Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 88 - KABANATA 17

Chapter 88 - KABANATA 17

"IBIBIGAY ko sa kanya ang pinaka-magandang debut party na kaya kong ibigay. Siyempre ako ang first dance ng aking prinsesa. Darating ang time, ma-i-in love din siya. Ang pangarap ko lang sana makakita siya ng lalakeng magmamahal sa kanya ng kagaya ng pagmamahal ko sayo" nang manatili siyang tahimik ay nagpatuloy ang binata kaya muli niya itong nilingon.

Sa pagkakataong iyon ay mas ramdam na niya ang kakaibang atmosphere sa loob ng sasakyan, dahilan kaya bigla parang nagsikip ang loob ng Camaro na minamaneho ng binata.

"Hindi na importante sakin kung mayaman man siya o mahirap. Ang mahalaga iyong nararamdaman niya para sa magiging anak natin. Sobra-sobra na ang pera ng pamilya ko na maiiwan sa atin para mabuhay ng magarbo ang kahit pa magiging apo natin. Then I will walk her down the aisle, with her white dress she'll be very pretty. Pero hindi mangyayari iyon kung wala ka, hindi matutupad ang lahat ng pangarap ko kung hindi ikaw ang makakasama ko sa pag-abot ng mga iyon" noon siya nilingon sandali ni Raphael. Sandali lang ang sulyap na iyon pero nakita niya sa mga mata nito ang katapatan.

"T-Tulungan mo a-ako?" ang naisatinig niya sa halip.

Ngumiti ang binata. "Of course!"

"N-Natatakot kasi akong masaktan, kagaya ng nangyari kay Mama nung iniwan kami ni Papa. Ayokong mangyari sa akin iyon, iyong tulala, laging umiiyak at hindi makakain," sa wakas nagawa rin niyang sabihin sa binata ang totoong dahilan kaya napipigil siyang mahalin rin ito ng buo.

Noon itinigil ni Raphael ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang baba saka itinaas ang kanyang mukha. Sa pagtatama ng kanilang mga mata, bigla parang nakita niya ang lahat ng sinabi sa kanya ni Raphael sa kanya kanina. Nakita niya ang sarili niyang tumatanda kasama ito. Noon nag-init ang kanyang mga mata.

Mahal niya si Raphael, tanging ang takot lang na matulad kay Hilde ang bumubulag sa kanya at nagdudulot ng kalituhan. Pero ngayon, sa harapan nito, alam niya at tiyak niyang mahal niya ang binata. At gaya nito, gusto niyang makasama ito sa pagtupad rin ng kanyang mga pangarap para sa hinaharap.

"Kapag tinitingnan ko ngayon ang buhay ko. How the pieces fall into place, masaya ako at kasama ka sa mga puzzle pieces na iyon. And the greatest thing is, hindi ka lang simpleng puzzle piece. Because you are the puzzle of my heart" sa sinabing iyon ng binata kumawala ang kanyang mga luha. Tumawa ito ng mahina saka pinahid ang kanyang pisngi. "ano na nga iyog sinabi mo sa akin noong gabi ng Prom ninyo at tinanong kita kung ano ang pangalan mo?" amuse na tanong ng binata.

"Alin ba? Iyon, bakit mo tinatanong ang pangalan ko? Pakakasalan mo ba ako?"

Ngiting-ngiti na tumango ang binata. "Ngayon ko gustong sagutin ang tanong na iyon" anito "oo pakakasalan kita, sa kahit ilang simbahan pa. Kasi mahal kita, pero bago iyon, kasi nga bata ka pa. Pwede bang maging girlfriend muna kita? Para magkaroon na ako ng totoong awtoridad na bakuran ka?" malambing na tanong ng binata saka hinaplos ng marahan ang kanyang pisngi.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "I-Ibig sabihin totoo ang hula ni Josh at ng pinsan niya! Na binabakuran mo ako? Kaya hindi ka nakikipagdate sa ibang babae?"

Tumawa ng malakas doon ang binata. "Oo naman! Tingnan mo nga mabuti pa ang iba napapansin ang ginagawa ko, ikaw lang yata ang manhid na hindi nakakapansin eh. O baka naman nagpapakipot ka lang ha?"

Namula ang mukha niya sa huling sinabi ni Raphael. "Hindi ah! Nakakaramdam naman ako kaya lang ayokong mag-expect kasi nga ayokong masaktan!"

Makahulugang ngumiti noon ang binata. "Yun naman pala eh, edi, ano na?"

Nagsalubong ang mga kilay niya. "H-Ha?" nagmamaang-maangan niya sagot sabay ikot ng kanyang mga mata.

"Tsk, dali na!" giit ng binata saka hinagod ng tingin ang kanyang mukha pagkatapos ay nagtagal sa kanyang mga labi. Napalunok siya. "alam mo bang gusto ko ng halikan ka ng matagal? Iyong walang kahit sino ang pwedeng pumigil sakin?" masarap na kilabot ang nanulay sa katawan niya sa sinabing iyon ng binata.

May kapilyahan siyang napangiti. "Bakit, wala namang pumipigil sayo ah?" sa mapang-akit pang tinig.

Nahigit ang paghinga niya nang ilapit nang husto ni Raphael ang mukha nito sa kanya. "Such a naughty girl, pero ipangako mong sa akin ka lang magiging ganyan, okay?" seryosong turan ni Raphael saka hinawakan ang kanyang batok pagkatapos.

Kung anuman ang kabang nararamdaman niya ay pilit niyang inignora."What would I get in return?" tukso niya rito.

Umangat ang sulok ng labi ng binata. "My name" maikli nitong sagot saka mabilis na inangkin ang kanyang mga labi. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at hinayaan lang ang binatang halikan siya kahit pa parang mauubusan na siya ng hangin dahil sa lalim ng halik na iyon.

"I love you so much Lovely Hair" anas nang binata nang pakawalan nito ang kanyang mga labi.

"I love you too."

"Sandali lang, may itatanong lang ako" nag-landing sa pisngi niya ang mga labi ni Raphael nang iwasan niya ang muling paghalik nito. Napahagikhik siya.

"What is it at bakit kailangan mo akong bitinin?"

Umikot ang mga mata niya habang nangingiti. "Sasabihin na ba natin sa Mama at Tito?"

Sandaling tumahimik ang binata saka nag-isip. "Ikaw? Sa tingin mo? Kapag inamin natin sa kanila, kailangan ko ng lumipat sa penthouse. Alam mo na, ayaw kong magkaroon ng pag-uusapan ang mga katulong" ang binata.

Tumango siya. "Baka magalit sila?" totoong nag-aalala siya sa parteng iyon pero hindi naman nila sinadya ni Raphael ang mahulog sa isa't-isa."ilihim nalang natin sa lahat pansamantala. Kasi feeling ko magagalit talaga sila, lalo na si Mama kasi napakabata ko pa" iyon lang ang option na nakikita niya. Ang mag-pretend na walang anumang namamagitan sa kanila ni Raphael.

"Iyon ba talaga ang gusto mo?" paniniyak ng binata.

Tinitigan niya ito ng matagal saka tumango. "Oo, hindi ko pa kasi talaga kayang aminin kay Mama."

"Okay, walang problema" pagkasabi niyon ay saka siya dinampian ng simpleng halikan sa labi. "hanggang kailan?"

"H-Hindi ko pa alam eh, p-pero okay lang ba kung kapag eighteen na ako?" nag-aalangan niyang tanong.

Ngumiti si Raphael. "Sige, gusto mo bang lumipat ako sa penthouse?"

Umiling siya. "Kapag ginawa mo iyon magtataka sila, okay lang na magkasama tayo. Kailangan nga lang nating mag-pretend na walang ibang namamagitan sa atin" paliwanag niya.

"At least hindi ka mawawala sa paningin ko" si Raphael na hinalikan ang kamay niyang hawak nito. "listen, hindi ito magiging madali. Sigurado ako darating iyong mga pagkakataong kakailanganin natin ang umiyak or makakaramdam tayo ng takot. But I want you to know that I am here. I'm sure we'll get there as long as we are together" puno ng kumpiyansa ang tinig ng binata.

Sunod-sunod ang ginawa niyang pagtango saka naglalambing na yumakap sa binata. "Halika na, baka hinihintay na tayo ni Mama" nang ilayo niya ang sarili kay Raphael.

Malakas siyang napasinghap nang bigla ay dinampian muli ng binata ng halik ang kanyang mga labi. Bahagya pang nagtagal ang halik na iyon kaya sunod-sunod ang ginawa niyang paghinga nang pakawalan ng binata ang mga labi niya.

"For me, stolen kisses are sweeter" tukso nito.

"Bola" natatawa niyang irap sa binata.

Hindi na sumagot si Raphael na nakangiti lang siyang sinulyapan at ipinagpatuloy ang pagmamaneho.