Chereads / Unforgettable Mistake (TAGALOG) / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

Christine Leigh Arocena Pov

Naalimpungatan ako at kaagad kong tinignan ang orasan

"2:45 am?"

Pero wala pa rin si mama , nasaan kaya pumunta yun? Wala naman kase syang nasabi na may pupuntahan sya .

Nagantay Lang ako hanggang sa makarating sya pero wala pa rin , saktong 4:30 ay nag asikaso na ako At para makapasok na rin . Sana naman pag uwi ko ay andito na si mama.

Mally Vogue University...

Exact 5:15 Andito na ako sa University halos lagi naman ganito ang ginagawa ko, at bilang libangan pumupunta muna ako nang library Kung saan dito ang sweet spot ko dito sa loob nang university .

Papunta sa library madadaanan ang canteen, laboratory room , then dadaan sa Quadrangle , teacher's faculty then-

Napahinto ako sa faculty nang May marinig akong di kanais nais.

I heard someone who is moaning , na nanggagaling sa loob

"Ugh"

"S-Sir"

Rinig kong ungol nung babae ..

Ano toh ginagawa nilang motel ang faculty?

Sir?

So Students ang nasa loob?

Dali Dali akong naglakad paalis sa faculty na yun , baka kase mamaya ay May maka kita sa akin.

And guess who kung sino yun?

Kung sa teacher , Ayoko mag isip nang Kung ano ano pero sigurado ako si Mr. Jack yun.

Andito na ako sa library pero Hindi pa rin mawala wala sa isip ko ang narinig ko kanina.

"Aishhh"

Sabay yuko ako.

Grabe naman si Mr. Jack Cole, pati students pinapatos nya . Atsaka kahit teacher pa sya dapat alam nya na bawal yun .

Nagbasa Lang ako nang mga ilang libro , Hanggang sa narinig ko na ang Bell kung saan hudyat na para sa pasukan.

Agad kong inayos ang gamit ko. At sa nangyari dun sa faculty akin na lang muna siguro , Kahit kay Gwen di ko muna ikukwento wala pa naman akong ibidensya ei, atsaka di ko pa nakita mismo kung sino ba talaga ang andoon sa loob.

Andito na ako sa quadrangle nang salubungin ako ni Gwen.

"Hi Leigh morningg"

Sabi nya sabay akbay

"Oh bat parang masaya ka?"

" Uhm Wala Lang,"

Sabi nya sabay ngiti

" nag review ka na ba? Next week na yung pre-lim natin kay Mr. Jack?"

"Ah wag mo nang alalahanin yun sigurado naman ako 100 percent na papasa sa kanya"

Sabi nya,

"Osige"

Sabi ko then pinagpatuloy na namin ang paglalakad.

After this day at sa wakas ay natapos na ang klase namin, nagpaalam na rin ako Kay Gwen na mauuna naalala ko na naman kase si mama ei.

Andito na ako sa bahay nang maabutan ko si mama.

"Bakit ngayon ka Lang?"

Tanong ni mama na mainit ang ulo

"Ma ganitong oras naman po ang uwian namin ei"

Sabi ko , kahit na si mama ngayon Lang? Gusto ko sanang sabihin kaso baka paginitan ako lalo nang ulo.

Dumiretso ako sa kwarto para magpalit nang damit, pero laking gulat ko nang makita ko ang damit ko na nakabalot.

Kaya Dali Dali akong lumabas,

Ano bang ginagawa ni mama?

" Ma ano ang ibig sabihin nang mga damit ko—"

Hindi ko na natapos pa ang pagsasalita dahil inawat na nya ako.

" Hindi ko pala nasabi sayo na hindi ka na dito titira"

Halos bumuhos ang mga luha ko sa mga mata ko.

"Ma Ano bang sinasabi mo?"

Sabi ko na May halong garalgal sa boses..

Hanggang sa May pumasok na dalawang lalaki, at hinila ako kasabay nun ay ang pagtakip nang panyo sa mukha ko.

" Teka sino kayo? Anong Kailangan nyo sa akin? Ma"

Sigaw ko hanggang sa maramdaman ko nang panghihina dahil sa panyo na pinantakip sa mukha ko.

3,2,1 blackout

...

Nagising ako habang Inaalala ang nangyari kanina,

Si mama ba talaga ang kausap ko kanina?

Wala na ba syang paki alam sa akin ?

Kunsabagay wala naman talaga , alam ko naman na dati pa Lang ay wala na akong Silbi sa kanya. Lalo pa noong narinig ko mismo sa bunganga nya na kasalanan na ipinanganak nya ako.

Ako bang Meron?

Ano ba ang nagawa ko?

Pinagmasdan ko ang madilim na paligid,

Nasaan ba ako?

Ano bang kailangan nila?

Hanggang sa Pinikit ko ulit ang mga mata ko dahil sa may narinig akong parating.

" Sya na ba ang anak ni Miranda?"

"Sya nga señorito"

"Mabuti At naka bayad na sya sa utang nya, iwanan mo na kami"

Teka ako ba ang tinutukoy?

Kabayaran sa utang ?

Bigla namang tumulo ang luha ko eto pala ang dahilan kung Bakit Andito ako.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo na ako.

"T-teka sino ka? Please wag kang lumapit" Sabi ko nang May halong kaba ni hindi ko rin makita ang buong mukha nya At pawang anino Lang dahil sa madilim na paligid.

" Kabayaran ka sa lahat pagkukulang nang nanay mo kaya Wala ka nang magagawa kundi pagsilbihan ako"

"Parang awa mo na magkano ba ang utang namin? Babayaran ko pangako maghahanap ako nang trabaho"

Pero tumawa Lang sya .

"Huli na ang lahat , I gave him what she needed at the right time, so I was the one to collect the debt" Sabi nya

Habang palapit nang palapit.

"Matagal ko kayong pinasubaybayan kaya alam ko na ang takbo nang buhay nyo , binalaan ko ang mama mo Kung hindi makakabayad sa tamang oras kukunin ko ang gusto ko"

Palapit sya nang palapit ako naman ay lumalayo hanggang sa masandal ako sa pader

"At ikaw ang kabayaran na yun, umpisa ngayong araw na toh ay pag aari na kita"

Lapit na lapit na ang mga mukha namin.

"Please parang awa muna"

"Hindi ako tulad nang iba na napapakiusapan, ang usapan ay usapan,"

Hanggang sa hinawi nya ang buhok ko, At hinaplos ang mukha ko.

Hindi ko alam Bakit ganito ang nararamdaman ko naginginig na ang mga tuhod ko.

Natatakot na ako.