Oneal's POV
I could see the whole island from above. A huge, rambling, quite scary-looking castle with a jumble of towers and battlements that surrounds the Academy, a volcano on the south, a beach on the north-west, a rocky waterfalls on the south-west, and a small town-like place on the west. Ilan lang iyan sa mga nakikita ko mula sa himpapawid. Indeed, we're already at Venom Academy.
Pagkalapag na pagkalapag ng helicopter ay agad akong inalalayan makababa ng isang servant na kasama namin sa helicopter. Pagkababa, I can't help myself but to look at the surroundings.
I'm in awe.
I never thought na totoo pala yung mga naririnig ko na may bulkan sa likod ng Academy. Ayon sa mga naririnig ko, the volcano has been inactive for the past 100 years kaya hindi sila nababahala rito.
Mula sa malayo, I saw a tall brown-haired guy wearing a black uniform walking towards our direction. Dali-daling kumunot ang noo ko as I realized kung sino itong nilalang na palapit saamin.
Ugh great.
"Tito." Bati ni KL, waving his hand to tito. Tito just nod at him saka agad na inilipat ang tingin saakin. The side of his lips rose to form a smirk. "Sup, your highness." Oh that hint of sarcasm. He even winked saka bahagyang yumuko pa sa harap ko, obviously teasing me.
Inikutan ko lang siya ng mata. This guy never really fail to ruin my day.
"Kareem, stop it. Kakakita mo palang sa pinsan mo, binibwesit mo na siya agad." Suway ni tito. I looked at KL then lift my left brow at him habang naka-cross ang pareho kong kamay. Lumalabas nanaman ang pagka-bitchesa ko dahil sa lalaking 'to.
Ngumisi naman siya sa inasta ko. "Brat." Komento niya.
He is one of the reason why I hate this freakin' Academy. Kareem Lionel Sandoval. The Great Casanova of the Sandoval clan. The annoying jerk cousin of mine.
"I'm quite touched that you chose me to be your schoolmate rather than JL the devil." He chuckled.
"Don't be so full of yourself. I just had no choice you jerk." Then I rolled my eyes at him.
I actually hate Jordan and KL pero mas kaya ko naman ata pakisamahan 'tong malandi na 'to kaysa kay Jordan na parang pinaglihi sa sama ng loob. Kahit papaano, naging close naman kasi kami ni KL nung mga bata kami unlike Jordan na as in never. May sarili kasi yun na mundo at mga kaibigan. Specially that girl na super duper crush niya kaya hindi namin siya nakakasama ni KL.
"Ikaw na ang bahala sa pinsan mo, Kareem. You know what to do." Said tito. Tahimik lang si KL na nakikinig sa kanya. "Oneal." Inilipat ko kay tito ang tingin ko nang tawagin niya ang pangalan ko. "Umayos ka. Fail to do so, sa Mafia University ang bagsak mo." Banta niya habang nakatutok pa ang kanyang hintuturo saken.
Over my dead body. I'm staying in here.
"Yeah, yeah, yeah. I already know it tito." Boring na sagot ko sa kanya. He's been telling that to me habang papunta kami ng Academy. Paulit-ulit lang tito? Unli?
"Aalis na ako. Kareem, please. Bawas-bawasan mo ang pambi-bwesit sa pinsan mo. And take care of her ok?"
"Yes, tito. Makakaasa ka saakin. Ako na ang bahala sa brat na 'to." He chuckled saka agad akong ini-headlock sa kanyang braso saka bahagyang ginulo ang buhok ko. This jerk! "Aray! Ang sakit nun ah?" Daing niya nang bigla ko siyang sikuhin dahilan para makawala ako sa pagkaka-headlock.
"Watch the hair, jerk." I said saka inirapan siya at inayos ang buhok ko. Damn him for ruining my precious hair. Pinaghirapan kong ayusin 'tong buhok ko 'no.
Umiling-iling nalang si tito nang makita ang inasta naming dalawa. "Aalis na ako." We bid our goodbyes to tito saka nakitang nasakay na sa private helicopter. Maya-maya, the pilot drove the helicopter hanggang sa hindi na namin natanaw ito.
"Show me the way, jerk." Sabi ko saka nauna nang naglakad. I even purposely hit his arm with my shoulder as I passed by.
"Hoy! Paano 'tong luggage mo!? Ako pagbibitbitin mo nito!?" Singhal niya.
Tumigil ako saka sandaling inikot ang direksyon ko sa kanya. "Tinatanong pa ba yan?" Sabi ko saka tinalikuran na siya at naglakad muli. I grinned as I heard him cussed random words.
Fair and square.
Narating namin ang main building ng Academy at hindi ko napigilang mamangha sa structural designs nito. Parang Hogwarts talaga ang datingan saka may red carpet din. Nakakamangha.
Dinala ako ni Kareem sa office ni Headmistress D para ipaalam ang pagdating ko at para makuha ko na rin ang susi ng magiging kwarto ko.
Nasa harap na namin siya ngayon. She's sitting on her old swivel chair while Kareem and I are sitting on a couch just right infront of her office table.
"I'm very sorry, Headmistress kung ngayon ko nadala sa Academy ang anak ng isa sa mga loyal servant namin. Manang Lesley has been there for me eversince I was born at hindi na siya iba saakin. Gusto kong makabawi man lang sa kanya and this is the least I can do for her." Tahimik lang akong nakikinig sa usapan ni Kareem at ng Headmistress. In fairness, parang maamong tupa kung makipag-usap 'tong bugok na 'to sa Headmistress.
"I understand, Mr. Sandoval. Isang linggo palang naman bago nagsimula ang klase sa Academy kaya sa tingin ko makakahabol naman si Ms. Meneses sa mga na-miss niyang lectures, am I right, Ms. Meneses?" Inilipat niya ang tingin saken. I almost forgot to the point na kinailangan pa akong sikuhin ng bahagya ni Kareem para lang marealize ko na ako pala yung tinutukoy ni Headmistress
"O-opo." Damn, Oneal. Focus!
"Good. There are three dormitories here in Venom Academy na siya ring naghahati sa mga estudyante by their respective rank status. In your case, you'll be staying at the Osiris Red dormitory. Here's your ID, your own Osiris crest and your uniform." May inabot siya saaking paperbag na may seal ng Academy na agad ko namang kinuha mula sa kanya.
"Bukas ka na pumasok. For now, use this day para mafamiliarize ka sa buong Academy. You're good to go, Ms. Meneses. Welcome to Venom Academy." Ngumiti ako sa Headmistress saka agad na nagpasalamat.
"Ah, Mr. Sandoval?" Napahinto kami pareho ni KL. Palabas na kami nun nang biglang tawagin si KL ng Headmistress. "Can I talk to you for a second? Ms. Meneses you may leave. May importante lang kaming pag-uusapan ni Mr. Sandoval."
KL looked at me. "Antayin mo ako sa labas." Aniya. Tumango naman ako saka mag-isang lumabas ng office ng Headmistress.
Habang matiyaga kong hinihintay si KL, bigla akong tinawag ng kalikasan. Agad akong naghanap ng malapit na comfort room at meron nga sa dulo ng hallway sa may left wing hindi ganun kalayo mula sa office of the Headmistress.
Pumasok ako sa loob at dun na sinimulan gawin ang mga dapat kong gawin. Gosh. Success.
After washing my hands and dried it with clean towel, lumabas na ako. Pagkalabas ng CR, I was shocked nang may biglang humigit sa braso ko saka bigla nalang akong niyakap! Good gracious! Who the hell is this!? At bakit siya nakayakap saakin!?
"Avi, baby. Please let's talk." He almost whispered habang mahigpit na nakayakap saakin from behind. Sino ba 'to? At bakit Avi ang tawag saken nitong mokong na 'to? Nakadrugs ba 'to?
Naramdaman ko na mas humihigpit ang pagkakayakap niya saakin. Sht. This guy's crazy. And this is freakin' harassment!
Huminga muna ako ng malalim bago ko siya tinulak ng napakalakas. "The name's not Avi you freakin' pervert!"
Pak!
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nasampal ko ang lalaking nasa harap ko ngayon but the hell I care. Ang pervert niya! Bigla-bigla nalang siyang nang-aakap!
Natigilan naman ako matapos kong gawin yun. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinampal ko siya o dahil feeling ko isang anghel ang tumambad ngayon sa paningin ko?
A tall fair-skinned guy with silver hair ang nasa harap ko ngayon. Ang gwapo. Hindi ko maipagkakaila yun.
I saw him smirk then lick the side of his lips making me realize na nasugat ko siya dahil sa lakas ng sampal ko. Hindi ko alam pero bigla akong inakyat ng kaba dahil sa simpleng gesture niya na iyon.
"That's for being a pervert, you pervert!" Singhal ko saka nilagpasan na siya pero nagulat ako nang bigla niyang higitin ang palapulsuhan ko saka mabilis na ipinaharap sa kanya.
"I just hugged the wrong girl and you already gave me a very strong slap?" I saw him pushed his tongue on his side cheeks. Ang angas ng galaw niya. "Hindi mo ba ako kilala?" Puno pa niya. His voice is filled with authority.
Sino ba 'tong lalaking 'to!? Hindi ko masabi kung anong rank niya kasi naka-civilian din siya tulad ko but I saw he's wearing a crest na hugis mata. Hindi ko mawari kung saang rank siya nabibilang.
Iwinisik ko ang kamay ko na hawak-hawak niya. "Sino ka ba para kilalanin kita?" Sabi ko saka inirapan siya at umalis. Kung sino man yung lalaking yun, ayoko na siyang makita pa ulit! Gwapo na sana, kaso ang panget ng ugali! Ang yabang!
Pagbalik ko, nakita ko si KL na kalalabas lang ng office of the Headmistress. Sakto lang pala dating ko eh.
"Ihahatid na kita sa dormitory mo. I still have class to attend to." Aniya saka nagsimula nang maglakad habang hila-hila ang maleta ko. "Oh and Oneal..." Tumigil siya saka hinarap ako. "Stay away from students who's wearing the same uniform like mine. Students from Black Horus aren't that kind specially to students from the lower rank specifically students from Osiris Red like you." Inilabas niya ang kanyang suot-suot na crest mula sa pagkakatago sa kanyang puting dress shirt saka ipinatong iyon between his index finger and his thumb para makita ko ng malinaw ang crest.
Kumunot ang noo ko nang mapansin kong pareho sila ng crest na meron nung lalaking nasampal ko kanina sa cr. "Tandaan mo 'tong crest na 'to. Hindi lahat ng oras nakasuot ng uniform ang mga estudyante rito. If they wear this kind of crest, stay away from them. They're from Horus Black. Sa ngayon, ako palang ang masasabi kong pwede mong pagkatiwalaan sa loob ng Academy. Wala ng iba." Tumango-tango nalang ako kay Kareem kahit deep inside, may parte saakin na biglang kinabahan nang makita ko ang crest niya.
Sht, Kareem. I just slapped someone with the same crest as yours.