"THEY tried to catch me, pero mailap ang puso ko. But then you came, tinitigan mo ako, sininghalan, tapos tinarayan. Na-amuse ako kasi sa kabila ng lahat umupo ako sa tabi mo. Kung ibang babae ka lang baka iniwan na kita. Pero ang mga mata mo, kahit umiiyak ka, parang sila ang nagsasabing kailangan mo ako. At gusto kong protektahan ka, naramdaman ko iyon sa simpleng pagtatama lang ng ating mga mata. Pero nung ngumiti ka, nung nakilala na kita, nakakatawa mang isipin pero kahit magkasama tayo dito sa bahay namimiss kita? I'm sorry pero talagang mahal na kita" madamdaming hayag ng binata na niyuko pa siya kaya lalong nagwala ang puso niya nang malanghap niya ang mabango nitong hininga.
"M-Mahal mo a-ako?" hindi makapaniwala niyang ulit.
Napapikit siya nang maramdaman ang palad ng binata sa kanyang mukhang.
May nararamdaman din ako, pero naguguluhan pa ako.
Iyon ang gusto niyang sabihin pero nanatiling tikom ang kanyang bibig.
"Nung una kitang nakita naramdaman kong I found the one. Pero dahil napakabata mo pa, at hindi ko prefer ang kasing edad mo hindi ko sineryoso ang nangyaring iyon. Until dumating ang muli nating pagkikita, nung sabihin ko sa'yong gusto kong makita kita ulit totoo iyon sa loob ko. And I'm glad na nagkita ulit tayo" nahigit ang kanyang paghinga nang maramdaman ang hinlalaki ng binata na humaplos sa pang-ibaba niyang labi.
Para siyang napapaso pero wala siyang kakayahang pawiin ang maliit na apoy na unti-unting pinagniningas ni Raphael sa pagkatao niya nang dahil lang sa simpleng haplos na iyon.
"I never thought that it is possible to fall in love with someone in no time, with every single day. But with you it is possible; I will always love you, gagawin ko iyon araw-araw" ani Raphael saka siya mahigpit na niyakap pagkatapos.
Ngumiti siya. "Masaya akong marinig ang lahat ng iyon. Pero I told you, hindi pa ako ready. And besides, napakabilis ng lahat. Parang ang hirap paniwalaan. Pero kung maghihintay ka, sana dumating iyong time para sa ating dalawa" pakiramdam niya iyon ang pinaka-safe na pwedeng sabihin dahil kahit may kakaibang damdamin naman talaga siya para kay Raphael. Parang hindi pa iyon ang tamang oras, dapat tiyakin muna niya ng mabuti ang lahat.
Tumango ang binata. "Maghihintay ako, lalo na kung para sayo. I love you."
"Good night" ang sagot naman niya.
Tumawa ang binata. "Tingnan mo, parang Suyuan sa Asotea ang eksena natin dito" paalala ni Raphael sa kanya ng isang eksena sa nobelang Noli Me Tangere.
Nag-iinit ang mukhang nagyuko siya ng ulo. Nang hindi siya magsalita ay nagpatuloy ang binata. "If I'm not in love with you malamang hindi ko gagawin ang ganito. Iyong kailangan pa kitang ligawan kahit nasa ilalim lang tayo ng iisang bubungan. Tapos palihim pa ang panliligaw ko sayo" ramdam niya sa tinig ni Raphael ang galak kaya nangingislap ang mga mata niya itong tiningala.
"Kumbaga sa Facebook, it's complicated!" biro niya.
Noon ginagap ng binata ang kamay niya saka hinalikan. "Naniniwala akong magiging In A Relationship din iyan, and syempre, Married!" anito. "pero seriously, kahit ganito ang sitwasyon natin, kuntento ako. Or should I say, kumpleto ako."
"G-Ganoon din naman ako eh, at pakiramdam ko kapag kasama kita safe ako" amin niya. "basta sana huwag kang magsawa, huwag kang mapagod maghintay" mas lumabas na pakiusap iyon at lihim siyang napahiya bagaman nakangiti.
Tinanguan siya ng binata. "Siya nga pala, Sabado bukas hindi ba?" pag-iiba ni Raphael sa usapan.
"Oo" aniya.
"Aalis tayo, birthday nung anak ni Mang Nardo, debut. May simpleng party at sinabihan ako ng Dad na tayong dalawa nalang ang pumunta dahil sa dami ng trabahong tinatapos niya."
Bigla ay nakaramdam siya ng excitement. "Talaga? Wow sige!
Si Louise ay nahiga nang may ngiti sa mga labi. Pagkatapos ay bumangon at mula sa kanyang drawer ay inilabas ang notebook na ibinigay sa kanya ni Arthur. Sinulatan niya iyon, ng tungkol kay Raphael.
Darating ang panahon Papa, paglalapitin tayo ng mga stars natin. Tapos ibibigay ko ito sayo. I miss you, I love you.
DAHIL kinagabihan pa ang party niyaya muna niya si Raphael na bumili ng regalong para kay Maia. Ang anak ni Mang Nardo na mag-di-debut. Palabas na sila ng mall nang may tumawag na kung sino sa binata.
"Dra. Cahilig!" ang binata na ngumiti at tinanggap ang beso ng babaeng sa tantiya niya ay matanda lang dalawang taon sa kanyang Mama.
"Hi,you look good today. Kumusta kana?" masaya nitong tanong saka siya mabait na nginitian.
"I'm good, by the way si Louise. Lovely Hair, siya ang Psychiatrist na tumutulong sa akin" walang insecurity sa tinig na sabi ni Raphael.
Tumango-tango ang doktora. "Mukhang alam ko na kung bakit ganito ang aura ni Raphael. As I have said, malaki ang maitutulong ng suporta ng pamilya or ng special someone sayo" anitong sinulyapan ng makahulugan ang binata kaya nahihiya siyang nagyuko ng ulo. "anyway, huwag mong kalilimutan ang session natin sa Sabado okay? Hihintayin kita, ingat kayo" bago sila nito masayang tinalikuran.
"Talaga bang lately ka lang nag-start magpatingin?" tanong niya nang nasa sasakyan na sila.
Nagkibit ng balikat si Raphael saka binuhay ang makina ng sasakyan."Gaya narin ng nasabi ko sayo before, baka abutin ng dalawang taon ang pagpapagamot ko. By that time malamang may business na kaming apat, maybe a telecommunication company. Ikaw nun, kung hindi ako magkakamali eighteen o nineteen kana" para siyang inilutang sa alapaap sa dahil sa tono ng pananalita ng binata. Ang sarap pakinggan na kasama siya sa lahat ng plano nito sa hinaharap. "kahit hindi mo pa ako sinasagot, gusto kong malaman mo na ang lahat ng ito ginagawa ko para sayo."
"P-Para sa a-akin?"
Tumango si Raphael saka ginagap ang isa niyang kamay at marahang pinisil. "Gusto kong gawing perfect ang lahat para sayo, kasi hindi ko pa ito naramdaman kahit kanino. Kaya alam kong totoo" anang binata.
"H-Hindi ko alam kung anong pwede kong sabihin maliban sa thank you" ngiting-ngiti niyang sabi.
"I love you too, iyon ang gusto kong marinig mula sayo!" masayang turan ni Raphael.
Nangingiti niya binawi ang sariling kamay dito na muli namang ginagap ng binata at saka hinalikan. "But seriously, ikaw talaga ang inspirasyon ko kaya gusto kong gumaling. Syempre kasama narin ang Dad at Lolo, pati ang Tita Hilde. Pero ikaw ang pinaka-dahilan talaga" pagbibigay alam nito.
Namumula ang mukha siyang tumawa parin ng mahina. "Ows?"
Tiningnan siya ng binata. "Alam mo kung bakit? Kasi nakikita kong tumatanda ang sarili ko nang kasama ka. Siyempre gusto ko ring makasama ka sa oras ng panganganak mo, dapat nandoon ako sa tabi mo. Sa mga araw ng check-ups mo, for sure maraming check-up iyon kasi ang gusto kong anak, anim!" si Raphael sa masaya nitong tinig.
"Ang dami naman!" hindi niya napigilang sabihin.
"Ikaw naman, alam mo namang pareho tayong solong anak hindi ba? Ang gusto ko nga limang lalake at isang babae, pwede na tayong bumuo ng basketball team nun kasi kumpleto na ang starting five may bonus pang muse! For sure magiging maganda siya, mamanahin niya ang maganda mong buhok. And of course your eyes" saka siya tinitigan ni Raphael ng may pagmamahal, nahihiya siyang umiwas ng tingin.