Chereads / Siga ng Universe (Tagalog) / Chapter 6 - Chapter 5. Bengbeng Era

Chapter 6 - Chapter 5. Bengbeng Era

KUMAKARIPAS!

Kumakaripas ng paglalakad ang Siga in Training na si Arch. Ito ang una nyang pagsubok para mabansagang isang tunay na Siga.

"One hour. I can do this. I trained my whole life for this." pagmumuni muni ng bida habang tuloy lamang sa kanyang paglalakbay.

Binaybay nya ang Kalye Perlas ng walang aberya. Ngunit nakakaramdam na sya ng kaba habang papalapit sa may Main Street.

Medyo sinusubukan nyang kumalma...

Napansin nyang nakatambay sa basketball court ang mga batang medyo pamilyar ang mukha.

Susubukan nyang baybayin ng kalmado ang Main Street ng biglang-

"Ayoko na! Tama na! HUHUHUHU" hagulgol ng isang batang lalake, halos kaedad nya ang pinagtitripan ng tatlong mukhang mga jeje dudes.

"Hahaha! Iyak pa! Gusto mo hubaran ka namin?!" pahalakhak na bigkas ng isang lalaking naka-elephant pants.

"TAENA TOL! Itapon na yung shorts ng iyakin na yan!" habang sinusubukan syang hubaran ng isang tukmol na mukhang jejelord.

"HAWAKAN NYO! Ihagis na din natin sa may puno yung brief nyan! Hahaha!" gatong nung isa pang bata.

Nagmamadaling tumakbo pasugod si Arch, pagpasok na pagpasok nya ng basktellball court ay biglang sumigaw sya ng-

"PICK SOMEONE YOUR OWN SIZE! YOU COWARDS!" pagbabanta nya habang papalapit sa tatlong kumag.

Biglang binitawan ng mga bata yung batang inaapi nila. Takbo naman ng mabilis ang bata habang umiiyak pa.

"May gatas ka pa sa labi! Gusto mo nang mag-angas dito sa Mineral Village?!" pagbabanta nung pinakamatangkad sa mga yagit. Sya yung naka elelephant pants. Halos kaedad nya.

Biglang pumorma ang Siga Trainee na para bang makikipag-upakan.

Naghanda din ang tatlong itlog. Dahan dahan nilang pinalibutan si Arch.

"Baka nagdadalawang isip kana! Pwede ka pa humingi ng tawad." pagbabanta nung mukhang jejelord.

"Nah. I don't think so. Justice is gonna be-"

"PAAAAK!"

Isang malakas na tadyak sa mukha ni Arch dun sa isang tukmol. Napatalsik ang sinipa nya. Gumulong gulong papasok sa basketball ring.

"NAKA NG PUTS! PUMAPALAG KA NA AH?!"

Sigaw nung jejelord habang humaribas ng isang straight na kanan sa bida.

"BOOOOM!!"

SAPUL SA MUKHA!

Sapul sa mukha yung naka elephant pants.

"ARAAAY! POTAMEN!"

pahiyaw nung nasapul sa mukha. putok ilong nito, nagdudugo. Napahawak sya sa kanyang ilong habang binabalinguyngoy.

(Balinguyngoy- dumudugo ang ilong)

Biglang sinikmuraan naman ni Arch ang jejelord.

"PAAAAK!" sinundan nya pa ng mala FPJ na pag combo nya dito at tompyang sa ulo.

(Tompyang- pagpalo sa ulo gamit ng dalawang palad)

Napayuko ang jejelord. Medyo nahimasmasan na ang tumalsik na parang bola na tukmol. Samantalang ang yung naka elephant pants mangiyak ngiyak dahil duguan ang kanyang ilong.

"Ano? Gusto nyo pa?!" matapang na sabi ni Arch habang pumopormang susuntukin ang batang duguan.

"TARA NA! BILIS NA!" Takot na sigaw ng jejelord habang yinayaya ng tumakbo ang kanyang mga kasama.

Nang medyo makalayo na ang mga ito sabay sigaw nung na-shoot sa ring ng-

"TANGERINE KA!! DI PA KAMI TAPOS!"

pagbabanta nito habang medyo mangiyak ngiyak sa kanyang pagtakbo.

Kumalma na ang paligid, tahimik na... Wala ng bata sa paligid, kaya tuloy sa pagbaybay ang bida.

Lumagpas sya ng bakery ng walang problema. Paakyat na sya ng Burol. Medyo kakaiba ang aura ng paligid. Masyadong tahimik. Hindi normal. Nakakabagabag.

Sa mismong Burol proper, tila lahat ng batang makakasabay nya sa daan ay tahimik na lumalayo; pero lahat sila ay nanlilisik ang paningin sa kanya.

45 minutes pa, halos kalahati na ang binabaybay nya, Patungo sa Tuktok...

Paglagpas ng Burol, matapos lumabas sa isang mala-checkpoint style na gate; ay pababa na sya sa Tuktok.

Anlabo no? Tuktok ang pangalan ng lugar pero pababa? Ganito kasi yan.

Ang bungad ng Mineral Village o ang Tuktok ay patag. Ang Ilalim ay binansagang "Ilalim" dahil kailangan mong lumagpas ng Burol pababa ng gate, o ang tagong parte ng Subdivision; kaya tinawag ito sa ganoong paraan. Ang Tuktok naman ay tinawag na "Tuktok" dahil mula sa Ilalim ay kailangan mong umakyat papuntang Burol, para makarating ng Tuktok.

Mas naguluhan kayo no? Anyways-

Pagbaba ni Archeebal ng Tuktok ay sige lang sya sa pagtakbo; dahil kailangan nyang marating ang Main Gate sa lalong madaling panahon.

Maraming pasikot sikot ang Tuktok, Yung ibang kalye ay puno ng ilang batang mapayapang naglalaro, sa ibang parte naman ay mayroong mga tila nag aaway na mga kasing edad nya.

Hindi na nya ninais pang pumasok sa masusukal na parte nito dahil sya ay dayo sa kutang ito; malayong malayo sya sa kanyang sarili ng puder.

"40 minutes to go. I can dothis. Few more blocks." focused na focused nyang sinasabi sa kanyang sarili habang sige lang sya sa pagtakbo.

Matapos ang 3 minuto, Sa wakas. Nasa bungad na din sya, sa Main Gate ng kanilang subdivision.

Ang bungad na gate ay mayroon isang malawak na paradahan ng mga tricycle. Tatlong kanto mula dito ay mayroong eskwelahang nagngangalang Holy Academy and Technological Institute. (H.A.T.I. in short)

Tatlong palapag ang eskwelahan. Kitang kita din sa malayo dahil sa Bright Yellow na pintura nito. Ang pinakatuktok ay isang open area style na balcony na mayroong 2 flagpole, ang bandera ng Pilipinas at ang bandera ng paaralan.

Ang bandera ng paaralan ay simple lang, dilaw na base color, Sa gitna nito ay tila mala Yin and Yang na logo. Ngunit imbis na Puti at Itim ay Luntian at Bughaw ang kulay nito.

**********

NAGMAMADALI!

Nagmamadali na pabalik ang soon to be Siga, babaybay na lamang sya papunta ng H.Q. at official Siga na sya, official Bunso na sya ng Talaba Boys.

Habang kumalma sya sa pagtakbo, dahil na din sa pagod.

"Oi, bago ka dito ah?" Dali daling bati ng isang lalake, hanggang balikat nya, kulot ang buhok at nakasalamin.

"Huh? Tuktok?" Pabalik namang tanong din ni Arch sa batang sumasabay sa kanya sa paglalakad.

"Tuktok. Taga Fossil St. Ikaw ba?" Pangising sagot ng batang feeling close na agad sa bida.

"Ilalim, Perlas St." sambit naman ng bida na pinipilit magmadali sa paglalakad kahit halatang pagod na pagod.

"Paolo nga pala! Ano pangalan mo?" Sabay abot ng bata na nakikipag alok ng handshake.

"Arch, nice to meet you..." tinanggap naman nya ang pakikipagkamay nito.

"Alam mo men, mag-ingat ka pabalik. Madami gulo dito. Dapat kilalanin mo din kung sino pagkakatiwalaan mo." Sabay takbo ni Paolo palayo.

Sa isip isip ng bida ay "What the heck was that about?"

Pero tanggap nyang madaming gulo dito sa subdivision nila ngunit hindi nya na lamang inintindi ang mga nangyari.

Habang natatanaw nya ang gate ng Burol.

Kumulimlim ang paligid. Tila nagbabadya ng isang masamang pangitain.

Habang binabaybay nya paakyat, tila lahat ng mga batang lalake nyang nakasalubong kanina ay sumulpot sa kung saan. Sinusundan sya.

Isa. Dalawa. Apat. Pito. Labing Isa...

Kinakabahan na ang bida dahil sa dami ng batang tila may binabalak na masama sa kanya.

Pag lagpas na pagkalagpas nya ng gate, Ay may isang malaking bulas na kasama nung tatlong binanatan nya kanina. Mukhang pamilyar.

Pamilyar dahil sa bandanang suot nya sa kanyang mukha. Pamilyar dahil sa blond high lights nito sa kanyang buhok- si Jason."TIGAS KA NA MEN?! Di ka pa nadala nung una?!" Pasigaw nitong sabi kay Arch habang nag-aabang.

"What do you need?! You cowards! What're you gonna do? Mug me? 15 on 1?! Tch. Please..." gigil na sagot ng bida na may halong kaba.

"Taena mo ka! Pa-english english ka pa di ka naman namin maintindihan! Tanga neto haha." bawi naman nito.

"Sabi ko, matapang ka lang kasi madami kayo! Ikaw ang bobo! Di ka maka-intindi ng English!" Rebuttal naman ni Arch.

biglang pinalibutan ang bida nung 14 na jejedudes ni Jason. Pumoporma naman itong makipag away.

"Oh sige. Putabongbong ka. Mga bata! Wag kayo manggugulo. Yari sakin to mag isa!" Sambit nito habang pinapatunog ang kanyang mga kamao.

"Bring it on!" Seryosong sagot ni Arch.

Ngunit deep inside ay kinakabahan sya dahil Una, mukhang sanay sa away yung Jason. Halata naman sa mga galos galos nito sa katawan. Pangalawa, 14 na jejekids ang nakapalibot sa kanya, kaya hindi option ang tumakbo. Pangatlo ay mahigit kumulang 20 minutes na lamang ang natitira sa kanyang challenge.

Kumakantyaw ang mga jeje kids ng-"TAPUSIN! TAPUSIN! TAPUSIN! BOSSING JASON TAPUSIN MO NA YAN!!! AAAAAAAAAAARGGGGHHH!!!"

Hayok na hayok ang mga tukmol na para bang nasa Ghost Fighter ang dalawang magtutuos.

Nagtititigan pa lang ang dalawa, pumapaikot ikot; typical action movie fight scene.

Biglang bigwas ng isang solid na kanan si Jason!

Nakaiwas naman si Arch, sabay tadyak ng isang solid na kaliwa.

Nag side step naman ang Skwala Lord!

"AAAAAARGGGG!! POTASSIUM KA! MASYADO KA MAILAP!"

Dali-daling sumugod ito parang manunuwag na Toro.

"BLAAAAAG!"

ISANG SOLIDONG pagbunggo ni Jason! Tumilapon si Arch sa mga Jeje-kids na nakapalibot sa kanila.

17 Minuto ang Nalalabi...

Tinulak sya ng malakas ng mga naatrasan nyang jejekids.

Agad agad bumwelo ang kanilang pinuno ng isang solidong pagbayo gamit ang dalawa nyang braso.

"SWOOOOOSH!!"

Mabuti na lamang at nakayuko ang Siga Trainee- sabay bigay ng isang solidong uppercut with matching talon na dinaig pa ang Shoryuken ni Ken sa Street Fighter-

"BOOOOOOOM!!"

Napatalsik ang tukmol nyang katunggali. Halatang nasaktan sya, sinenyasan nya ang ilan sa kanyang jejekids na alalayan sya makatayo.

"MASYADO KA MAPANGAHAS!! Sugurin nyo yang gago na yan!"

habang nanginginig nginig na tinuro nya si Arch.

Halos lahat ng Jejekids ay binigyan sya ng tigi tig-isang suntok, batok, tadyak at konyat. Pinalibutan nila si Arch upang hindi na makapalag pa.

"YOU FAGS! MAS BAKLA PA KAYO SA ANAK NG BAKLA!" gigil na sigaw ng bida habang hinahawakan sya ng mahigit 8 na jejekids.

13 Minuto ang Nalalabi...

"Wala dito mga tropa mo! Bibinyagan ka na namin, BUROL STYLE!" pangising sambit ni Jason habang dahang dahang lumalapit papunta kay Arch...

"NGANGA PUTTANESCA!" Gigil na gigil nyang sigaw habang minumwestra nya na ipapasok sa bunganga ng bida ang isang dakot ng tae.

Taimtim na nag-iipon ng lakas si Archeebal.

sa loob loob nya-

"HE WON'T MAKE ME EAT SHIT! HE WON'T MAKE ME EAT SHIT! FOCUS! YOU CAN DO THIS!!"

Ilang pulgada na lamang ang layo ng kamay ni Jason na puno ng tae, naaamoy nya na ang masangsang na halimuyak nito ng biglang-

"AAAAAAARRHHH!!"

Pasigaw ni Arch. Biglang may mala ilaw na lumalabas sa kanyang katawan, pwersang hindi nya mapaliwanag.

Napakalas ang mga batang kumakapit sa kanya. Napa-Levitate effect pa sya at inipon ang lahat ng kanyang pwersa sa kanyang kanang kamay.

Napatanga lahat ng jejekids at ultimo ang kanilang pinuno ay napatigil sa kanyang karumaldumal na gagawin.

"FEEL MY WRATH!! PEKTUS SA NGALA-NGALA!!" Sabay buong pwersa nyang pinektusan ang ngala-ngala ng tukmol.

"AAAAAAKKKHHHK!!!"

para bang nabibilaukan na ewan ang napektusang si Jason.

Napatameme lahat ng jejekids. Hindi rin sila makapaniwala sa kanilang nasaksihan. Hindi nila inaasahang sa murang edad ni Archeebal ay alam na nito ang Sacred Art of Pamemektus sa Ngala-Ngala.

Nang mapansin ng bida na nakatanga na ang lahat, at wala ng kibo at ulirat ang kanilang pinuno ay biglang kumaripas sa pagtakbo ang batang Siga Trainee.

"OI!! BUMALIK KA DITO!!" nagmamadaling paghabol ng isang batalyon na alagad ni Jason.

10 Minuto ang Nalalabi...

TAKBO! TAKBO!

Nagmamadaling takbo ni Arch na para bang wala na syang itatakbo kailanman.

Dali daling kumakaripas lagpas sa bakery-

"Patay ka samin kapag naabutan ka namin! ilulublob ka namin sa kanal!!" tuloy pa din sa pagkaripas ang mga jejekids.

7 Minuto ang Nalalabi...Tuloy tuloy lang ang pagtakbo, para bang mabbreak na nya ang world record. Tuloy pa din sya pababa ng Main Street-

5 Minuto ang Nalalabi...

Hingal na hingal na si Arch, pero dahil tuloy pa din ang pagsunod ng mga taga-Burol ay tuloy pa din sya sa pagtakbo palagpas ng basketball court-

3 Minuto ang Nalalabi...

Papasok na sya sa kanilang kuta, sa Perlas Street; pero tuloy pa din ang pagkaripas ng mga jejekids.

2 Minuto at 10 Segundo ang Nalalabi..

3 bahay pa bago sya makarating ng H.Q. ng-

"BLAAAAAG!!""

Nadapa si Arch dahil sa sobrang pagkahapo. Dali-dali namang pumwestong papalibot ang mga tukmol sa bumagsak na bida.

1 Minuto at 57 Segundo ang Nalalabi...

"PATAY KA SAMIN BATA! ANO?! ASAN MGA KAKAMPI MO?!" Pagbabanta nung jejekid na tinadyakan nya kanina.

Nangangatog na ang bida sa kaba, takot at pagod. Mawawalan na sana sya ng pag-asa. Iniisip nyang hindi nya na matatapos ang kanyang pagsubok. Subalit dahil sa kanyang determinasyon at desperasyon-

Ginawa nya ang Call Signal ng kanyang grupo, umaasang susulpot ang kanyang mga tropa.

1 Minuto at 22 Segundo ang Nalalabi... Wala pa ding lumalabas na tropapis nya.

Papalapit naman ang mga batang Burol, dahan dahan na nilang pinapalibutan ang bida para turuan ng leksyon.

58 Segundo ang Nalalabi...

"MAGDASAL KANA! IBABAWI NAMIN SI BO-"

Bago pa man matapos ang sinasabi nung putok ilong na jejekid.

"SPLAAAAAK!!"

Basang basa na sya ng tubig. May water balloon na nanggaling sa taas.

Ang Talaba Boys. Ang buong tropa nya. Sa wakas at perfect timing na naman sila. Mayroon silang hawak na tigi-tig isang water balloon.

"Arch takbo na! Kami na bahala dito!" nakangising utos ni Jobs habang pinapatunog ang kanyang mga kamao.

Sabay sabay ibinato ng ibang tropa nya ang kani-kanilang mga water balloon. Karipas naman ng takbo ang mga taga Burol, sige naman sa paghabol ang kanyang mga katoto.

22 Segundo ang Nalalabi...

Lawit dilang dumating si Arch sa H.Q.

Nakatambad si Kenny sa kanyang pagdating

"Congrats Tol. Mabuti at nakabalik ka ng buhay." pangising pambungad nya sa bida.

"Thank God they popped out. That was so close.." Halos kinakapos na hiningang sgaot nya.

"Mabilis ang balita dito sa Mineral Village, kilala ka na agad ng mga bata dito. Pinektusan mo ba naman si Jason eh. Haha" pabirong sambit ni Kenny.

"At dahil sa ipinamalas mong lakas, liksi at katapangan. Official Siga ka na. Sangalan ng mga sinauna pang tagapamahala ng Ilalim, iginagawad ko na si Archeebal Genesis ay isang nang Level 1 Siga."

Biglang napa-levitate effect na naman si Arch at may background tune pa ng "Tene Nenen Tenen!" para mas maramdaman nya ng mas opisyal ang pag-Level Up!

SA WAKAS!!

Isa na syang ganap na Siga. Dito na magsisimula ang mas matitindi nyang pagsubok. Makakaramdam na sya ng mga bagay na hindi nya pa napagdaraanan.

Ganun pa man, mas malakas, maliksi, matalino at matapang na sya ngayon.

Kilala na din sya sa buong Mineral Village bilang Beng-Beng, dahil ito daw ay sleng term ng salitang "Bang Bang". Ito na kasi ang kanyang Trademark dahil lagi nyang inaakto sa kanyang dalawang kamay ang tila pagbaril sa mga bumabati sa kanya.

**********

PASPASAN!

Paspasang lumipas ang 2 taon bilang Isang ganap na Siga.

Natapos nya ang grade 3 hanggang grade 5 ng walang aberya. Walang kakwenta kwenta din naman ang kanyang school year kaya fast forward na din. Isa na syang ganap na kuya kay Antoinette; at marahil namiss ng mga magulang nila ang isa't isa ay buntis na naman ang kanyang Ina.

Sa pagkakataong ito ay sila Mama Teresita at Papa Nomeriano na ang kasama nila sa bahay, lilipat na kasi ang Lolo Leo at Lola Vicky nya sa kanyang mga tita.

Maiiba na lalo ang takbo ng kanyang buhay. Isa na syang ganap na Siga, Kuya at soon to be High School Student, isang taon na lamang ang bubunuin nya at magsisimula na ang isa sa pinaka magulong 4 na taon ng kanyang buhay.

Ngunit bago ang lahat ng ito, mag aaral na sya sa Holy Academy and Technological Institue. Paano mag survive ang Siga Level 1 na si Arch sa isang paaralang puno ng mga Taga Burol at mga Taga Tuktok? Paano sya mag survive sa kanyang huling taon sa Elementarya? Ano na ang mangyayari ngayong kasama nya na uli ang kanyang Mama at Papa? Ano na ang mangyayari at isa na syang ganap na kuya?

Madami na ba kayo masyadong tanong?

Subaybayan na lang ang mga kasagutan sa susunod na kabanata...