Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 89 - KABANATA 18

Chapter 89 - KABANATA 18

"LET'S dance?" isang oras mula nang dumating sila sa party ni Maia ay noon siya niyayang magsayaw ni Raphael.

"H-Ha?" kanina lang niya sinagot ang binata kaya malamang iyon ang dahilan kung bakit parang nakakaramdam parin siya ng kaba ngayon.

"Come, ayokong matapos ang gabing ito nang hindi ka naisasayaw, Cinderella" ang binatang inakay na siya patungo sa dance floor.

"H-Hindi ako marunong sumayaw" aniya nang maramdaman ang kamay ng binata sa kanyang baywang. Alam naman niyang hindi siya iiwanan ni Raphael sa dance floor, pero ayaw naman niyang maperhuwisyo ang mga paa nito. Dahil kahit sabihin pang doll shoes ang suot niya, masakit parin iyon.

Tumawa ang binata. "Iyon lang ba?" anito nang pumailanlang ang isang magandang love song. "well then, stand on my feet."

"W-What?" hindi makapaniwala niyang naisatinig.

Tumango-tango si Raphael. "Sige na please?" pakiusap pa nito.

Sumunod siya pagkatapos ay nangingislap ang mga mata itong tiningala. "Ganito ba?" tanong pa niya.

"Yes!" si Raphael na pinagbuti ang pagkakahapit sa kanya. "There's no escaping now Lovely Hair, let's do this" paanas pa nitong sabi bago sinimulan ang marahang paggalaw.

"Sa Monday, start na ng rehearsal ng banda para sa Rock Fest. Matutuwa ako kung manonood ka."

"Oo naman, darating ako. Araw-araw, ako ang magiging PA mo" ngiting-ngiti niyang sabi.

Sandali siyang pinagmasdan muna ng binata nagsalita. "Gusto kitang halikan" anas nito kaya nag-init ng husto ang kanyang mga pisngi.

"Shhh! Bawal!" aniyang bagaman nahihiya ay hindi niya napigilan ang mapahagikhik ng mahina dahil sa kilig na nanuot sa kanyang puso.

Umangat ang makakapal na kilay ng binata kasabay ang pagpunit ng isang napakagandang ngiti sa mapupula nitong mga labi.

"Mamaya sa kotse, pwede?" paalam nito. Hindi niya napigilan ang matawa sa tono ng pananalita ng binata saka tumango bilang tugon. Doon ay mabilis na nagliwanag ang mukha ni Raphael. "Matagal, pwede?"

Nangingiti siyang napapikit dahil sa way ng paglalambing sa kanya ng nobyo. "Okay" sagot niya.

Noon tumigil sa marahan nitong paggalaw ang binata. Napapikit pa siya nang maramdaman ang mainit nitong labi sa kanyang noo.

"I never thought that I would love like this, Louise. Hindi ko ito sinadya, but one thing is for sure. I love you more than anyone else, at ang lahat ng ito. Kung nasaan tayo ngayon and what we have, lahat nakatadhana."

Nangilid ang luha niya sa sinabi ng binata pero nagkontrol siya. "Hindi ko alam kung anong nakita mo sa akin para mahalin mo ng ganito. Dahil kahit hindi ka magsalita kahit sa simpleng sulyap mo lang ramdam ko ang pagmamahal mo. Pero sana huwag mo akong sasaktan kasi naniniwala ako sayo."

Nakakaunawang ngumiti ang binata. "Kung posible lang, isusulat ko sa langit kung gaano kita kamahal. Para lang makita ng buong mundo na ikaw at ikaw lang dito sa puso ko, now and forever" ang sinabing iyon ni Raphael ang dahilan kaya tuluyang kumawala ang kanyang mga luha.

Yumakap siya ng mahigpit dito, hindi niya tiyak kung may magbibigay ng kahulugan sa mga nakakakita sa kanila pero wala na iyon sa kanya. Dahil masyado siyang masaya para bigyang pansin ang pwedeng isipin ng iba.

LUNES nang simulan ng SJU Rock Band ang regular rehearsal para sa nalalapit na Rock Fest dalawang linggo nalang ang nalalabi. One Last Song ang title ng Rock Fest sa taong iyon. Nang itanong niya sa binata ay sinabi nitong dahil iyon na ang huling taon nito sa SJU at maging sa banda. Graduating na nga naman ito at aalis na sa SJU.

At katulad ng naipangako niya, araw-araw niyang sinasamahan si Raphael sa pagsasanay nito at ng buong banda. Pero kagaya narin ng napag-usapan nila, nanatiling lihim sa lahat ang kanilang relasyon. Pati narin sa SJU, maliban nalang sa tatlong kaibigan ng binata.

"Pupuntahan ko iyong pinapa-customize kong kotse, gusto mo bang sumama?" naglalakad na sila noon patungo ng parking lot.

Banayad siyang umiling. "Pagod kasi ako, pasensya kana gusto kong magpahinga eh" nahihiya niya sabi saka na pumasok sa loob ng kotse.

"Okay, gusto ko lang sanang makilala mo iyong nagko-customize, si Mang Turo" ang binata binuhay ang makina ng sasakyan.

Bigla ang sikdo ng hindi maipaliwanag na kaba sa kanyang dibdib saka natigilang tinitigan si Raphael na napangiti naman sa naging reaksyon niya.

"W-Wala" aniyang umiling nang itanong ng binatang 'what's wrong?' Habang sa isip niya ay nagbalik ang isang alaala ng kanyang kamusmusan na parang aninong nanatiling nakasunod lang sa kanya.

"P-PLEASE Papa huwag kang umalis" ang umiiyak niyang pakiusap habang pinapanood ang noon ay pag-e-empake ng kanyang ama.

"Babalik ako anak, pangako" anitong sandali siyang sinulyapan at pagkatapos ay si Hilde na nakatayo sa may pintuan. Kagaya niya umiiyak rin ito.

Lumakas ang iyak niya doon. "B-Bakit lahat ng damit ninyo nasa bag?" ang tanging nasabi niya saka sunod-sunod ang ginawang paghikbi. "hindi mo na ba ako love Papa?" puno ng hinanakit niyang tanong saka sinulyapan ang ina niyang napahagulhol dahil sa tanong niyang iyon.

Noon siya nilapitan ni Arthur, lumuhod ito sa harapan niya saka pinahid ang luhaan niyang mukha. "Makinig ka kay Papa, okay?" sa pagkakatitig niya sa ama ay nakita niya ang pagkislap ng luha sa mga mata nito na sa kalaunan ay umagos rin. "heto, kunin mo itong notebook. Isulat mo dito lahat ng kahit anong gusto mong ikwento sa akin, pwedeng masaya, pwedeng malungkot. Para kapag nagkita na tayo, malaman ko lahat ng ginawa mo nung wala ako" patuloy sa pag-iyak na bilin ni Arthur saka inilagay sa kamay niya ang notebook.

"P-Pwede naman tayong mag-usap Papa, sa telepono, hindi po ba?" naguguluhan niyang tanong sa pagitan ng pagluha.

Umiling ang kanyang ama. "H-Hindi mo pa kasi maiintindihan sa ngayon anak, pero pagdating ng panahon. Sana sa kabila ng lahat mapatawad mo parin ako at lagi mong iisiping mahal na mahal kita. Kayo ng Mama mo, babalikan ko kayo, pangako."

Tumango siya. "I love you too Papa, ma-mi-miss kita" saka napahagulhol nanamang yumakap ng mahigpit sa kanyang ama. "hihintayin kita Papa," pahabol niya bago tuluyang tumakbo palayo ang taxing kinalululanan ng kanyang ama.

"Babalik pa ba siya?" tiningala niya si Hilde na noon ay sumisinghot ng tinutuyo ang gilid ng mga mata. Pagkatapos ay tumalungko sa harapan niya saka siya hinalikan sa noo.

"Sana pwede kong paggaanin ang lahat ng ito para sayo anak. Pero minsan may mga bagay na nangyayari talaga na hindi natin kayang pigilan, because they are meant to happen" paliwanag nito.

"What do you mean, Mama?"

"Anak, minsan may mga bagay o sitwasyon na mas mabuting ipaubaya nalang sa tadhana. Lalo na kung alam mong maraming masasaktan, maraming mahihirapan. Kasi ang totoong pagmamahal hindi lumilimot sa tama at mali. Sa madaling salita, hindi makasarili" ani Hilde.

Nagtaas-baba ang dibdib ni Louise dahil sa alaalang iyon. Pagkatapos ay natigilan nang mapuna ang panyong hawak ng binata na iniaabot nito sa kanya. Tinanggap niya iyon saka pinunasan ang nabasa niyang pisngi nang hindi niya namamalayan. Ngayon lang niya narealized ang ibig sabihin ng sinabing iyon sa kanya ng ina. Pero hindi parin niya mahulaan kung ano ang totoong dahilan at umalis ng ganoon nalang sa piling nila ang kanyang Papa.

"Are you okay?" ang binata makalipas ang ilang sandali.

"Yeah, huwag mo akong alalahanin. I'm okay" paniniyak niya.

"Magpahinga kana okay? Sasaglit lang ako kina Mang Turo then uuwi rin ako kaagad" ang binatang itinigil sa malaking garahe ang minamaneho nitong Camaro. "I love you" anitong ninakawan muna siya ng halik sa labi bago pa man siya nakahuma. Namumula ang mukha niyang tinitigan ang nobyo. "I told you, favorite ko ang mga stolen kisses galing sayo" tukso pa nito bago siya tuluyang bumaba ng sasakyan.