Chereads / Venom Academy : School of Elites / Chapter 2 - Chapter 01

Chapter 2 - Chapter 01

Oneal's POV

"Suspended?" Basa ni tito sa letter na ibinigay ng Principal saakin kanina bago ako isuspend. Nandito ako ngayon sa office niya para sabihin ang tungkol dito. I could see how he massaged his temple.

Jeez, Oneal. For the Nth time, nai-stress mo nanaman si tito.

"Tito, it's not my fault. Hindi ako ang nagsimula ng away. I just had to protect myself that's why I fought back." I defended with my brows furrowed.

I heard him heaved a sigh saka ipinatong sa kanyang desk yung letter mula sa Principal. "Oneal, hija. This is the third time na nasuspend ka dahil sa mga kalokohan mo sa iskwelahan na iyon. Kung tutuusin dapat matagal ka ng pinatalsik sa Academy na iyon kung hindi ko lang sinusuhulan ng bagong building at dose-dosenang Mac computers ang Academy na iyon para lang hindi ka nila paalisin because you told me that you wanted to stay there." Aniya. He sound disappointed.

Palagi naman ganun eh. Palagi nalang disappointments. Wala ng bago.

"Bakit hindi mo gayahin yung pinsan mo? Kahit mukhang pinaglihi sa sama ng loob at kinakatakutan ng lahat sa University na pinapasukan niya, hindi parin niya pinapabayaan ang pag-aaral niya and at the same time he's giving pride to their mafia group."

Napangisi ako. "Tito, magkaiba kami ni Jordan kaya huwag na huwag mo akong kino-compare sa kanya." This is what I hate about my tito. He always compare me to my cousin, Jordan.

Palibhasa siya ang pinaka paborito niyang pamangkin kaya parati nalang kay Jordan siya pumapabor kahit may mga kalokohan parin yung tukmol na yun sa University na pinapasukan niya.

Sinubukan ko naman tapatan ang expectations ni tito saakin, but it always end up with disappointments. Nakakasawa, so I stopped.

"I'm not going to spend a penny para mapanatili ka muli sa Academy na iyon. I'm moving you out. Whether you like it or not, I'll send you to Mafia University." Automatiko akong napatayo nang marinig kong sabihin iyon ni tito.

"You're not sending me to Mafia University, tito!" I protested. There's no way I'll enter that freakin' school.

Ayokong makasama sa iisang campus si Jordan dahil malamang sa malamang iko-compare lang din nila ako sa kanya and I already had enough with that. Isa pa, hindi kami catch ni Jordan. We're not even close to begin with.

"Have you heard the news?" Tanong niya. Bago pa man ako makatango ay muling nagsalita si tito. "An heir from a royal family who's been missing for almost three months was found dead in Sector 2. Last last year, may kaso rin na ganito. This is alarming, Oneal. The suspects are up to something to people who's from a royal family. A people like you. For sure, ikaw ang susunod nilang target ngayon dahil ikaw nalang ang nag-iisang heir na nanggagaling sa royal family." Umiwas ako ng tingin sabay cross ng pareho kong kamay over my chest.

I hate this kind of life. Kung sa ibang tao, pride para sa kanila ang pagkabilang sa royal bloodline, well not for me. I wanted to live a normal life and do all the things I like pero tulad nga ng sabi ni tito, galing ako sa royal family which made me do limited moves.

Noong bata pa ako, naaalala kong hindi sila ganito kastrikto saakin. They even allow me to go outside kasama lang ang isang maid pero nang magkaroon ng hierarchical war, dun na natapos ang lahat ng maliligayang araw ko.

Nawalan ako ng kaibigan at pati paglabas ng bahay ay nawalan na rin ako ng gana. Sino ba naman magkakaroon ng gana na lumabas kung sampu-sampung bodyguards ang kailangang nakabuntot sayo? Dinaig ko pa ang isang most wanted criminal kung bantayan. Nakakasakal.

Sa buong Underground Society, tatatlo nalang ang mafia group na galing sa royal family. The Mafia Serventez who's their heir has been reportedly dead 2 years ago, the heir from Mafia Young na tinutukoy ni tito kanina na natagpuang patay sa sector 2 and lastly, the Mafia Sandoval, the last heir among the Royal Bloodline. Me.

Labas na sa pagiging royal blood ang pamilya ni Jordan dahil hindi sumunod ang kanyang ama sa royal rule. He married a commoner which makes them out of the picture.

In order to preserve the Royal Bloodline, kailangan galing sa royal family ang mapapangasawa mo. Ito ang rason kung bakit tuluyang nauubos ang may mga dugong royal. From hundreds of families with royal bloodline down to one.

"The outside world isn't safe for you anymore. Pinagbigyan na kita sa kahilingan mong mag-aral sa Sector 13 para mamuhay malayo sa Underground Society but this time let me do the decisions. Mafia University is the only safe place na nakikita kong pwede mong pasukan."

"I can't stand being near to Jordan, tito. Send me to Venom Academy instead." Kita ko ang gulat sa mukha ni tito. Tila hindi niya ineexpect na sasabihin ko iyon sa kanya.

"But you hate that school." I know, but I don't have a choice. That's the only option I got right now.

"But I would hate Mafia University even more. That's final. Fix my documents right away, tito. I'll be taking my rest now." Sabi ko saka tumalikod na. I heard tito sighed bago ako naglakad patungo sa pinto at lumabas.

This is a very tiring day. Masyadong matagal ang naging biyahe ko from Sector 13 pauwi ng base. Umuwi na ako dahil sa kadahilanang suspended nanaman ako. There's no use kapag mananatili ako sa unit. Mababagot lang ako.

And to mind you, Sector 13 ang tawag namin sa parameter na kung saan sinasakupan na ito ng Gobyerno. Ang lugar na kung saan hindi pangkaraniwan sa pandinig ng mga tao ang salitang "mafia", "gangster" at iba pa.

xx

After 2 days na hiningi kong pahinga kay tito, ngayong araw na ang official transfer ko sa Venom Academy. The maids already packed my things na dadalhin ko sa Academy. In-house basis kasi ang Academy na iyon.

"These are your school documents." Inabot saken ni tito ang isang folder na agad ko namang binasa pagkakuha.

Napakunot ang mga noo ko nang makita ang nakapaloob sa folder , "I've decided to change your identity for safety purposes. Venom Academy is safe pero ayokong pakampante. The moment you enter the Academy, you will introduce yourself as Oneal Meneses. Anak ng isang loyal servant ng mga Sandoval. Do you understand me, Oneal?" Huminga muna ako ng malalim saka tumango-tango kay tito.

Hindi ako aangal. In fact, agree ako rito sa decision na 'to ni tito. Kahit sa sandaling panahon man lang, maranasan ko muli ang pakiramdam kung paano mabuhay ng isang normal.

"Good. Tara na at para marating natin ang Academy sa tamang oras. I have alot of things to do pero kailangan muna kitang ihatid sa Academy, myself to ensure your safety."

Lumabas na kami ng bahay saka diretsong nagtungo sa helipad na kung saan nag-aantay ang sasakyan naming helicopter papunta sa Academy. Sa isang pribadong isla kasi ng sector 6 nakalocate ang nasabing Academy.

Nang marating namin ang helipad, nakita ko ang ilan sa mga tagapagsilbi namin na nakalinya habang bahagyang nakayuko. They always do these everytime aalis at darating ako ng bahay as their form of respect to their young mistress which I honestly hate it.

"Are you ready?" Asked tito. Huminga muna ako ng malalim saka tumango.

"I'm ready, tito." Tumango siya saka sinenyasan na yung piloto. The pilot of the private helicopter started the engine at unti-unti kong nakikita ang pag-angat namin sa himpapawid.

Inirelax ko ang aking likod saka ipinikit ang aking nga mata. Lulubusin ko na ang pagiging buhay royal ko dahil pagtapak na pagtapak ko sa Academy na iyon, isang normal at mababang ranko nalang ako sa mata ng publiko.

Say goodbye temporarily to Llana Oneal Sandoval and welcome my new identity, Oneal Meneses.