Oneal's POV
Kaba. Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako kung anong pinaplano ng mokong na 'to saakin.
After ng 'picking', iyon na rin ang start ng pagiging 'assistant' ko kay Saint and as an 'assistant', trabaho kong sundan sa kahit saan pumunta si Saint.
Papunta kami ngayon sa dormitory ng Black Horus. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin dito at hindi ko na inabala pang magtanong. Asan na kaya si KL? Tinext ko agad siya after ng 'picking' pero ang mokong hindi man lang nagreply.
Mula sa malayo, natanaw ko na ang dormitory ng Black Horus pero agad kong inilipat yung tingin ko sa katapat na building nito. Kulay puti yung building at sa tingin ko ay nasa sampung palapag ang building na 'to.
Ang lalaki rin ng mga bintana dahil tila abot tatlong palapag ang laki nito. Mala-palasyon ang datingan ng building na 'to at mas malaki 'to kumpara sa building ng mga Black Horus.
This must be the abandoned dormitory of the Obelisk White.
Mukhang engrande sa labas pero panigurado ako, napakalungkot at tahimik ang loob. Hindi ako nagsisisi na inilagay ako ni tito sa Osiris Red.
"Aray!" Tumama yung ulo ko sa malapad na likod ni Saint. Sa sobrang pokus ko sa abandoned dormitory ay hindi ko na napansin na natigil pala siya sa kakalakad.
Tinignan niya ako mula sa gilid saka tinignan ng masakit.
"May nakalimutan ako. Here, take my key card. Room 506. Kunin mo yung black folder ko sa study table." Binato niya saakin yung keycard niya. Buti nalang nasalo ko ito. "Kung may magtaka man kung bakit ka nasa teritoryo ng Black, ipakita mo lang yang keycard ko." At umalis na siya. Tch. Hindi man lang niya ako hinayaang makapagsalita.
Pumasok na ako sa loob. Kinwestyon ako ng bantay ng dormitory kaya agad kong pinakita yung keycard ni Saint. Buti nalang, pinapasok parin ako.
Bongga ang dormitory nila. Nababalot ng kulay itim at gold na kulay ang buong building. May malaking chandelier sa gitna, engrandeng paikot na hagdan saka elevator. Kaya pala hindi sanay umakyat ng hagdan ang tukmol kay may sarili palang elevator ang dormitory nila.
Pinindot ko ang number 5 button saka itinap yung keycard ni Saint para magsara ang elevator. Pagkalabas, agad kong hinanap yung kwarto niya saka pumasok. Ang laki ng kwarto niya saka ang organize.
Sinimulan ko na ang paghahanap sa black folder na sinasabi ni Saint. Dahil organize at malinis ang kanyang kwarto, hindi ako nahirapan. Pagkakuha ko ng black envelope, agad na akong lumabas ng kwarto niya.
"Oneal." Si KL! Nakakunot ang mga noo niya saka dali-dali akong nilapitan.
"May ginawa ba si McCrane sayo?" Yung tono ng pananalita niya, nag-aalala.
"Wala pa naman." Oo, wala pa.
"Badtrip." Bulong niya. "Text mo ako agad kapag may ginawa yung gago na yun sayo. Remember, assistant ka lang niya. You're just obliged to help him with school works, other than that wala na. Do you understand me?" He sounded like tito. Kung sa bagay, kargo ako ni KL. Kung may mangyaring masaman man saakin dito, tiyak siya ang papagalitan ni tito.
Tumango-tango ako. He ruffled my hair kaya inis ko siyang tinignan. Natawa naman siya ng bahagya sa inasta ko.
"Oneal."
Isang salita lang yun pero punong-puno ng authority. Yung kaninang nakangiti na mukha ni KL, naging seryoso ulit.
Lumingon ako sa likod ko and there I saw Saint standing a five meters away from us. Nakapamulsa ang isa niyang kamay saka seryoso siyang nakatingin kay KL. Heto nanaman sila.
"S-sige, aalis na ako." Tumango naman si KL kaya tinalikuran ko na siya at naglakad palapit kay Saint. "Heto na pala yung—-" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla-bigla nalang akong hinila ni Saint. Hawak-hawak niya ako sa may palapulsuhan.
Lahat ng estudyanteng madaanan namin, napapatingin saamin. Sino ba namang hindi? Isang taga-Red, hila-hila ng taga-Black. Syempre big deal nanaman yan sa kanila. For sure, talk of the town nanaman ako. Panibagong bashers nanaman saka haters. Jusko!
Tumigil siya kakahila saakin nang marating namin ang quad.
"What the hell was that?" My brows furrowed, not getting his point. Anong 'what the hell was that?'. "Ang inutos ko sayo, kunin mo ang black folder ko sa study table ko."
"I did. Heto na nga o." Inangat ko ang kamay ko na hawak ang kanyang black envelope. Anong pinuputok ng butchi niya? Kinuha ko naman ah? Ba't nagsusungit na 'to?
"Yeah, but I didn't tell you to chitchat with any students."
"Bakit? May law ba na in-implement ang Academy na bawal makipag-usap sa kapwa estudyante? At saka ano bang pakialam mo? Sabi ni KL assistant mo lang ako. I am only obliged to help you with school works. Other than that, wala na."
"At hinayaan ka pa niyang tawagin siyang KL ha?" He hissed. Ano naman masama roon?
He's my freakin' cousin! Pero hindi ko pwedeng isigaw ang mga salitang 'to sa harap niya.
"May atraso ka saakin kaya hindi lang pagiging assistant ang trabaho mo saakin." Tinaasan ko siya ng kilay. "You're not just obliged to help me with school works. You're also obliged to do anything as I say and I want you to stay away from that Sandoval." Magsasalita pa sana ako pero naglakad na ulit siya. Napakabastos!
**
Kanina pa ako abala sa Student Council room. Kasama ko si Saint at ang iba pang Student Body except for KL. Hindi ko alam kung nasaan ang tukmol na yun. Nagtipon-tipon sila to plan for some upcoming events in the Academy.
Student's Night, Foundation Day saka Sports' Fest ang mga events na pinagpaplanuhan nila and so far, suggestions palang and ideas ang nabubuo nila. Wala pang final plan.
"Hindi na mahirap pagplanuhan ang Student's Night. We can held the Student's Night sa Venom Town. Specifically, sa Andromeda." Suggestion ni Damien. Isa mga kaibigan ni Saint. He's the Student Body's treasurer.
"Gusto ko yung idea ni Damien. Masyado nang boring kapag sa Quad gaganapin ang Student's Night. I would suggest to held the event at Venin beach kaso baka hindi um-approve si Headmistress D so I'll go with Damien. We can just limit the consumption of alcoholic drinks para hindi magkaroon ng riot." Sabi naman ni Rage. Kaibigan din ni Saint. He's the Student Body's secretary.
Tumango-tango si Saint. "Jot that down, Oneal." Utos niya. Tch. Kahit di naman niya sabihin, kanina ko pa ginagawa. "I approve that suggestion. We're already done with the Student's Night. We can now proceed to the other events. Foundation Day and Sports' Fest."
"I suggest that we can do Open House during Foundation Day." Suggestion ni Miou. Ang hinhin niya tapos parang ang inosente ng datingan. Nagtataka na talaga ako kung paano 'to nahumaling kay Saint. Malabo kaya yung mata siya? O baka naman pinainom ni Saint ng gayuma?
"Open House? At sino naman ang dadalo sa Academy?" Said Saint. Ang seryoso niya. Hindi ko alam kung ganito talaga siya kaseryoso tuwing meeting or sadyang sinusungitan niya lang talaga si Miou. Bitter pa ata 'tong Satanas na 'to.
"We can send a letter to the Headmaster and Headmistress' of Monteron Academy and Mortem Institute. By doing this, the students will have the chance to interact with some other students from different schools." Narinig ko na yung dalawang school na yun and both of them were quite famous all over the Society.
Kung hindi ako nagkakamali, Monteron is a school for delinquent students while as for Mortem, it was only focused in accepting students who wants to become assassins. It was a school of assassins afterall.
"Pwede. Anything else?"
The suggestions and planning went smoothly. Polishing nalang at pwede na iyon ipasa sa Headmistress for approval.
Nagsialisan na ang mga member ng Student Body leaving me, Saint, Miou at yung assistant ni Miou. Habang inaayos ko ang mga gamit para ilagay sa black folder ni Saint ay ramdam ko na na parang may paparating na sakuna.
At tama nga ako ng hinala.
"Saint, can we talk?" Si Miou. Tinignan ko si Saint at sandali naman niya akong tinignan.
"Mauna ka na sa labas. Susunod nalang ako." Utos niya. Tumango lang ako saka nakisabay nang lumabas sa assistant ni Miou.
"Ano sa tingin mo ang pag-uusapan nila?" Chismosa rin pala 'tong assistant mo Miou.
"Hindi ko alam at wala akong pakialam."
"Sa tingin ko makikipagbalikan ata si Miou kay Saint." Aniya. Pake ko naman? Ang may pakialam lang ako ay kung hanggang anong oras sila mag-uusap.
Ano na bang oras? Gabi na eh. Gutom na gutom na ako. Dinner na kay— Napahinto ako nang hindi ko makapa yung phone ko sa bulsa. Pakshet naiwan ko pa ata sa loob. Katanga namang nilalang oo.
Masyado kayang seryoso yung pag-uusapan nila? Gusto ko pumasok. Kailangan ko yung phone ko eh. Kaso baka pagalitan ako ni Saint. Ewan. Bahala na.
Binuksan ko yung pinto ng bahagya at medyo nagsisi pa ako kung bakit ko pa pinilit yung sarili kong binuksan iyon.
Si Saint. Nakita ko silang naghahalikan ni Miou. Pucha mamaya ko na nga kang kukunin phone ko, baka awayin pa ako ni Saint pag nagambala ko paghahalikan nila ng ex niya.
Just when I thought na hindi ko magagambala yung ginagawa nung dalawa, may biglang sumigaw sa likod ko.
"Oneal!" Napaka estupido naman nitong lalaking 'to at sobrang lakas pa ng boses. May narinig akong kalabog sa loob ng council room at nakita nalang sa maliit na siwang ng pinto na nakaupo na sa sahig si Miou.
Nakita ko ring papalapit na si Saint sa pinto, niluwagan niya ang siwang ng pinto at nakatingin na ngayon ng diretso kay KL habang nakakunot ang kanyang noo. Si KL seryoso ring tinignan si Saint pero madali lang iyon at bumaling agad saakin yung tingin.
"Hinanap kita sa dining hall niyo. Wala ka roon. Kumain ka na ba? Lampas 7:30 na. Baka wala ka ng maabutan doo—-"
"Oneal, tara na." Sabi ni Saint. Nasa gilid ko na siya ngayon.
"Isasama ko si Oneal saakin. Sabay kaming kakain." Sabi ni KL.
Don't tell me pag-aagawan nanaman ako ng dalawang 'to? Oh please. Di nalang ako kakain kung ganun nga.
"Hindi siya sasama sayo kasi saakin siya sasama." Hinawakan ni Saint ang kamay ko. Ba't may paghawak na sa kamay!? "From now on, stay away from Oneal." Yung boses ni Saint tila may halong pagbabanta.
I saw how KL pushed his tongue on his inside cheeks, ngumingisi pa. "Wala ka sa posisyon para sabihin saakin yan." Maangas niyang tugon.
"Meron. Oneal's mine. So back off, Kareem or else we'll see each other in the Battle Arena. I'm fvcking serious."