagtamo ng isang paso o sunog man lang, at maging ang kanyang damit ay nananatiling buo pero wala na ang langis dito at tanging ang naroon na lang ay ang mantsa ng kanyang sariling dugo.

"Kailangan ko na talaga ng panibagong Open Orb." sabi niya, ibinaon niya sa huling beses ang kutsilyo sa poste, at hinatak niya ang kanyang sarili pataas.

Isang bumubusulok na sibat ang biglang lumitaw, pero nadakma kaagad ito ni Aleph at napigilan niya na huwag itong tumarak sa kanyang dibdib. Tumingala siya, itinaas niya ang kamay niya, at sinampal niya ang kasunod ng sibat na dyabelin.

Nagsimula ang pag-ulan ng libo-libong mga sibat at dyabelin, pinagsusuntok niya, pinagsasalag niya at pinagsasampal niya ang bawat isa na lumalapit sa kanya. Hinawi niya, binali niya at hinati niya ang mga ito, at wala siyang pinalampas na kahit na isa.

Dumistansya si Aleph sa pinagbabagsakan ng mga sibat, lumapit siya sa may ang gilid ng bangin, pinalitaw niya muli ang mahiwagang kutsilyo at sinimulan niya ang umakyat.

"Huwag kayong titigil hangga't hindi ko sinasabi!" sigaw ng lalaking may bigote sa mga kasamahan niya na mandirigma na nagpapatuloy sa pagbato ng mga sibat at dyabelin.

Patuloy sa pagbato ang mga mandirigma, nananatili ang kanilang pansin sa bangin, hindi nila alintana ang nangyayari sa kanilang paligid, at wala silang kamalay-malay na pinagmamasdan na sila ni Aleph na kanina pa narating ang tuktok ng bngin na kanilang kinaroroonan.

Tumaas ang likas na ugali ng pagiging mandirigma ng lalaking may bigote, naramdaman niya na may presensya ng ibang tao, hinarap niya ang nasa kanan niya, at nagtagpuan niya si Aleph, bitbit ang isang kutsilyo.

"Hindi! Hindi kita hahayaan na pumatay ng isa sa mga mandirigma ko!"

Inilabas nito ang gabilya, ito ay nagninging, at ito'y nagbagong anyo bilang mahiwagang sako, at isinigaw niya, "Sack of Misery!"

"Mga tao ba sila o nagpapanggap na mga halimaw?" naisip ni Aleph, walang kadating-dating ang mukha niya at walang bahid ng pagkagulat habang pinagmamasdan niya ang mga mandirigma.

Ibinato ng lalaking may bigote ang mahiwagang sako kay Aleph, ito ay sumaklob sa ulo ng binata, ito ay tumakip sa katawan niya, at ito'y lumamon sa paa niya.

Sinipa si Aleph ng lalaking may pilat, sumubsob siya sa sahig, at sinusubkan niya na makaalis sa sako.

"Usalā'ī linuhōs!" utos ng lalaking may bigote sa wikang Nepali na nangangahulugang 'dalhin ninyo siya'!

Nilapitan si Aleph ng matangkad na mandirigma, hinablot nito ang gitna ng sako, sa may tiyan ni Aleph, at binitbit siya nito gamit ang isang kamay lang nito. Dinala siya nito, umalis sa lugar na malapit sa bitag at nagtungo sa pinakabuod ng hidden village sa ilalim ng surface.

"Huwag mo na tangkain pa ang manlaban. Napapalibutan ka ng daan-daang mga mandirigma na bihasa sa pakikipaglaban." sabi ng lalaking may pilat, hawak nito ang sibat at nakaporma ng tayo—handa itong umatake sa oras may makita itong hindi kanais-nais sa pagkilos ni Aleph.

Dumating pa ang dalawang lalaki, dumiretso ang isa sa tabi ni Aleph habang ang isa naman ay pumagitna. Dalawang sibat na ang nakatutok sa leeg niya pero wala pa rin siyang pakialam hinggil dito.

Nagyukuan ang mga ulo ng lahat ng tao, nagbigay galang sila sa dumating na isang matandang babae. Inaalalayan siya at ginagabayan siya ng dalawanh lalaki—ang isa ay may hawak sa kanyang palad at ang isa naman ay may bitbit na lampara.

"Ano ang pangyayari na ito?" tanong ng matandang babae, itinutukod niya ang kanyang baston sa sahig. Nakabalot ng makapal na damit panlamig ang kanyang katawan, nakatalukbong ang kanyang ulo at nakabotas ang mga paa.

"Isang pangahas ang nagwasak ng bitag, Kagalang-Galang na Pinuno." tugon ng lalaking may bigote.

Nakita ng matandang babae si Aleph, at naisip nito, "Ano ang ginagawa ng isang ito dito sa aming lugar?"

"Sa pamamagitan ng mahika, at bilang kinatawan ng bayan ko, isasalin ko ang lahat ng sasabihin ng aking nasasakupan." dagdag ng lalaking may bigote, inilabas nito ang isang botilya, at ininom nito ito.

"Ma yō sānō śahara mā jēṭhī mahilā hum̐. Kē tapā'īnlā'ī yahām̐ lyā'um̐cha?" tanong ng matandang babae kay Aleph, sa wikang Nepali.

"Ako ang nakatatandang babae sa munting bayan na ito. Ano ang nagtulak sa iyo na pumunta sa aming lugar?" sabi ng lalaking may bigote, isinalin nito ang tinanong ng matandang babae sa wika na komportable si Aleph.

Huminto sa paggalaw si Aleph, at naisip niya, "Nagsasalita sila ng wika ko?"

"Hindi ko alam na may nakatirang mga tao pala dito." sabi niya.

"Āphnō paricaya dinuhōs." sabi ng matandang babae.

"Ipakilala mo ang iyong sarili." salin ng lalaking may bigote.

"Ako ay isang—" Natigilan si Aleph sa kanyang, nakaramdam na siya ng pagdampi ng init sa kanyang palad na humahawak sa sealed orb, dali-dali niyang inilapat ang kanyang nakabukas na palad sa mukha ng matandang babae, inihawi niya ito papunta sa may dingding at itinabi ito.

Sa nakabukas na lamat ng sealed orb, sumirit ang 0.1 na porsiyento ng essence, lumikha ito ng pataas na puwersa at pagsabog. Natapyas ang ceiling ng kuweba na kinaroroonan nila, nagbagsakan ang mga debris, at nagtakbuhan ang mga kalalakihan para maiwasan na madaganan sila ng mga ito habang ang ilan nama'y inilayo ang iba sa disgrasya.

Nabulabog ang buong village, nilisan ng lahat ng mga tao ang kani-kanilang mga , lumabas ang kanilang mga asawang lalaki. Bitbit nila sa kanilang katawan ang kanilang mga pandigma na mga sandata at kalasag. Pinalibutan nila ang area na pinangyarihan ng nawasak, itinutok nila ang kanilang mga patalim at tumindig.

Sa kabutihang palad, walang nasawi o nasugat na pangyayari.

Nanlalaki ang mga mata ng lahat, nakapirmi lang sila sa kanilang mga puwesto at nanatiling nakatulala. Natagpuan nila na nahati na sa gitna ang kuweba, maging ang snow, ang concrete na nasa itaas ng surface ay naapektuhan. Ito ang resulta ng 0.1 percent ng essence na kumawala dahil mas lalo nagiging aktibo ang isang essence kapag nailagay na ito sa isang sealed orb.

"Muntikan na." sabi ni Aleph sa matanang babae habang nakatingin siya sa damage na nalikha essence. Nakalapat pa rin ang kanyang palad sa pagmumukha ng matandang babae at nakadikit ito malapit sa kanyang chest.

"Kagalang-Galang na Pinuno! Ayos lang po ba kayo!" sabi ng lalaki may bigote, tumatakbo ito papalapit sa kanilang pinuno.

"Oo." sagot ng matandang babae, inalalayan na siya ng lalaking may bigote at inilayo kay Aleph.

Hindi umalis si Aleph sa kanyang puwesto, sinakluban niya ang sealed orb ng kanyang dalawang palad at idinikit ito sa kanyang dibdib. Niyakap niya ito ng maigi, diniinan niya ito para mapigilan ang muling pagsirit ng essence. Hindi sakop ng kanyang mga palad ang kabuuan ng sealed orb at sumirit pa rin ang kaunting essence, pero minarapat niya na hindi ito maging malala.

Nagpupumiglas ang kanyang mga kamay, maging ang kanyang buong katawan ay sumasabay ang ayon nito, nagpupumilit na talagang kumawala ang essence mula sa orb.

Pinasingaw ni Aleph ng dahan-dahan ang essence, direkta ang pagragasa nito tungo sa kanyang palad at bumabanda naman palabas ng kanyang mga daliri, sa ganitong paraan, hindi ito masyadong magdulot ng pagwasak at para lang itong usok na sumisingaw sa takore na may kumukulong tubig.

Sa paglabas ng red life source na essence, unti-unti ring nabubutasan ang bato na kinatatayuan ni Aleph, palaki ng palaki at palalim ng palalim.

Umapaw ang malaking butas, lumabas ang ulap ng essence at gumapang sa paa ng lahat ng mga tao. Dumistansya ang mga kalalakihang nakapalibot at maging ang matandang babae ay inilayo rin nila.

Tumigil ang paglabas ng essence sa sealed orb, pero pansamantala lang ito.

Ikinalog ng matandang babae ang kanyang tungkod, nagsalpukan ang mga burloloy na nakasabit dito at tumunog — itinalaga na niya ang isang sensyales at utos ng isang kapayapaan na hindi kalaban si Aleph.

Ibinaba ng mga kalalakihan ang kanilang mga sibat at armas, itinukod ang mga ito sa sahig, sa kanilang tabi at inatras palayo. Naghiwa-hilaway na rin sila mula sa isa't isa, binigyan nila ng espasyo at pagkakataon si Aleph na makapagpaliwanag ng maayos.

Sinubukan hulihin ni Aleph ang nagkalat na esensya pero hindi niya ito magawang mahawakan, lumalabas ito sa pagitan ng kanyang mga daliri sa tuwing itinitikom niya ito. Para talagang ulap at hangin na hindi maaaring ikulong sa pamamagitan lang ng hubad na kamay.

Ipinahawak ng matandang babae ang kanyang baston sa isa sa kanyang dalawang alalay na lalaki, naglabas siya ng isang botelya, naglalaman ng makinang na likido. Nagbuhos siya ng isang patak nito sa kanyang mga palad, pinagdikit niya ito at ikinuskos. Ikinumpas niya ang mga ito ng marahan at pasayaw. Nilapitan niya ang kaunting essence na kumawala kanina, itinapat niya ang kanyang kamay dito at kumalap ng impormasyon hinggil dito. Hinawakan niya ang ulap ng essence, ipinikit nito ang mga mata nito para damahin ang presensiya nito.

"Lalaki, sabihin mo. Ikaw ba ang pumaslang sa nilalang na nagmamay-ari ng essence na ito?" tanong niya kay Aleph.

"Ako nga, Old Hag Bitch." sagot ni Aleph.

Suminghap ang mga tao, nagulantang sa naging sagot ni Aleph. "Napakabastos niya! Bigyan mo ng galang ang aming Nakatatandang Pinuno!"

"Ibigay niyo lang po ang hudyat, Kagalang-Galang na Pinuno. At babalat ko ng buhay ang walang modong tao na ito!" sabi ng lalaking may bigote.

"Tapos bigla na lang ako inatake ni Whiskered-Dick at ng iba pang mga kasamahan niya." sabi ni Aleph, pointing an index finger sa lalaking may bigote. He referred his moustache as an animal whisker dahil ganoon naman talaga ang itsura nito.

"Grr! Hindi ito 'whisker', Ikaw na Bobong Nilalang! Ito ay isang 'moustache'!" nanggagalaiti sa galit na sabi ng lalaking may bigote.

Humarap ang matandang babae sa mga tao, itinaas niya ang kanyang mga palad at sinabi, "Huwag na kayong mangamba, Aking Minamahal na Taga-Nayon! Ang lalaking ito ay hindi isang banta! Sapagkat, ang lalaking ito ay isang Hero!"

"Sabihin mo, Hero. Naparito ka ba para kami'y tulungan?" tanong ng lalaking may bigote.

"Wala naman ako nakikitang problema ninyo. Narito lang ako para sa isang orb. Iyon lang." sagot ni Aleph.

Sa narinig ng lalaking may bigote, naglaho ang pagiging masungit ng kanyang mukha. Hinarap niya ang matandang babae, hinayaan niya na ito ang magdesisyon para sa kanila sapagkat, iginagalang niya ang anuman utos na magmumula sa labi nito.

"Mayro'ng mga ilang orb sa bahay ko. Kung nais mo kumuha, maaari kitang bigyan." sabi ng matandang babae.

"Kung hihigit ang kakayahan nito sa sealed orb na mayro'n ako ngayon, kukunin ko." sabi ni Aleph.

Sumama si Aleph sa mga taong-nayon, tumuloy sila sa isang bahay at bumaba sa madilim na daan. Inilawan ng mga kalalakihan ang bawat sulo sa dingding, nanguna ang isa sa mga ito para ituro ang ruta.

"Ga'no na katagal ang lugar na 'to?" tanong ni Aleph, ipinagpapatuloy niya ang kanyang pagsunod sa mga kalalahihan na nangunguna sa kanilang dinadaanan.

"Matagal na panahon na," sagot ng matandang babae. "Nandirito na kami simula noong maghari ang King Yeti sa Himalayan Mountains. Walang awa ang Mythical Creature na iyon. Lahat ng lugar ay ginawa niyang lugar ng blizzard. Walang halaman at puno ang nabuhay kaya naman, napagdesisyonan na namin na dito manirahan. Ginawa na namin ang sampung malalalim na hukay gamit lang ang aming mga hubad na mga kamay. Ang mga patibong na iyon ay para sa mga yeti... Pero hanggang sampu lang ang kinaya namin... Marami na kaming napatay na mga yeti ngunit, mas maraming napatay ang mga ito sa aming angkan."

"Malakas ba iyong King Yeti?"

Tumigil ang mga kalalakihan, narating na nila ang dulo ng kuweba. Pumasok sa kuweba ang apat na kalalakihan, inilawan nila ang mga lampara na nakasabit sa dingding. Nagliwanag ang buong paligid, lumitaw ang napakaraming open orb at sealed orb, lawa ng mga orb at bundok ng mga orb.

"Lahat ng mga orb na ito ay pag-mamay-ari ng mga Hero na sinubukang pigilan ang paghahari ng King Yeti... Lahat naman sila ay mga 2nd Degree-Core na mga Hero na kayang tapatan ang mga Yeti na Behemoth-Class pero... walang kahit isa sa kanila ang nagtagumpay."

Pumulot si Aleph ng isang piraso ng open orb, isinalpok niya ito sa isang sealed orb na may laman na essence. Lumipat ang essence sa kabilang open orb at panigurado na hindi na ito kailanman makakawala dito dahil isa itong open orb na para talaga sa Yeti.

"Madilim ang iyong tatahakin. Kailangan mo ito." Iniabot ng matanda ang isang lampara na at matipid na umaksaya ng apoy.

Hindi kinuha ni Aleph ang lampara na alok ng matandang babae, ibinulsa niya ang orb na nakuha niya at sinabi, "Susubukan ko harapin ang King Yeti na ito."

Paalis na sana siya ng biglang magtanong ang matandang babae, "Ano'ng iyong pangalan?"

"Ang tawag nila sa akin ay Aleph..." sagot niya.

Itinuloy ni Aleph ang kanyang pag-alis, tinahak niya ang daan na pinasukan niya rin kanina.

Nilapitan ng lalaking may pilat ang lalaking may bigote at sinabi, "Sa tingin mo, kaya niyang talunin ang King Yeti?"

"Kung kaya nga niya pumatay ng isang yeti, walang kasiguruduhan na kaya niyang harapin ang King Yeti. Lalo na kung nag-iisa." sagot ng lalaking may bigote.

"Oo pero ---"

"Marami nang nabigong mga Hero. Hindi natin kailangan na umasa." dagdag pa ng lalaking may bigote.

"Imbes na magtalo kayo d'yan, ipagdasal na lang natin si Aleph na magiging matagumpay siya. At isa pa, umpisahan niyo na rin ayusin ang nasira niya na bitag." sabi ng matandang babae sa dalawa, at siya ay umalis.

"Bwisit din yang Aleph na iyan eh. Gugugulin na naman natin ang isang buong taon na ito para lang ayusin ang bitag." reklamo ng lalaking may bigote sa kasamahan nito.

Ilang sandali pa, nakarinig na naman sila ng isang pagsabog. Nagmadali silang puntahan ang pinagmulan nito.

Nakita nila na may panibagong bitag na naman ang nawasak, isang taon na naman ang kailangan para gawin nila ito at idagdag pa ang naunang bitag na nawasak. Alam nila na isa lang ang may kagagawan nito --- si Aleph. Walang makitang lagusan palabas si aleph kaya naman gumawa nalang siya ng panibago.

"Malilintikan talaga sa akin iyan balasubas na bayani na iyon!" sabi ng lalaking may bigote.

Dahil sa dulot ng naging pagbagsak ni Aleph, nagkaroon siya ng mga palaisipan, at naisip niya, "Sa himpapawid na lang ako sunod na magsasanay. Sasanayin ko ang sarili ko na makayanan ang epekto pagbagsak ng mula sa libong-libong talampakang taas."

"Kung hindi ko siguro ginamit ang mga kasama kong nahuhulog na mga bato bilang tuntungan, malamang nasaktan ako sa magiging pagbagsak ko. Hindi ko pa pala nasusubukan na magsanay sa himpapawid. Oo. Natapos ko na nga ang lahat ng pagsasany dito sa lupa. Pero hindi pa ang sa himpapawid."

Lumapag si Aleph sa niyebe.

"Kapag natapos ako sa lugar na ito, at kapag napaslang ko na ang haring yeti, sa himpapawid naman ako sunod na magsasanay." sabi niya.

Tumakip sa kanya ang dalawang dambuhalang anino, nang tumingala siya ay nakita niya ang dambuhalang palad, at dumagan ito sa kanya.

"Kahapon ka pa namin hinihintay, Bayani." sabi ng kutong-lupang yeti.