UMAGA araw ng Linggo, nagkaroon siya ng pagkakataon ikutin ang paligid ng mansyon. Medyo at home na kasi siya doon kahit sabihing one week palang sila ni Hilde. Sa garden namataan niya ang isang rose tree.
Nilapitan niya iyon at maingat na hinaplos ang talulot ng isa sa napakarami nitong bulaklak. Hindi naman siguro magagalit si Mang Justo, ang hardinero kung pipitas siya ng isa, ibibigay niya sa Mama niya. Pareho kasi sila ni Hilde ng favorite flower kaya hinawakan niya ang tangkay niyon.
"Good morning" ang tinig mula sa kanyang likuran.
"Ouch!" naramdaman niya ang tinik na bumaon sa kanyang hintuturo.
"Hey, I'm sorry! Kaya nga ba ayoko ng roses, nakakasugat ang mga tinik" si Raphael nang malingunan niya. Mabilis niyang isinubo ang sariling hintuturo. "come" ang binatang hinawakan ang kanyang siko saka siya iginiya patungo sa garden set. "wait, kukuha lang ako ng gamot" anito hindi nagtagal at nagbalik rin naman ito.
"Ang lalim ng sugat" ani Raphael matapos ilagay ang band aid. Pagkatapos ay itinaas nito ang kanyang kamay saka dinampian ang simpleng halik ang daliri niyang may band aid. Nag-init ang kanyang mukha kaya nagyuko siya ng ulo. "para gumaling agad, I'll seal it with my kiss" nang magtaas siya ng ulo ay lalo lang siyang nag-blush nang may kapilyuhan siyang kinindatan ng binata.
"T-Thanks" aniyang binawi ang sariling kamay.
Tumango ito. "Huwag mo ulit hahawakan iyon" anito saka maingat na muling ginagap ang isa niyang kamay. Nahigit ang paghinga niya nang simulan iyong haplusin ni Raphael, pero pinagsikapan niyang huwag magpahalata. Hindi lang niya matiyak kung nagtagumpay siya. "ang ganda pa naman ng mga daliri mo, dapat ingatan para hindi nagagasgasan."
Napangiti siya, pero mabilis na niragasa ng kaba ang kanyang dibdib sa sumunod na ginawang binata. Itinaas nito ang kamay niya pagkatapos ay hinalikan. Marahas siyang napahugot ng hininga. Alam niyang narinig iyon ni Raphael lalo nang titigan siya nito nang may kakaibang damdamin ang mga mata. Kung ano, hindi niya alam.
"B-Bolero ka talaga" aniya sa kagustuhang hawiin ang kakaibang hangin sa paligid. "huwag mong ipapaputol iyong rose tree ha? Alam mo bang ang hirap magpalaki at mag-alaga ng rose? Maselan kasi ang mga iyan" pakiusap niya sa binata.
Nagkibit ng balikat nito si Raphael. "I hate roses, alam mo ba?"
Natigilan siya sa narinig. "Para mo namang sinabing ayaw mo ng love. Alam mo ba ikaw palang ang taong narinig kong nagsabi niyan?"
"Love? At paano naman napasok ang love sa usapan?" ang natatawang tanong nito.
"I believe that love is like a rose. Kasi kahit ilang ulit ka pang masaktan dahil sa mga tinik nito, magtatanim at magtatanim ka parin. Dahil gusto mo ang kakaibang ganda at sayang hatid nito sa puso mo tuwing pinagmamasdan mo siya" makahulugan niyang sagot.
"That was very deep, are you romantic?" tukso sa kanya ng binata.
Nabigla siya doon, at nang mapuna ang kakaibang lagkit sa mga titig nito ay mabilis siyang umiwas ng tingin at minabuting tumayo nalang. "P-Papasok na ako."
Nangingiting tumayo narin si Raphael saka umagapay sa kanya. "Mag-almusal na tayo, nagugutom na ako eh. Gusto mo bang sumamang magsimba sakin mamayang hapon?"
"H-Ha?"
"Sige na? Tapos mamasyal tayo, para masanay kanang laging ako ang kasama mo. Ilang araw narin mula nung namingwit tayo at hindi pa nasusundan iyon. Teka, mag- Game Arcade tayo, para mas mag-enjoy ka!" excited na turan ng binata.
"G-Game Arcade, may Horror Train ba dun saka Haunted House?" pakiramdam niya pati siya ay nahawa narin sa kasabikang nasa tinig ng binata.
Magkakasunod na tumango ang binata. "Pati Merry-Go-Round meron, kaso walang Ferris Wheel, alam mo na sa loob kasi ng mall."
"Hmnnn, mukha ngang masaya, sige papaalam ako kay Mama" hindi niya maitatangging excited siya, hindi lang dahil gusto niyang mag-enjoy kundi dahil makakasama nanaman niya ng sarilinan si Raphael.
"ARE you sure kaya mong sumakay ng train?" paniniyak sa kanya ng binata nang nasa bilihan na sila ng ticket.
"Oo naman! Sa manyak lang ako takot no!" aniyang tumawa pa ng mahina.
"Sige, halika na" ngiting-ngiti ang binata na hinawakan ang kamay niya saka siya hinila patungo sa pilahan ng Horror Train.
Hindi naman ganoon kahaba ang pila kaya agad silang nakasakay. Pinupuno pa ang train nang maramdaman niyang inakbayan siya ng binata. Napahumindig siyang tiningnan ang kamay nito sa balikat niya. "Hindi ako takot sa mga taong naka-maskara kaya pwede mo nang alisin iyan" aniya sa mahinang tinig.
Malapad siyang nginitian nito. "Okay, sabi mo yan ah!" ang binata saka inalis ang braso nitong nakaakbay sa kanya.
"Tsk, tingnan mo nalang kasi."
Hindi nagtagal at umusad na ang train. Karaniwan ng tanawin sa loob ng tunnel ang kung anu-anong panakot. Natawa pa siya nang makarinig ng magkakasunod na tili mula sa ibang nakasakay rin. Tiningala niya si Raphael na nahuli niyang nakangiting nakamasid sa kanya.
"What? Siguro inaabangan mo ang reaksyon ko ano?" natatawa niyang sita.
Magkakasunod na umiling ang binata. "Napansin ko lang, kahit pala sa madilim napakaganda mo parin. Lalo na ang mga mata mo, parang mga emerald stone" hindi siya pamilyar sa sinasabing bedroom voice ng mga kaklase niya noong high school pero ang tono ng pananalita ng binata, kasabay ng napakasarap na kilabot na gumapang sa kabuuan niya, iyon na nga iyon marahil.
Nagpapasalamat siya't madilim ang paligid. Siguro naman hindi na mapapansin ng binata ang matinding pamumula ng kanyang mukha. "S-Salamat."
"Why are you blushing Lovely Hair? Wala bang nagsasabi sa'yong maganda ka?" sa kaparehong tono na ginamit nito kanina.
Natigilan siya. Ipinaglihi ba ito sa kwago at napakatindi ng eye-sight kahit sa dilim? Nagtaas-baba ang dibdib niya dahil sa pagsidhi ng kabang nararamdaman. Black is beautiful, at pinatunayan iyon ng mga mata ni Raphael. Pinilit niyang magsalita para sagutin ito pero bago pa man iyon ay napalingon siya sa kanyang kaliwa nang may maramdaman.
Malakas siyang napatili nang makitang naka-upo sa pintuan ng gondolang kinalululanan nila ni Raphael ang isang halimaw na duguan ang mukha at talagang nakakatakot ang itsura. Nagtitili at nagpapanic siyang mahigpit na yumakap sa binata.
SIYA man ay nataranta sa nakitang reaksyon ni Louise. Nakababa na ang mananakot pero nagpatuloy parin sa pagtili nito ang dalaga habang mahigpit na nakayakap sa kanya.
"Tama na, wala na siya" pagbibigay alam niya pero parang walang narinig si Louise at nanginginig parin sa takot na nagpatuloy sa malakas na pagtili.
Naiiling niyang inilayo ang sarili sa dalaga saka hinawi ang buhok na tumakip sa mukha nito. "Louise, listen. Wala na siya, okay?" aniyang sa dalagang nanginginig sa takot.
Mayroon siyang dalawang option para ibalik ito sa tamang huwisyo. Ang una ay sampalin ito, ang pangalawa ay halikan ito. At dahil hindi niya ugali ang manakit ng babae, nahinto ang malakas na pagtili ni Louise nang kabigin niya ito para halikan.
Wala sa plano niya ang patagalin ang halik na iyon. Pero nang malasahan niya ang tamis ng mga labi ng dalaga pati narin ang lambot ng mga iyon, parang pati siya ay nawala narin sa tamang katinuan.