Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 84 - KABANATA 13

Chapter 84 - KABANATA 13

"GREAT! It's finally you and I" pabiro man, may epekto parin sa kanya ang sinabing iyon ni Raphael pagpasok niya ng gym na nasa likuran ng mansyon "sorry, naubusan ng tubig sa ref, nautusan ka pa tuloy."

Araw iyon ng Sabado, iyon na ang simula ng regular workout ng binata. Ang sinasabi pala nitong Pandesal Party ay isang pageant ng mga kalalakihang may magagandang pangangatawan sa SJU. Bahagi iyon ng Foundation Month na magaganap sa susunod na buwan.

Every college ay may representative at sa CEDE ay si Raphael nga, sa isiping iyon ay nakaramdam siya ng inis. For sure may bahagi ang pageant na naka-swimming trunks ang mga contestants. At naiinis siyang isiping pagpipyestahan ng madla ang katawan nito. Lalo na ng mga kababaihan.

"O-Okay lang, sa pool side rin naman kasi ang punta ko" aniyang inilapag sa ibabaw ng bakanteng lamesita ang tray na may baso at pitsel.

Tumango-tango ang binata saka siya nginitian. Habang siya ng mga sandaling iyon ay parang nasa loob ng pugon dahil bigla naramdaman niya ang pag-alinsangan ng buong paligid.

"You look so tense, upo ka" napakislot pa siya nang maramdaman ang kamay ng binata sa braso niya kaya wala sa sarili siyang napasunod.

Ilang sandaling namayani ang katahimikan at hindi niya tiyak kung sinasamantala iyon ng binata. Nagsalin ito ng tubig sa baso saka uminom.

"Ano sa tingin mo, may chance na ba akong manalo?" pagkasabi niyon ay walang anuman nitong hinubad ang suot na puting sando na basa ng pawis.

"H-Ha?" parang wala sa sarili niyang nilinga ang binata. Unang tumama ang paningin niya sa perpekto nitong abs.

Parang nanuyo ang lalamunan niyang ibinaling ang tingin sa mukha ni Raphael. Para lang pamulahan ng mukha nang mapunang nakangiti pala siyang pinanonood binata.

"Never mind" ang binata pagkuwan ay kinuha ang towel na nasa ibabaw ng isa pang silya. "pakipunasan mo naman ang likod ko,okay lang?" nakikiusap nitong iniabot sa kanya ang tuwalya.

Natitigilan niyang pinaglipat-lipat ang tingin sa tuwalya at mukha ng binata. Pagkatapos ay nag-ipon ng sapat na lakas ng loob saka kinuha ang towel mula kay Raphael.

"T-Tumawag na ba sayo ang Mama at Tito?" kahit ang pawis ng binata ay sadyang mabango.

Pinagsikapan niyang huwag magpaapekto sa makinis at maputi nitong likuran kahit pa ang may palagay siyang kaya niyang ubusin ang lamang tubig ng pitsel sa tindi ng panunuyo ng lalamunan niya.

Marahas siyang napasinghap pagkuwa'y nabitiwan ang hawak na tuwalya nang pumihit paharap sa kanya ang binata. Dahil doon ay parang isang tao nilang niyuko iyon saka dinampot.

"Ouch!" malakas niyang sabi nang aksidenteng nauntog sa noo ni Raphael ang noo niya.

"I'm sorry!" maagap na hinawakan ng binata ang mukha niya saka sinuri ang ngayon ay namumula niyang noo. "are you okay? Sorry talaga, hindi ko sinasadya" anito saka tila walang anumang hinipan ang kanyang noo at nang hindi makuntento ay dinampian ng maliliit na halik.

Na para bang sa paraang iyon ay magagawa nitong pawiin ang sakit na nararamdaman niya.

Para siyang itinulos na kandila sa ikinilos na iyon ng binata. Pwede siyang magprotesta pero may pakiramdam siyang maging ang paghinga niya ay nagawang patigilin ng ginawa nitong sunod-sunod na paghalik sa kanyang noo.

At dahil narin sa matinding sensasyong hatid ng mainit na labi ng binata ay wala sa loob niyang ipinikit ang kanyang mga mata kasabay ng tila pamamanhid ng buo niyang katawan.

Sumunod niyang naramdaman ang mga halik nito sa magkabila niyang mga mata. Hindi siya humihinga nang dumapo iyon sa magkabila niyang pisngi at pagkatapos ay napadilat nang maramdaman sa tungki ng kanyang ilong. Nangungusap ang mga mata ni Raphael nang magdilat siya ng paningin.

"Natatandaan mo" anito sa tila nagpapaunawang tinig. Ginagap nito ang kanyang kamay saka hinalikan at pagkatapos ay marahang pinisil. "sinabi ko sayong sa susunod na halikan kita dapat legal na. Para pwede ng matagal, iyong hindi ako mabibitin."

"Sige na, thanks dito sa tubig. At dito" ang binata nang hindi siya magsalita ay itinaas ang twalya na nakuha naman niya ang ibig sabihin.

"O-Okay" aniya bago tuluyang lumabas ng silid.

"KUNG makapag-make face ka parang pasan mo ang mundo ah" nang masulyapan niya ang poster na nakapaskil sa bulletin board ng kanilang college building. Patungo sila noon sa canteen para magmeryenda.

"Bakit kasi kailangan pa niyang sumali sa Pandesal Party na iyon? Pagpipyestahan lang sigurado ng madla ang katawan niya" pabulong niya sagot. "parang wala lang sa kanya. Alam naman niyang may Rock Fest pa" patuloy niya sa mahinang paglilintanya.

"Speaking of the devil" si Josh na siniko ang tagiliran niya saka impit na humagikhik. "ang gwapo talaga!"

Agad ay bumilis ang tahip ng kanyang dibdib, si Raphael, nakatayo malapit sa garden ng kanilang college building, nakangiti sa kanya. Bigla ay parang nagliwanag ang buong paligid. Ang lahat ng inis na nararamdaman niya kanina ay iglap na naglaho saka malalaki ang mga hakbang na nilapitan ang binata.

"Hi" ang bungad sa kanya ng binata.

"Kung magkumustahan kayo parang isang taon kayong hindi nagkita ah!" biro ni Josh nang makalapit.

"Kung alam mo lang ang totoo Josh, pero hindi ko rin sure kung paniniwalaan nitong kaibigan mo sakaling aminin ko. Naniniwala naman akong may tamang oras sa lahat ng bagay, even in love" anitong sinenyasan ang hardinero na kasalukuyang nagtatabas ng halaman sa garden. Ilang sandali pa lumapit na ito tangan ang isang tangkay ng kulay pulang rosas.

"A-Akala ko ba ayaw mo ng roses?"naguguluhan niyang tanong nang iabot sa kanya ng binata ang bulaklak.

Hindi niya alintana ang mga matang sa kanila nakatingin, lalo na ang lantarang pamimilipit sa kilig ni Josh.

Nagkibit ito ng balikat. "Narealized ko lang na gusto ko ang feeling na hatid nito habang pinagmamasdan ko siya," sandali munang ibinitin ni Raphael ang ibig sabihin saka hinawakan ang kamay niya at maingat na inilagay doon ang rosas.

"Love is like a rose, pwede mo naman kasing iwasan ang mga tinik niya kung alam mo siyang i-handle ng maayos" Nagtatanong ang mga mata niyang pinakatitigan ang binata. "Bago ko makalimutan, hindi nga pala ako makakasabay ng pag-uwi sayo. Nakausap ko na si Mang Lito, free daw siya today sa oras ng labas mo."

Tumango siya saka hinayon ng tingin ang paligid. May ilan paring nakatingin sa kanila habang ang iba naman ay pasulyap-sulyap lang, parang inaabangan ang susunod na mangyayari. "O-Okay."

Maluwang na ngumiti ang binata. "Good, I have to go. See you at home" paalam nito saka hinalikan ang ulo niya at nakangiting tinalikuran.

Ilang sandali ang nakalipas, marahil maging ang bakas na iniwan ni Raphael sa nilakaran nito ay burado na pero nanatili parin siyang nakatayo doon na tila scare crow sa palayan. Nabigla pa siya nang kalabitin siya ni Josh. "Huh? I-I'm sorry."

"Ngayon mo sabihin sa akin na hindi mo crush si Raphael?" pabulong na tukso sa kanya ni Josh.

Nakangiti niyang inamoy ang bulaklak. "Oo na sige, aaminin ko na crush ko siya simula pa nung una ko siya nakita."

Impit ang tiling pinakawalan ng kasama. "OMG, sinasabi ko na nga ba! Why he gave you a rose, single rose. Ibig sabihin ikaw lang ang nag-iisang babae sa puso at buhay niya! Pero teka, ibig sabihin ba nagkita na kayo noon?"

Tumango siya saka pahapyaw na ikinuwento sa kaibigan ang lahat. "Ang liit nga ng mundo eh" aniya.

"Mukhang meant to be kayo, sana talaga kayo nalang. Kasi ang nakikita ko kay Raphael, parang kaya niyang talikuran ang lahat para sayo, unang halimbawa nalang ang lahat ng magagandang babaeng nagpapakita ng motibo sa kanya!"

Hindi siya kumibo sa sinabing iyon ng kaibigan. Kahit pa hindi iyon sabihin ni Josh ay nararamdaman naman talaga niya. Pero mahirap umasa, paano kung ang lahat ng ginagawa nito walang ibang ibig sabihin maliban sa pagtinging kapatid. Kahit kung minsan, kagaya kanina may kasamang palipad hangin, paano kung joke lang iyon? Ayaw niyang masaktan, hindi pa siya ready doon.

Palabas na sila ng canteen nang makasalubong nila si Jane kasama ang tatlo pa nitong mga kaibigan. Nagyuko siya ng ulo nang makita ang masamang titig nito sa kanya.

Mukhang hindi magiging madali. Mukhang dadaan kami sa maraming pagsubok kung sakali.

Naisip niya nang maalala si Jane.