Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 80 - KABANATA 9

Chapter 80 - KABANATA 9

NANLAKI ang mga mata ni Louise sa nangyari. Pakiramdam niya naparalisa ang buo niyang katawan kaya hindi siya nakakilos. Bukod pa iyon sa katotohanang kulong siya ng tila bakal na mga bisig ni Raphael. Kaya lalo siyang pinangapusan ng paghinga. Iyon ang kanyang unang halik, at hindi siya makapaniwalang kay Raphael nanggaling iyon.

Kailangan niyang aminin na palaisipan talaga sa kanya ang pakiramdam ng mahalikan ng binata lalo pa at crush niya ito. Ito na ba iyon? Sinagot ba ng langit ang ilusyon ko o you're just taking advantage?

Parang gusto niyang magprotesta nang pakawalan ni Raphael ang kanyang mga labi. At nang ilayo nito ang katawan sa kanya ay mabilis niyang naramdaman ang lamig. Parang gusto niyang muling yumakap dito. Gusto niya ang mga bisig nitong nakapulupot sa kanya.

"A-Are you okay?" nginig ang tinig na tanong ng binata.

Sampalin mo! Ang sigaw ng isang bahagi ng isipan niya.

No! Nagustuhan mo naman eh! Huwag kang unfair okay? Ang kabilang bahagi naman.

Hindi siya nagsalita at sa halip ay nagyuko nalang ng ulo. Nagustuhan niya ang halik na iyon kaya walang dahilan para sampalin niya ang binata. Pero hindi rin naman niya kayang iwala ang matinding kahihiyan na nararamdaman nang mga sandaling iyon.

Baka isipin ni Raphael easy-to-get siya. Napapikit siya. At pagkatapos ng nangyari, saan siya kukuha ng lakas ng loob para kausapin muli ang binata? Bakit kasi sa dinami-rami ng lalaking gwapo na pwede niyang maging crush, bakit si Raphael pa?

SUMAPIT ang araw ng kasal. Sa nakalipas na mga araw ay kibuin-dili niya si Raphael. Hindi naman siya galit sa binata dahil sa ginawa nitong paghalik sa kanya dahil bukod nga sa nagustuhan niya iyon nasabi naman ng binata sa kanya ang dahilan kung bakit nito ginawa iyon nang nasa sasakyan na sila pauwi.

Dalawang option lang ang alam ako pa kalmahin ka, at dahil hindi ko ugaling manakit ng babae physically, hinalikan nalang kita. Sana hindi ka galit.

Mula sa pagkakatitig niya sa sariling repleksyon sa salamin ay nagbaba siya ng tingin. Nalungkot siya sa sinabing iyon ng binata. Hindi niya alam kung bakit mas gusto niyang paniwalaang sinadya talaga ni Raphael ang halikan siya? At pakiramdam niya mas matutuwa siya kung iyon ang narinig niya.

Mamayang gabi ang flight ng Mama niya at ni Ralph pa-Korea para sa honeymoon ng mga ito. Isang linggo ang stay ng mga ito doon at pagkatapos ay tutuloy ng Paris para mag-stay ng isang linggo din. Habang bukas ng madaling araw naman ang alis ni Lolo Paeng para sa dalawang linggong seminar nito sa Hong Kong.

Maiiwan akong mag-isa kasama ka Raphael, gusto kong matuwa pero natatakot rin ako at the same time.

Worried na siya ngayon palang sa posibleng kahinatnan ng lahat. Lalo't ilang araw narin ang nakalipas mula nang mahalikan siya ng binata pero laging laman ng panaginip niya ang halik nito. Parang totoo, at pagkagising niya, nararamdaman niya ang mga labi ni Raphael sa kanya. Ang lambot ng mga iyon at ang masuyong paghaplos ng mga ito sa kanya.

Napakislot siya nang marinig ang magkakasunod na katok sa pinto. Si Manang Doray, tinatawag na siya, kumilos siya at lumabas na ng kwarto at nagtuloy sa silid ng ina. Napakaganda nito sa puting wedding gown.

"Ang ganda naman ng anak ko" anitong hinarap siya saka hinagod ng tingin.

Nilapitan niya ito at niyakap. "Parang gusto kong makaramdam ng guilt sa nakikita kong kislap sa mga mata ninyo ngayon Mama" aniyang inilayo ang sarili sa ina. "I'm sorry kung kinailangan pa ninyo akong paliwanagan tungkol dito before and truly, I am very much happy for you."

Tumango si Hilde. "Ngayon kumpleto na ang buhay ko. Wala na akong mahihiling pa anak. Let's go?" sinundan niya ang paglabas ng ina sa silid.

"ANG ganda mo" bulong sa kanya ni Raphael nang nasa simbahan na sila.

Tipid niya itong nginitian. "T-Thank you."

"Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sa'yong miss na kita?"

Dumamba ang kaba sa dibdib niya sa sinabing iyon ni Raphael. Mabilis na gumana ang isipan niya para maghagilap ng pwedeng isagot pero nabigo siya kaya minabuti niyang ngitian nalang ito. Sa reception na ginanap sa isang private resort ay aksidenteng siya ang nakasalo ng bouquet habang nasalo naman ni Raphael ang garter.Ayaw niyang isiping destiny pero sa dinami-rami ng abay, bakit silang dalawa pa?

Nagtaas-baba ang dibdib niya nang paupuin siya. Iyon ang unang pagkakataong siya ang nakasalo ng bouquet. Nakakatuwang isiping sa kasal pa mismo ng kanyang ina.

Kung ibang lalake kaya ang nakasalo ng garter? Ganito rin kaya ang mararamdaman ko? Iyon ang tanong na naglalaro sa isipan niya.

Napuno ng tuksuhan ang paligid dahil mga anak sila ng dalawang ikinasal. Dahil doon ay hindi niya nakontrol ang pamulahan. Lalo pang lumakas ang hiyawan nang lumuhod na si Raphael sa kanyang harapan. Nanunukso pa siyang nginitian ng binata kaya mabilis siyang umiwas ng tingin.

Parang nakalimutan na niya kung paano huminga nang itaas ni Raphael ang laylayan ng suot niyang bronze na pang-abay. Nilamon ng matinding insecurity ang dibdib niya nang maalalang hindi nga pala siya naka-stockings.

Paano kung may maipintas si Raphael sa mga binti niya? Hindi pa naman siya mabalbon kagaya ng iba. Hindi kasi niya inugali ang magsuot ng ganoon dahil ang sabi ng Mama niya hindi raw niya kailangan iyon.

At kailan ka pa naconscious sa sarili mo Louise? Aksidenteng dumampi ang balat ni Raphael sa binti niya ng isuot nito doon ang nasalong garter. At gaya ng inaasahan noon na nga nagsimulang lumakas ang ingay.

"Higher! Higher! Higher!" kantiyaw ng lahat kaya mula sa kanyang binti ay itinaas ni Raphael ang garter sa ilalim ng kanyang tuhod.

Pagkatapos ay maluwang ang pagkakangiti siyang tinitigan. Nagbawi siya ng tingin kahit ramdam niyang parang inaapoy sa init ang kanyang mukha.

"Higher! Higher! Higher!" noon siya marahas na nag-angat ng tingin.

Alam niyang kapag sumunod pa si Raphael sa kantiyaw ng mga ito hita na niya ang tuluyang mahahantad. Anyway hindi naman talagang big deal sa kanyang iyon dahil nagsusuot naman siya ng short shorts. Pero dahil nga sa presensiya ng binata na napapansin niyang mukhang nag-eenjoy dahil sa luwang at ganda ng ngiti ay parang hindi na siya makahinga sa tindi ng kabog ng kanyang dibdib.

"Higher! Higher!" ang ulit na sigaw ng lahat. Parang humihingi ng saklolo niyang tiningnan si Hilde na ngumiti lang sa kanya.

At dahil nga nasa ina ang atensyon niya ay hindi niya napunang hinawakan muli ni Raphael ang laylayan ng suot niyang gown saka itinaas ang garter sa ibabaw na ngayon ng kanyang tuhod.

Noon niya tinitigan ng masama ang binata saka pasimpleng sinipa pero mataktika itong nakailag.

"Nice try, Lovely Hair" pabulong at natatawa pa nitong sabi saka ibinalik ang tingin sa hita niyang nakabandera sa harapan nito.

"Higher! Higher!" sa pagkakataong iyon ay muli siyang tiningala ng binata saka natatawang pinaglipat-lipat ang tingin sa mukha at kanyang hita.

Noon niya nilinga ang paligid saka pilit na ngumiti. Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa binata saka ito pinanlakihan ng mata.

Umaasa siyang hihinto na si Raphael, pero nagkamali siya dahil muli nitong itinaas ang garter sa gitna ng kanyang hita. Naniningkit ang mga mata niyang pinakatitigan ang binata. Parang wala naman iyon dito dahil kinindatan pa siya ni Raphael.

"Kiss, kiss, kiss" pagkatapos nilang magpakuha ng litrato ay iyon ang sumunod na pumuno sa paligid. Binigyan muna niya ng warning look ang binata bago ibinalik ang tingin sa madla. Wala sa plano niya ang magpahalik ulit rito pero mapilit ang mga tao. "kiss, kiss" ang lahat kaya wala sa loob siyang napalingon muli kay Raphael. Huli na para magbawi ng tingin, dahil nag-landing na sa labi niya ang labi ng binata na hindi niya inakalang naka-akma na pala para halikan siya.

"Oops! I'm sorry, sa pisngi lang dapat, eh nag-about face ka" ang mabilis na paliwanag ni Raphael kahit pa wala naman sa tono nitong talagang humihingi ito ng paumanhin.

Pinilit niya ang ngumiti saka pinigil ang sariling magalit. Kung wala lang sigurong tao sa paligid malamang kanina pa ito nakatikim sa kanya. Pero kasal ng Mama niya, at ayaw naman niyang gumawa ng eksena kaya naisip niyang magpasensiya nalang.

Ows? Iyon lang ba talaga? O baka naman kasi talagang namimiss mo ang kiss niya? Mabilis na itinanggi ng isipan niya iyon. Kumilos siya para sana bumalik sa kanyang mesa pero napigil iyon nang maramdaman niya ang kamay ng binata sa braso niya.

"W-What?"

"Come, ipakikilala kita sa mga kaibigan ko" kusa siyang napasunod nang hilahin siya nito ng parang walang nangyari. Habang siya nang mga sandaling iyon ay parang lutang parin.

Tatlong gwapong lalaki ang ipinakilala sa kanya ni Raphael bilang kababata at matatalik na kaibigan nito. Sina Dave, Lemuel at JV. At dahil nga sa naiilang siya sa mga titig ni Raphael, minabuti niyang iwan na ang mga ito matapos ang ilang sandali ng kwentuhan.

"Kaya ko na, nandoon lang naman ang mesa ko eh"giit niya nang makitang tumayo rin si Raphael.

"Tsk, huwag ka ng umangal" anitong mahigpit pang hinawakan ang kamay niya. "by the way, sa kotse ko na ikaw sumakay mamaya okay?" anitong pinaupo siya.

"Ha? Teka, ayokong sumabay sayo!" napangiwi siya nang makita ang pagpipigil ni Raphael na mapangiti. "I mean, a-ano kasi eh…"

"Okay lang, naiintindihan ko ang ipinagkakaganyan mo" ang binatang sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.

"What do you mean?"

Nagkibit ng balikat si Raphael. "Ihahatid kasi ni Mang Lito sina Tita at Dad, kaya sakin kana sumabay."

Napapahiya siyang napangiti. "O-Oo nga pala."

"No worries, anyway may gusto lang akong sabihin sayo" anitong sinenyasan siya kaya nag-aalangan niyang inilapit ang mukha rito. "don't worry hindi kita nanakawan ng halik this time. You know nabibitin ako kaya next time na halikan kita, kailangan legal na. Para mas matagal" marahas siyang napasinghap sa sinabing iyon ng binata. Mabuti at silang dalawa lang noon sa mesa dahil nagsimula naring mag-uwian ang iba pang bisita.

"Tumigil ka at sisipain na kita! Nakakarami kana sakin huh!" banta niya sa mababang tinig.

Hindi siya pinansin ni Raphael at sa halip ay nangingiting binulungan. "I like your legs, magaganda ang hugis at sobrang kinis" iyon lang at tumayo na ito.

Namumula ang mukha siyang iniwan ng binata. Tulalang hindi makapaniwala sa narinig na sinundan ito ng tingin kaya naman nang lingunin siya ay huli siya nito. Napasinghap siya nang buong kapilyuhan siyang kinindatan ng binata. Mabilis siyang nagyuko ng ulo saka kinikilig na napangiti nang maalala ang sinabi nitong compliment sa kanya.

Aaminado siyang kung ibang lalake ang gumagawa ng lahat ng ginagawa ni Raphael sa kanya, baka nagalit siya. Pero siguro dahil sa lihim niyang paghanga sa binata. Hindi nagkakaroon ng puwang ang kahit maliit na inis sa puso niya.