Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 83 - KABANATA 12

Chapter 83 - KABANATA 12

MABILIS siyang nag-angat ng tingin nang marinig ang patunog ng knob ng Music Room. Pero napalis ang matamis niyang ngiti nang si Jane ang iniluwa ng pinto. Gaya ng dati, napakaganda parin nito. Maalindog, pero wala siyang maramdamang anumang espesyal na damdamin rito.

"Hello handsome" at dahil nahuhulaan na niya ang susunod na gagawin ni Jane, mabilis siyang tumayo sa kinauupuang plastic chair para iwasan ang paghalik sana nito sa kanya.

"What is it this time Jane?" nakapamaywang niyang hinarap ang dalaga. Ang totoo napipikon na siya sa ginagawa nitong paghahabol sa kanya. Pero dahil nga babae ito hindi niya magawang itaboy ito ng harapan kahit sa simula palang ay ipinaalam na niya sa dalaga kung ano sila at kung hanggang saan lang ang kaya niyang ibigay.

Noon nang-aakit siyang nginitian ni Jane saka nilapitan at niyakap. Napatingin siya sa kisame dahil sa pagpipigil ng inis.

"I miss you, ikaw hindi mo ba ako na-mi-miss?"

"Hindi ka pa ba nagsasawa?" aniyang inalis ang pagkakayakap ng dalaga sa kanya.

"Kung ano man iyong nakita mo sa sinehan, ang lahat ng iyon part lang ng pagpapahirap ko sayo, kasi nasasaktan ako sa ginagawa mong pag-two-two-time sakin kaya ginaya ko ang ginagawa mo" paliwanag ng dalaga na umakmang muling yayakap sa kanya pero mabilis siyang umiwas.

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Yeah, nasaktan nga ang pride ko. Sa simula palang sinabi ko naman sayo hindi ba? Hindi ako faithful boyfriend, at isa pa nilinaw ko naman sayo ang lahat, pumayag ka."

"You're not fair!"

"Not fair? Eh hindi ba nga sayo na nanggaling na ginaya mo ang mga ginagawa ko? Kung tutuusin we're even, hindi ba?"

"No! Hindi ako papayag! Mahal kita naintindihan mo?" noon na nagsimulang umiyak si Jane.

"Hindi ako ang lalake para sayo Jane" kahit paano ay nakaramdam siya ng pagkahabag sa dalaga.

"Si Louise ba?" galit na nagpapahid ng mga luhang tanong ni Jane.

Marahas siyang napatitig kay Jane. "Listen, huwag na huwag mong kakantiin si Louise. Hindi siya kasali dito" mariin niyang sabi saka dinalawang hakbang ang kinatatayuan ng dating nobya.

Inismiran siya ng dalaga saka inalis ang mga kamay niya sa magkabila nitong balikat. "Really? Malalaman ko naman iyan, sooner o later. I told you, hindi pa tayo tapos. Pagbabayaran mo ng mahal ang ginawa mo sa'kin" galit na galit nitong banta bago malakas na hinila pasara ang pinto.

NATIGILAN si Louise nang makilala ang kasalubong na estudyante. Bigla siyang kinabahan kasabay ang tila paninigas ng kanyang mga binti kaya napigil siya sa paghakbang. Mukhang sa Music Room ito nanggaling, at sa bilis ng mga hakbang nito, halatang galit na galit.

"H-Hi" alangan niyang bati.

Kung nakakamatay lang ang mga titig,baka kanina pa siya duguang bumagsak. "Get out of my way, bitch!" umakyat ang dugo sa ulo niya sa huling tinuran ng babae.

"Maluwang ang daanan Jane" sinikap niyang magpakahinahon sa kabila ng galit na nararamdaman.

Nakakaloko siyang tinawanan ng babae."Huwag kang tanga! Ang ibig kong sabihin kay Raphael, layuan mo siya. Akin siya! Mang-aagaw!" malakas ang tinig nitong sabi. Mabuti nalang at nasa tagong bahagi ng SJU ang kinaroroonan nila kaya walang tao roon maliban sa kanilang dalawa.

"Hindi ko siya inaagaw sayo" hindi parin nagbabago ang tinig niyang sagot. magpasalamat ka tinuruan ako ni Mama at ng mga madre sa pinanggalingan kong eskwelahan na magpakahinahon.

"Mabuti" nagulat siya nang marahas na hinawakan ni Jane ang braso niya saka pinisil. Halatang tinatakot siya. Pero hindi dahil hindi siya pumapatol ay natatakot na siya dahil ang totoo, kanina pa niya ito gustong sabunutan. "dahil hindi mo magugustuhan ang pwede kong gawin sayo" pagkasabi niyon ay pinakawalan siya saka na tinalikuran.

Sinundan niya ng tingin ang babae para lang makaramdam ng lungkot para dito. Hindi niya alam kung bakit humantong sa hiwalayan ang relasyon nito kay Raphael. At sa tingin niya may sariling dahilan doon ang binata. Pero siguro dahil babae siya naisip niyang baka nga mahal talaga nito ang binata. Kaya ito naghahabol.

Sa isip niya, ang isang babaeng kasing ganda ni Jane ang sa tingin niya'y pinapantasya ng kahit sinong lalake. Pero kay Raphael, bakit parang balewala ang pisikal na kagandahan ng dalaga? Ayaw naman niyang husgahan si Raphael dahil naniniwala siyang kung ano ang nakikita niyang pagkatao nito sa mansyon ang totoong personalidad ng binata.

Siguro may mga bagay lang talagang hindi kayang punuan ng pisikal na kagandahan. You know, mas kapani-paniwala kasi ang nararamdaman kaysa sinasabi at nakikita. Nang maalala ang minsang sinabing iyon ni Raphael ay wala sa loob siyang napangiti.

MIYERKULES ng gabi, mag-isa siyang kumain ng hapunan. May dinaluhan kasing pagtitipon si Lolo Paeng habang si Raphael naman ay inihatid lang siya at saka lang nagbihis at umalis muli. Ang sabi nito sa kanya may kakausapin lang itong tao.

Sa veranda ng kanyang silid siya naglagi nang makalipas ang ilang minutong pagkakahiga sa kama hindi parin siya dalawin ng antok. Saka palang niya napuna ang mahinang pag-ambon.

"Bakit gising ka pa Lovely Hair?" nagulat niyang nilinga si Raphael na nakasandal sa hamba ng pinto. "gabi na ah, maaga pa ang pasok mo bukas" basa rin ang buhok nitong bahagyang tumabing sa mukha ng binata.

Boxer shorts at white shirt lang ang suot nito. Mukhang ugali ni Raphael ang matulog ng ganoon lang talaga ang suot. Hindi niya napigilan ang mapangiti para lang pagsisihan iyon nang muling magsalita ang binata na humakbang sa kanya saka siya tinabihan sa kanyang kinatatayuan.

"Parang ang sarap isiping ako ang dahilan ng mga ngiti mo, alam mo ba iyon ha Lovely Hair?"

Kasabay ng pagtingala niya sa binata ay ang tila kamandag na pagdaloy sa katawan niya ng masarap na kilabot dahil lang sa sinabi nito. "W-What?"

Ngumiti si Raphael saka siya niyuko at tinitigan. Noon niya malayang nasamyo ang alak sa hininga nito. Mabilis siyang pinamulahan ng mukha.

"Before you, wala akong kahit anong idea how it feels to look at someone and smile, dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan."

"L-Lasing ka?" sa kabila ng matinding kaba ay naitanong niya.

"Hindi, nakainom lang" anitong maingat na hinawi ang buhok niyang tumabing sa kanyang mukha.

"S-Saan ka nagpunta?" sinong kasama mo? Iyon sana ang gusto pa niyang idugtong pero nagpigil siya.

Lalong lumapad ang pagkakangiti ng binata saka may panggigigil na kinurot ang tungki ng kanyang ilong.

"Kinausap ko lang iyong mag-aayos nung binili kong kotse. At para sa kaalaman mo, si JV ang kasama ko" mangha siyang napatitig sa mukha ng binata.

Ganoon ba siya ka-transparent para mabasa nito ang iniisip niya o nahulaan lang iyon ng binata? O baka naman gaya ng sinabi nito sa kanyang noong isang araw, nararamdaman nito iyon?

"A-Ah, ganoon ba? S-Sige, mauuna na akong matulog. G-Goodnight" aniya sa kagustuhang makaiwas sa matinding tensyon.

"Wait, may sasabihin ako sayo" napigil ang paghakbang niya.

"Ano?"

"Alam mo na ba iyong tungkol sa Pandesal Party?"

Napatitig siya sa maiitim na mata ng binata. Muli ay sumikdo sa dibdib niya ang pamilyar na uri ng kaba.

Hindi ko maintindihan pero bakit ganoon, everytime I look into your eyes, I feel that I could stare in them forever?

Totoo iyon, pero dahil nga bago sa kanya ang pakiramdam na iyon ay pilit niyang iniignora dahil nagdudulot lang iyon sa kanya ng matinding kalituhan.

"Pandesal Party? Dati sina Mama madalas nung nagtatrabaho pa siya. At una laging nauubos ang liver spread" bahagyang hinawi ng alaalang iyon ang discomfort na nararamdaman niya.

"Not literally na Pandesal Party, anyway may pasok naman bukas for sure pag-uusapan iyon ng ilang kaklase mo. Ako kasi ang representative ng college namin eh" sa tono ng pananalita ni Raphael, pakiwari niya'y nagpapaalam ang binata sa kanya.

"Okay sige" nakangiti pa niyang sabi saka na pumasok sa kanyang silid.