KINAGABIHAN, kinikilig niyang iniipit sa notebook na ibinigay sa kanya ni Arthur ang rose na galing kay Raphael. Parang hindi parin siya makapaniwalang binigyan siya nito ng ganoong bulaklak sa kabila ng inamin nito noon sa kanya na ayaw nito ng rosas.
"Hi" mula sa pintuan ng kanyang silid sa veranda nagmula ang tinig.
Maluwang siyang napangiti saka mabilis na tinakpan ng College Algebra book ang notebook niya kung saan nakaipit ang bulaklak. "Hello."
"Pwede?" nagpapaalam si Raphael na tumuloy.
Tumango siya. "Tinawagan kana ba nina Mama at Tito? tanong niya na umayos ng upo.
"Yup, kaninang nasa byahe ako, baka Martes nandito na sila" ang binata na naupo sa gilid ng kanyang kama. "kailangan mo ba ng tulong sa Algebra?" napangiwi siya nang mula sa pagkakayuko sa binabasang Logic book ay nakita niyang nakatingin si Raphael sa score na nakuha niya sa quiz kanina.
Mabilis niyang kinuha ang piraso ng papel saka nahihiyang nginitian ang kaharap. "M-Medyo hirap nga ako sa Algebra, actually sa Math."
Tumawa ng mahina si Raphael. "Bakit hindi ka nagsabi" anito. "patingin nga?" napilitan siyang ibigay ang papel nang abutin iyon ng binata.
"S-Sa tingin mo, may chance kaya ako?"
Nakakaunawa siyang nginitian ng binata. "Oo naman, ako ang bahala sayo. Halika may ituturo akong technique sayo na mas madali pero same ang sagot na makukuha mo" anitong sinimulan siyang turuan.
"Nice, alam mo parang gusto ko ng isiping perfect ka?" masaya niyang sambit makalipas ang ilang sandali.
"Wala namang taong perfect, may kahinaan rin ako, marami."
Nagkibit siya ng balikat saka sinimulang ligpitin ang mga gamit sa ibabaw ng kanyang kama. "Sabagay, ako din maraming weakness. Saan ka nga pala nagpunta kanina?"
"S-Sa, sa P-Psychiatrist ko" naramdaman niya ang insecurity na kalakip ng tinurang iyon ng binata.
"Psychiatrist?"
Tumango ang binata saka tumayo at lumabas ng veranda, sinundan niya ito. "Listen, I want you to know na bukod sa mga tao rito sa mansyon at sa Dad at Lolo at maging mga kaibigan ko, wala ng ibang nakakaalam tungkol sa sakit ko."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "S-Sakit?"
"Nosocomephobe o hospital phobia" anito saka sinimulang isalaysay sa kung ano ba ang pinag-ugatan ng sakit nito at lahat-lahat na. "Ang sabi ng doctor mga dalawang taon raw ang posibleng abutin ng treatment ko. Noon kasi ayokong magpagamot, ilang taon rin ang nasayang dahil sa katigasan ng ulo ko. Nakumbinsi lang ako ng tuluyan four months ago, nung gabing nakita kitang umiiyak" ang boses ni Raphael, nanunot sa bawat himaymay ng kanyang pagkatao.
"A-Ano?" nang mga sandaling iyon pakiwari niya ay ibig ng kumawala ng puso niya dahil sa lakas ng kabog nito.
"Yeah, kasi narealized ko noon habang nakatitig ako sa mga mata mo, umiiyak. What if ikaw ang future ko? Then I have to take you to the hospital, walang ibang tao, ako lang at ikaw? Hindi kita pwedeng hayaang mapahamak, kasi sa mismong oras na iyon naramdaman ko na hindi ko gustong mahirapan ka. Kasi gusto kong protektahan ka, pero bago ko gawin iyon, kailangang harapin ko muna ang pinakakinatatakutan ko. Kailangang gumaling muna ako" madamdaming hayag ng binata habang matamang nakatitig sa kanyang mga mata.
"R-Raphael?" anas niya habang nakatingala sa binatang niyuko naman siya saka hinalikan sa noo.
"Masaya ako at ikaw ang dahilan ng lahat ng ito. Nang unti-unting pagbabago ko" ang binata sa kanya.
Ngumiti siya. "R-Really? Eh paano nalang kaya kung hindi tayo nagkita?"
Marahas siyang napasinghap nang maramdaman niya ang mainit na palad ng binata na masuyong humaplos sa kanyang pisngi. "Kung sakaling hindi ka dumating sa akin? Trust me, kahit nasaang lupalop ka pa ng mundo, ako ang pupunta sayo" ani Raphael. "matulog kana, ayoko ng nagpupuyat ka okay?" concerned nitong isinatinig saka muling hinalikan ang kanyang noo.
Sinundan lang niya ng tingin ang binata nang pumasok ito sa kwarto nito. Naguguluhan siya kung dapat ba niyang paniwalaan ang lahat ng sinasabi ni Raphael kahit ang sabi ng puso niya ay totoo ang lahat ng ipinapakita nito.
"MAMA?" nang makita si Hilde sa pool side at nagbabasa ng magazine. Ayon kasi sa guard ay dumating na raw ang mga ito at si Manang Doray ang nagsabing naroon ang kanyang ina kaya doon na siya nagtuloy.
Matamis itong ngumiti saka tumayo, malalaki ang mga hakbang siyang lumapit sa ina saka yumakap. "Kumusta ka? Na-miss kita" anitong hinaplos ang kanyang mukha bago siya muling niyakap ng mahigpit. "Raphael! Hindi ka ba naman kinunsumi nitong anak ko?" nilingon niya ang gawi kung saan naroon ang binata.
Nakangiting umiling ang binata. "Nope Tita, Louise is my kind of a girl" tinitigan niya ang binata ng matagal, at sa pagtatama ng kanilang mga mata ay siya namang kindat nito sa kanya kaya mabilis siyang pinamulahan ng mukha.
Nasisiyahan siyang nilinga ni Hilde. "Mabuti't magkasundo kayo. Anyway, aakyat na muna ako, nasa itaas si Ralph at kanina pa nagpapahinga. Hinintay ko lang talaga kayong dalawa" paalam ni Hilde.
Tumango siya. "Okay Ma."
"Oh anong ginawa ko?" ang natatawang tanong sa kanya ni Raphael nang sulyapan niya ito ng masama.
"Kung anu-ano ang alam mong sabihin, mamaya may makarinig ano pang isipin" aniyang pinilit na gawing seryoso ang tinig.
"Kunwari ka pa eh kilig na kilig ka naman" anitong nanggigigil pang kinurot ang kanyang pisngi.
Inis niyang tinabig ang kamay ng binata. "Tumigil ka nga. Igagaya mo pa ako sa mga babae mong easy-to-get!" hindi niya maintindihan kung bakit sa pagkaka-isip sa mga naging nobya ng binata, particular na kay Jane ay parang nakakain siya ng ampalaya.
Noon kumislap sa mga mata ni Raphael. "Kung ikaw ang pag-uusapan, willing naman akong paghirapan ka" anito sa isang paanas na tinig kaya siya kinilabutan, in a nice way.
"W-What do y-you mean?" hindi niya napigilan ang panginigan ng tinig lalo't nakita niyang humakbang ang binata palapit sa kanya. Mabilis siyang humakbang palikod.
"Ikaw ang tipo ng babaeng pinaghihirapan. At kung iyon ang tanging paraan para maging akin ka, willing akong manligaw kahit gaano katagal. Kahit ilang taon pa" ang binatang muling humakbang palapit sa kanya habang siya ay awtomatikong umatras. "Ikaw ang pinakamalaking desisyon na ginawa ko sa buhay ko, at malaki ang pasasalamat ko, dahil naghintay ako."
Hindi niya napigilan ang kiligin ng lihim sa sinabing iyon ni Raphael."N-Nakahalik kana nga ng ilang beses, a-ano pang gusto mo?" alam niyang hindi iyon ang ibig sabihin ng binata pero hindi na niya mababawi ang nasabi na.
Napatili siya nang sa muli niyang pag-atras ay kamuntik na siyang nahulog sa pool. Mabuti nalang at maagap na naikawit ng binata ang kamay nito sa baywang niya kaya hindi siya tuluyang nag-swimming. Sunod-sunod ang naging pagbayo ng kaba sa kanyang dibdib.
Wala sa loob niyang tiningala ang binata at noon nagtama na ang kanilang mga mata. Inilagay niya ang dalawang kamay sa dibdib nito para sana pakawalan ang kanyang sarili pero natigilan siya nang maramdaman ang mas paghigpit pa ng pagkakahapit ni Raphael sa kanyang baywang.
Kung ice cream lang ako at sinag ng araw ang mga titig mo, malamang kanina pa ako lusaw!
"P-Please, baka may makakita sa a-atin" pakiusap niya.
Pero hindi siya nito pinakinggan. Pigil niya ang paghinga habang unti-unting bumababa ang mukha ng binata sa kanya. Napapikit siya saka inasahan ang pagdapo ng mga labi nito sa kanya, pero nagkamali siya. Dahil pinagdikit lang ng binata ang kanilang mga noo. Nang malanghap ang mabango nitong hininga ay nagdilat siya ng mata. Pagkatapos ay itinaas nito ang kanan niyang kamay saka inilapat sa tapat ng puso nito.
"Mula noong unang beses na nahawakan ko ang kamay mo, I made a promise to myself na anuman ang mangyari hinding-hindi ko na ito bibitiwan. Kasi natatakot ako na, baka bigla mawala ka. Paano kung wala ng fourth chance? Paano kung hindi na ulit kita makita?"
"H-Hindi pa ako ready" ang tanging nasabi niya na siya naman talagang totoo, dahil hindi pa talaga siya handang masaktan.
Maluwang na ngumiti ang binata saka ikinulong sa mga kamay nito ang kanyang mukha. "Pero may nararamdaman ka?" hindi niya maikakailang napakasaya ni Raphael dahil sa tinig nito.
Nagbuntong-hininga siya. "H-Hindi ko alam, basta ang alam ko lang masaya ako kapag kasama kita."
Masaya siyang niyakap ng binata. "Maghihintay ako Louise, liligawan kita. Kahit gaano pa katagal, patutunayan ko sayong nagbago na ako" anitong muli siyang tinitigan. "hindi ko alam kung paano ako nahulog sayo sa napakabilis na panahon pero siguro ito na nga iyong tinatawag nilang magic.
Dahil nang unang beses kita nakitang naglalakad sa aisle ng simbahan nakita ko ang sarili kong nakatayo sa harapan ng altar, hinihintay ang paglapit mo sa akin as my bride."
"Maghihintay ka, kahit matagal?" sinungaling siya kung hindi niya aamining masaya siya sa deklarasyong iyon.
Dahil kahit hindi pa nito tahasang sinabing mahal siya nito ay ramdam niyang doon narin papunta ang lahat.
"Kahit gaano katagal, maghihintay ako. Pangako" anito.
Napangiti siya. "But what if malaman nina Mama at Tito?" nag-aalala niyang tanong.
"H-Hindi natin ipapaalam kahit kanino, kung iyon ang makabubuti para sayo, gagawin ko" anito.
Lumuwang ang kanyang ngiti. "S-Sige, payag na ako."
Umaliwalas ang mukha ng binata. "Girlfriend na kita?"
Natatawa niyang hinampas ang braso ng binata. "Heh! Ligawan mo muna ako!" aniyang hindi napigilan mahaluan ng kilig ang tinig.
Nakangiting kinurot ni Raphael ang kanyang baba. "Okay, liligawan kita. Ikaw ang una at huling babaeng liligawan ko kaya titiyakin kong mapapasagot kita!" puno ng determinasyong turan ni Raphael saka pa tumawa ng mahina.