SA WAKAS!
Sa wakas, lumipas na ang mapait na panahon ng pre-school.
Ang panahon ng pakikihalubilo sa mga uhugin, iyakin at zombie-like na kaklase ay tapos na.
Ngunit tapos na din ang panahon ng tambalang Mariz at Archeebal. Kukunin na kasi si Mariz ng mga magulang nya. Mag-aaral na sya sa puder ng magulang nya.
Para bang bahay ampunan ang dating ng Petruz Manor; pagtanda ng mga apo, kukunin na ng magulang nila. Kumbaga pagdating ng "curiousity age" ng mga bata; kukunin na sila ng magulang nila. Natuto lang magbasa, magsulat, tumula, tumumbling at kung ano ano pa eh handa na ang mga magulang nilang alagaan sila.
Nakakalungkot isipin na wala na yung ka-tandem ni Archeebal sa mga kabalbalan, pero sa mga panahong ito ay nandyan pa naman ang mga second cousins nyang sila Mary Joy, Maricris at Johnny aka ang Tebulats.
Tinawag silang tebulats dahil kapag nawala o tinawag ang isa sa kanila ay susunod lahat. Tila ba hindi sila mabubuhay ng wala ang isa't isa. Ganun sila ka-solid. Ang malupit pa dito ay kapag uuwi na sila ng sabay sabay ay may background music pang ganito:
"Tebulats! Kapag nawala ang isa, susunod lahat! Te te te tebulats!"
Ang pinakamatanda ay si Mary Joy, tatlong taon ang tanda nya kay Archeebal. Meron syang typical "ate look". Laging nakalugay ang buhok, kasing tangkad ng bida. Medyo may kapayatan, pero tindig pa lang halatang mature na sa bata nya pa lang na edad.
Sya lagi yung responsable sa kalagayan ng dalawa nyang nakababatang kapatid.
Si Maricris ang middle child. Kasing tanda nya si Archeebal. Payat ang katawan nya pero medyo may kalakihan ang pisngi. Lagi syang nakapusod kaya lalong lumalaki yung hulma ng mukha nya. Medyo may kaliitan, hanggang balikat sya ng bida.
Si Johnny naman ang unico hijo. Dalawang taon ang agwat nila ni Archeebal. Bilang kaisa-isang lalake, sya yung typical na matigas na ulong bunso. Pero kapag nagka-awayan na, todo protekta naman sa mga ate nya kahit hanggang dibdib lang sya ng bida.
Nakatira sila isang maliit na bahay katabi ng Petruz Manor. Literal na magkapit bahay sila. Kahit hindi kasing laki ng Petruz Manor ang kanilang tahanan ay mayroon naman silang malaking garden sa likuran. May mga tanim ng samut saring prutas at gulay doon. Yung garahe din nila ay may kalakihan, halos kalahati ng laki nung taniman sa likod. Dito naman pinaparada yung pampasaherong jeep ng tatay nila na si Jovit. Yung nanay naman nilang si Emily ay kitchen staff dun sa eskwelahang nabanggit sa Chapter 0.
(Dapat kasi basahin nyo ng matino para maintindihan nyo mabuti)
Kasama din nila si Inang Felicidad, sya yung great grand lola ng Petruz family. Makikita na sa kanyang edad na 90 na medyo mahina na sya. Hindi na sya masyado nakakasalita pero dapat magmamano ka pa din sa kanya kapag makikita ka nya, kung hindi makakatikim ka ng nanginginig nginig pang kurot sa pisngi.
**********
Isang mainit na hapon ng Hunyo...
Sa may kanto ng Petruz Manor, mayroon isang kalsadang hindi dinadaanan ng mga sasakyan; tinawag itong "Salubungan" dahil tuwing Mahal na Araw nagkakaron ng mga engrandeng pakulo katulad ng prusisyon, re-enactment ng pagtatagpo ni Kristo at Mama Mary at kung ano-ano pa.
Madaming batang naglalaro dito, kahit hindi magkakakilala sa pangalan ay nakikihalubilo ang isa't isa.
Si Archeebal at ang Tebulats ay makikipaglaro sa mga kung sino sino...
"Oi kayu eh makisali sa-amin. Kailangan namin ng 4 para makapag batu-bula na." Sabi ng isang batang mukhang construction worker. Sya si Birex Bato. Yan ang tawag sa kanya sa bayan nila. Medyo maliit, pero parang bata pa lang ay suki na sa gym.
Yung Batu-Bula ay Dodge Ball. Simple lang ang rules. Kailangan lang ng isang bola para patas. Dalawang koponan ng lima o higit pang manlalaro. Yung mga taga bato ng bola naka parallel sa isa't isa. Nasa gitna yung mga babatuhin. Ang goal ay ubusin yung mga nasa gitna sa lalong mabilis na panahon. Ang matamaan ng bola ay "deads" na at kailangan pumunta sa gilid. Kapag nasalo ng kung sino man dun sa gitna yung bola, magkakaroon sila ng extrang life o kaya naman pwede nilang ipasok yung mga na "deads."
SIMULAN NA!
Magkakampi yung grupo ni Archeebal at tebulats, si Teking Pasmado, na kung pag pawisan yung kamay ay parang sinawsaw yung kamay sa tubig. Si Jokoy Bading na bata pa lang naka "pekpek" shorts na kahit wala namang kuwan at si Janding Alien dahil may birth defect yung kanang kamay nya kaya tinatawag syang ganun.
Kalaban nila sila Birex Bato, si Enteng na may pagka-silahis, closet gay. Si Nekol Hadhad na ang init init na nga naka patong patong pa ng brief, cycling shorts at boxer shorts sa ilalim ng paborito nyang jean shorts. Si Jackylyn na bulag sa kaliwang mata at tatlo pang nameless kids dahil masyado na madaming characters na pinakilala ay nasa chapter 2 pa lang tayo.
Sila Archeebal muna ang maglalaro.
Bato dito! Bato dun! Ilag dito! Tumbling! Teleport! High jump! Konting backflip at split pa yung iba para hindi ma deads. Matapos ang intense na batu-bula sequence...
Na deads na lahat maliban kay Archeebal at Jokoy Bading.
"Subukan mong sumalo at para tayu ih mag ka buhay, hane?" pacute na sabi ng batang sirena.
"Sige, lets do this."pangising ngiti ng bida habang nakikita sa mukha nya yung pagka ilang sa sirena.
"Para hindi na rin makapag laro ang mga iyan. napaka-iyamot pa naman ni Birex" pabulong na sabi ni Jokoy sabay ngisi.
(Iyamot- pikon, asar talo)
Biglang mula sa mga nag aalab na kamay ni Birex Bato...
"BOOM!!"
Sapul si Jokoy sa kaliwang braso nya.
"DEADS!"
Pito laban sa isa. Archeebal laban ang mga tropa ni Birex. Hindi nya pa nasasalo yung bola. Wala syang extra life.
"Kapag kami na, kayu ih hindi na makakaisa pa!" pang aasar pa ni Nekol na habang nagkakamot sa singit ang kaliwang kamay ay pinapatalbog ang bola sa kanang kamay.
"Mga da moves namin ih pang ninja! hanggang bukas tayo maglalaro! Walang matatamaan sa amin!" hirit ni Birex with confidence pa.
May pabwelo pang bato ni Nekol kay Archeebal, naka side step naman ito. Biglang bato ni Enteng with matching pitik ng daliri, nakayuko naman ang bida bago sya matamaan sa balikat. Bato naman bigla si Jackylyn! malayong malayo ang pagkaka-asinta dahil hindi nga makakita ang kaliwa nyang mata. Biglang nasalo ni Birex ang bola at-
"BOOM!"
Nahagip si Archeebal sa likod ng ulo. Muntik na sya maiyak sa lakas ng pagkakabato.
"ISH MY TURN NA! HANGK HANGK HANGK!" payabang na bwelta ni Birex habang excited na sinenyasan ang mga tropa nya na sila naman ang maglalaro.
"Lagi namin sasaluhin yung bula ng maka 100 kaming Buhay! iyak na la-ang kayo'y burot na!" gatong ni Nekol habang kakamot kamot pa din sa singit nya.
Biglang porma na at humilera na sila Archeebal. Hawak nya ang bola. May matching concentrate pa, kunwari na para bang nagdadasal sa lahat ng pwersa ng kalawakan; may pikit pang kasama.
Pagbato nya ng bola para bang may mala-Holy Light effects pa.
"PAK!!"
Sapul ang kaliwang tuhod ni Jackylyn!
Biglang bumanda ito sa ulo nung tatlong pugong walang pangalan.
Biglang sigaw ni Birex ng-
"TAYM PERS! Hindi pa ready ih nambabato na! Walanjo ito ah!"
"Akala ko ba its your turn na? Game na eh. Nakaporma na kayo eh."sagot naman ni Archeebal na napaelib din sa ginawa nya.
"Hindi! Ayaw ko na, uwian na la-ang. bandurugas ninyo aba!" saboy hablot ng bola kay Johnny.
Biglang kanta si Archeebal ng:
"Uwian na! Hindi na masaya! Ang epal kasi! Hindi na sya kasali!"
Sabay tawanan ng mga tropapips ng bida sabay kantyaw.
"Wala asar talo pala kayo eh! Umuwi na la-ang!" sigaw ng panganay na tebulats.
Naglalakad na pauwi ang magkakapatid at si Archeebal ng biglang-
"BLAAAG!"
Solidong binato ni Birex ang bida.
Nagulat ang lahat sa mga nangyari. Napatanga silang lahat pero deep inside gusto nila makakita ng away.
"What's your problem?! Pikon ka din eh no?!"sambit ni Archeebal habang palapit sa salarin.
"Lampake! Bakit?! Ano gagawin mo?"pangising sagot ni Birex.
Biglang tinulak ng malakas ng bida ang nambato sa kanya.
"You don't want me angry!" mala-hulk na reply nito.
Biglang tumayo si Birex at tumakbo palayo.
Tahimik pa din ang paligid. Parang nawindang sila sa mga nangyari.
Palakad na pauwi sila Archeebal ng may-
"HOOOOY!! BAKIT MO INAWAY KAPATID KO?!"
Pahiyaw na sabi ng kuya ni Birex, si TumTom.
Si TumTom ang isa sa mga notorious na bully sa lugar nila. Kung gaano sya katapang ay ganun naman kaliit ang utak nya. Kilalang barumbado ang batang ito. Antanda na eh pumapatol pa din sa mga bata.
5'5 ang laki. Mas malusog ng konti kay Birex. Sampung taon ang tanda nya kay Archeebal pero magkapareho sila ng reading at writing skills.
"Sya nagsimula, pikon masyado eh" mahinahon na sagot ni Archeebal. Medyo takot din ang bida dahil alam nya ang ugali nito.
Walang sali-salita ay biglang hinaribas nya ang kanang kamao nya sa mukha ng bida. Biglang follow up pa ng suntok sa sikmura gamit ang kaliwa. Napabulagta sya sa sahig.
Shit just got real! Yung ibang kalaro nila ay nagsisisigaw na, para bang nanonood ng laban ni Pacquiao.
Nang tumayo si Archeebal... May isang malakas na sigaw mula sa kung saan.
"MARY JOY! MAGSAING NA!"
Nagmamadali naman na takbo ng tinawag nyang pinsan. At dahil nga Tebulats. Sunod naman ang 2 kahit alam na napasabak sa away ang bida.
Halos mangiyak ngiyak na tumayo si Archeebal. Susubukan nyang lumaban ng-
"PLAAAK!"Kasunod na bayo ni Birex bago pa sya makatayo.
"IKAW IH IISA PA! BAKA MA TURPE KA PA EH!"gatong nito na biglang tumapang dahil kasama na ang utol.
(Turpe- Batukan ng malakas sa noo)
Naiyak na si Archeebal, sobrang dumi na ng damit nya dahil sa pagkakatumba. Nakadapa na sya sa kalsada. Nagdudugo na yung kaliwang pisngi nya. Wala pa ding tigil sa pang-iinsulto yung dalawa.
"STOP IT! CUT IT OUT!"nanginginig na sigaw ng bida.
"Ikaw ih iinglish inglish pa ay maturpe ka na!"sagot ni TumTom habang sinesenyasan ang kapatid na itayo nya ito.
Bago pa man sya matamaan ay may biglang sumigaw mula sa malayo.
"OI! ANONG GINAGAWA NYO SA APO KO?!"
Papalapit na ang kanyang Lola Teresita sa fight scene.
"GUSTO NYO ISUMBONG KO KAYO SA MGA MAGULANG NYO?! BAKIT NYO SINASAKTAN ANG APO KO?!" nanggagalaiting talak ni Mama sa 2 bata.
Napatameme na yung magkapatid na Birex at Tumtom. Yung ibang bata tumakbo na pauwi. Kasi may nakisawsaw nang matanda. Hindi na masaya.
"HINDI KO NGA PINAPALO YAN TAPOS KAYO GAGANYANIN NYO SYA?! ANONG KARAPATAN NYO?! MGA TARANTADONG BATA KAYO!"
Okay na sana lahat.
Savior pa talaga nya yung Lola nya. Kaya madalas sya kantyawan ng mga bata dun. Kasi laging tagapagtanggol nya yung Lola nya.
Humirit pa ang lola nya ng:
"Magsorry kayong dalawa sa apo ko! Kundi isusumbong ko kayo sa nanay nyo!"
Kumbaga kung whipped cream sa sundae ang pagsugod ni Mama ay Cherry on top naman ang pagdedemand nito ng apology para sa apo nya. Epic talaga. Nakakahiya. Nakakapanliit.
Pauwi na silang dalawa
Inaalalayan nya pa ang apo nya ng biglang pumiglas si Archeebal at sabing:
"Ma, kaya ko na to..."
"Hindi tama yung ginawa nila! mabuti na lang at nagsumbong yung mga pinsan mo." sagot ng kanyang Lola.
"Away ko yun Ma, hindi sa lahat ng oras kailangan nyo ko iligtas..."pailing na sabi nito habang nagpupunas ng luha.
"Pero mahal na mahal ka namin! Hindi namin papabayaan na masaktan ka. Pinagkatiwala ka ng magulang mo at-"
bago man matapos ang sinasabi ng lola nya
"Pero Ma! Hindi sa lahat ng oras nasa tabi ko kayo. Hindi ako matututo ng ganito! Kaya nila ako inaasar ng kung ano ano eh. Kasi lagi kang nandyan!"
Napatahimik na lang yung Lola nya. Napaluha na lang uli lalo ang bida...
**********
SIMULA!
Simula na ng unang taon nya sa elementarya.
Ang Christ the Shepherd Montessori School Academy ang bago nyang paaralan. (in short ChiSMoSA)
Matatagpuan to sa liblib na sulok ng bayan nila. Malapit sa may palayan kaya napakatahimik.
Maganda ang ambiance ng school. Mayroong isang malaking building na nandoon lahat ng classroom. Sa kanang parte ng school compound ay isang malawak na quadrangle kung saan ginaganap ang mga kung ano anong seremonya, lalong lalo na ang flag ceremony at exercise tuwing Biyernes ng umaga.
Sa gilid ng quadrangle ay ang cafeteria. Mainam naman ang mga pagkain dito. Pinagbabawalan din ang pagtitinda ng junk food at softfrinks dito dahil pinapangalagaan nila ang "well being" daw ng mga mag-aaral.
Kung lalakarin ay aabutin ka ng mahigit 20 minuto kaya hinahatid sundo sya ng tricycle service nyang si Mang Dante. Sya din yung school service nila ni Mariz nung pre-school sila. Pero dahil nag aaral na ang pinsan nya sa ibang lugar ay Riding Solo na lagi ang bida.
First day ng Klase
Pagpasok na pagpasok nya sa classroom. Bungad na sa kanya ang ilang nameless kids na nakakalaro nya.
"Oi! kaklase natin si Lola's boy! Wag nyo aawayin yan. Magsusumbong yan!" sigaw ng isa sa mga kaklase nya bago pa man sya makaupo.
"Oo nga! Baka biglang isumbong pa tayo ng lola nyan sa magulang natin! HAHAHA!" gatong naman ng isa.
Tahimik na lang na nakayuko si Archeebal habang nagpipigil ng pag iyak. Sa mga panahong yun gusto nya na lang matapos ang araw na yun.
Lumipas ang ilang buwan-
ng pang bubully, pang-aasar at kung ano ano pang panlalait ay last grading period na.
Nasisira man nila ang loob ng bida sa mga ganito, pero nakakabawi naman sya dahil consistent honor student sya. Isa sya sa top 5 ng Gold Medal Awards.
Dahil nga isang Montessori ito at iba ang approach ng pag tuturo, lahat ng studyante ay may awards. Ang mga pinaka kamote na nagbubutas lang ng silya sa pag upo ay kasama sa Red Ribbon Awardees. Yung mga ordinary naman na hindi kasing kamote ng mga nasa Red Ribbon, ay under ng Blue Ribbon. Ang mga tunay na matatalino, masisipag o may kakilala sa loob ng school ay nasa Gold Medal. Ito yung tunay na Award na may saysay.
Natapos nya ang Unang taon ng Elementarya ng mataimtim. May mga nangungutya man, alam ni Archeebal na ginagawa nya naman ang best nya para maging Honor Student, dahil na din sa tutok na pag monitor ng kanyang Lola.
Pangalawang taon
Tuloy pa din ang pag-ungos at pamamayagpag nya sa pag aaral kahit ganon ang mga kaklase nya. Tuloy pa din ang pursigi nya sa pag-aaral; dahil alam nya naman na pagkatapos ng taon, grado nya ang mahalaga at hindi ang mga sinasabi ng mga nang-aasar at naninira sa kanya.
Pero isang makulimlim na hapon ng Enero, pagkauwi nya ng bahay ay tumambad ang kanyang amang si Robert.
"Anak! kamusta ka na? miss na miss na kita!" excited na sambit ng ama nya sa anak na hindi nya nakasama ng mahabang panahon.
"Daddy! okay lang ako. Miss na din kita!" sagot naman ng anak, sabay yakap sa kanyang ama.
Habang nagkakamustahan ang mag ama, napansin ni Archeebal na medyo nalulungkot naman ang kanyang Lola.
"Hindi na ko babalik abroad! Dito na ko magtatrabaho.. makakasama nyo na ko ng Mommy mo" pangiting sabi nya sa anak.
Kumpleto na din ang Pamliya ni Archeebal. Hindi na sya mangungulila sa mga magulang nya.
Okay na ang lahat...
Mukhang okay na ang lahat... Mukha lang...
**********