Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 94 - KABANATA 23

Chapter 94 - KABANATA 23

SA paglipas ng mga araw ay naging magaan ang takbo ng buhay para kay Louise. Kahit pa dalawa na ang lihim na itinatago niya kay Hilde. Huwebes, labinlimang minuto bago mag-alas-dose ng tanghali. Katatapos lang ng kanilang klase at minabuti niyang sadyain na si Raphael para kagaya ng dati ay sabay na silang kumain ng lunch.

Kahit alam niyang ikatlong palapag ng CEDE Building ang silid nina Raphael sa mga oras na iyon ay minabuti niyang itext ang binata. Mabilis naman itong nagreply at sinabing hintayin nalang niya ito sa second floor corridor para hindi na siya mapagod umakyat.

Ilang sandali ang nakalipas ang nakaramdam siya ng call of nature. Muli niyang tinext ang binata na mababanyo muna, sumagot naman ito ng okay. Napangiwi siya nang makitang may nakapaskil na OUT OF ORDER sa pinto ng banyo kaya wala siyang choice kundi ang umakyat sa third floor.

Palabas na siya ng CR nang makasalubong si Jane na papasok naman. Sandali siyang natigilan at saka mabilis na kinabahan nang mapuna ang matalim nitong titig sa kanya. Nilampasan niya ang babae, pababa a siya ng hagdan nang maramdamang may sumusunod sa kanya.

"J-Jane!" nginig ang tinig niyang sabi saka sinuyod ng tingin ang buong corridor. Hindi pa kasi nag-di-dismiss ang klase kaya ilang estudyante lang ang natanawan niya pero malayo iyon sa kinaroroonan nila.

"Hulaan ko, natatakot ka sa akin ano?" ang maangas na tinuran ni Jane saka humakbang palapit sa kanya.

Hindi siya nagsalita at tinangkang talikuran nalang ang dalaga pero mabilis nitong nahawakan ang braso niya. "Bitiwan mo ako" mariin niyang sabi.

Ngumisi si Jane. "May hidden claws karin pala, tapos ang buong akala ni Raphael helpless ka na kailangang protektahan at bantayan palagi. Bakit, ano bang kaya mong gawin na hindi ko kaya?" malisyoso ang ngiting sumilay sa mga labi ni Jane kaya lalong uminit ang ulo niya.

"Hindi ako katulad, kaya kung ako sayo tanggapin mo ng ako ang mahal niya at hindi ikaw!" nang umabot na sa sukdulan ang pasensya niya ay hindi na niya nagawang pigilan ang sariling pagsalitaan ng masakit si Jane.

"Aba't maldita ka rin ano!" pagkasabi niyon ay ubod lakas na dumapo sa pisngi niya ang isang malakas ng sampal.

Sa bilis ng pangyayari isa lang ang natandaan ni Louise habang nagpapagulong-gulong siya sa hagdan. Iyon ay ang malakas na tinig ni Raphael na isinigaw ng ilang ulit ang pangalan niya bago siya tuluyang nawalan ng malay.

"L-LOUISE? Lovely Hair?" nang makababa ay nilapitan niya ang nobya saka maingat na kinandong. Walang malay na nag-landing si Louise matapos magpagulong-gulong pababa ng hagdan.

"JV! Bilisan mo, dalhin natin siya sa ospital!" ang tawag niya sa kaibigang paris ng ilang naroon ay natulala rin sa nakita.

Nagmamadali itong kumilos habang siya ay parang wala sa sariling pinangko ang nobya saka tinakbo pababa ang hagdan kasunod sina Lemuel at Dave na mabilis na tinawagan si Ralph para ipaalam ang nangyari kay Louise.

"Sweetheart, please hold on "ang umiiyak niyang pakiusap sa walang malay na nobya. "I love you so much, please huwag kang bibitiw" dugtong pa niya saka hinalikan ang noo ni Louise. Halos paliparin ni JV ang sasakyan nito. Nang marating nila ang ospital ay unang bumaba si JV at nagbalik kasama ang ilang hospital staff dala ang stretcher.

Si Raphael ay tila wala parin sa sariling nakasunod sa nobya. Nang ipasok sa loob ng pagamutan ang dalaga ay nakasunod parin siya, huli na nang mapagtanto niya iyon dahil nang marealized niya kung nasaang lugar siya ay mabilis siyang nanghabol ng paghinga. Kasunod niyon ang pakiramdam na parang ibig niyang masuka, panginginig at biglaang pagpapawis.

"Raph! Pare!" si JV na mabilis siyang hinawakan. "halika na lumabas na tayo!"

Umiling siya ng magkakasunod saka pikit-matang kumapit sa counter. "H-Hindi ko p-pwedeng iwan si Louise!" giit niya sa kabila ng matinding sakit na nararamdaman.

"Kapag hindi ka pa lumabas dito baka mauna ka pa sa kanya! Halika na!" galit nang pilit sa kanya ni JV saka siya buong pwersang hinila palabas. Kauupo palang nila nang pumarada ang kotse ni Lemuel. Bumaba ito kasama si Dave. Kasunod niyon ang isa pang pamilyar na sasakyan kung saan bumaba sina Ralph at Hilde na nagmamadaling pumasok sa loob.

"Anong nangyari sa kanya?" ang nag-aalalang tinig ni Dave nang makalapit sa kanila.

"Sinumpong ng sakit niya, ano pa?" sagot ni JV habang patuloy sa ginagawang pagpaypay sa kanya.

Hindi niya matiyak kung dahil ba sa nararamdaman niyang amor sa kanya ng mga kaibigan niya o sa takot na baka mawala si Louise ang dahilan kaya tuluyan na nga siyang napahagulhol ng iyak. "H-Hindi siya mamatay! Hindi, siya matutulad kay Lola!"

"Makinig ka Raph" boses iyon ni Lemuel. "kailangan mong maging matapang para sa kanya. At para magawa mo iyon, kailangan mong harapin ang pinakakinatatakutan mo" makahulugan nitong sabi na nakuha naman niya ang ibig sabihin.

KAHIT anong pilit sa kanya ng mga kaibigan niya maging ng Daddy at Tita Hilde niya ay hindi siya umuwi. Nanatili siya sa labas ng ospital, sa ganoong paraan man lang magawa niyang damayan ang babaeng pinakamamahal niya. Sina Lemuel at JV ay minabuting bumalik ng SJU para asikasuhin ang nangyari kay Louise na kagagawan mismo ni Jane. Si Dave naman ay hindi umalis sa tabi niya at matiyagang naghintay sa paglabas ng sinuman kina Ralph at Hilde para ipaalam ang kalagayan ng kanyang nobya.

"Nailipat na sa private room si Louise" si Hilde na tinabihan siya sa kinauupuan. "ang sabi ng doctor kapag lumabas na normal ang lahat ng lab test niya, pati narin ang CT Scan ay pwede na natin siyang ilabas rito after twenty four hours."

Nakahinga siya ng maluwag sa narinig. Pero saglit lang iyon dahil mabilis na binalot ng matinding tensyon ang paligid nang humahangos na lumapit sa kinaroroonan nila si Arthur. Nakita niya ang agarang pamumutla ng magandang mukha ni Hilde lalo pa at kalalabas lang noon ng kanyang ama.

"A-Arthur?" nginig ang tinig pang sambit ng madrasta.

Isang mabait na ngiti ang pumunit sa mga labi ng ginoo. ��Nasaan si Louise? Ano nang lagay niya?" hindi manlang niya kinaringgan ng kahit kaunting bitterness ang tinig ni Arthur. Siguro dahil tanggap na nga nitong masaya na si Hilde sa piling ng kanyang ama.

Noon tumayo si Hilde saka umagapay kay Ralph. "S-Si Arthur, R-Ralph, siya ang Papa ni L-Louise" halata ang takot sa tinig ni Hilde.

Blangko ang mukhang pinakatitigan ni Ralph ang ginoo. Ilang sandali pa ay nakangiti nang inilahad ni Arthur ang sarili nitong kamay kay Ralph.

"Kumusta ka? Arthur Arevalo, masaya akong makilala ka" ramdam niyang bukal sa loob ni Arthur ang sinabi.