Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 86 - KABANATA 15

Chapter 86 - KABANATA 15

"ANONG sabi ni Dean?" ang bungad na tanong sa kanya ni Lemuel nang balikan niya ang mga ito sa corridor sa labas mismo ng kanilang classroom.

"Okay naman, sa awa ng Diyos, pumayag" malaki ang pasasalamat niyang pumayag ang Dean nila na iba nalang ang kuhaning representative ng college nila para sa nalalapit na Pandesal Party sa susunod na buwan. Sinabi niyang magiging abala siya dahil sa nalalapit na Rock Fest.

Tumawa ng mahina si Dave bago nagsalita. "Iyon ba talaga ang dahilan? Alam mo pare kilala ka namin eh, kung Rock Fest at pageant lang kayang-kaya mong pagsabayin iyon ng walang kahirap-hirap. Umamin ka nga."

Nangalatak siya. "Ano naman ang aaminin ko?" aniyang matawa narin ng makita ang pagpapalitan ng makahulugang tingin ng tatlo.

"Sa tingin ko siya ang dahilan ng pagba-back out mo" kinabahan siya sa sinabing iyon ni Lemuel kaya mabilis niyang nilingon ang tinitingnan nito.

"L-Louise!" aniyang malalaki ang mga hakbang na nilapitan ang dalaga. Narinig niya ang mahihinang tawanan ng tatlo pero hindi niya pinansin.

"B-Busy ka?" ang bungad nito sa kanya.

Malapad siyang napangiti. "I always have time for you Lovely Hair."

Nagyuko ng ulo nito ang dalaga dahil sa sinabi niya saka nagsalita. "P-Pwede bang magpatulong?"

Noon niya nilingon ang tatlo na nahuli niyang panaka-naka ang sulyap sa kanila. Naisip niyang baka mas mailang ang dalaga kaya minabuti niyang yayain nalang itong kumain.

"Tutal twelve narin naman, sa canteen na natin pag-usapan, okay lang?"

Tumango ito. "Magpapaturo lang sana ako sayo kasi naaalala ko mamaya after lunch may quiz kami sa Algebra."

"Walang problema" aniyang hinawakan ang kamay ng dalaga. "guys mauuna na kami sa canteen."Tumango lang ang mga ito kaya hinila na niya ang kamay ng dalaga. Pero bago iyon ay narinig niya ang nanuksong tinig ni Dave na inaawit ang mga linya ng isang pamilyar na awitin ng Turtles.

"I can see me loving nobody but you for all my life. When you're with me baby the skies will be blue for all my life" pinandilatan niya ng mata ang kaibigan kaya nagtawanan ang dalawa na sinegundahan naman ng pagsipol ng mga ito sa tono ng kaparehong kanta.

Ipinagpasalamat nalang niyang busy nang mga sandaling iyon si Louise sa cellphone nito kaya hindi nito napansin ang ginagawang panunukso sa kanya ng tatlo.

"Come, Lovely Hair" aniyang hinila pababa ng hagdan si Louise.

SA canteen si Raphael ang umorder ng pagkain nila habang siya naman ang pumili ng mesa. Nasa gawing likuran ang kinuha niya sa kagustuhang makaiwas sa mapanuring mata ng iilang estudyanteng babae sa kanya. Madalas kasi niyang maranasan iyon dahil siya ang malimit na kasama ng binata.

Medyo mahaba ang pila kaya minabuti niyang magbasa-basa muna, dahil nga nakayuko, hindi napuna ang pag-upo ng isang estudyante sa harapan niya. Nakuha lang niyon ang pansin niya nang magsalita ito. Nagulat pa siyang nag-angat ng tingin.

"J-Jane!" napuna niya ang baso ng iced tea'ng hawak nito.

"Kasama mo si Raphael?" seryoso nitong tanong.

Noon umahon ang kaba sa dibdib niya, saka naalala ang sinabi nito sa kanya noong araw na makasalubong niya itong umiiyak. "Y-yeah" aniyang pinilit na ngumiti.

Biglang nanalim ang mga mata ni Jane. "Sinabi ko na sayo hindi ba? Layuan mo siya!" mataas ang tinig nitong sabi.

Napapikit siya nang makitang naglingunan sa gawi nila ang ilang nakarinig. "W-Wala akong dapat ipaliwanag sayo, and besides imposible ang gusto mong mangyari. Alam mong---" hindi na niya naituloy ang iba pang gustong sabihin dahil bigla siyang sinabuyan ng iced tea sa mukha ng kaharap.

Napatili siya dahil sa pagkabigla. Mabilis namang umagaw sa atensyon ng lahat ang nangyari, maging kay Raphael na mabilis na nakalapit sa kanya.

"Jane! Bakit mo ginawa iyon kay Louise!?" galit na sita ng binata sa dating nobya nang makalapit sa kanya. Iniabot ito sa kanya ang panyo nitong ipinantuyo niya sa basa at nanlalagkit na mukha.

"She deserves it! Sinabihan ko na siyang layuan ka pero malandi siya!" ani Jane na parang hindi naman natinag sa nakikitang galit ni Raphael.

"Ano bang sinasabi mo? Matagal na tayong tapos! At isa pa walang kang karapatang manakit ng kahit sino dahil hindi mo ako pag-aari!" galit na galit na turan ni Raphael. "halika na Louise, sa ibang lugar nalang tayo kumain!" ang binatang hinawakan ang kamay niya kaya napasunod siya sa malalaking hakbang nito.

MEDYO maalinsangan kaya minabuti niyang lumabas sa may veranda para magpahangin. Hindi na niya sinabi kay Hilde ang ginawa sa kanya ni Jane. Pinakiusapan narin niya si Raphael tungkol doon at pumayag naman ito.

"Lovely Hair!" agad na lumukso ang puso niya pagkadinig palang niya sa pet name na iyon sa kanya ni Raphael. Kaya naman matamis ang pagkakangiti niyang nilingon ang binata na nakita niyang humahakbang naman palapit sa kanya. "bakit gising ka pa? Di ba sinabihan na kitang ayokong nagpupuyat ka?" pinagagalitan siya nito pero ang tono mas maglalambing.

"Hindi kasi ako makatulog��� nakangiti niyang sabi saka ibinalik ang pagkakatitig sa bilog na buwan.

"Ang ganda ng buwan ano?" ang narinig niyang tinuran ng binata.

Tumango siya. "Alam mo kapag nakikita ko ang buwan, naiisip ko ang Papa ko" hindi niya sinadya iyon pero alam niyang hindi na niya mababawi.

"O-Oo nga pala, ano nga palang nangyari sa Papa mo?" curious na tanong sa kanya ng binata.

Tiningala niya ito saka nagkibit-balikat. "Hindi ko alam, six years old palang ako nung nagpaalam siya sa amin ni Mama. Iniwanan niya ako ng notebook, and a promise na babalikan niya kami" mapait niyang kwento saka nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga. Nang manatiling tahimik si Raphael ay nagsalita ulit siya. "nung umalis siya, madalas kong makita si Mama na umiiyak. Minsan tulala, walang ganang kumain. Kahit bata pa ako alam kong nasasaktan siya at mahal na mahal niya si Papa kaya siya nagkakaganoon. Iyon ang dahilan kung bakit gabi-gabi ipinagdarasal ko na sana bumalik siya."

"Sinubukan niyo ba siyang hanapin? Kahit sa internet lang?" ang binata kaya niya ito muling nilinga.

Tumango siya. "Pero wala kaming nakita eh, ang sabi ni Mama hindi daw marunong gumamit ng computer ang Papa. Maliban nalang kung nagsanay siya kasi imposibleng walang nagbago sa kanya sa loob ng sampung taon" aniyang sinundan ang sinabi ng mahinang tawa. "magaling na mekaniko ang Papa ko, alam mo ba? Pangarap niya noon ang magkaroon ng sariling talyer. Magaling din siyang mag-drawing, ng kung anu-ano. Pero kadalasan mga kaha ng kotse ang dino-drawing niya" sa isang iglap naramdaman niya ang tila patalim na gumuguhit sa lalamunan niya.

"Oh tama na, baka mamaya umiyak ka pa" tukso sa kanya ni Raphael na umakbay pa sa kanya. Napuna marahil ang bahagyang panginginig ng kanyang tinig.

Nakangiti niyang inalis ang kamay nitong naka-akbay sa kanya. "Don't push it, mamaya may makakita eh" aniya.

"Right!" natatawang turan ng binata. "but just in case, gusto mo bang makita ang Papa mo?" ang muli ay naitanong sa kanya ni Raphael.

Nangislap ang mga mata ni Louise sa narinig. "Oo naman! Pero alam ko mahirap gawin iyon, I mean napakalaki ng Pilipinas. Paano ko siya hahanapin?"

Ngumiti lang ang binata. "Lately, narealize kong ang lahat ng nangyayari sa'tin, are written in the stars, kasi lahat tayo may kanya-kanyang guiding stars."

"What?"

"Parang ang nangyari sa Three Magi when Jesus was born. Ganoon din sa atin. Our stars first met, and then they fell in love. Tapos gumawa sila ng paraan para magkita tayo," ang lahat ng sinasabi ni Raphael parang isang napakagandang awitin na kaytagal niyang hinintay na mapakinggan. "as for me, the first time I saw you may naramdaman na akong kakaiba" noon hinawakan ng binata ang magkabila niyang balikat saka pagkatapos ay maingat siyang ipinihit ng binata paharap dito.

"R-Raphael?"