Chereads / Siga ng Universe (Tagalog) / Chapter 5 - Chapter 4. Siga in Training

Chapter 5 - Chapter 4. Siga in Training

MAGANDA!

Magandang panimula sa isang bagong buhay. Nasa suburbs ng isang probinsya ng Calabarzon ang bago nyang bayan. Subdivision na mala-Baguio ang dating dahil sa maburol at paakyat-babang landscape nito.

Nahahati ang Mineral Village sa 3 bahagi, ang Tuktok o ang bungad na parte nito. Ang Burol o ang gitna at ang Ilalimo ang dulo.

Sila ang bagong lipat sa Perlas Street. May pagka-engrandeng pagdating na aura pa silang naramadaman dahil ayon sa mga tao doon, mahigit 5 taon na mula ng may manirahan sa Block #22, Lot #23. Kaya sabik na sabik ang mga usiyosong bagong kapit bahay nila.

Ang bagong tahanan ni Archeebal ay isang bungalow na may 3 kwarto. Mainam naman, hindi nga lang kasing ganda ng Petruz Manor o kasing lawak ng Paraan.

Mayroong garaheng saktong sakto ang laki para sa isang kotse. Sa kaliwang parte ng garahe ay may mini-garden. Sa gitna nito ay isang Water tower o Water pump na manually operated. Kailangan pang buksan ito at i-set para magkaron ng sirkulasyon ng tubig sa bahay. Sa bawat pag lipat bahay ay pasosyal talaga ng pasosyal ang bahay ng bida.

Kasama pa din ng pamilya ang mga magulang ng kanyang daddy. Kaya dahil dito, mas magiging malaya sya sa bagong kabanata ng kanyang buhay. At may bonus pa dahil sa lakas ng P.R. Powers ng kanyang Lolo Leo ay mayroon na agad syang bagong kaibigan.

**********

Isang Mainit na Martes, Mayo

Pagkamulat ng mata ni Archeebal, automatic na ang gagawin.

Wala ng hilamos, muta muta pa. Walang mumog-mumog, may bakas pa ng panis na laway sa may kaliwang parte ng labi; Binuksan na nya agad ang kanyang PlayStation. Matinding desisyon ang kanyang pinagdaraanan ngayon, kung lalaruin nya ba ay Final Fantasy VII o Crash Bandicoot Warped. Napakatinding suliranin nito para sa isang 7 taong gulang na bata. Bago pa man sya magulantang sa pag-iisip-

"Archee! Mag hilamos ka na, ipapakilala kita sa mga bago mong magiging kaibigan." Pahikayat na sabi ng kanyang Lolo Leo na daig pa ang mga politiko pag nangangampanya sa P.R. powers.

"Nah, I'm good. I just wanna play-"

Bago pa man matapos ang heart wrenching at ear numbing English skills ng bata ay pinatay ng kanyang Lolo ang kakasalang pa lang na PlayStation.

"Ay ay! Katigas ng ulo! Sige na. Sama na! Ako bahala sayo. May ipapakilala ako sayo kesa maburo ka sa bahay sa pagpapamaga ng mata mo dyan sa Pamili Kompyuter mo!"

Rebuttal naman ng kanyang Lolo habang hinihikayat ang apo nyang tumayo na at maghanda.

Ang kanyang bagong kaibigan ay si Joevito Lapuz. Limang taon ang agwat nya sa bida. Malaking bulas para sa kanyang edad. Moreno. Mukhang maamo ang itsura na may tinatagong kulo.

Nasa harap ng kanilang bahay ang tahanan nila Archeebal.

"Toy! Ikaw na bahala sa apo ko ah?! Nakaausap ko na din ang Papa mo. Pakisabi inom na lang kami mamaya." pabilin ng kanyang Lolo na isang araw pa lamang sa bagong compound nila ay may kainuman na agad.

"Sige po. Ako po bahala kay Archee." mabait namang sagot ng bago nyang kaibigan.

"Jobs na lang tawag mo sakin tol." sabay appear sa bago nyang tropa.

"Thanks bro, just call me Arch." pasimpleng sagot ng bida na iritang irita kapag tinatawag na Archee.

Habang naglalakad sila sa compound, gumagawa ng kakaibang sipol si Jobs habang pumapalakpak ng malakas.

"Dahil ikaw pinakabagong salta dito. Bibigyan na kita ng matinong tour" sabi ni Job na para bang excited na may bago syang recruit.

"Ito ang Perlas St. Lahat ng mga batang lalake dito kasama sa tropa. Ikaw ang pinakabago at ikaw pa ang bunso. Kaya espesyal ka." sagot nya na para bang nag iba ang aura nya paglayo sa kanilang bahay.

"What do you mean special? What're we gonna do?" confused na tanong ng batang bida na medyo excited at takot sa kung anong ibig sabihin ng bago nyang kaibigan.

"Basta. Pag Kumpleto na tayo. Ipaliwanag namin." seryosong sagot ni Jobs habang tuloy ang lakad nila sa Kalye Perlas.

Pagdating sa basketball court sa may Main Street. May limang matatangkad na lalaking nasa likod nila Jobs at Arch.

"Mga brad, ito yung bagong lipat, si Arch. Bunso." confident na sagot ni Jobs na para bang mala-Chosen One ang dating ng bida.

Nakahilera lang ang lima. Mula kanan pakaliwa-

Si Carloong Bisaya, 11 years old. May pagka-chubby at para bang laging gutom dahil laging naka-alinganga.

Si Patrick Babyface, ang pinakamaliit sa lima. 10 years old. Maamo ang mukha, pero laging naka-ngisi. Naka-kempee hairstyle. Dinaig pa sa pagka-kempee yung logo ng pringles.

Si Boy Bugayo, Ang pinakamatangkad sa grupo. 12 years old. Kalbo, mukhang masamang tao. Napakaseryoso ng mukha, parang bawal biruin.

Si Toseng Tocino, 12 years old. Gwapings. Mukhang childstar. Maputi. Mamula mula pa yung pisngi.

Ang panghuli ay si Macmac Bistek, 12 years old. Kakambal daw ni Toseng pero hindi sila magkamukha. Sobrang itim. Mukhang batang yagit, at kasing tangkad ng kakambal.

"Ui bata, welcome sa tropa." bati ni Carloo sabay nakipag-kamay sa bida. Samantalang ang apat tahimik lang. Tinitignan si Arch mula ulo hanggang paa.

"Ito yung Bunso? Sigurado ka ba dyan tol?" pasungit na sabi ni Bugayo habang nakaturo sa bida.

"What are you guys even talkin' about?" litong lito pa si Arch habang nagkakamot ng ulo.

"Taena mo Jobs hahaha. Rinecruit mo hindi mo man lang pinaliwanag mga nangyayari." pangising sagot ni Patrick.

"Wag tayo dito mag-usap men. Baka may bumabang mga taga Burol. Hindi pa handa yang Bunso." kalmadong sabat naman ni Macmac.

"Taralets na mga dudes. Sa H.Q. na ipaliwanag yan." nagmamadaling pahikayat ni Toseng habang yinayaya lumakad ang kanyang tropa.

Pa-angas na naglakad ang 6, para bang mga gangster na manggugulpi ng hindi nila matripan. Samantalang si Arch, wala pa ding ideya sa mga nangyayari.

Pagdating sa isang bahay sa Kalye Perlas, mga 8 bahay mula kila Arch. Kumatok ng may kakaibang beat si Jobs sa isang bahay na may itim na gate.

Biglang bumukas ang gate na para bang may magic spell ang bahay na ito.

Sa loob ng itim na gate ay isang bahay na may malaking garahe. Sa kanang parte ng garahe ay isang malaking kwarto na may anim na tv at mga PlayStation unit, Computer Shop ito ng may-ari ng bahay: Si Kenny Kalansay, ang pinakamaliit sa grupo. 12 years old. Maputi. Payat na payat na para bang walang nutrisyon sa katawan.

"Andyan na ba yung bago?" sambit ni Kenny habang naglalakad palapit sa grupo.

"Oo tol, Bunso to." sagot naman ni Jobs with confidence.

"Alam nya na ba?" nakapamewang na bigkas ng may-ari ng bahay, minamata nya pa din ang bida mula talampakan hanggang buhok.

"Ito na, ito na. ipapaliwanag ko na." iritableng sagot ni Jobs.

"Dito sa Mineral Village, May kanya kanyang teritoryo ang mga bata. Bawat kuta, may nagpapatakbong grupo. Dito sa Ilalim, Ang Talaba Boys ang namamahala; Kami yun. Kasama ka na din dahil kailangan namin ng Bunso."

"Wait wait wait, so its like a fraternity? What do you mean namamahala? What's going on?" reply ni Arch sa mga bagong kaibigan.

"Di pa kasi tapos eh! Anak ng buteteng baog. Pektusan kita eh." pabalang na sagot ni Bugayo.

"Kalma ka lang men." sagot ni Jobs sa kanya. "Anyway, tuloy tayo." habang balik ang pagpaliwanag sa Bida.

"Namamahala. In-charge and shiz you know? Naaapektuhan kasi ng mga bata yung mga palaruan ng PlayStation, mga naglalako ng street foods, mga palaro ng teks, mga sari-sari store. Kahit yung mga nag ba-basketball sa Main street. Guguluhin ka kapag wala kang kapit. Pwede ka gulangan. Pwede ka gulpihin.

At dahil malapit lapit na kami mag college, hindi na kami pwedeng makigulo sa mga bata. Kasunduan ng mga kuta yun. Kaya mawawalan ng kontrol ang Kalye natin. Madami gusto magpatakbo sa Ilalim, Magkakagulo kapag nawala kami."

"Isa pa, Dito kasi sa Ilalim magaganda at matitino ang mga bahay. Tahimik kahit paano. Ang mga taga Tuktok walang pakealam, may kanya kanya silang away dun. Pero natatakot kami sa pagkakataon na manggugulo ang mga Taga Burol, mga taga-Malaysia kasi mga nandun."

"Malaysia? Like foreigners?" sagot na sambit ni Arch.

"Hahahaha! Taga Malaysia men. SKWALA LUMPOOR!" pangising sagot ni Patrick.

(Skwala Lumpoor- skwater, mahirap)

"Kaya kailangan namin ng bunso, ikaw lang makakapagpatuloy ng ipinaglaban ng Talaba Boys ng ilang taon." tuloy sa pagpaliwanag ni Jobs.

"Pero tandaan mo, hindi kami humihingi ng pabor. Sinasabi namin sayo dahil bago ka dito. Mapapahamak ka kapag wala kang kapit." seryosong sagot ni Kenny.

Sagot ni Arch ng "Nah. Thanks for the offer though but I refuse. lagi lang din naman ako-"

Hindi pa sya tapos magsalita ay sumabat na agad si Bugayo ng, "BUHOK KA SA ILONG! Wala ka kwenta. Umuwi ka na lang, Sinayang mo lang oras namin eh."

Reply naman ng "I didnt ask to be a part of your frat anyway!" sabay takbo palabas ang bida.

Napailing lamang ang Talaba Boys habang pinabayaan muna nilang malaman ni Archeebal mag isa ang kanilang mga sinasabi...

Isang Maulap na Huwebes ng Hapon, Mayo

Naglalaro lamang ng PlayStation si Arch. Kuntento na syang mag kulong sa bahay. Ngunit-

"Archee! Ikaw nga ih bumili ng monay sa may bakery. Para makapag-minandal." Pakiusap ng kanyang Lola Vicky habang inabot ang pera.

(Minandal- Merienda, Snack)

Napabuntong hininga sya at pinause ang nilalaro at sabing "Aaaww. Do I really have to?"

Reply naman ang kanyang Lola ng "Sayo na sukli"

Hindi pa man tapos magsalita ang Lola nya ay kumaripas na ng takbo ang batang bida. Malaman lang na sa kanya sukli biglang ginanahan.

**********

MASAMA!

Masama na ang panahon ng lumabas si Arch ng bahay. Sumasakto talaga. Mapang-asar na tadhana. (Mapang-asar din yun author kasi andalas gumamit ng weather effects.)

Habang naglalakad na sya palayo ng Perlas St, Paakyat na sya papuntang Burol; dito kasi ang pinakamalapit na bakery.

Bago pa man sya makalampas ng basketball court...

"Oi bata! Ilalim?!" Sigaw ng isang batang lalaking papalapit. Nakasuot ng bandana sa mukha. May blond high lights din ang tukmol. Halos kasing laki ni Jobs.

"Huh? What you talkin' about?" sagot naman ni Arch na medyo kinakabahan.

"KOKOMBAN KA! Pa English English pa eh! Yan ata yung bagong lipat sa Perlas!" sagot naman ng isa pang papalapit galing kung saan. Mukha ding tukmol. Maluwag ang damit, naka-elephant pants pa.

"TENGENE MEN! Bunso ng Talaba yan!" Sabat pa ng isang mukha ding Jeje-Lord (Kahit late 90's ang setting) na para bang nagteleport na kabute na sumulpot mula sa kung saan.

Napansin na lang ni Archeebal na nakapalibot na sa kanya ang 3 batang hindi nya naman kilala.

"Mali ka ata ng nadaanan boy. Gusto mo pakainin ka namin ng tae?!" gigil na sabi nung nakabandanang bata.

Yung dalawa naman ay parang pumoporma na hawakan ang bida sa magkabilang braso.

Bago pa man gumawa ng kung anong masama ang mga tukmol-

"OY! TANGERINE KA JASON! GALAWIN MO YAN GULPI KA SAMIN!"

Sigaw ni Jobs mula sa malayo, habang tumatakbong pasugod ang kambal na Toseng at Macmac na mukhang salt and pepper sa mga nangharang sa bida.

"Pasalamat ka sinundan ka namin. Kundi pinakain ka na nun ng tae. Literal! Ganun ka skwater yung kupal na yun."seryosong sabi ni Jobs habang tuloy lang ang paghabol ng kambal kila Jason.

"Thank you guys so much. I owe you one." sambit ng bida habang hindi pa din sya makapaniwala na malapit na naman sya sa bingit ng panganib.

Sabi naman ni Jobs habang matapos sumipol ay "I told you to stay close diba?"

"Sir, gaano kaclose?"

(Sorry maling script. Erase! Erase!)

Take Two.

"I know bro. I'm just wondering. Can I still join your Talabuh boys?" pa isleng na reply ng bata.

"Kami bahala. Basta sumunod ka lang samin. Di ka mapapahamak." confident na sagot ng halatang natutuwang si Jobs..

**********

MAAYOS!

Maayos nang sumama si Arch kay Jobs at sa Kambal. Dumiretso na sila agad sa bahay nila Kenny, ang kanilang Headquarters.

Binigyan na ng isang "Ceremony of Welcome" ang bida. Tinuruan sya kung paano ang kanilang pagsipol at pagpalakpak, ito ang kanilang Call Signal. Ipinakita din sa kanya ang tamang pagtambol o pagkatok sa gate ng kanilang H.Q. Pormal na ipinakilala na din ng isa't isa ang kanilang sarili sa pinakabago nilang myembro.

"Carloo Riyes, A.K.A. Bisaya. Siga Level 2"

"Patrick Cruz, A.K.A. Babyface. Siga Level 2"

"Johnny Boy Bugayo, A.K.A. Bugayo. Siga Level 4"

"Trevor Mendoza, A.K.A. Tocino. Siga Level 4

"Mark Mendoza, A.K.A. Bistek. Siga Level 4"

"Kenny Rogente, A.K.A. Kalansay. Siga Level 3. Caretaker ng Hideout."

"Joevito Lapuz, A.K.A. Jobs. Siga Level 5. Pinuno ng Talaba Boys at Pinaka-Siga ng Ilalim."

Pagkatapos nito, agad nilang tinuruan ng Secret Handshake si Arch, kasabay ang payakap na pagbangga ng kani-kanilang mga balikat.

"Simple lang ang rules ng samahan namin. Unang una, lahat ng mga mangyayari sa loob ng H.Q. ay mananatili sa H.Q. Pangalawa, kapag maririnig mo ang Call Signal, siguraduhing sumunod kung maaari. Pangatlo, kapag may mga makikita kang hindi pamilyar, itanong mo kung Tuktok o Burol. Maging makatao, huwag maging maangas sa mga dayo. Pang-apat, kapag may nakikita kang inaaping taga Ilalim, responsibilidad mong tulungan ito. Panghuli, at ang pinakamahalagang rule; Gumamit lamang ng dahas kapag kinakailangan."

"Malinaw ba?" seryosong sambit ng kanilang pinuno.

"What do you mean fight? I don't really fight." tahimik na sagot ni Arch na medyo napasubo sa mga pangyayari."And what's with the Siga Levels?! Mga nambubully kayo?"

"Hindi mo ba pinakinggan yung rules? Ano ba siga para sayo?" kalmadong sagot ni Kenny.

"A SCOUNDREL! BASTARD! RASCAL! Anak ng babaeng aso. Masamang tao." pabalang na sagot ng bida kahit medyo kinakabahan pa din.

"HAHAHAHA! Bata ka pa talaga. Dito sa Perlas. Iba ibig sabihin ng siga sa amin." sagot naman ni Babyface na laging nakangiti kahit wala namang nakakatawa.

"Para sa amin. Ang Siga ay mga taong matatag, walang inuurungan, malakas ang loob, may paninindigan." seryosong sagot ni Carloo.

"Yung Siga Levels ay ang Ranggo ng pagiging Siga. Sa mga taga Burol at Tuktok, tataas ang ranggo mo kapag barumbado ka at mas madami kang nababanatan o nagagawang mga hindi mainam na bagay." pagpapaliwanag naman ng maputing kambal.

"Botohan sa kuta nyo para tumaas ang ranggo. Pinag-pupulungan bago ka mag Level Up." pagsabat naman ni Bistek.

"At dahil bago ka pa lang. Siga in Training ka pa lang. Madami dami ka pang dapat matutunan. Pero kami bahala sayo." pasimpleng sabi ni Bugayo.

Lumipas ang ilang araw ng kanilang pag-eensayo. Pinatatag nila ang kanyang resistensya, lakas ng mga kalamnan, pinalakas ang loob. Pinatapang. Nakihalubilo din sa ilang mga taga Ilalim. At habang ginagawa nila ito ng ilang linggo ay naging isang malupit na training video montage ang kanyang buhay, may matching "Eye of the Tiger" pang tumutugtog sa background.

**********

Huling Dalawang Linggo ng Bakasyon, Lunes ng Tanghali

"Tapos na Training mo. Isang pagsubok na lang. Mag le-level up ka na." proud na sabi ng pinuno ng Talaba Boys.

"I'm ready. Let's Do This!!" excited namang sagot ni Arch na parang gigil na gigil pa with matching paglisik ng mata.

"Kailangan mong baybayin ang Mineral Village. Mula sa Kalye natin, papunta sa Main Gate. Pabalik dito sa H.Q." Sambit ni Jobs na medyo tiwala na din sa kakayahan ng Bunso nila.

"Kailangan makabalik ka dito sa loob ng isang oras. Bawal mag tricycle. Lalakarin mo lang. Paakyat ng Burol, hanggang sa Tuktok, at pabalik dito sa Ilalim." gatong naman ni Kenny.

"Wala kaming pakialam kung tumakbo ka. Makipagbarugan ka ng mukha sa mga taga Burol o maipit ka sa gulo ng mga taga Tuktok. Ang importante. Makabalik ka. Isang oras." Advice naman ni Carloo.

"Woah, So its just me? Alone?" kabadong sagot ng bida.

"Hahaha! Yeah! You! Alone! Not With Us!" palokong sagot ni Patrick.

"Pero bago ka umalis. May ituturo kaming Special Technique sayo. Natutunan pa namin to sa mga naunang taga-pamahala ng Ilalim." seryosong pahabol ni Bugayo.

"Dahil Bunso ka. Mas magagamit mo pa ito ng madalas. Matanda na kami. Rinereserba na namin ito sa mga pagkakataong kakailanganin." taimtim na sabi ni Toseng.

"Ang PEKTUS SA NGALA NGALA! Kapag ginamit mo ito sa isang tao, hindi sya makakakibo ng matagal na panahon. Magmumukha syang kinulam. Yung iba nga... Na ospital pa." takot na sambit ni Macmac.

"Pektus sa ngala ngala? You're kidding me right?" confused na sagot ni Arch.

"Bunso ka pa. Magagamit mo pa ito isang beses isang linggo" sabat naman ni Kenny na sa sobrang sagrado ng pinag uusapan nila ay parang hindi narinig ang sinabi ng bida.

"Samantalang kami, lagpas na kami sa tamang edad. Ang paggamit nito ng higit pa sa isang beses sa aming talambuhay ay makapagdudulot ng masamang pangitain." sinserong dagdag ni Jobs habang nag-iisip isip.

"Mr. Awesome One! Anong kabalbalan to?! Pektus sa Ngala Ngala? Are you F***ing-"

Bago pa magtuloy ng curse words si Archeebal ay cinensor na sya ng Author. At sumakay na lamang sa trip ang bida, dahil wala din naman syang magagawa.

Out of nowhere nilagay nila ang kani-kanilang kanang kamay sa bida.

Biglang nag-iba ang pakiramdam ni Arch; para bang sinasalinan ng lakas. At bago matapos ang serimonyang ito.

"BOOOOOOM!"

Nag ilaw ang buong katawan ni Arch. Nagkaroon ng sinag mula sa kanyang paanan at ibabaw ng ulo.

"KAYA ARCHEEBAL GENESIS! ANG PINAKABAGONG BUNSO NG KALYE PERLAS! NAKAPANIG SA KUTANG ILALIM! HUMAYO KA!" Monotonous na reply ng lahat ng Talaba Boys na parang well choreographed na ang serimonyang ito.

Paglabas ni Archeebal

Nag-iba ang kanyang Aura. Nag iba din ang pakiramdam nya sa paligid. Para bang lahat ng katapangan sa mundo ay naramdaman nya sa mga sandaling ito.

Magiging ganap na syang Siga. Isang pagsubok na lang...

**********