Chereads / Major Concequence! The Limited Hero / Chapter 5 - 3 Kaalaman May Kinalaman sa Mahika: Dalagang Mananaliksik

Chapter 5 - 3 Kaalaman May Kinalaman sa Mahika: Dalagang Mananaliksik

Ipinapakilala ang isa pang pangunahing karakter...

Bing!

Huminto ang elebeytor, sa pagbukas ng pintuan nito ay hiniwalay ng isang dalaga ang pagkakasandal ng likod niya sa dingding nito, pinitas niya ang susi sa bag, at siya'y lumabas.

Bumungad sa dalaga ang isang lalaking guwardiya, nasa gitnang edad, ang magkabilang gilid ng bibig nito ay nakapaibaba, nansisindak ang mga mata nito, at walang reaksyon ang mukha nito. Isang iskopeta na puno ang kargadang bala ang nasa mga bisig nito, isang baril pa ang nakasukbit sa sinturon nito kasama ng tatlong uri ng mga kagamitan at mga botilya, lahat ay naglalaman ng maaarig ikonsumo na mga mahihiwagang tinimplang mahika.

Huminto ang guwardiya sa pagpatrolya nito, iniyuko nito ang ulo nito at sinabi nito sa dalaga, "Magandang Gabi, Binibini."

Ngumiti ang dalaga sa guwardiya, tinanguan niya ang guwardiya, isang maamong tugon ng pagbati, at sinabi niya, "Mag-iingat kayo."

Pagkalagpas ng dalaga sa guwardiya, pinisil ng guwardiya ang buton ng radyo na nakasabit sa bulsa ng damit nito, itinapat nito ang bibig nito sa radyo at sinabi nito, "Sumagot ka, Gatekeeper. Ito si Underground Patroller na nagsasalita. Palabas na ang Amo. Inuulit ko, palabas na ang Amo."

"Narinig ko, Underground Patroller." tugon ng lalaki na nasa kabilang linya ng radyo.

Tinahak ng dalaga ang paradahan, itinapat niya ang dala niyang susi sa may kanto, sa tabi ng isang poste, at pinindot niya ang buton ng susi.

Eep! Eep!

Awtomatikong umandar ang makina ng isang kotse, sumindi ang mga ilaw nito, at bumukas ang pintuan nito. Pumasok ang dalaga sa sasakyan, inilapag ang bag sa katabing upuan, at naglagay ng sinturon ng upuan. Inilagay sa primera ang kambyo, pinatakbo niya ang sasakyan, at nilisan niya ang gusali, lumiko sa kaliwa kanto at sinundan ang maluwag na daang padiretso.

Ang dalaga na ito ay nagngangalang Naxa (Nak-sa), siya ay isang negosyante, siya ay agmamay-ari siya ng isang tanyag na kompanya, at siya'y kabilang sa mga piling mayayaman at mahaharlikang mga pamilya sa mundo.

Trrrriiinng!

Tinatahak niya ang kahabaan ng daang-baya nang tumunog ang phone niya, isinuot niya ang airpods, at niya tinignan ang pangalan ng numerong tumatawag.

"Hindi maganda ang kutob ko rito."

"Ano na naman iyon, Cassie?" bungad na salita ni Naxa sa wikang Scottish Gaelic.

"Naxa! Kanina pa kami nagsisimula! Nasaan ka na!"

Napalayo ang mukha ni Naxa, nagsalubong ang kanyang mga kilay, hininaan niya ang volume ng tawag sa phone, at tinugon niya kay Cassie, "Pauwi pa lang ako."

"Bakit? Ang sabihin mo, nasobrahan ka na naman sa trabaho! Naxa, trabaho 'yan hindi iyan isang lamayan at huling burol na parati na lang na kailangang pinagpupuyatan mo! At tsaka, tigil-tigilan mo nga iyang pagpupuyat mo na 'yan! Sirang-sira na'ng katawan mo dahil sa pinaggagawa mo!"

"Daig pa niya si Mama kung makapag-alala."

"Makinig ka sa 'kin! Didiretsuhin na kita! Mayro'ng binata dito na kanina pa hinihintay 'yang maharlikang puwit mo!"

"Heto na naman kami..." bulong ni Naxa, napahilamos na lang siya sa kanyang mukha.

"Alam mo itong si lalaki? Sinisigurado ko na napakabait niya, napakamatamis niya at nakakalaglag siya ng panga! Siya ang para sa iyo!"

"Walang duda, mas maayos siya kaysa sa 'dati' mo! Kung hindi mo kami lang matalik na mga kaibigan, sinisigurado namin sa iyo na nagpaligaw na kami sa lalaking katabi namin ngayon!" isa pang malalim at sinisinok na boses na dumating, si Gwen.

"Nakainom ba kayong dalawa?" tanong ni Naxa.

Bumuntong-hininga si Cassie, inilapat nito ang nakabukas na palad nito sa pagitan ng mga kilay nito, at sinabi nito kay Gwen, "Hindi ba't napag-usapan na natin 'to? Ayaw ni Naxa na napag-uusapan pa ang tungkol sa mga dating karelasyon?"

"LUH? Kala ko ba ang naging usapan natin ay kalimutan na ang lahat ng nasa nakaraan? Bakit tinatablan ka pa rin kapag napg-uusapan ang dating karelasyon?" sagot ni Gwen kay Cassie.

"Huwag mo na kasi isingit ang mga 'dating karelasyon' na bagay na iyon, okey?"

"Teka, teka, teka nga lang muna! Hindi naman ikaw si Naxa, ah! Hindi mo naman 'ko masisisi dahil ang dating kasintahan ni Naxa ay isa na ngayong—"

"Manahimik ka na lang! Lagyan mo nga ng alak 'yang bibig nang matigil ka na!" iritableng sabi ni Cassie.

Napaikot na lang palayo ang luntiang mga mata ni Naxa, napailing ang ulo niya, napangiwi ang kanyang labi, at sinabi niya, "Kalma lang. Matagal nang panahon iyon

"Alam ko, Nightingale. Pero, gayon pa man. Sana maisip mo, halos magpakamatay na kami ni Gwen mahanap ka lang panibago mong pag-ibig!"

Bumuntong-hininga ng malalim si Naxa—isang tugon niya na talagang kabisado na mga kaibagan niya—ang tugon niya na nangangahulugang isang pagsang-ayon sa desisyon.

"Ayos! Tama ang pinili mo! Bilis-bilisan mo na lang! Pero huwag mo rin kakalimutan na mag-ingat!" sabi ni Cassie, tinapos na nito ang tawag, at hindi na nito hinintay pa ang sunod na sasabihin ni Naxa.

"Pupunta lang ako diyan para matigil na ang kahibangan ninyong dalawa, Cassie at Gwen." bulong ni Naxa sa kanyang sarili.

"Ano ba'ng mayroon at gano'n na lang nila ako ipagtulakan sa isang lalaki?"

Naghanap si Naxa ng pangalan sa listahan ng mga numero na nasa phone niya, tinawagan niya ang isang number napili niya, at nang may sumagot kaagad sa pagtawag niya ay sinabi niya sa kausap niya, "Kumusta, Ma. Papunta ako ngayon kina Cassie. Baka doon na rin ako magpapalipas ng gabi—"

Abala si Naxa sa pagtawag, kaya tuloy hindi na niya napansin pa ang kanyang tinatahak na daan—bitak ang kalsada na kanyang tinatahak, pundido ang mga ilaw sa bawat poste na kanyang nadadaanan at ang mga nabuwal na punongkahoy na kanyang nalalagpasan.

"—Pakisabi na lang kay Scha na pasensya na at hindi ko muna siya maihahatid bukas sa paaralan niya."

"Be more careful this time. Love you."

"I will. Love you too, Mum." Tinapos ni Naxa ang tawag niya sa ina niya, inalis niya ang mga airpods sa kanyang mga tainga at inilagay niya ang mga ito sa kahon na katabi ng kambyo.

"What does she meant by that? Does she knew?"

Ibinalik na niya ang buong pansin niya sa tinatahak niya na daan at ang nasa kapaligiran niya—napakadilim ng daan at paligid, at tanging ang ilaw lang na mula sa kanyang kotse ang nagbibigay liwanag. Kakaiba rin ang aura ng paligid, naging mas nakakatakot na ito na tignan at pagmasdan.

Sinandalan niya ang manibela, sinilip niya ang labas mula sa pananggang-hangin, napakunot ang kanyang isang kilay, at binulong niya, "Ano'ng mayroon?"

Isang tapyas na bahagi punongkahoy ang natanaw ni Naxa sa malayo, ikinabig niya ang manibela sa ligtas na paraan at iniwasan niya na madaanan ng gulong ang bagay na nakaharang sa kanyang daan para hindi siya madisgrasya.

Nalagpasan ng kotse at naiwasan niya ang nakaambang disgrasya, nilingon niya ang salamin sa gilid at sinabi niya, "Sus! Kamuntik na iyon!" sabi niya.

Isang lalaki ang umahon mula sa damuhan, natanaw ng nanghihinang paningin nito ang isang malabong liwanag na nasa gitna ng kalsada—ang liwanag na mamumula sa ilaw ng sasakyan na paparating—ang kotse ni Naxa.

"H-Help..." sabi nito, tanging namamaos at mahanging boses ang lumabas sa bibig nito. Malalalim na sugat ang taglay nito at mas lalo pang lumulubha sa kada pilit na paglalakad na gingawa nito, at kailangan na talaga nito ng paunang lunas ng medikal. Sa kabila ng malalang kondisyon ng pangangatawan nito, binilisan pa rin nito ang paglalakad nito sa abot na makakaya ng mga nalulumpong mga binti nito para magbakasali na maaabutan pa nito ang kotse, at mahingan nito ng saklolo ang nagmamaneho ng sasakyan.

"Mabuti na lang talaga't hindi ako nakakalimot sa mga natutunan ko." sabi ni Naxa sa sarili niya, at ibinalik niya ang tingin niya sa may kalsada. Pero masyadong mabilis ang mga bawat sandali, at nakadagdag pa ang kawalan ng sapat na liwanag sa kapaligiran, sa isang kisap mata, bumungad sa harapan niya ang lalaking sugatan na lumabas mula sa may gilid ng kalsada, at sa puwesto na hindi hagip ng ilaw ng kotse.

Nagawa pa niyang matapakan kaagad ang preno pero huli na ang lahat, sinalpok ng harapan ng kotse ang beywang ng lalaki, bumagok ang sentido nito sa takip ng makina ng sasakyan, at naitulak ang lalaki palayo. Bumagok ng ulo nito sa aspaltong kalsada, nagpasirko-sirko ang katawan nito ng madaming metro at nagpagulong-gulong pa ng ilang talampakan, nadagdagan ang mga sugat na natamo nito sa laman nito at nagkabali-bali ang mga buto.

"Diyos ko!" sigaw ni Naxa, napahinto niya ng tuluyan ang kotse niya, at naabutan pa niya ang lalaki na huminto mula sa pagtilapon nito.

Napahawak na lang siya ng mahigpit sa manibela, bumilis ang pagtibok ng kanyang puso, ang paglanghap ng hangin ng kanyang baga at pagtakbo ng kanyang kaisipan, at natigilan siya na kunilos ng ilang sandali.

Pinilit ni Naxa na maging mahinahon, dahan-dahan niya pinalapit ang kotse at unti-unti niyang pinalapit ang sasakyan sa kinahihigaan ng lalaking nabundol niya.

Pinahinto niya ang sasakyan, sa huling pagkakataon ay pinagmasdan muna niya ng mabuti ang nakabulagtang lalaki at naisip niya, "Kung hindi ito isang tao, matutuwa pa ako. Pero kung ito'y isang tao, hindi ko na alam pa ang gagawin ko. "

Inilagay ni Naxa sa niyutral ang kambyo, inalis niya ang pagkakayakap ng sinturon ng upuan sa kanyang ktawan, at dinampot ang bag na nasa kabilang upuan. Lumabas siya kotse niya na isang Veneno Roadster, ang pinakamamahaling Lamborghini sa buong mundo, nagkakahalaga ng €3.3 milyon, iniwan niya na nakabukas ang pintuan ng sasakyan, at siya'y naglakad para suriin ang insidente.

Bumungad sa kanya ang mga talsik ng sariwang dugo na nasa takip ng makina ng kotse, sa bamper ng sasakyan at sa unahang ilaw ng sasakyan. Itinuloy niya ang paglalakad niya, tinignan niya ang kondisyon ng lalaki—nakatabingi at nakalinsad na ang mga braso at binti nito, at nakapihit ang ulo nito sa ibaba.

Inilapit ni Naxa ng dahan-dahan ang kamay niya sa balikat ng lalaki, hinila niya ng marahan ang damit nito at naisip niya, "Pakiusap lang. Sana isang Zombie ang lalaking ito."

Tumigil sa pagtibok ang puso ng lalaki, nalagot ang hininga nito, at sa malaking hiwa na nasa tagiliran nito ay lumabas ang pinakaunahan ng Essence nito—ito ay maputi at hindi tulad ng mga Mythical Creatures na mapula—nangangahulugan ang maputing Essence na ito na ang lalaki ay isang purong tao na may Human Core.

Napaatras kaagad siya, napasinghap siya ng malalim at napatakip ang kamay niya sa kanyang bibig, at sinabi niya, "Diyos ko! Nakapatay ako ng isang tao!"

Dumistansya si Naxa sa lalaki, napahawak ang nakabukas niya na mga palad sa kanyang ulo, hindi mapakali ang mga mata niya sa kakalibot ng tingin, at panay ang pagkagat niya sa kanyang labi. Paiba-iba ang puwesto na nilalakaran niya, labas pasok siya sa kotse at pagkatapos ay babalik na naman ulit siya sa kinaroroonan ng lalaki, at paulit-ulit niya itong ginagawa parang isa siyang linta na may bukas na sugat na nabudburan ng asin.

"Nakapatay ako. Nakapatay ako. Nakapatay ako." bulong niya, paulit-ulit ang paglabas ng mga salitang ito sa bibig niya.

"Siguradong hindi ako patatahimikin ng espiritu ng taong ito! Siguradong magbabalik siya bilang isang makapangyarihang Mythical Creature na may at guguluhin niya ang tahimik namin na pamumuhay!"

Sino ba nga naman ang makakapag-isip ng maayos at sino ang taong magiging komportable matapos hindi sinasadyang makapatay ng isang inosenteng tao at walang kalaban-labang tao! Kahit sino ay makakaranas ng ganitong pakiramdam sa oras malagay sila sa situwasyon ni Naxa.

Lumabas muli si Naxa sa kotse ng pangwalong beses, bumalik siya sa lalaki sa katulad na beses, pero sa pagkakataon na ito ay ang pagbalik niya ng ito ay ang magiging huli niya dahil gagawa na siya ng tamang hakbang at para na rin matapos na niya ang kanyang problema na ito—isusuko na niya ang kanyang sarili sa mga awtoridad at kinauukulan.

"Sagutin niyo ang tawag!" sabi ni Naxa, nakadikit ang telepono sa tainga niya matapos niyang subukang tawagan ang pulisya pero hanggang ngayon ay wala siyang natatanggap na tugon mula sa kanila.

Naputol bigla ang linya, itinigil niya ang pagtawag sa pulisya, at gumawa siya ng panibagong tawag sa ibang numero, pero nagloko ang kanyang telepono at biglang nawalan ng karga ang baterya nito.

"Ano ba! Ano ba 'to!" sabi ni Naxa, nagngingit ang mga ngipin niya at pinagdudutdot niya ang kanyang telepono.

Dumaan sa kanya ang isang malamig na simoy ng hangin ng gabi, nahawi ang mga kumpol ng mga ulap sa langit at nabulgar ang kabilugan ng buwan. Sa pamamagitan ng liwanag ng buwan, mas naging malinaw ang kaanyuan ng buong kapaligiran para sa kanya—nakita niya ang iba pang mga sasakyan, basag ang mga bintana at bukas ang mga pintuan ng mga ito, at tapyas ang mga bubungan ng mga ito. Nakupi ang iba't ibang mga bahagi ng mga ito, umuusok ang mga makina ng mga ito na maaari pang magdulot ng pagsabog, at ang bawat isa ay hindi nawawalan ng bahid ng mga talsik ng dugo.

"Mayroong hindi tama sa lugar na ito."

Inilibot pa ng tingin ni Naxa ang mga mata niya, natagpuan niya ang mga putol na bahagi ng mga katawan ng tao, lalaki at babae, bata at matanda, at lahat ng mga ito ay naliligo sa kanilang sariling dugo at dugo ng ibang tao.

"Diyos ko... Ano'ng nangyari dito..." bulong niya.

Isang nakakasindak, matagal na pag-alulong ng isang nilalang ang biglang umalingawngaw sa buong paligid, tumaas ang lahat ng balahibo ni Naxa, napahakbang siya ng paatras, at siya'y nagpalinga-linga ng magkakasunod.

"Ano ba naman klaseng tunog iyon?!"

"Huwag kang mataranta. 'Wag kang mataranta. " saad niya sa sarili niya. Bumilis ang pagkabog ng kanyang dibdib, minadali niya ang kanyang paghinga, at kumaripas siya pabalik sa Veneno Roadster.

Nagmadali siya sa pagpasok sa kotse, awtimako dapat ang pagsara ng pintuan ng sasakyan pero hindi na niya hinintay pa, hinatak niya ang hawakan ng pintuan at ibinalibag niya ang pagsara nito. Inilagay niya sa primera ang kambyo, tinapakan niya ang gasolina at pinaharurot niya ang sasakyan.

"Wala nang dahilan pa para magtagal ako sa lugar na ito!"

Pero hindi pa man nakakalayo si Naxa, biglang sumagi sa isipan niya ang lahat ng kanyang mga nakita—ang wasak na mga sasakyan at ang mga piraso nito, ang mga nakahandusay na tao at ang kanilang mga dugo, at ang lalaking nabundol niya.

"Bwisit!" sabi niya, tinapakan niya ang preno at pinatigil niya ang kotse. Isinandal niya ang kanyang noo sa ibabaw ng manibela, lumanghap siya ng malalim, at pinakalma ang sarili.

"Naririnig ko ang mga taong iyon sa isipan ko. Naririnig ko ang kanilang pagmamakaawa. Ang kanilang mga pagtangis. At ang kanilang mga pagdurusa."

Huminga siya ng palabas, inilarawan niya sa kanyang isipan ang mga bagay na kailangan niyang magawa, at pumili siya sa bawat isa rito ang dapat niyang uunahin at dapat ito'y maging malikhain.

"Kailangan kong maging estratehiko at kailangan kong malagpasan ang sitwasyon na ito ng unti-unti pero sigurado."

"Okay. Dapat ko muna malaman kung anu-ano pa ang mga nasa kapaligiran ko bukod sa mga nakita ko na." sabi ni Naxa at lumabas siya ng kotse.

Bilang panimula, inilabas ni Naxa mula sa bag niya ang isang gabilya, may haba na isang dangkal at lapad na isa't kalahating pulga, at ito ay isang uri ng Magical Equipment. Itinayo niya ang Magical Equipment sa kalsada, ayon sa naging utos ng kaisipan niya ay naging aktibo ang Magical Equipment at gumana ang mahikang tinataglay nito, at sa pamamagitan din ng mahikang ito ay nagsimulang magbagong-anyo ang Magical Equipment.

Ito ang unang Magical Equipment na ginamit niya, at dalawang Magical Equipment pa ang natitira na maaari niyang magamit para sa araw na ito.

Dumistansya si Naxa sa Magical Equipment na nalalapit na ang pagtatapos ng pagbabagong-anyo, ipinikit niya ang kanyang mga mata, at sinabi niya sa pamamagitan ng kanyang isipan, "Ngayon, nais kong makita ang nasa loob ng madidilim na mga bahagi ng nasa aking kapaligiran."

Natapos ang pagbabagong anyo, ang Magical Equipment ay naging isa nang uri ng bantay sa anyo ng isang guwardiya—ang Moonlit Sentinel Core-A. Ang Moonlit Sentinel Core-A ay may apat na ulo sa iba't bang direksyon, sa hilaga at silangan, sa timog at kanluran, may isang pares ng mata ang bawat mukha nito, at nag-iisa lang ang katawan nito, walang mga braso at walang katawan pang-ibaba. Ang metro ng buhay nito ay sampu lang, hindi nito taglay ang kakayahan para ipagtanggol ang sarili nito o depensahan ang sarili nito mula sa mga atake, at hindi rin nito taglay ang kakayan na lumaban. Ang tanging maibibigay lang na kakayahan nito ay ang masidhing paningin sa ligid ng isang itinalagang lugar na kinalalagyan nito.

Ang Moonlit Sentinel Core-C Max ay likha ng mga Legendary Heroes na may Core na Second Degree. Ang limitasyon sa paggamit nito ay limang piraso lang sa bawat tao o bayani man, ang isang piraso nito ay maaaring gamitin sa kada tatlumpung minuto, at magtatagal naman ang epekto nit sa loob ng tatlong oras. Ito'y mabibili sa Excluditive Section ng mga Core-C Max Legendarian Shop sa buong mundo, at ito'y may halagang €750, 000.

Ang lahat ng mga Magical Equipments ay maaaring ipamahagi ang sa ibang tao o bayani man, pero depende pa rin sa Private o Local na kategoryang mayroon ang Magical Equipment na ito—ang Private ay ang kategorya ng mga Magical Equipments na maaari lang gumana ayon sa utos ng nakapangalan dito na tao o bayani. Wala nang iba pang maaari gumamit nito maliban sa nagmamay-ari na tao o bayani, maliban na lang kung pahintulutan ng alin man sa dalawa, tao o bayani, na ipagamit ang Magical Equipment sa iba. Ang Local ay kategorya naman ng mga Magical Equipments na para sa lahat ng mga tao o bayani, at dumedepende na lang sa kung sino ang humahawak nito.

Bumukas ang mata ng Moonlit Sentinel Core-S, kumawala sa paligid nito ang pabilog na hindi nakikitang awra at mahika, at sinakop nito ang distansya na dalawang libo't limang daang metro. Naging mas malinaw sa paningin ni Naxa ang mga wasak na mga sasakyan at mga patay na tao. Nakita rin niya ang kabuuan ng kapaligiran—bitak-bitak ang aspaltong kalsada, nabuwal ang mga punongkahoy, at pundido ang mga poste ng ilaw.

"Ngayon, oras na para hanapin ang tunay na salarin at responsable sa karumal-dumal at walang awa na pagpatay na ito." sabi niya, hinarap niya ang nasa kanyang likuran at dito niya nakita ang isang batang babae. Niyayakap ng batang babae ang sarili nito, ang kinaroroonan nito ay nasa isang makitid at mabatong lungga, at tumutulo ang luha sa mga mata nito.

Inilibot pa ni Naxa ang paningin niya, nahagip pa niya ang isa pang gumagalaw na bagay na nasa anyo ng isang tao pero hindi niya ito matukoy kung lalaki o babae ito, dahil malabo ang imahe nito sa kanyang mga mata at marahil ay hindi na saklaw pa ng Moonlit Sentinel Core-S ang bagay na ito. Kaya naman, para mas maging malinaw sa kanya ang anyo ng bagay na ito, iniba niya ang bisyon ng Moonlit Sentinel, mula sa panggabi na bisyon ng Moonlit Sentinel ay pinalitan niya ito bilang negatibo na bisyon at sa pamamagitan ng negatibo na bisyon ay makikita niya ang mga Essence ng mga may buhay na nasa kanyang kapaligiran—mula sa mga insekto, mga halaman at puno, ang batang babae, at ang isa pang anyo ng buhay.

Ang bagay na gumagalaw, ang bagay na nakita niya ay isang mapulang Essence, tumaas muli ang mga balahibo niya, bumilis ang pagtibok ng kanyang puso, at sinabi niya, "Hindi ito maganda."

Naudlot ang mga desisyon ni Naxa, pinangunahan na siya ng pagtatanto niya at pagdadalawang-isip niya, matapos niya nakita na papalapit na ang mapulang Essence ng isang Mythical Creature sa maputing Essence, ang Essence ng batang babae.

"Sa oras na tangkain ko ang makialam, tiyak na malalagay ko ang aking sarili sa kapahamakan!"

Pero sa kabila man ng panggugulo ng sarili niyang konsiyensya sa kanya, kinabahan pa rin siya para sa kaligtasan ng batang babae, at napagtanto niya na kailangan niyang kumilos.

"Hindi ko kayang magsawalang-bahala na lang! Hindi ko pahihitulutan na basta na lang ako lamunin ng kaba, takot at sindak na 'yan!"

Nagtungo si Naxa sa likuran ng kotse, sinusian niya ang kompartimento at binuksan niya ito, at pumili siya ng mga kakailanganin niya na mga kagamitan. Dinampot niya ang mga gabilya na may maningning na baras at ang mga botilya na may maliwanag na likido, inilagay niya ang mga gabilya at mga botilya sa bag at ang lahat pa ng mga gabilya at mga botilya na maaaring magkasiya sa bag, at isinara niya ang kompartimento.

Huminto siya sandali, iniyuko niya ang katawan niya, inilapag niya ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng kompartimento, at sinabi niya, "Para lang itong isang proyekto. Para lang 'tong malaking proyekto na kailangan kong gawin para sa ikakaganda ng kumpanya."

Tinanggal ni Naxa ang pagkakabutones ng diyaket niya, inililis niya ang kanyang mga manggas, at inalis niya ang kanyang kurbata. Binunot niya ang swiss knife sa bulsa at ginamit niya itong pangtastas sa kanyang palda para madalian siya sa kanyang pagkilos. Itinadyak pa niya ang mga kanyang mga binti, tumalsik ang kanyang mga sapatos na may apat na pulgadang takong, at iniapak niya ang kanyang mga paa na may medyas.

"Isang Monster Class Third Evolution na Werewolf ang kakaharapin ko. Nasisigurado kong epektibo ang ito. " sabi niya, tinititigan niya ng mabuti ang botilya na nasa kanyang palad.

Ininom ni Naxa botilya na naglalaman ng maliwanag na likido, naramdaman niya na may dumadaloy na kakaiba nito sa kanyang mga ugat, sa kanyang mga kalamnan, at sa kanyang mga buto. Sa oras na magkaroon ng epekto sa kanya ang ininom niya, doon niya malalaman na maaari na niya itong gamitin.

Ito ang unang botilya na ginamit niya, at hindi na siya maaaring gumamit pa ng kahit ano para sa araw na ito.

"Gawin na natin ito!" sabi niya.

Lumukso si Naxa pababa ng kalsada, nagpadausdos siya sa damuhan, at tinahak niya ang madilim na daan, ang daan na papasok sa kagubatan.

Huminto sa pagtakbo ang Mythical Creature na Werewolf, ang salarin at ang responsable sa karumal-dumal na mga pagpatay at ang nagpakawala ng nakakasindak na pag-alulong, itiningala nito ang ulo nito at sinimulan nito ang pag-amoy sa hangin. Panandaliang ipinikit nito ang mga mata nito, sinuri nito ang nalanghap nito na amoy, at muli nitong idinilat ang mga mata nito kasunod ng isang mababang pag-angil— senyales nahanap na nito ang kinaroroonan ng sinusundan nito na amoy.

Itinuloy ng halimaw ang pagtakbo, napadpad ito sa isang masukal, mabato at matinik na parte ng kagubatan. Ikinalmot nito ang mga kuko nito sa nakaharang sa harapan nito, nabuwal ang mga puno at nahati ang mga bato, at nabunyag ang batang babae na nasa loob ng makitid na lungga.

"Natagpuan din kita!" sabi ng Werewolf sa wikang Welsh.

Hinablot ng Werewolf ang nagdadalagang katawan ng batang babae, nilanghap nito ang asul na buhok ng batang babae, pababa sa hubad na leeg nito at hanggang sa may pagitan ng patpating mga hita nito.

Kumunot ang nguso nito, lumitaw ang mga pangil nito at gilagid, at sinabi nito nang may kasamang pag-angil sa batang babae, "Sa ayaw mo at gusto, susundin mo ang lahat ng nais ko."

Hindi na nakakilos pa ang batang babae dala ng pagkatakot sa Werewolf, hindi na rin nito nagawang manlaban pa sa kadahilanang maaaring madaliin ng halimaw ang pagkuha sa buhay at Essence nito, at naisip na lang nito, "Tatanggapin ko ng maluwag sa aking kalooban kung ano ang kahahantungan ko sa kamay ng Werewolf na ito."

Binitbit ng Werewolf ang batang babae, ipinatong nito ang bata ng nakadapa sa isang balikat nito, at lumakad papasok sa mas malalim na parte ng kagubatan.

Hinawakan ni Naxa ang isang gabilya, naging aktibo ang Magical Equipment na ito, at ito ay nagbagong-anyo at naging tatlong piraso ng mga lilang marmol—ang Shades of Fumes. Ang Shades of Fumes ay likha ng mga Legendary Heroes na may Primary-Core, kadalasan ay mga Ninja Heroes Type. Ang paggamit ng Shades of Fumes ay maaaring paisa-isa o sabay-sabay, ito ay walang limitasyon, at sa oras na mapakawalan ito ay magtatagal ito sa loob ng isang minuto at ang epekto ng lason nito ay magtatagal sa loob ng sampung minuto. Ito ay mabibili sa Offensive Section ng lahat ng mga Legendarian Shops sa buong mundo.

!

Ibinato niya ng direkta sa Werewolf ang lahat ng Shades of Fumes, tumama ang tatlong piraso ng lilang marmol sa likod ng halimaw, at ang mga ito'y sumabog. Kumawala ang makapal na ulap ng nakalalason na usok, isinara ng halimaw ang mga mata nito ng lagkahigpit-higpit, napahawi ang mga kamay nito, at napaatras ng ilang hakbang.

Nalaglag ang batang babae mula sa balikat ng Werewolf, gumapang siya sa damuhan, palayo mula sa halimaw, pero maging siya ay naapektuhan ng Shades of Fumes, at siya'y nahirapang huminga.

Pero kalkulado ni Naxa ang lahat, naglabas muli siya ng Magical Equipment, at nagbagong-anyo ito bilang —ang Anti-Magic Core-S. Ang A-Magic Core-S ay likha ng mga Legendary Heroes na Wizardry Core. Ang paggamit ng Anti-Magic Core-S ay isang beses lang, magtatagal lang ang epekto nito sa loob ng isang segundo pero panigurado na papawiin nito ang anumang nakakalasong mahika. Ito ay mabibili sa Supportive Core-S Section ng mga Core-S Legendarian Shops sa buong mundo, nagkakahalaga ito ng €750, 000.

Kumaripas ng takbo si Naxa, nilapitan niya ang batang babae, at mabilis niyang dinakma ang braso nito. Inalalayan niya na makatayo ang bata, hinila niya ito na kasama niya at sabay silang tumakbo palayo.

Hindi na namalayan pa ng Werewolf ang ginawang pagtakas ni Naxa sa bihag nito na batang babae, hindi na rin nito naamoy at natukoy ang amoy ni Naxa dahil sa kapal ng Clinaume, at dahil na rin sa hinahabol pa rin nito ang paghinga nito.

Inihawi ng halimaw ang braso nito ng pasulong at paatras, ikinalmot nito ang mga kuko nito sa kaliwa't kanan, at nilisan nito ang lugar na may makapal ng usok. Isinandal nito ang sarili nito sa isang punongkahoy, at sinimulan nito ang paglaban sa lason. Ibinuga nito ang lahat ng nilalaman ng baga nito na naghalong oksiheno at nakakalasong usok, kinuskos nito ang mga mata nito at iwinagwag nito ang ulo nito.

Nang mahimasmasan ng kaunti ang Werewolf, pinakawalan nito ang isang pag-alulong sa sobrang inis, at sinabi nito na may kasamang pag-angil, "Walang sinuman ang maaaring humadlang sa mga plano ko!"

Narinig ni Naxa ang pag-alulong ng Werewolf, dumadaloy ang pawis sa kanyang sentido, nagmamadali sa pagtibok ang kanyang puso, at naisip niya, "Putek! Ano ba itong ginagawa ko!"

Isinukbit niya ng mabuti ang dumadaplis na bag sa kanyang balikat, itinikom niya ang kanyang kamao, at ginulo muli siya ng kanyang sariling konsiyensya at naisip niya, "Isa 'tong kabaliwan! Isa lang akong ordinaryong anak ng isang pamilya at isang mamamayan ng bansang ito!"

Pero sa kabila nito, hindi hinahayaan ni Naxa na mamayagpag ang kanyang pagdadalawang-isip, ipinagpapatuloy pa rin niya ang kanyang pagtakbo, at inalalayan niya ang batang babae na makarating sa ligtas na lugar.

Nanlabo ang paningin ng batang babae, sumuray-suray ang mga binti nito at lumuluwag ang pagkakahawak nito sa palad ni Naxa.

Napatibaw ang batang babae kay Naxa, nilingon niya ang bata, binalikan niya ito, at inalalayan niya ito na muling makatayo pero pag-iling ng ulo lang ang naging tugon nito sa kanya, malalim na mga paghinga at pamumutla ng labi.

Bumunot ulit si Naxa ng isa pang Magical Equipment at naging anyo ito ng tubo na may laman na likido—ang Juvenile Core-S. Ang Juvenile Core-S ay likha ng mga Legendaey Heroes na Fourth Degree Core. Ito ay napakaepektibo sa mga tao o bayani na may malala at nanghihinang kondisyon lakas at katawan. Ito ay mabibili sa Supportive Core-S Section ng mga Core-S Legendarian Shops sa buong mundo, nagkakahalaga ito ng €300, 000.

Inalis niya ng takip ang Juvenile Core-S, itinapat niya ito sa bibig ng batang babae, at sinabi niya sa bata, "Inumin mo."

Ininom naman ng batang babae ang alok ni Naxa na Juvenile Core-S, ininom nito ito hanggang sa huling patak, at nagsimulang manumbalik ang sigla ng katawan nito. Bumalik ang maayos na pagdaloy ng oksiheno sa mga ugat nito, naging klaro ang takbo ng kaisipan nito, at nabuhayan ang mga kalamnan nito. Itinayo nito ng mag-isa ang sarili nito, itinaas nito ang ulo nito, at itinindig nito ang katawan nito.

"Salamat." sabi ng batang babae kay Naxa.

"Tara na." tugon ni Naxa, muli niya hinawakan ang kamay ng batang babae, at itinuloy nilang dalawa ang kanilang pagtakas.

Pagka-akyat nila Naxa at ng batang babae sa may kalsada, luminga si Naxa sa puwesto na pinag-iwanan niya ng kotse niya, natanaw niya ang sasakyan na may layong walumpung metro, at sinabi niya sa babae, "Malapit na tayo. Magmadali na tayo."

Isinukbit niya ng maigi ang kanyang bag sa kanyang balikat, inayos niya kanyang ang sarili at naghanda para sa isang mas mabilis pagtakbo nila ng batang babae.

Labin-limang metro na lang ang layo ni Naxa at ng batang babae mula sa kotse nang sa sumunod na sandali ay bumagsak ang mabigat na anyo sa sasakyan—ang Werewolf.

Ssssssshuboom!

Napunit sa gitna ang sasakyan, humiwalay ang magkabilang parte ng sasakyan, at kumawala ng pakalat ang pagsabog ng apoy. Dinilaan ng apoy ang ibabaw ng kalsada, ginapang ng apoy ang mga punongkahoy, at tinalsikan ng apoy ang damuhan.

"Sa lahat ng mga sasakyang nandito sa paligid, bakit nga naman hindi ang kotse ko na nagkakahalaga lang naman ng 187.8 milyong piso." sabi ni Naxa, pinagmamasdan niya ang pagbagsak ng mga nagliliyab na piraso ng kotse, at niyayakap niya ng kanyang mga bisig ang batang babae.

Masama ang pagkakatitig ng Werewolf kina Naxa at batang babae, nakabakat sa mga mata ng halimaw ang aninag ng apoy, at nagkikimkim ang halimaw ng inis sa kanila, pero sa kabilang banda ay ngumisi ang halimaw.

Thud! Thud! Thud!

Bumaba ang halimaw mula sa ibabaw ng yuping kotse, sa bawat paghakbang ng halimaw ay mas lalong nadudurog ang sasakyan, ibinagsak ng halimaw ang paa nito sa kalsada, at sinimulan ng halimaw ang paglapit kina Naxa at sa batang babae.

Pinagmasdan ni Naxa ang kanyang braso, itinikom niya ang kanyang kamao, at natapuan niya na hindi pa nagliliwanag ang kanyang bisig, at sinabi niya sa pamamagitan ng kanyang isipan, "Ngayon na ang tamang oras para gamitin ko ang mahika."

Nilingon niya ang batang babae, tinitignan nito ang lumalapit na Werewolf, at halata sa mga mata nito ang pagkatakot sa halimaw. "Kailangan ko nang madala sa ligtas na lugar ang batang ito."

Hinarap ni Naxa ang batang babae, lumuhod siya sa kanyang isang tuhod, at sinabi niya, "Ako si Ate Naxa. Maaari ko bang malaman ang pangalan mo?

"Lili po..." sagot ng batang babae.

"Lili? Pinagkakatiwalaan mo ba ang Ate Naxa mo?"

"Mhm." sagot nito na may kasamang pagtango.

Ngumiti siya. "Maaari ba akong humiling sa iyo sa huling pagkakataon?"

"Ano po iyon, Ate Naxa?"

Naglabas si Naxa ng isang botilya, inalisan niya ito ng takip, inilagay niya ito sa palad ni Lili, at sinabi niya kay Lili, "Maaari bang inumin mo ito para sa akin?"

Ininom ni Lili ang laman ng botilya.

Idinampi ni Naxa ang palad niya sa pisngi ni Lili, tumingin siya sa mga mata nito, at sinabi niya, "Magiging maayos ang lahat. Ipinapangako ko iyo."

Inalis niya ang bag sa kanyang balikat, ibinaba niya ito, at itinaob niya ito. Tumapon ang mga gabilya at mga botilya, nagpagulong ang mga ito, at nagkalahat ang mga ito sa kalsada.

Tumayo si Naxa, huminga siya ng malalim, ipinikit niya ang kanyang mga mata, at sinabi niya, "Imitate! Offensive Magical Barrier; Lightning Octopod!"

Pinaikot niya ang kanyang nakabukas na mga palad, pinaghiwalay niya ang kanyang mga paa, at itinindig niya ang kanyang katawan. Lumabas ang isang mala-bughaw na mahika sa dulo ng kanyang mga daliri, binalutan ng mahika ang kanyang mga bisig, at pinaliwanag ng mahika ang kanyang buong braso—isa na itong sensyales na nakahanda na ang nainom niya na maliwanag likido at maaari na niyang pakawalan ang mahika.

Kkkkkrrrrtttcch!

Umangat ang mahika ng panangga mula sa balat ni Naxa, tumakip ito sa buong katawan niya, lumabas ang mga pisi ng kidlat mula hibla ng kanyang mga buhok, binaybay ng mga ito ang kanyang braso, at lumitaw ang enerhiya mula sa kanyang mga ugat, gumapang ito patungo sa dulo ng kanyang mga daliri.

Bzzt! Bzzt! Bzzt!

Dumating sa harapan ni Naxa ang Werewolf, natagpuan ito ng mas malapitan, ito ay may maskuladong katawan na may tumatanggap ng matinding pinsala, ito ay may matatalim ang mga kuko na pumupunit ng laman, at ito'y may naglalakihang mga ngipin na dumudurog ng buto. Ito ay supling ng dalawang magkaibang Mythical Creature, ang isa ay Humanoid Class at ang isa ay Beast Class.

"Anong klaseng amoy iyon?!" naisip ni Naxa, nagusot ang kanyang mukha, kumunot ang kanyang noo, bumalikwas ang kanyang ilong at ngumuwi ang kanyang bibig. Bumaligtad ang kanyang sikmura, nagwala ang lahat ng laman nito, at nagbanta ng isang pag-alboroto.

"Ang lakas ng iyong loob na makialam, Tao! " sabi ng Werewolf kay Naxa.

Masyadong inilapit ng Werewolf ang sarili nito kay Naxa at mas lalo tuloy siyang naging hindi komportable, nalanghap niya ng buong-buo ang masangsang na amoy ng sariwang dugo na nakasaboy sa mukha nito na dumadaloy tungo sa labi nito, at sinabi niya, "Gaya ng inaasahan ko. Ang mga katulad ninyong mga Werewolf ay walang awa kung pumaslang."

Tinignan ng Werewolf ang mga bisig ni Naxa, napansin nito nagliliwanag ang mga ito, napagtanto nito na ito'y isang pag-atake, at sinabi nito, "Gagamitin mo ba iyan laban sa akin?"

Hindi inintindi ni Naxa ang tila pangmamaliit ng Werewolf sa kanya, ipinagtabi niya sa harapan ang kanyang mga bisig, itinutok niya ang kanyang mga nakabukas na palad sa halimaw.

Binuksan ng Werewolf ang depensa nito,

Pinakawalan ni Naxa ang Lightning Octopod, nalikha ang pabilog na harang ng mahika sa kanyang palibot, humiwalay ang mga galamay ng kidlat sa kanya braso, at lumabas ang pisi ng kulog sa kanyang mga daliri.

Naglaho ang ngisi sa mukha ng Werewolf, nasalo nito ng buong-buo ang Lightning Octopod, tumilapon ang sarili nito.

Sa pamamagitan ng isipan, inutusan ni Naxa ang Lightning Octopod para saltikin nito ang Werewolf, sinakop ng mga galamay ng kidlat nito ang mga braso ng halimaw, ikinulong nito ang halimaw sa isang bilog na kulungan. Bumaon ang mga galamay ng kidlat sa kalsada, dumadaloy sa mga galamay ang tunog ng kidlat, at lumabas sa mga galamay ang presyon ng mahika.

Nilamon nito ang halimaw, ikinandado nito ang halimaw sa loob ng mahika nito, at hindi nito hahayaan na makakawala ang halimaw, basta't mapapanatili lang niya na matatag ang sarili niya upang maipagpatuloy lang ng ang abilidad nito laban sa halimaw.

Pinanatili niya na nakatayo ang kanyang sarili at hindi hinayaan na mapaluhod siya ng side effect ng magic. Lumalabas ang mga ilaw ng kidlat at tunog ng kulog mula sa kanyang nagliliwanag na bisig at palad, at sinabi niya sa kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang isipan, "Ganyan nga, Naxa! Panatilihin mong ganyan!"

"Lili! Gusto ko na isipin po ang tungkol sa tahanan ninyo sa pamamagitan ng mata ng isipan mo! At ulitin mo ang lahat ng sasabihin ko!" malakas na sabi ni Naxa, natatabunan na ng mga pagkislap ng mga kidlat at dagundong ng mga kulog ang kanyang boses.

"Opo!" sagot ni Lili, ipinikit nito ang mga mata nito, at inilarawan nito sa pamamagitan ng mata ng isipan nito ang lugar ng tahanan nito, ang lokasyon, at ang mga taong nakatira.

"Imitation!" sabi ni Naxa.

"I-Imitation?" sabi ni Lili, lumitaw ang isang mahikang plato sa ilalim ng mga paa niya, ito ay may iba't ibang mga simbolo, letra at tanda.

"Excluditive Magical Assist—"

"E-Excluditive Magical Assist?"

"Gateway! Prism!"

"G-Gateway! Prism!" Nagningning ang mahikang plato na kinatatayuan ni Lili, lumabas ang liwanag, kumawala ang hangin, at ang liwanag at hangin ay naging isang mahikang bahaghari. ay isang Ang umpisa ng mahikang bahaghari ay nag-uumpisa kay Lili, ang kalagitnaan ng katawan ng mahikang bahaghari ay nasa kalangitan, at ang dulo ng mahikang bahaghari ay nasa tahanan ni Lili.

Tinangay ng Gateway Prism si Lili.

"Magaling ang ginawa mo, Lili." sabi ni Naxa, sinusundan niya ng tingin ang umaalis na liwanag na kinalalagyan ni Lili.

Inilingon niya ang imitasyong mahika, ipinaglapit niya ang kanyang kamay, lumakas ang kapangyarihan ng mahika, itinikom niya ang kanyang kamay, humigpit ang pagkakasara ng mahika, at sinabi niya, "Ngayon, kailangan ko na lang pakitunguhan ang Werewolf na ito."

Hranch!

Bumulong ang paglamukos sa kanyang tainga.

Kshudge! Krak!

Nagkalamat ang kulungang mahika ng Lightning Octopod, nabunot ang mga galamay ng kidlat nito sa aspaltong kalsada, at tumagas ang mga tunog ng kulog nito sa malamig na hangin.

"Hindi maaari!" nanggigigil na sabi ni Naxa. Isinara niya ang kanyang mga palad, bumalik sa pagkakabaon ang malalaking mga galamay ng kidlat sa kalsada, ipinaglapit niya ang kanyang mga bisig, naghilom ang lamat sa globong mahika, at inabante niya ang kanyang paa, mas pinatibay niya ang Lightning Octopod.

"Hindi magtatagal, siguradong bibigay ang katawan ko. Kapag nangyari iyon, tiyak na mawawalan na ng epekto ang Lightning Octopod. Panigurado na mapipilitan akong tumawag ng isang legendary hero para iligtas ako."

LUBOS PO AKONG NAGPAPASALAMAT SA PAGBABASA! 😊