Chereads / Venom Academy : School of Elites / Chapter 5 - Chapter 04

Chapter 5 - Chapter 04

Oneal's POV

"You slapped him!?"

Napangiwi ako sa lakas ng boses ni KL. It was so freakin' loud that I had to put away the phone from my ear.

"He just freakin' hugged me without my consent! He's a freakin' pervert!" Pakikipagtalo ko kay KL. Nasa rooftop ako ngayon para hindi marinig ni Grandy at ng kahit na sino ang pag-uusap namin ni KL.

Iniiwasan ko pa naman masangkot sa issue lalong-lalo na't napaka big deal sa lahat pag sangkot ang mga taga-Black.

"So, you slapped him?" Ulit niya. Tila hindi siya makapaniwala na ginawa ko iyon.

"Yes!"

I heard him chuckled, unbelievably. "Oneal, ang sakit mo sa ulo!"

"Ano ba kasing meron sa lalaking yun?" Naiinis na talaga ako. Siya ang sisira sa normal kong buhay dito sa Academy eh.

"Haven't you heard what he just said in your dining hall? He's the President of the Student Body and the Commander of the Gang! He got higher position than mine! And knowing you're under Red, hindi niya palalagpasin yung ginawa mo." Mas lalo akong tinatakot ni KL. Punyemas na lalaking 'to. He's not freakin' helping.

"So, ano ng gagawin ko?" May bahid na ng pag-aalala yung boses ko.

"Pray! I already told you that students under Black are such an attitude. Special mention, si Saint!"

"You're not freakin' helping me." Napamasahe na ako sa sentido ko.

I heard he heaved a very deep sigh. Kahit di ko siya nakikita, for sure napapamasahe na rin siya sa sentido niya. "I'll do something about this but I won't promise, Oneal. Take some rest. Maaga pa ang klase mo bukas."

I ended the call and cussed out of frustration. I stayed there for about a minute before heading back to our room. Pagkapasok, I saw Grandy who's busy studying in her desk.

"Ok ka lang?" She asked, worriedly.

"Mukha na ba akong walking tombstone?" Wala sa sarili kong tanong kay Grandy.

I think she find my question hilarious kaya narinig ko ang bahagyang pagtawa niya. "Is it about what happened in the dining hall?" I slightly nod. "Well...." She bit her lower lip. Tila nag-iisip kung anong pwedeng positive na sarili na pwedeng sabihin saakin.

"Well what?"

"Let's just think positive nalang!"

I scoffed. Positive, huh? After what KL just told me, magagawa ko pang mag-isip ng positive? Kung alam ko lang na mangyayari ang lahat ng 'to, pinigilan ko nalang sana yung tawag ng kalikasan. Like seriously, of all people, bakit siya pa yung mae-encounter ko sa harap ng girls' CR! Well, it's his fault in the first place!

Kung hindi siya basta-bastang nang-aakap hindi dadapo ang kamay ko sa pisngi niya. At saka bakit ba kasi ako natatakot? Dahil ba sa ranko na meron siya? Oh, please!

Hindi ko nalang pinansin ang mga kung ano-anong pumapasok sa isip ko at dire-diretsong nagtungo sa bathroom para makaligo. After taking a bath, I brush my teeth and did my skin care before heading on my bed.

Grandy is still studying so I tried my best to grab a good night sleep despite of what freakin' Saint might do to me tomorrow first thing in the morning.

Bahala na. Atleast I have KL....

I wish.

Kinaumagahan, maaga akong nagising para maghanda sa pagpasok. This is my first day of school, I can't be late! Magpapa goodshot muna ako for the mean time para hindi mapilitan si tito na ilipat ako ng Mafia University.

After doing my daily routine, I walk towards the human-sized mirror para tignan ang fitting ng uniform saakin. The skirt is quite short pero keri na rin. I also wore a pair of white socks then wore my slightly dirty white Converse sneakers. Sabi ni Grandy, hindi naman bearing ang sapatos as long as nakasuot ka ng uniform. Ayoko naman makigaya sa iba na nakasuot ng heels. Sasakit lang paa ko.

And voila! I'm so fvcking ready to be fvcked up this day.

Sabay kaming bumaba ni Grandy patungong dining hall. I just grab some milk and toasted bread for my breakfast while Grandy ordered chicsilog and a glass of orange juice.

"Anong klase mo?" Tanong niya.

"Defense."

"Ay, magkaiba tayo ng sched. History first class ko ngayon eh."

After namin kumain, umakyat ulit kami ni Grandy para magsipilyo at kunin ang mga bag bago pumunta sa main building na kung saan nakalocate ang mga classrooms.

"Sure ka hindi mo kailangan ng kasama? I can accompany you. Magkatabi lang naman building natin." Aniya sabay turo sa katapat na building.

"I can manage. Thanks tho."

"Okay! See you later, Oneal!" Grandy waved her hand bago pumasok sa loob ng building.

Tumingala ako para pagmasdan yung mala-palasyong building saka bumuntong-hininga.

Let's do this, Oneal.

Pagpasok ko ng classroom, sumalubong saakin ang ingay na nanggagaling sa mga kaklase ko. Jusko, classroom ba 'to? For a second, akala ko market 'tong pinasukan ko sa sobrang ingay.

Random colors ng uniform ang nandito ngayon sa loob ng classroom. There were reds and yellows. No sign of Blacks kaya nakahinga ako ng maluwag.

Wala naman silang naging pake sa presensya ko kaya malaya akong naupo sa gilid. Ito lang kasi yung available na upuan na gusto ko. Ayoko kasi maupo sa harap.

Tinignan ko ang phone ko nang biglang magvibrate ito. May magmessage saakin.

From: KL

1 PM. Amphitheater.

Be there, ikaw ang pipiliin

ko sa picking.

To: KL

K

Tumahimik ang classroom nang pumasok na sa loob ang prof. May sumunod din sa kanyang tatlong naka-black na uniform kaya nagulat ako. Pinagmasdan ko yung tatlong taga-Black na pumasok at wala akong nakitang silver hair.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Thanks God. Akala ko kaklase ko na siya.

"Is Ms. Meneses, around?" Sabi ng prof. Agad ko namang itinaas ang kamay ko para kunin ang atensyon niya.

"Ah, there you are. Pwede pumunta ka rito sa harap para ma-introduce ang sarili mo sa mga kaklase mo?" Tumango naman ako saka tumayo at naglakad papunta sa harap.

Sari-saring facial expression ang nakikita ko sa mga kaklase ko. May inaantok, may walang pake, may tila ineexamine ang buo kong pagkatao at may ilan din nakatingin saakin ng masama.

"Hi. I'm Oneal Meneses. Nice to meet you all." I said using in my monotone voice. Ang ilan sa mga kaklase ko ay nagbulungan at ang iba naman ay taas-baba akong tinignan as if like ine-examine ang buo kong pakatao.

"You're from what school, Ms. Meneses?" Tanong ng prof.

"Arkwood High. Sector 13." Honest kong sagot. Mas nagbulungan tuloy ang mga kaklase ko nang malaman nilang galing akong sector 13. Mukhang napakabig deal sa kanila na galing pa akong sector 13.

"Paano ka nakapasok dito? Sino nagsponsor sayo?" Tanong ng isa kong kaklaseng babae na taga-Yellow. Curious.

"I was sponsored by the Sandoval's. Kareem's family." Parang wrong move move ata na sinabi ko yung pangalan ni KL kasi ang ilan sa mga babae kong kaklase ay masakit nang nakatingin saakin. Mga fan girls ata ni KL.

May magtatanong pa sana nang biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang may pumasok na silver-haired na lalaki wearing a black uniform.

Kakapasalamat ko palang kay Lord kasi hindi ko siya kaklase tapos may paganito? Lord, pinaparusahan niyo ba ako?

"Mr. McCrane. You're late... Again." Disappointed na sabi ng prof. Nakapameywang na siya habang diretsong nakatingin kay Saint.

"Sorry." Sagot niya lang saka inilipat ang tingin saakin. Nakita ko ang pagngisi niya bago naupo sa tabi ng isang taga-Black. Mga kaibigan niya ata ang mga iyon. Wala akong pake.

"Ms. Meneses, you may now go back to your seat." Tumango ako saka bumalik na sa inuupuan ko.

Malayo ang inuupuan ni Saint sa inuupuan ko kaya grabe ang pasasalamat ko sa lahat ng santo pero kahit ang layo niya, nararamdaman kong nakatitig siya saakin. Minsan pasimple ko siyang tinitignan pero agad din ako iiwas pag nararamdaman ko ng titignan na niya ako.

Bakit ba ang hilig niyang tignan ako!? Sinasaktan na ba niya ako sa isip niya? I wonder kung ilang beses na.

Nung lunch break, nagkita kami ni Grandy sa dining hall saka sabay na kumain. Ang peaceful ng kain namin kaya ang dali namin natapos. Dumiretso agad kami sa amphitheater dahil nga sa magaganap na 'picking'.

"Nakaka intimidate naman yung datingan ng mga taga-Black." Sabi ni Grandy habang nakatingin sa mga taga-Black na nakaupo ngayon sa may kaliwa.

Iilan lang sila. Hindi lalampas sa 15 na estudyante ang under ng Horus Black. By rank din ang ayos ng mga estudyante. Mula sa kaliwa na may pinakamataas na rank hanggang sa pinakamababang rank sa may kanan.

"Their uniforms screams authority. Palibhasa, mga galing sa mga makapangyarihang pamilya." Aniya pa. Wala akong pakialam.

"Para saan yung anim na upuan sa unahan?" Turo ko sa mga upuan na nakahilera sa taas ng stage. Obviouly changing the topic. Ayoko muna pag-usapan ang mga taga-Black kasi naiisip ko lang si Saint.

"Para sa mga Student Body yan. Mula sa Commander hanggang sa Department representative." She explained. "Kilala mo naman siguro kung sino ang Commander diba?"

I rolled my eyes which she laughed silently. "Ang laki talaga ng sama ng loob mo kay Saint ah?"

"Sino ba namang hindi? Ang rude kaya niya."

"Oneal, ikaw lang ang kauna-unahang eatudyante na may sama ng loob sa Commander. Kahit medyo rude at tahimik siya, still, everyone loves Saint specially sa mga fan girls niya. Ang mga McCranatics." She giggled.

McCranatics? Tunog jeje.

"Edi congrats saken. Naputol yung record niya." I scoffed.

Ilang saglit lang ay dumating na si Headmistress D along with the six students. Ang apat sa kanila ay under Horus Black.

Si Saint, si KL tapos yung dalawang kasama ni Saint na pumunta sa dining hall ng mga Red nung nakaraang araw saka yung dalawa naman ay under Nephthys yellow. Isa-isa silang naupo sa kanya-kanya nilang upuan.

I saw KL who's his brows are furrowed. Mukhang badtrip siya. Si Saint naman tahimik lang habang nakasandal ang kanyang baba sa kanyang palad. Hindi pa nga nag-uumpisa yung 'picking' pero parang gusto na niya umalis. Ang iba naman nilang kasama ay abala sa pakikipag-usap.

"Ang ganda niya talaga." Napatingin ako kay Grandy.

"Ha? Sino?" Sorry chismosa.

"Si Miou. Ayun siya." Pasimple niyang tinuro yung babaeng nakaupo sa pang-limang upuan. Isa siyang Yellow.

Tama nga si Grandy. Ang ganda nga niya. May bangs siya, shoulder length ang buhok tapos hazel brown ang kulay ng kanyang buhok. Para siyang babae sa anime!

"I heard nagbreak na sila ni Saint." Napatingin ako agad kay Grandy. Yung mukha niya nanlulumo nang sabihin yun.

Napataas tuloy yung isa kong kilay. "Yang babaeng yan? Pinatulan si Saint? Aba'y isang malaking himala nga naman." Kahit maangas, mayabang at masungit yung Saint na yun, akalain mo may papatol din palang babae sa kanya? Kung sa bagay, taga-Horus Black tapos hindi ko naman ipagkakaila na gwapo talaga si Saint.

"Ang harsh mo naman kay fafa Saint. Ang sweet kaya ni Saint kay Miou. Alam yan ng buong Venom Academy. Hatid-sundo siya parati ni Saint tapos super iba ang ugali ni Saint kapag kaharap niya si Miou. Siya lang may kayang gumawa nun kay Saint. Si Miou Avery Solem lang kaso nakakalungkot lang kasi break na sila."

My mouth formed a small 'o'. Siya kaya yung tinutukoy ni Saint na Avi? Ewan. Wild guess ko lang. Anyway, ang chismosa ko na talaga.

Nagsimula na ang 'picking' kaya agad kaming umayos ng upo.

Just like what KL told me, ang sinomang mapipili sa 'picking' ay ang magiging 'assistant' ng anim na estudyanteng nakaupo ngayon sa taas ng stage. Hindi ko alam kung anong trip nila at may ganito pang pakulo.

Ang biased din ng 'picking' kasi sa mga estudyante under Red lang sila pipili. Yung taga-Black at Yellow, decoration lang sa magaganap na 'picking'. Mema lang.

"The first to pick is the Commander." Said Headmistress D. Nakita ko kung paano inilibot ni Saint ang tingin sa mga estudyante.

Ang ilan sa amin ay nagdadasal na sana sila ang piliin and there's me, the only Osiris Red student na tahimik lang na nakaupo. Hindi ako nababahala kasi sinabi naman saakin ni KL na siya ang pipili saak—-

"Oneal Meneses."

Pvta?

Siniko ako ni Grandy. "Oneal tumayo ka diyan. Ikaw ang pinili ng commander." Bulong ni Grandy.

Pucha bakit ako!? Nananadya ata 'tong kulugo na 'to eh! Hindi ako pwede! Si KL ang pipili saakin!

Kahit labag sa kalooban ko ay tumayo ako. Pinagtitinginan tuloy ako ng ibang mga estudyante! I looked at KL telling him to do something. Hindi ako pwede maging assistant nitong Satan na 'to!

Apat na hakbang ang ginawa ko nang biglang tumayo si KL. He's serious at nakakunot na ang mga noo ngayon.

"Headmistress D, hindi pwede piliin ni Saint si Ms. Meneses. Akin siya." Kung kanina simpleng tingin lang ang ginawa ng ibang mga estudyante, ngayon nag-upgrade na. Masamang tingin na ang ipinukaw nila saakin! Sobrang sama. At dahil yun sa sinabi ni KL na 'akin siya'.

Pucha pinapahamak ako lalo ni KL eh. Wala pa akong isang linggo sa Academy na 'to pero feeling ko may galit na ang lahat ng estudyante saakin dito.

"Mr. Sandoval, wala na akong magagawa kung gusto ni Mr. McCrane piliin si Ms. Meneses. Andami pa namang pwede pagpilian." Sagot sa kanya ng Headmistress. "Ms. Meneses, please come up to the stage and stand beside Mr. McCrane."

Shet talaga. No choice, naglakad ako papuntang stage. Nung pupunta na ako sa gilid ng upuan ni Saint, agad-agad akong hinawakan ni KL sa braso na ikinagulat ng lahat.

"Oneal, NO." KL said with full authority, emphasizing the word 'no'. Ngayon ko lang nakita ng ganito kaseryoso si KL and I swear nakakatakot siya.

Mas lalo namang nagulat ang lahat nang hawakan ni Saint ang kabila kong braso. Nang ilipat ko ang tingin kay Saint, seryoso rin siyang nakatingin kay KL. Grabe yung tension sa pagitan nila. Kulang nalang may lumabas ng lazer beam sa mga mata nila!

"May problema ka, Sandoval?" Maangas at seryosong tanong ni Saint kay KL. Nakahawak parin siya sa braso ko.

"Mr. Sandoval and Mr. McCrane, please take your seats. Pinagtitinginan na kayo ng mga estudyante." Suway ng Headmistress. I saw how KL pursed his lips saka dahan-dahang binitawan ang pagkakahawak sa braso ko.

"Fvckin' sht." He almost whispered before walking out in the amphitheater.

Pucha iiwan niya ako rito!?

Umiling-iling naman si Headmistress D saka nagproceed na sa pangatlong officer na pipili.

"Bitawan mo nga ako." Mahina kong sabi saka inagaw ang braso ko. Ngumisi naman si Saint saka naupo ulit sa kanyang upuan. Naglakad naman ako papunta sa gilid.

"Mamaya ka saakin, Red." He said. Agad naman akong napalunok sa narinig mula sa kanya.

Mas magtatagal pa ata ako sa Mafia University kasama si Jordan kaysa sa kamay ng lalaking 'to.